Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 64 - Bruised

Natapos na gawin ang pelikula nila bandang December at sa New Year Episode ng Lunch Surprise ipinakita ang initial trailer ng pelikula nilang " Astig!" na may sub-title na "Mahal kita kahit ano ka pa" na ipapalabas bilang Valentine Treat nila sa kanilang mga fans pero first week ito ng Pebrero ipinalabas.

Naging busy sila RJ at Dei. Nagkaron sila ng TV guesting kasama sila Gabby, Irma, Sheena, Rodjun at Kristofer para ipromote ang nasabing pelikula.

Nagpunta sila sa Barangay at nag-promote sa Juan For All segment.  Nag-guest din ang mga kasama nila sa pelikula sa Lunch Surprise.

Nag-promote din sila sa Sunday Show ni RJ.   Ganon din sa show ni Regine Velasquez at nagpaunlak din silang muli ng isang interview para sa 24 Oras.

Naging maganda naman ang feedback ng trailer ng movie galing sa mga fans.  Maingay na maingay sa twitter ang RichDee Nation.  Naiinip na sa paghihintay. Araw-araw naglalabas ng Behind The Scene pictures at video ang ilan sa kasama nila sa pelikula mga picture na sweet ang dalawa. Lumabas ang picture na magkasama silang kumakain o nagkukulitan at kung ano-ano pa kaya masayang masaya na naman at kinikilig ang kanilang mga fans.  May lumabas din ng picture na nakafighting stand si Dei at kaharap ang isang goon.  Na naging usap-usapan. 

Talagang inabangan ng kanilang mga tagahanga ang pelikula kaya pagdating ng Premier Night, punong puno ang hallway ng SM Megamall simula sa parking area sa basement.  Dumating ang lahat ng cast sa naturang premier night. Marami ding mga taga parehong network ang nandon para manood at sumuporta.   Katulad ng mga kasamahan nila sa Lunch Surprise kasama ang kani-kanilang mga pamilya.  Ganon din si Marian at Dingdong,  Carla at Tom,  at ang iba pang mga kaibigan ni RJ na taga Artist Center.   Namataan din sa Premier Night ang ilan sa mga celebrity na naging kaibigan ni Dei sa social media tulad nila Angelica Panganiban, Luis Manzano,  Marvin Agustin at ang gusto daw makatrabaho sila Dei at RJ na si Angel Locsin.

Nagpaunlak ang mga ito ng interview bago pa pumasok sa Cinema.  Dalawang tanong lang ang itinanong sa kanila. Bakit ka manonood ngayon?  Ano sa palagay mo ang magiging reaksyon ng network na kinabibilangan mo sa panonood mo ngayon.

Angelica:  Marami na akong nakitang litrato ng pelikula at totoo marami akong nababasa na good and bad comments about the acting of Dei Mendoza but I have my own opinion based on what I've seen so far at kaya ako manonood ngayon para malaman ko at makita ng sariling mata ko. Curious ako because she's been nice to me in social media.  Hindi ko pa siya namemeet but I like the fashionista in her. Wala naman sigurong masama na manood ako.  Hindi naman ako nagguest or anything manonood lang akong bilang isang simpleng manonood katulad ng ibang naririto dahil curious ako.

Luis:  I want to see RJ and Dei's acting sa isang action film. Naiintriga ako sa change na ito.  I don't think our network would mind since wala naman akong binibreak na rules. Isa lang itong pagsuporta sa pelikulang pilipino.

Angel:  Tulad ng sinabi ko noon, sana makatrabaho ko sila dahil marami na akong naririnig na balita na talagang magaling sila at kinikilig ako sa kanila. Wala namang kasabay na pelikula mula sa network kaya ok lang yon.

Marvin:  Ordinaryong tao lang ako na idinedate ang pamilya ngayong gabing ito at dahil RichDee fan sila I brought them here.   No offense meant sa network of course, suporta lang sa pelikulang pilipino.

Vic:  This is a big change para sa loveteam nila at ako, sampu ng buong pamilya ko pati mga po ay RichDee fan so gusto lang naming mapanood sila at makita ang malaking pagbabagong ito sa kanilang loveteam.  Besides baka matagalan bago pa masundan ito.

Sobrang successful ang premier night na napuno ang dalawang magkatapat na sinehan sa SM Megamall.  Marami ang nagsabing magugulat ang mga manonood sa  pagarte at mga stunts na ipinakita ni RJ at Dei.  Masayang masaya ang lahat ng cast at crew ng pelikula. Matapos ang Premier Night dumeretso ang lahat sa isang after party. Inimbitahan ang manager at handler nila RJ at Dei at may Ilan sa admin ng mga fans club nila Dei at RJ ang naimbitahan na dumalo sa nasabing pagdiriwang na ginawa sa isang function hall ng isang hotel.

Masayang nagdatingan ang lahat doon.  Nag-opening speech si Mr. Tuviera gayon din si Atty. Gozon. Masayang niyakap at binati ng mga ito si RJ at Dei para sa success ng pelikula. Nagkainan sila at masayang nagkwentuhan.   Katulad ng inaasahan may sariling mundo si RJ at Dei, nagbubulungan, bumubungisngis at parehong nagniningning ang mga mata.  Nagbiro si Vic.

Vic:  Kamusta naman kayo diyan, sa itsura ninyo para kayong si Mr. and Mrs. Reyes eh hindi si Joaquin at Alex.

Ms. Jenny: Ay naku sanay na kami sa dalawang yan.

Atty. Gozon:  Bakit hanggang ngayon ba hindi pa umaamin ang dalawang ito. Aba eh inip na inip na ang mga apo ko.

Nagtawanan sila.  Nagpaalam si Dei na magpupunta sa banyo.  Nakatayo na ito ng magsalita si RJ at halatang ipinaririnig sa lahat ang sasabihin niya.

RJ:  Mahal, samahan na kita!

Nanukso ang lahat.

Direk Mike:  Ayon oh... kapag sumagot yan ng mahal, totohanan na ito.

Nangingiti si Dei at sumagot.

Dei:  Ok Mahal!

Naghiyawan ang lahat.  Tumayo si RJ at hinawakan ang kamay ni Dei.  Ang ganda ng ngiti nito dinaanan nila ang ilang lamesa ng mga admin ng fans nila at nagpaunlak ng ilang pictures sa mga ito.  Lumapit din sila sa table ng RJNatics at  nagpapicture.   

Dei:  Mahal  sige na CR lang ako dito ka na muna.

Tumalikod na si Dei at RJ.  Hahakbang na sila ng masalubong nila si Nelson, humakbang si Dei at nagbeso kay Nelson akala yata ng nakaupo sa likod nila tuluyan na silang aalis.

RJNatics Admin: Makamahal wagas ah. Carlitos hindi ba alam ng babaing yan na alam namin ang tungkol kay Koreen.

Narinig yon mismo ni RJ at Dei. Nilingon ni RJ ang mga nasa lamesa tinignan ng masama ang babaeng nagsalita.

Humarap sa lamesa nila si RJ hinampas ang lamesa. Napatayo si Carlitos.

Carlitos:  RJ calm down ang daming tao.

RJ: I don't care! I cannot believe that you can betray me like this. Sinira na ninyo ako kaya kahit ano ang gawin ko ngayon wala na akong ikasisira pa!

Galit ang mukha at malakas ang boses na nakatawag pansin sa iba pang nandon.  

RJ:  Wala kang pakialam kung ano man ang itawag niya sa akin. Wala kayong pakialam at bago kayo magsalita ng kung ano-ano siguraduhin ninyong tama ang source ninyo dahil baka ang balita ninyo luma na. Mahal ang tawag ko sa kanya dahil mahal ko siya at kung yun ang tawag niya sa akin  dahil yon ang gusto ko!

Dei:  RJ tama na. Let's go! Naguusyoso na ang mga tao. Calm down. 

Hinaplos ni Dei ang pisngi ni RJ at hinawakan ang kamay nito. Tumingin si RJ kay Dei at niyakap ito.

RJ:  Sorry, Ok ka lang?

Tumango si Dei at nagpunta na sa banyo.  Tinapik ni RJ si Leysam at bumulong dito. 

Leysam: Mama T, yung mga gamit daw nila RJ at Dei paki-ready na aalis na sila pagkatapos magpaalam sa iba.

Sa banyo hindi na napigil ni Dei ang maiyak, naisip niya... "kaya naman pala kung ano ano ang sinasabi nila, may alam pala sila." Ilang sandaling  pinalaya ni Dei ang damdamin at luhang kanina pa niya pinipigil. 

Samantala pagpasok ni RJ sa banyo, napasuntok sa pader. Inilabas ang galit.  Sumunod sa kanya si Leysam.

RJ: Ley ano pa ba ang kulang sa ipinakita ko sa kanila sa mga ginawa ko.  Bakit ginawa nila sa akin ito? 

Nangingilid ang luha ni RJ, sumuntok ulit sa pader at tumulo ang luha.

Leysam:  Hindi ko din alam, pero may mga tao talagang ganon eh. Ibinigay mo ang kamay mo gusto buong braso mo, ibigay mo ang braso mo kukunin pati pagkatao mo. Pero kailangan mong kumalma. Hindi ito ang tamang panahon para harapin sila. Maghilamos ka na.  Baka mamaya maunang lumabas si Dei, baka biglang magwalk-out kapag hindi ka nakita.

Ginawa ni RJ ang sinabi ni Leysam at inayos ang sarili lumabas ng banyo at tumayo sa may pinto ng CR ng babae para hintayin si Dei. Makalipas ang sampung minuto na wala si Dei ipinatawag ni RJ si Sheena kay Mama T.  Matapos makausap si Sheena, bumalik na ito sa lamesa.

Pumasok si Sheena sa banyo.  Nakita nito ang pagtangis ni Dei. Niyakap ni Sheena ang kaibigan. Magsasalita sana si Dei sa pagitan ng paghikbi pero pinigil siya ni Sheena.

Sheena:  Sssshhhhh alam ko na, sinabi sa akin ni RJ siya ang nagpapunta sa akin dito dahil nagaalala na at ang tagal mo daw lumabas.

Pinabayaan ni Sheena, na umiyak sa balikat niya si Dei ng ilang minuto.

Sheena:  You have to collect yourself now, magtataka na sila at  ayusin natin ang make-up mo halatang umiyak ka eh. 

Tinulungan ni Sheena na magmake-up si Dei.  Nang maayos na ang pakiramdam bumalik na sa lamesa.

Ilang sandali pang nagstay ang mga ito at nang magpaalam na ang mga big boss ng APT at GMA. Tinawag ni RJ si Leysam at Ms. Jenny sinabing paunahin ng umalis ang mga admin ng fans nila. Naiwan ang mga cast at crew ng pelikula.  Nang masigurong sila-sila na lang.  Tumayo si Dei.

Dei:  I would like to take this opportunity kasi baka hindi na ako magkaron pa ng pagkakataong makasama kayong lahat sa iisang occasion.   I would like to thank each and everyone of you for the chance to work with you.  Direk Mike, Direk Chito at sa lahat ng bumubuo sa paggawa ng mga pelikulang ito.  Salamat sa mga paalala, paggabay, sa mga magagandang kuha, pagaalaga at mga tips na ibinibigay ninyo.  Sa dalawang pelikulang ginawa ko kayo ang nakasama ko at kahit saan ako magpunta dala ko ang mga alaalang ito.  Maraming salamat po.  Sa mga magagaling na artistang nakasama ko sa pelikulang ito, maraming salamat sa opportunity, isang malaking karangalan po ang umarte na kasama kayo.  Tito Gabby, Tita Irma salamat po sa pagpapaunlak. Isang dream come true po ang makasama kayo. Imagine dati pinapanood ko lang kayo sa movie.  Sheena, Rodjun and Kris thank you so much for the true friendship.  By next month magpapahinga po muna ako, so sana kahit papano we can all still keep in touch kung saan man ako makarating. You know where to find me. Thank you and someday I hope to work with all of you again.

Nagpalakpakan ang lahat. Niyakap ni Dei si Irma, Gabby, Direk Mike, Direk Chito, Sheena, Rodjun at Kris.  

Dei:  May isa pa pala... bahala na kayo kay RJ ha.

Nagtawanan silang lahat, natawa si RJ, naisip niya, "you can always make a heavy feeling become light Dei, that is one of your many talents."  Sabay sabay na silang lumabas ng function room.  Dere-deretso na sila sa lobby ng hotel. Nandon na din ang kotse ni RJ, inalalayan niya si Dei na sumakay at umikot siya sa tapat ng driver's seat.  Kumaway sa mga kaibigan at sumakay na. Pagandar ng kotse ni RJ. Nagkanya-kanya na ng sakay sa kani-kanilang mga sasakyan ang iba pang cast.

Hinatid ni RJ si Dei sa Condo Unit nito.  Pagpasok nila sa Unit.

Dei:  Upo ka muna.  What would you like to drink?  

RJ:  Water na lang please.

Kumuha si Dei ng dalawang bottled water sa Ref , naupo sa couch at iniabot ang isang bote ng tubig kay RJ. Ininom ni RJ ang kalahati ng tubig.  Bumuntung hininga.

RJ:  Dei pasensya ka na talaga.  Hindi ko alam that Carlitos can betray me like that.  Akala ko talaga siaya lang ang nakakaalam at walang fans siyang sinabihan, but obviously meron.

Dei:  You don't have to say sorry, hindi mo naman kasalanan yon eh.  At least now I know kung bakit ang dami nilang nasasabi.  Narealize ko lang siguro araw-araw nila akong pinagtatawanan no?!  Hindi ko din alam kung bakit pero wala naman akong ginawang hindi maganda sa kanila. I even tried to be nice pero inisnab nila ako.  Siguro ang hinihintay nila, amuin ko sila, try to please them like the way you do with them.  If that is the case, I'm sorry for not even trying to do so. Kilala mo ako, you know that I will not change myself para magustuhan nila.

RJ:  No, wala kang kasalanan.  Tama ka wala kang ginawa sa kanila at hindi mo din naman sila kailangang i-please.  They are just very one sided, wala naman talaga silang nagustuhan na naging leading lady ko eh.  They don't like Koreen either.  Sila yung mga fans na gustong magsolo ako.  Akala ko noon sobrang bilib lang sila sa akin  ngayon narealize ko, they are just selfish.  At alam kong kaya ayaw nila sa yo is just because they know I like you too much to the extent that nakuha mong baguhin ako.  You thought me to spend my free time with my family which I spend all those times before with them.  Noon, sila lang ang pinupuntahan ko, mga parties lang nila, ngayon ang dami ng ibang RichDee Fans Club na pinupuntahan ko ang mga party.  Siguro nagseselos kasi nga noon sa kanila lang nakatuon ang panahon ko eh.  Sila lang ang binabati ko at pinasasalamatan. Masama lang ang loob ko dahil noong mga panahon na yon at hanggang ngayon I do special things with them.  Ilan sa kanila sinasama ko pa nga sa mga shows ko sa  Japan. I give them priviledge na hindi ko binigay sa iba pang fans.  They even know my personal phone number.  Ano pa ba ang kulang sa ginawa at binigay ko sa kanila.

Dei:  Hindi ko din alam ang sagot sa tanong mo RJ pero ang alam ko lang kapag totoong mahal ka mas gugustuhin nilang makita na maligaya ka, na wala ka ng pinuproblema at palagi ka ng masaya.

Nahinto ang paguusap nila ng  tumawag si Leysam na nasa basement na sila. Tumayo na si RJ

RJ: Nandyan na sila sa ibaba, alam kong pagod ka na kaya uuwi na ako.

Niyakap ni RJ si Dei at hinalikan sa buhok.

Nang gabing yon, iniiyak ni Dei hanggang sa makatulog ang lahat ng sama ng loob niya.

Sa mga dumating na araw at linggo.  Tumabo sa takilya ang pelikula nila. Tumagal na ng dalawang linggo pa lang sa sinehan pero milyon-milyon na ang kinita nito.  Naging Box Office Hit.   Naging successful din ang pagpapalabas nito sa ibang bansa tulad ng Dubai, Japan, at ilang state sa US tulad ng New York at California.  Masaya sila RJ at Dei sa naging resulta ang kanilang pelikula pero parehong may lungkot sa kanilang mga puso... si RJ dahil alam niyang ilang araw na lang ay hindi na niya muli pang makikita ang mga ngiti ni Dei.  At si Dei dahil alam niyang kahit gaano pa niya kamahal si RJ mas pipiliin niyang layuan ito para matapos na ang mga pinuproblema nito.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro