Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 70 - Success

Nakaraan ang tatlong buwan, kada sabado inaabangan ni RJ ang video ng From LS with Love, ngayon alam na niya yon pala ang trabahong sinasabi ni Dei sa tweet nito. Marami sa mga sinusugod ni Dei na OFW, natatanong siya palagi tungkol kay RJ.  Nakangiti naman itong sumasagot.  Katulad ng sabadong yon...  nasa Pasay City sila Jose, Wally at Paolo kasama ang Nanay at Kapatid ng letter sender at ang girlfriend nito na nagaalaga sa Nanay ni Ben ang letter sender. Matapos basahin ang sulat ipinakita ang video ng pagsugod ni Dei

Dei:  Good morning Kuya Ben, pasenya na at  naabala ka namin.

Ben:  Naku, ok lang.  Swerte ko nga eh... ang ganda mo pala Dei! RJ wag mo ng pakawalan to!

Dei:  Kuya talaga! so ilang taon na kayong OFW dito sa New York?

Ben: Naku, matagal na.  Twelve years na pero nakauwi naman ako ng Pilipinas every 3 years.

Dei:  Kaylan ho ulit ang uwi ninyo niyan?

Ben:  Ngayong December at excited akong umuwi!

Dei:  Wow naman, may asawa na ho ba kayo?

Ben:  Magaasawa pa lang, magpopropose na ako paguwi ko.

Dei:  Ay, nakakakilig naman. Mapapanood po ng pamilya ninyo ito kaya ano po ang message ninyo sa kanila.

Ben:  Nay, magpagaling ka po. Bert, Belinda  mga kapatid ko magiingat kayo at huwag ninyong pababayaan ang Nanay.

Dei: Ano nga po ang pangalan ng girlfriend ninyo?

Ben: Diane

Dei:  Message po ninyo para kay Diane?

Ben:  Diane, Hon... maraming salamat sa pagaalaga mo kay Nanay. Salamat sa pagmamahal at paghihintay. Konting panahon na lang uuwi na ako at hindi na tayo maghihiwalay. Mahal na mahal kita.

Teary-eyed si Dei... pero pinilit ngumiti.

Dei:  Ano po ang maipapayo ninyo sa mga kababayan natin na nagbabalak na magtrabaho sa ibang bansa.

Ben:  Nasa sipag, tyaga at tatag ng puso ang ikatatagumpay ninyo kahit saan pa kayo papunta.  Gawin ninyong inspiration ang mga taong maiiwan ninyo at siguraduhing mananatili ang pagmamahal na yon dahil yon ang magpapatatag sa inyo.

Dei:  Ben, ngayon sa kahilingan mo sinugod ng Juan for All ang pamilya mo para dalhan ng pasalubong at papremyo.

Ben:  Maraming salamat Dei, Bossing at sa inyong lahat diyan. Maraming salamat at pagpalain ng Diyos ang inyong show.  Thank you Lunch Surprise! O Dei ikaw wala ka bang babatiin?

Natawa si Dei pero ngumiti sa kamera.

Mga dabarkads kamusta kayo dyan?  Miss you RJ! Hanggang sa susunod na linggo pong muli! This is Dei Mendoza from LS with Love.  Bye everyone!

Nagflying kiss siya sa monitor at ipinakita naman si RJ na sinalo yung kiss. Nagtawanan ang mga tao sa studio at nanukso.

Sa ikaapat na buwan na wala si Dei, nagrenew ng 2 years contract si RJ.  Pumayag ang GMA Artists Center sa mga condition niya at non-exclusive ang kanyang contract for the next 2 years.  Kasabay nito may ipinakitang script ang APT na pagaari ng isang bagong movie outfit ang MSE Films.  Mala bagets ang dating pero ang pagkakaibigan ng mga characters nagsimula sa  internet kaya ang title ng movie IBFF (Internet Best Friends Forever)  sa script nakalagay ang mga artistang gusto nilang gumanap. Sina Mark Herras (Playboy-nakabuntis ng babae ayaw pa magasawa), Kristofer Martin (Sports buff-bading ang ama di niya matanggap), Rodjun Cruz (Mama's boy- taga semenaryo), Juancho Trivino (mahirap na in love sa isang mayaman), Mikoy Morales (feeling gwapo bading pala at si Richard Reyes (spoiled brat at kaisa-isang taga pagmana ng negosyo pero may ibang pangarap). Iikot ang kwento sa kung papano silang nagkakilala at nagkabuhol-buhol ang kanilang mga buhay.

Atty. Gozon:  Gusto ko ang istorya, may I know kung sino ang sumulat at sino ang mayari ng MSE Films Corp.

Mr. Tuviera:  Its a corporation by the kids of Vic Sotto, Vico and Danica, Jake Ejercito and one of their non-celebrity friend. Even the scriptwriter is new pero MSE Films are willing to spend for this.

Atty Gozon:  Matatapang na bata... mukhang alam nila ang papatukin ng mga kabataan ah.

Mr. Tuviera:  My thinking too... besides kung hindi natin sila susubukan, papano magkakaron ng successor ang industriya kung wala na tayo.

Atty. Gozon:  Ewan ko sayo Tony pero hindi ako magpapatalo sa tapang ng mga kabataang ito, so I say I am in.

Mr. Tuviera: Lalo na ako.

Nagtawanan sila at ginawa nga nila ang pelikula na ipinalabas makalipas ang apat na buwan. Naging successful ang pelikula, pinilahan at pinanood ng kabataan. Ipinalabas din sa ibang bansa. Naggross ang pelikula ng 18M.  Kasunod na ginawa ang pelikulang "The Grandparents" na pinagbidahan ni Jonee Gamboa bilang si Lolo Ikoy ang mabait at malambing na Lolo at ni Dexter Doria ang masungit at mahigpit na Lola. Kasama si Richard Reyes,  Gabbi Garcia at Baste bilang mga apo ni Dexter at  sila Ruru Madrid at Baste bilang apo ni Jonee.  Naging successful din ang pelikula at naggross ng  9 Million.  Sa loob ng dalawang taon apat na pelikula ang ginawa ni RJ under MSE Films. Ang pangatlo kasama si Jacklyn Jose at ang huli isang action/drama na dinerek ni Gina Alajar na kumita ng 15 Million.

Samantala, anim na buwan si Dei sa New York ng mapublish ang  kanyang unang libro na compilation ng kanyang mga poems at blogs na pinamagatang... "Scribbled Thoughts".  Na nagbest seller sa US at sa Pilipinas.  Kasunod na taon Isinulat naman niya ang kwento based sa kanyang buhay bilang artista na  pinamagatang "My Dreams Journey".   Habang nasa second reprinting ang kanyang unang libro ipinublish ang kanyang pangalawang libro at naglaunch ito sa New York na dinaluhan ng ni Mr. Tuviera at Direk Mike.  Noon siya kinumbinsi ng mga ito na bumalik ng Pilipinas.

Nasa isang coffee shop sila matapos ang launching ng libro.

Dei:  Salamat po talaga sa pagdalo.

Mr. Tuviera:  Natanggap naming lahat ang invitation mo.  RJ could not make it kasi may movie siyang tinatapos under MSE Films.

Dei:  Ok lang po hindi ko naman po talaga inasahan an makakarating lahat but I sent the invites anyway.

Direk Mike:  Congrats Dei!  You made another dream come true. Ang hirap humanap ng book mo sa Manila eh. Dito pa ako nakabili.

Dei:  Salamat po sa patuloy na pagsuporta.

Mr. Tuviera:  Ipinaaabot ng Lunch Suprise ang pasasalamat nila para sa From LS with Love.

Dei:  Sabihin ninyo salamat din, yun po ang sobrang naeenjoy kong gawin kasi para pa rin akong parte ng show everytime ginagawa ko yon.

Mr. Tuviera:  Ano ka ba, you are a part of the show. Ready ka na ba to go to Indonesia, Qatar, Dubai at Milan?

Dei:  Those are your  last four assignment for From LS with Love kasi we are hoping na by February pabalik ka na ng Manila.

Natahimik si Dei.  Nakatingin lang sa kanila.

Direk Mike:  Dei, I was informed that you took acting and theater classes after you finished your writing class so it is obvious to us that you still wanted to come back and act.

Mr. Tuviera:  Two years past your what? 24 now? sabi mo pagnagmature ka. By the time you comeback 25 ka na non.  That is matured enough di ba?

Dei:  I'm amazed Tito natatandaan mo pa yung sinabi ko. I have plans of coming home for my 25th birthday.  I'm not sure though of coming back in showbiz.  May babalikan pa ba ako Sir?

Mr. Tuviera:  Actually, may movie ang MSE na naghihintay sa yo, gustong idirect ni  Gina Alajar at  may somewhat teleserye na pinaplano para sa yo ang Tape.

Dei:  Sige po. I'll see you in a couple of months pero pwede po bang atin-atin lang muna?

Mr. Tuviera: Oo naman

Direk Mike:  Ikaw talaga, maawa ka na doon sa naghihintay sa yo.  Yung huling movie niya he was supposed to be paired with Kim Rodriguez dahil ayaw niya, we had to put a twist on it. Although nakaganda naman yung twist pero naman sakit sa ulo.

Dei:  Napanood ko yon.  Kamusta naman pala siya?

Mr. Tuviera:  Mas ok naman kasi, Dad na niya ang Manager niya so hindi siya over worked. Kumita ang mga pelikula niya sa MSE.  

Direk Mike:  Ang alam ko nga he bought a property somewhere in Quezon.  Apat na yung branch ng  restaurant niya. Meron na sa Laguna at sa Bulacan.  Marami ng pera yon at pwede ng magasawa, pero hanggang ngayon wala pang girlfriend eh.

Natawa si Dei.

Dei:  Ikaw talaga Direk hanggang ngayon fan ka pa din ng love team namin.

Direk Mike:  Oo naman, pero mas fan ako ng real na love team ninyo.

Nakangiti si Dei, pero ang naglalaro sa isip... "hinihintay nga kaya talaga ako?"








Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro