Chapter 65 - Revelation
Huling sabado ng Pebrero, humingi ng appointment si Dei sa APT at Tape. Dumating siya don bandang alas diyes ng umaga kasama sila Tatay Teddy, Nanay MaryAnn at si Direk Pat na tumatayong Handler ni Dei. Dumerecho sila sa opisina kung saan hinihintay sila ni Mr. Tuvierra, Malou Choa, Ms. Jenny at Vic Sotto.
Nakita ni Mama T ang pagdating niya, lumapit si Dei at nagbeso sa kanya. Bumati naman si Mama T sa mga magulang ni Dei at nagpunta sa stage kung saan nagrerehearse si RJ.
Naupo silang lahat sa isang long table, nasa kabilang side ng lamesa ang officers ng Tape at APT at sa kabila si Dei katabi si Direk Pat at ang mga magulang niya.
Direk Pat: Good Morning po. Sorry for the short notice pero this has long been overdue since alam naman nating eight months ng tapos ang kontrata ni Dei sa atin. Gusto na ho kasi niyang magpaalam.
Mr. T: It's ok Pat, ang totoo pakiramdam ko nga idinedelay lang natin ito dahil ayaw nating lahat na umalis siya. Ang totoo Dei, pumunta ako dito hoping na may ibang paraan pa para magawa mo ang gusto mong gawin ng hindi mo tinatapos ang kontrata mo sa amin. Kaya gusto kong malaman ang dahilan ng pagalis mo? May mali ba sa paghahandle namin sa yo? May hindi ka ba nagustuhan? May kulang pa ba? Hindi ka ba masaya dito?
Dei: Tito, sobra-sobra na ho ang lahat ng ginawa ninyo para sa akin. Sobra pa sa inasahan at pinangarap ko. Tinupad ho ninyong lahat ng pangarap ko at wala na ho akong mahihiling pa. Maayos din ho ang naging paghahandle ninyo, inaalagaan ho ako ng mga tao dito na parang anak. Tape and APT is my second home. Dito po nangyari ang pinaka masasayang araw ng buhay ko, dito din po ako natututo ng maraming bagay at dito ko po nakilala ang sarili ko dahil binigyan ninyo ako ng chance na ilabas ang mga talent na hindi ko alam na meron ako. Ito po ang naging dahilan para makilala ako sa iba't ibang parte ng mundo. Fame is nothing kung hindi ka masaya. Dito sa piling ninyo I have both. Maniwala ho kayo, madali para sa akin ang iwan ang kasikatan dahil simpleng tao lang naman ho ako at hindi ko din naman halos na-overcome ang pagkamahiyain ko. Mabigat ho sa loob ko ang iwan ang lugar at mga tao dito pero alam kong kailangan kong gawin yon para sa ikatatahimik ng kalooban ko. Physically natuto akong umarte pero. Pero hindi po kaya ng dibdib ko na nagtatago sa katotohanan. Marami na ho akong love team na napanood ang totoo bilib ako sa kanila dahil pati puso nila naturuan nilang umarte. Yun ho kasi ang hindi ko magawa. Isa pa ho alam ko hong ayaw sa akin ng management ni RJ eh. Ang hirap naman po non di ba, one sided parang yung ibang mga fans din niya.
Ms. Jenny: Dei, don't be hard on yourself like that.
Dei: I'm not being hard on myself Ms. Jen aware lang talaga ho ako na ayaw nila sa akin. I have proven that a couple of times. Siguro po kailangan ko munang magmature para magawa ko ng tama yang loveteam na yan.
Ms. Malou: Ibig bang sabihin kung halimbawang may ibang segment kaming ipapagawa sa yo that does not involve the love team, you will stay?
Vic: Dei, we all saw what you did to help the show and what you did to make earnings for the company. Be it said, you are an asset to us. Syempre ayaw ka naming mawala. Kaya mas gusto namin na gawan ng paraan that you are still part of the show.
Dei: If you can think of a segment na hindi ko kailangang gawin sa studio, dito sa Pilipinas at pwede kahit saang lugar pwede po siguro. Kasi po I am leaving for the states very soon. McMeel Publishing has offered to publish my book at ang pagiging writer ho ay isa sa pangarap ko.
Vic: McMeel is the publisher of Lang Leav's books tama?
Dei: Opo Tito, actually they found out that I wanted to write through Lang Leav.
Ms. Jen: Congratulations then, that is a great opportunity. Ganito na lang can you still give us time? Can you stay sa Lunch Surprise for your birthday celebration at yun na din ang despedida mo?
Mr. T: Tatapatin ka namin Dei, we don't want to let you go pero ayaw din naman namin na ipagkait sa yo ang pagtupad mo pa sa ibang pangarap mo. We will think of something kapag naayos na pagusapan natin ulit. For now, I want you to concentrate on rehearsing for you birthday show. You came in silently on our stage, I want you to leave the stage with a big bang. I want you to show them what you have become.
Ngumiti si Dei.
Dei: Sige po, alam naman ninyong hindi ko kayo kayang tanggihan. Gusto ko din naman hong magiwan ng konting saya sa mga fans bago ako umalis eh.
Mr. T: Ok we are done here, sige na magrehearse ka na para sa opening number ninyo.
Dei: I have one more thing I need to talk to you Sir and Tito Vic if you don't mind.
Nagpaalam na si Ms. Jenny at Direk Moty, kinausap din ni Dei ang kanyang magulang na hintayin na lang siya sa labas.
Dei: Sir, Tito Vic, nangako ho kasi ako kay RJ na walang iwanan at gusto ko hong tuparin yan sa paraang kaya ko.
Makalipas ang trenta minutos lumabas na si Mr. T, Vic, Direk Pat at Dei ng masaya.
Tatay Teddy: So, ano ok na ba?
Dei: Opo Tay salamat po sa pagsama ninyo ha.
Nanay MaryAnn: Wala yon, sige na aalis na kami at may mga kausap pa kami sa opisina. Magtrabaho ka na muna at magenjoy.
Niyakap ni Nanay MaryAnn si Dei, tumatakbo naman palapit si RJ. Nagmano kay Tatay Teddy at Nanay MaryAnn.
RJ: Good Morning po, tapos na po ang meeting ninyo?
Tatay Teddy: Oo nak, paalis na nga kami may meeting pa kasi kame sa opisina eh.
RJ: Ay ganon po ba? Sige po kami na po ni Ate Pat maghahatid kay Dei mamaya.
Nanay MaryAnn: Sige, ikaw ng bahala sa dalaga namin ha.
Tuluyan ng umalis ang mga magulang ni Dei.
RJ: Let's go? Rehearse na tayo?
Masaya silang nagrehearsal ng kanilang production number para ng araw na yon. Makalipas ang isang oras, nagpunta sila sa host room para kumain. Dinatnan nila don sila Direk Pat, Direk Moty, Ruby, Pauleen, Ryan at Pia.
Ruby: Oh tapos na kayo?
RJ: Yup at gutom na kami. Anong meron?
Pauleen: Tinapa Rice padala ni Tita Helen.
Dei: Uy, masarap yan.
Naupo si Dei sa tabi ni Pauleen at tumabi sa kanya si RJ. Habang kumakain nagkwentuhan sila.
Pauleen: Sabi ni Vic, nagpapaalam ka na daw Dei?
Dei: Oo eh, sorry ha. May offer ang McMeel Publishing, they want to publish my book.
Pia: Di ba yun ang publisher ng libro ni Lang Leav?
Dei: Opo.
Ryan: Wow naman! That is an opportunity you should not miss.
Dei: Kaya nga eh, mabigat sa dibdib ko na iwan kayo at ang lugar na to pero gusto ko naman matupad ang isa pang pangarap ko. Tsaka isa pa para matahimik na itong si RJ. Problema lang dinala ko sa kanya.
RJ: Alam mong hindi totoo yan.
Dei: Joke lang. Siguro I need to mature para makaya ko yang pressure na pinagdadaanan mo.
RJ: I've been here too long I guess sanayan lang din minsan.
Ruby: Hanggang kailan ka na lang dito?
Dei: Hanggang sa week ng birthday ko. I'm leaving you with a birthday show.
Pauleen: Wala na bang atrasan yan? Sabi ni Vic they will not let you go without a fight.
Dei: Oo nga eh, hindi lang kami nagjack en poy nila Mr. T at Tito Vic, nagbunong braso pa.
Nagtawanan ang lahat. Pinagmamasdan ni RJ si Dei ang nasa isip... "Ayan ka eh kahit gaano na kalungkot ang mood napapasaya mo pa rin. You are a breathe of fresh air to all of us Dei and a ray of hope as well."
Kinalunisan nasa Barangay na ulit si Dei para sa Juan for All. Nasa isang bahay sila doon at nagbe-briefing. Matapos magbriefing kinorner si Dei nila Jose, Wally at Paolo.
Wally: Sabi ni Pat, hanggang birthday mo na lang daw ikaw?
Dei: Oo eh! Pero I am hoping na kahit papano I would still be a part of the show.
Jose: Wala na bang makakapigil sa yo? Alam ba nila ang totoong dahilan ng pagalis mo?
Dei: Sinabi ko naman eh. Ayokong iwan kayo eh, this is already a second home to me pero alam ko kailangan kong gawin ito eh. Pero tulad ng pangako ko. Walang iwanan. I may be physically not here pero sisiguraduhin ko na kasama ninyo ako sa mga iba pang gagawin ninyo.
Jose: Well wala naman tayong magagawa, kung saan ka magiging masaya Dei susuportahan ka namin.
Paolo: Oo nga, so let's make the best out of this last week na makakasama ka namin.
Wally: Group hug na!
Nagyakap naman sila. Isang masayang episode ang ginawa nila. Pagdating ng Miyerkules. Ipinakita sa opening ng show ang isang Teaser... Mga pictures ni Dei simula ng magumpisa siya. Yung video ng audition niya at ilang mga video clips at pictures ng mga espesyal na araw nila ni RJ sa streeserye at may voiceover ito ni Dei...
"Dito ako unang nakita, dito sa show ako unang nakilala. Dito binigyan ako ng pagkakataon na ipakita ang mga talentong hindi ko akalain na meron ako. Dito minahal ako at itinuring na anak, pamangkin, kapatid at kaibigan. Dito ako natutong magmahal. Ito ang aking tahanan, kasama ko ang buong pamilya ng Lunch Surprise ng tuparin ko ang aking mga pangarap. At katulad ng isang mapagmahal at maunawaing pamilya patuloy nila akong sinusuportahan na abutin ko ang pinakamataas kong pangarap kahit pa kailangan kong umalis sa ilalim ng bubong ng tahanan kong ito. Maaring wala ako sa inyong tabi pero mananahan ang bawat isa sa inyo sa puso ko. Katulad ng sinabi ko noon, walang iwanan... mananatili akong kasama ninyo sa isip at puso. Mga Dabarkad's samahan ninyo ako sa Sabado, hindi para magpaalam kung hindi para buksan ang panibagong yugto ng aking buhay."
Nagulat ang lahat ng host ng mapanood ang teaser. Tahimik si RJ. Pumutok ang balita sa twitter. Maraming nagtatanong, bakit? Maraming haka-haka na may kinalaman ang insidente sa Primier Night After Party. Maraming nagbigay ng opinyon. Pero si RJ at Dei nanatiling tikom ang bibig. Pagkatapos ng show dumerecho sa studio si Dei para magrehearse ng number niya kasama si RJ.
Isang oras na silang nagrerehearse pero nagkakamali pa rin si RJ.
Ms. Jenny: RJ ok ka lang? Parang hindi ka makafocus ha.
RJ: Sorry, Ms. Jenn pwede pa ten minutes break promise pagbalik natin ok na ako.
Ms. Jenny: Ok sige 10 minutes break everyone.
Nagpunta si RJ sa banyo, naghilamos tapos nagpunta sa dressing room eksakto naman nandon si Dei, kumukuha ng towel sa bag niya. Iniabot ni Mama T kay RJ ang towel nito.
Dei: May problema ka ba? Ok ka lang? Dati naman mabilis mong nakukuha yung mga steps bakit ngayon?
Tumingin si Dei kay Mama T na parang sinasabing "Mama, excuse muna kausapin ko lang." Lumabas sa dressing room si Mama T at ipininid ang pinto paglabas niya.
Naupo si Dei sa couch... sinenyasan si RJ na maupo sa tabi niya.
RJ: Ok lang ako, madami lang iniisip.
Dei: Tulad ng?
RJ: Management Problems, mga fans at ikaw.
Dei: Ako? Oh bakit ako?
RJ: Yung pagalis mo...
Natahimik si Dei. Ito na yung kinatatakutan niya.
RJ: Akala ko ba Mate, walang iwanan? Sabi mo we got each others back. Saan ako pupulutin pag iniwan mo ako?
Dei: Ano ka ba naman... si Richard Reyes ka award winning actor. Platinum record holder ng makailang ulit. Prince of Philippine movies, anong saan ka pupulutin? RJ, you are already made bago pa ako dumating sa buhay mo. Ngayon isang rising action star. Sa showbiz nakaukit na ang pangalan mo. Mawala man ako, hindi na magbabago yon.
RJ: I maybe already made before you came but I was not genuinely happy before you came. At alam kong alam mo na iba ako noon kaysa sa ngayon because you brought happiness into my life.
Dei: Marami tayong memories na pwede mong balikbalikan para maging masaya ka. Panoorin mo lang ang mga episode ng streetserye am sure sasaya ka na.
RJ: Pero iba pa rin yung kasama kita, yung everyday source ka ng mga ngiti ko kahit sa split screen lang kita nakikita kapag nasa baranggay ka.
Dei: Pareho lang yon eh, nasa screen din ako ng 5 araw
RJ: Pero kasama kita pag dating ng sabado. O kaya kapag may mga commercial shoot tayo. Iba pa rin yung nandito ka, nahahawakan at personal na nakakausap.
Dei: Matagal mo ng alam na mangyayari ito di ba? Sa yo ko nga unang sinabi na hindi na ako magrerenew eh.
RJ: Alam ko pero all this time, I was hoping you would change your mind. Kaya gusto kong malaman, kaya mo ba itinuloy dahil sa nangyari nung party?
Dei: Kahit walang nangyari nung party desidido naman talaga akong ituloy eh. Naalala mo yung sinabi ko noon na iisang bagay lang ang pwedeng maging dahilan for me to quit the love team? Well, I have learned how to act and cry physically pero ito hindi eh. Nakakabilib nga yung ibang mga loveteam eh, katulad mo sa mga iba pang naging kaloveteam mo noon kasi kayo naturuan ninyong umarte pati ang puso ninyo. Ako kasi hindi eh, lahat lahat yon totoo dito eh. (Sabay turo sa dibdib katapat ng puso)
Napatingin si RJ kay Dei.
RJ: Are you saying... mahal mo ako?
Natawa si Dei...
Dei: Matagal na... tanga di ba?! Alam ko naman kasing mali pero pinabayaan ko ang sarili ko na mahulog sa yo na mahalin ka. Alam ko namang magiging problema ko ito pero hindi ko kinayang pigilan eh. Noone is to blame but myself.
RJ: Kailan pa naging mali ang magmahal? Kailan pa naging katangahan ang magmahal? Puso ang pumipili ng taong mamahalin mo kaya kahit anong gawin mo hindi mo ito mapipigilan. Bakit mali, dahil kay Koreen? Pero Dei...
Tinakpan ni Dei ng daliri ang bibig ni RJ.
Dei: Wala kang sasabihin na makakapagpabago sa desisyon ko RJ. Kahit sabihin mong wala na kayo ni Koreen, kahit sabihin mong hindi mo na siya mahal at kahit sabihin mo pang mahal mo rin ako hindi na magbabago pa ang desisyon ko. Kaya pakiusap, huwag mo ng sabihin. Please huwag mo akong bigyan ng pagkakataong saktan ka.
Tumulo ang luha ni RJ...
RJ: Yung isipin lang na aalis ka nasasaktan na ako, what is more pain?
Dei: Gagawin ko ito hindi lang para sa sarili ko at pagtupad ng pangarap ko. Gagawin ko ito kasi ganon kita kamahal.
Gumaralgal ang boses ni Dei at nagunahan sa pagtulo ang mga luha niya sa pisngi.
Dei: Alam kong habang nandidito ako, hindi matatapos ang problema mo sa Management at fans mo. Ayokong maging dahilan ng pagkakasira ninyo. At kung totoong mahal mo ako, maiintindihan mo ako. Dahil ang alam ko sa pagmamahal, gagawin ang lahat para sa kaligayahan ng taong mahal niya.
Tahimik na hinawakan ni RJ ang kamay ni Dei hinalikan at pinalaya ng tuluyan ang mga luha at damdaming pilit niyang itinatago. Bahagyang bumukas ang pinto ng hindi nila namamalayan sinilip sila ni Ms. Jenny at ng makita ang itsura nila muling ipininid ang pinto at sinabihan si Mama T na tumayo sa labas nito at siguruhing walang makakaistorbo sa paguusap ng dalawa.
Tumulo ang luha ni Ms. Jenny, naawa siya sa sitwasyon ng dalawa at dahil siya ang may idea ng loveteam na ito, talagang apektado siya. Nakita siya ni Mr. T at Ms. Malou.
Mr. T: Oh bakit?
Ms. Jenny: Wala ho Sir, nakita ko lang hong parehong umiiyak na naguusap si RJ at Dei sa hostroom.
Napailing si Mr. T at nateary eyed din si Ms. Malou dahil para na nilang anak ang dalawa. Biglang nagsalita si Vic at inakbayan si Ms. Jenny at Ms. Malou.
Vic: Sabi nga ni Lola di ba ang lahat may tamang panahon. Huwag kayong magalala... darating din ang tamang panahon ng dalawang yan.
Samantala sa loob ng hostroom... pinahiran ng mga daliri ni RJ ang pisngi ni Dei.
Dei: RJ, believe me I know that love is never the problem, wrong timing lang talaga.
RJ: Ok promise me then na hihintayin natin yung tamang panahon. I will try to fix things around here while you write your book at kapag natapos ka babalik ka kung hindi pupuntahan kita.
Dei: Promise, pero habang magkalayo tayo we will give each other the space. Dahil naniniwala ako na kung totoo ito, kung ito ang nakatadhana kahit hindi tayo nagkakausap, tadhana ang gagawa ng paraan para magkasama tayong muli.
RJ: Ok, promise... hindi ako makikipagcommunicate sa yo. I will give you space and let destiny take its course.
Nagpinky promise sila at niyakap ang isa't isa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro