Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 63 - Kisses

Sa huling araw ng shooting day... tatlong eksena na lang ang kukuhanan nila.   Una ang eksena pagkatapos ng talon nila sa hanging bridge na kukuhanan sa ilalim ng kweba, pagahon nila sa tubig hindi napigilan ni Alex na maiyak, aaluin siya ni Joaquin at hindi mapipigilan ang sarili na halikan ang dalaga. Pangalawa, ang makabagbag damdaming eksena ng pagkakabaril kay Joaquin at pangatlo, ang ending.  At lahat yon puro may kissing scene.

Nasa loob si Dei ng Cottage kung saan sila nagstay.  Nakaupo si Dei sa couch, hawak ang script.  

Sheena: Hay naku, last shooting day na, tapos na din ang maliit na bakasyon natin back to Manila na naman tayo bukas.

Walang imik si Dei...

Sheena:  Dederetso ba kayo ng uwi tomorrow or sa studio kayo dederecho.

Hindi pa rin sumagot si Dei.  Nakahalata na si Sheena, tinignan si Dei.  Kinuha ang unan at ibinato kay Dei.  Nagulat siya.

Dei:  Ay!  Ano ba?

Sheena:  Anong ano ba?  Ikaw ang ano ba girl? Kanina pa ako daldal ng daldal, hindi ka naman pala nakikinig at tulala ka lang dyan.  Ano bang nangyayari sa yo?

Dei:  Iniisip ko lang yung gagawin nating eksena eh.  Kaya ko kaya yung heavy drama natin nila Tita Irma?  Tapos yun pang eksena kasama si Joaquin na nabaril...

Sheena:  Alam mo ikaw, minsan nakakainis na yang pagiging nega mo.  Ang daming drama scenes ng teleserye nagawa mo nga eh.  Ngayon ka pa ba magaalala? Kayang kaya mo yon, lalo na yung eksena ninyo ni RJ, isipin mo lang na totoong si RJ ang nabaril I'm sure baka mapasigaw ka pa at hagulgol.

Dei:  Talagang nakuha mo pang magbiro ha.

Sheena:  Yung mga drama scenes ba talaga ang inaalala mo oh yung kissing scenes?  Although am sure kayang kaya kang dalhin ni RJ sa mga scenes na yon.

Dei:  Sheena naman eh, puro ka kalokohan eh.

Sheena:  Kalokohan ba talaga?  Eh obvious naman na may pagtingin kayo sa isa't isa pero naiintindihan kita eh.  Mahirap paniwalaan kahit pa nararamdaman mo na dahil sa sobrang galing nyang artista, hindi mo na alam kung kailan siya umaarte at hindi.

Dei: Friends talaga tayo, you can read my mind eh.

Sheena:  Well sa mga kwentuhan natin obvious naman laman siya ng isip at puso mo pati na ang pagaalinlangan mo halata ko.

Dei:  This is showbizness I guess. 

Sheena:  Kaya ako, ayoko ng boyfriend na artista! 

Dei:  Kapatid ng artista pwede ba?  Crush ka ng Kuya ko eh.

Dei:  Huwag kang ganyan... funny na din ako.

Nagtawanan silang dalawa. Makalipas ang isang oras nasa  dagat na sila ni RJ, nagtampisaw sa dagat sandali  at pumasok sa kweba pagdating sa loob naupo sila sa mga bato, nakalubog ang binti sa tubig pagsigaw ng action.

RJ:  Bilis Alex, dito tayo sa loob baka makita pa nila tayo dito.

Tumayo si Joaquin at inalalayang tumayo si Alex, pumasok sila ka kweba ilang metro ding naglakad sa madilim na kweba hanggang makakita ng medyo patag at maliwanag na lugar.  Maymaliit na butas ang kweba na sinisinagan ng araw. Naupo si  Alex.

Joaquin:  Sige magpahinga muna tayo. Maliwanag na sa banda don siguradong may lagusan dito... 

Napatigil sa pagsasalita si Joaquin, narinig niyang humihikbi si Alex. Nilingon niya ito, nakita niyang tahimik itong umiiyak, tumutulo ang luha.

Joaquin:  Alex... alex bakit ka umiiyak?

Alex:  Akala ko talaga mamamatay na ako sa pagbagsak ko, pakiramdam ko tinamaan ako ng bala.  Akala ko mamamatay na ako.

At tuluyan itong humagulgol. Niyakap ito ni Joaquin, hinimas ang likod pilit pinapakalma pero hindi niya ito mapatahan.

Joaquin: Shhhhhh, tama na huwag ka ng umiyak, hanggat kasama mo ako, walang mangyayaring masama sa yo. Hindi kita pababayaan kaya huwag ka ng umiyak.

Pinagmasdan niya ito, inayos ang buhok na nakatakip sa mukha nito at isinabit sa likod ng tenga. Pinahid niya ang luha nito sa pisngi. Nakatingin lang si Alex sa mukha ni Joaquin. Pinagmasdan ni Joaquin ang mukha ni Alex at dahan dahang inilapit ang mukha niya sa dalaga napapikit si Alex at lumapat ang labi ni Joaquin sa labi niya.  Limang segundo parang huminto ang ikot ng mundo ni Alex, hindi din siya kumilos at kusang napanatag ang loob niya. Inilayo ni Joaquin ang labi niya at mahinang nagsalita.

Joaquin:  Tama na ha, huwag ka ng umiyak baka nasa malapit lang sila marinig pa nila ang pagiyak mo.  Sige ba magpahinga ka na muna.

Tumango lang si Alex at sumandal sa mga bato at ipinikit ang mata para makapagpahinga. Sumandal din sa tabi niya si Joaquin, pumikit at itinakip ang braso sa mga mata at nagpahinga. Hinanap ng kabilang kamay nito ang kamay ni Alex at ng mahawakan ito natahimik na. Makalipas ang limang minuto narinig nilang sumigaw si  Direk ng cut!

Maganda naman daw ang ginawa nila pero ipinaulit pa ni Direk ang eksena ng dalawang beses para makuhanan ang ibang angulo.

Paglabas nila ng kweba, nagpalakpakan ang mga staff at crew.  Lumapit si Sheena at bumulong sa kanya. 

Sheena:  Girl ang pula ng mukha mo.

Kumapit siya kay Sheena at nagmamadali silang lumayo kay RJ at lumusong sa dagat.

Dei:  Nakita kaya yon sa kamera girl?

Sheena:  Kung nakita man hindi na mahahalata yon kasi madilim sa loob pwedeng isipin na sa lighting lang kaya ganon.

Dei:  Sure ka?

Sheena:  Besides ok lang yon pareho naman kayo ni RJ na pulang pula ang mukha paglabas ninyo eh.

Kasunod na kinunan ang pagdating ng bangka sakay si Irma Adlawan ang nanay ni Alex at Aliana at ni Gabby Concepcion ang ama ni Joaquin kasama ang mga sundalo.   Magkahawak kamay na tumatakbong palapit sa pampang si Alex at Aliana (Dei at Sheena) para salubungin ang Ina kasunod nila si Joaquin.

Madamdaming nagyakap ang magiina, umaagos ang mga luha sa mata ni Irma, Sheena at Dei. Binitawan ni Irma ang madamdaming linya niya na lalong nagpaiyak kay Dei at Sheena. Hinalikan ni Irma ang dalawang anak sa buhok at mahigpit silang nagyakap na tatlo.  Nakatayo si Gabby sa di kalayuan, habang sumusugod ang mga sundalo para hulihin ang mga salarin. Nakita ni pinuno ng mga kidnaper si Joaquin na tumatakbo, binaril ito bago pa siya nabaril ng mga sundalo. 

Nilingon ni Alex ang tumatakbong si Joaquin kaya kitangkita niya ng tamaan ito sa likod at bago pa ito mapaluhod sa  buhangin ay tinawag ang pangalan niya. 

RK:  Alex!

Isang malakas na sigaw ang nanggaling sa bibig ni Alex.

Dei:  JOAQUIIIIIIIN!!!

Gabby: ANAK!

Tumakbo itong palapit kay  RJ at nasalo niya ang ulo nito bago tuluyang bumagsak.  Tumakbo na din si Gabby sa tabi ng anak at tumutulo ang luhang itinihaya ang katawan nito habang kalong ni Dei ang agaw buhay na si Joaquin.

Gabby:  TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI! Sarhento ang anak ko nabaril.

Rumadyo ang sarhento, habang nanatiling nakaluhod si Gabby sa tabi ng anak.

Alex:  Joaquin, nandito ako, imulat mo ang mata mo parang awa mo na. Joaquin, please!

Humahagulgol si Alex, niyuyugyog ang katawan ni RJ.  Patuloy ang pagtulo ng luha.

Alex:  Joaquin ano ba! Gumising ka!

Pero hindi na kumikilos si Joaquin.

Alex:  Joaquin!!! 

Hinalikan niya ito sa labi.  Niyugyog at ng hindi ito kumilos ay tuluyang humagulgol si Dei habang yakap ang lupaypay na katawan ni RJ.

Alex:  PARANG AWA NYO NA TULUNGAN NIYO KAMI!!!

Mabilis na naglapitan ang ilang sundalo at binuhat ang katawan ni Joaquin para ilagay sa isang stretcher at isinakay sa isang helicopter, kasunod ng mga ito si Gabby na sumakay din.  Naiwang humahagulgol si Dei habang yakap ng Ina at ni Aliana.  Nahuli namang lahat ang masasamang loob. Naglalakad ang mga ito palapit sa pangpang ng nakatali ang mga kamay sa likod. Ng makita ang lalaking bumaril kay Joaquin. Nagpumiglas si Alex sa pagkakahawak ng kapatid at Ina. Pinulot ang baril na nabitiwan ni Joaquin. Sinuntok ang lalaki.

Alex:  Para yan sa kapatid ko, Hayop ka!

Sinipa ang lalaki at napaluhod ito.

Alex:  Yan para sa akin!

Itinutok ang baril sa sintido ng lalake.  Lumapit si Irma sa anak.

Irma:  Huwag anak, huwag mong ilagay ang batas sa mga kamay mo.

Tumulo ang luha ni Dei.

Alex:  Tandaan mo kapag may nangyaring masama kay Joaquin, babalikan kita at sisiguraduhin kong hindi ka lang makukulong kung hindi papatayin kita!

Hinampas ng malakas ng baril sa ulo ang lalaki. Bumagsak ang lalaki sa buhangin.

Alex:  Yan ang para kay Joaquin.

Binitbit na ng mga sundalo ang lalaki at ang iba pa, isinakay ang mga ito sa bangka.  Lumapag ang isang helicopter at  sumakay sila Irma, Sheena at Dei doon kasama ng pinaka head ng mga sundalong naroroon at si Dei nakatingin sa bintana tinatanaw ang islang naging bahagi ng ilang araw nila. Bago tuluyang lumipad ang helicopter  nakita nilang sumenyas si Direk ng 10. Lumipad ang helicopter palayo sa isla hanggang 10 minuto.  Pagkatapos ay bumalik. Nagpapalakpakan ang lahat ng nadatnan nila pati na sina RJ at Gabby.

Direk Mike:  That was  great acting everyone!

Pagdating ng hapon yung ending kukunan sa Mansyon ng pamilya ni Joaquin.  Ihahatid na ni Alex at ng kanyang Ina at si Aliana sa bahay ng ama nito.

Direk Mike:  Okay ready everyone...   Camera 1 rolling... lights, camera, action!

Nakatayo sa harap ng gate ng isang mansyon sila Irma, Dei at Sheena na bitbit ang isang traveling bag at ilang paper bag ni Aliana.

Guwardiya:  Naku Irma, Mam Aliana, mabuti dumating na kayo.  Kanina pa ho kayo hinihintay ng inyong Papa. 

Sinalubong sila ng isang mayordoma.  Lumapit ito kay Irma at niyakap ito.

Mayordoma:  Masaya akong nakita kang muli Irma. Eto na ba si Aliana?

Irma:  Oho, Nanay Rosing.

Aliana:  Magandang umaga po.

Irma:  at ito naman ho ang anak namin ng nasira kong asawa si Alex.

Alex:  Magandang araw ho.

Mayordoma:  Tuloy kayo, nasa Garden si Sir Ramon . Kanina pa kayo hinihintay.

Aliana: Si Joaquin ho kamusta?

Mayordoma:  Maayos na nasa kwarto pinapalitan ang benda ng sugat niya.

Inabutan nila si Gabby na nakaupo sa Garden set na kumakain.  Tumayo ito ng makita sila.   Tumayo sila sa harap ni Gabby.

Irma:  Aliana, siya ang iyong ama.

Ramon:  Anak...

Lumapit si Sheena kay Gabby at nagyakap sila. Tumulo ang luha ni Sheena ng bigkasin ang salitang Papa.  Lalo namang humigpit ang yakap ni Gabby kay Sheena.

Ramon:  Ang tagal kong hinintay ang araw na ito anak.  Hinding-hindi na tayo magkakahiwalay pa.

Masayang nakamasid lang si Irma at Dei.  Iniabot ni Gabby ang kamay kay Irma.  Hinawakan naman ito ni Irma.

Ramon:  Hayaan mong punan ko ang pagkukulang ko sa inyong magina.

Ngumiti si Irma at tumango. Tumayo sa tabi ni Ramon.  Ibinaba ni Alex ang mga bag na bitbit. Tumingin kay Ramon.

Alex:  Papano Señor, kayo na po ang bahala sa Nanay at kapatid ko ha?

Ramon:  Alex, Tito Ramon na lang, hindi ka naman na iba sa amin eh.

Ngumiti si Dei.

Alex: Salamat ho Tito Ramon, huwag ho ninyo silang pababayaan kung  hindi babawiin ko sila sa inyo.

Natawa si Ramon.

Ramon:  Makakaasa ka Alex, aalagaan ko ang Nanay at kapatid mo at ibibigay ko sa kanila ang buhay na matagal na nilang dapat na naranasan.  Maraming salamat Alex, sa pagaaruga at pagmamahal mo sa kanila.

Irma:  Anak, sigurado ka bang ayaw mong dito na manirahan.

Alex:  Nay, nakakahiya na ho yon.

Ramon:  Alex, ang totoo mas gusto ko sanang dumito ka na din dahil alam ko namang magiging masaya ang Nanay at kapatid mo kung kasama ka namin dito.  Isipin mo na lang na pagtanaw ko ng utang na loob yon sa yo.

Alex:  Tito Ramon, hindi ho ako bagay dito.  Isa pa ho, sayang naman yung bahay at lupang naiwan ng tatay ko. Kahit po maliit lang yon, doon po kasi ako ipinanganak at lumaki. Marami ho kaming alaala doon na hindi ko kayang iwan.  Huwag ho kayong magalala kahit araw-araw ho dadalawin ko sila Nanay tutal malapit lang naman yon.

Ramon:  Ikaw ang bahala, pero tatandaan mo parte ka ng pamilyang ito at bukas ang tahanan namin para sa yo kahit kailan na kailangan mo kami magpasabi ka lang.

Alex:  Opo Tito!

Irma:  Anak, pakiusap. Huwag ka ng bumalik sa palengke, kung gusto mo don ka na lang sa harap ng bahay natin gumawa ng tindahan mo para hindi ka mapaaway pa sa palengke.

Alex:  Opo Nay, huwag ho ninyo akong alalahanin.  Ako pa ba?

Aliana: Alex, sayo na ito oh. Para matatawagan ka namin ni Nanay kapag miss ka na namin.

Kinuha ni Dei ang cellphone na iniabot ni Sheena.  Niyakap siya ni Sheena.

Aliana:  Salamat sa lahat.

Alex:  Sige na baka magdrama pa tayo dito nakakahiya kay Tito Ramon.  Tutuloy na ho ako.

Yumakap siya kay Ramon tapos kay Irma at tumalikod na.  Pinanood naman siya ng mga ito habang naglalakad palayo. Huminto siya at nilingon niya ang mga ito at kumaway. Kaya nagulat siya ng paghakbang niya ay mabunggo niya ang nakatayong si Joaquin.  Wala itong suot na t-shirt, nakabenda ang buong dibdib at likod nito at nakasuot ang braso sa isang sling.

Alex:  Ay patola! Ano ka ba? Nakakagulat ka naman.

Nurse:  Sir sandali lang ho!   

Ramon: Hayaan na ninyo siya, sige na bumalik na kayo sa loob.

Joaquin:   Saan ka pupunta?  Aalis ka talaga ng hindi mo ako nakikita?

Alex:  Sabi naman ni Manang Rosing ok ka na eh. At mukha namang ok ka na eh, tinakbuhan mo nga yung Nurse mo eh.

Joaquin:  So ganon lang yon Alex?

Alex:  Bakit?   Ang usapan natin, hahanapin at ililigtas natin si Aliana.  Nagawa na natin di ba? Yun lang naman ang dahilan kung bakit tayo magkasama.

Joaquin:  Wala na ba talaga? Hindi mo ba itatanong kung bakit kita hinalikan nung nandon tayo sa kweba?

Alex:  Hindi, kasi alam ko naman na kaya mo ginawa yon para pakalmahin ako at patahimikin ako dahil baka marinig tayo nung mga matsing na humahabol sa atin.  Ok na ha?  Sige na aalis na ako.

Humakbang na siya palayo, hinarang siya ulit ni Joaquin.

Alex:  Ano ba?! 

Joaquin:  Eh bakit mo ako hinalikan nung nabaril ako.

Natigilan si Alex, tinalikuran si Joaquin.

Alex:  Pasasalamat, akala ko mamamatay ka na eh kaya nagpasalamat lang ako para sa lahat ng ginawa mo sa amin ng kapatid ko.  Sige na aalis na ako.

Naglakad na siyang palayo.

Joaquin:  Sigurado ka ha, walang ibang dahilan kung bakit ka humahagulgol nung akala mo mamamatay na ako?

Nainis na si Alex, humarap sa kanya, salubong ang kilay, mukhang galit. Napaatras si RJ.  Natatawa namang nanonood ang pamilya nila.

Alex:  Kanina ka pa ha! Ano ba talagang problema mo?  Ano bang gusto mo?  Ang dami mong tanong eh.  Kung may gusto kang sabihin sabihin mo na lang! Para kang hindi lalaki eh ang daming satsat!

Sinuntok niya sa sikmura si RJ.

Joaquin:  Aray!

Alex:  Naku! Sorry! Ang kulit mo kasi eh!

Hinimas ni Dei ang sikmura ni RJ.   Nakita ni Dei na nakangiti si RJ.  Nagpapadyak ito sa inis.

Alex:  Nakakainis ka talaga! Dyan ka na nga!

Tumalikod na ito at hahakbang na lang ng biglang hinila ni RJ paharap sa kanya, hinapit sa bewang at hinagkan sa labi. Tumugon ng halik si Dei. Umangat ang isang kamay ni RJ sa buhok ni Dei ang dalawang braso ni Dei yumakap sa leeg ni RJ.  Labing limang segundo ang lumipas bago  nila narinig si  Irma.

Irma:  Joaquin, huwag mong gawing meryenda yang anak ko!

Napangiti si RJ at Dei naghiwalay ang mukha nila pero magkadikit ang noo na tinignan ang isa't isa.

Joaquin:  Palikera ka na, basagulera ka pa. Ang daldal mo na, sakit mo pang manuntok eh.

Alex:  Yun ako eh, kung ayaw mo wala akong magagawa.

Joaquin:  Isa yon sa minahal ko sa yo eh. Astig!

Alex:  Ikaw naman ang arte mo!

Joaquin: Mayaman ako eh!

Nagtawanan sila.  Lumakad na silang palapit sa garden set kung saan nakaupo ang pamilya nila.  Lumapit ang Nurse at iniabot ang t-shirt ni Joaquin.  Kinuha ito ni Alex at isinuot kay Joaquin.

Hinawakan ni RJ ang dalawang kamay ni Dei at tinitigan ang mukha nito

Joaquin:  Alex... mahal kita kahit ano ka pa.  Sana mahal mo din ako kahit pa ayaw mo talaga sa katulad ko.

Hinaplos ni Dei ang pisngi ni RJ. Iniyakap ang dalawang braso sa leeg nito.

Alex: Joaquin... iba ka sa mga mayayamang nakilala ko, alam ko yon simula pa ng ipinagtanggol mo ako kay Badong.  Mahal kita Joaquin ng walang kapantay.

Hahalikan sana ni RJ si Dei biglang nagsalita si Gabby.

Ramon:  Son, mamaya ka na magdessert kumain na muna kayong dalawa.

Joaquin:  Daddy talaga!

Inakbayan ni RJ si Dei at naupo na sila, nagtawanan  at masayang pinagsaluhang nakahain sa garden table.

Direk Mike:   and cut!

Naghiyawan at nagpalakpakan ang crew. 

RJ:  Ok na Direk?

Direk Mike:  Yah it was great... we have to take a few shots  nung scene ng kiss from the pagmamaktol scene, medyo bigla kasi yung hila mo kay Dei parang na-out balance siya eh.

Dei:  Sorry Direk.

RJ:  Ok lang yon.

Direk Mike:  Syempre ok lang sa yo yon kissing scene yon eh.

Nagtawanan sila. Kinurot ni Dei si RJ sa tagiliran ah.

RJ:  Oy huwag kayong ganyan hindi ah, para maayos lang yung pagkakahila ko no.

Pero ang nasa isip ni RJ...  "Kahit ilang beses pa nating ulitin yung scene na yon ok lang sa akin Dei, because I can't get enough of your lips."




























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro