Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 56 - Silence

Samantala si RJ nasa isang shoot.  Tahimik na nakikinig lang sa instructions sa kanya. Wala ang ningning ng mata at kahit anong ngiti sa camera iba naman ang nasa loob niya. Pinipilit niyang ianalize ang nararamdaman niya.  Iniisip niya din ang mga sinabi sa kanya ni Koreen.

Natapos ang shoot at nilapitan siya ni Carlitos.

Carlitos:   We are done for the day, anong plano mo?  Baka gusto mong lumabas kasama namin?

RJ:  Gusto ko ng umuwi.  Dadaanan ko pa si Mama T.  Anong schedule ko bukas after Lunch Surprise?

Carlitos:  Shoot lang para sa teleserye ninyo until Thursday. Friday meeting with Tape and Artist Center

RJ:  Ah yah, matatapos na ang initial contract ni Dei eh. Pag hindi siya nagrenew, the movie might be our last project together at matutupad na ang pangarap mo for me to go Solo and be miserable again.

Carlitos: RJ, miserable? Isa kang magaling na artista, sikat na sikat ka na what's to be miserable about that.

RJ:  Alam mo Carlitos, there's more to fame. Frankly, this past  year and a half, it wasn't the fame and money that gets me going.  It's the happiness.  Anyway, sanay naman na ako na pinaplastic ng mga tao sa paligid ko, wala ng bago don. Para sa yo tama na ang sikat ako at marami akong project dahil don ka kumikita at doon ka nagiging masaya. I understand pero sana naiintindihan mo din, na kung hindi ako masaya eventually madedrain din ang energy ko and when that happens hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas to go on FOR YOU.

Hindi nakaimik si Carlitos.  Umalis na si RJ at tuluyang nilisan ang lugar na yon.

Makalipas ang tatlong araw balik trabaho na si Dei na parang walang nangyari. Masaya itong dumating sa studio para sa rehearsal ng production number nila. Makalipas ang trenta minutos dumating si RJ. 

RJ:  Hi Mrs. Reyes!

Dei:  Hello Mr. Richard Reyes!

RJ:  Kamusta ka na?  All better I hope.

Dei:  The bruise and bumps are ok, pride ko na lang ang hindi pa gumagaling. Kamusta naman kayo?  Ok na ba kayo?

RJ:  Yah ok na.  Have you heard? May series of shows daw tayo sa US ah.

Dei:  Oo nga daw eh,  I have recording schedules na nga eh.

RJ:  Yah ako din eh, tapos konting shooting na lang patapos na din ang teleserye natin this month.

Dei: Oo nga ang bilis ng panahon ano?

RJ:  Oo nga eh.

Natahimik silang pareho, hanggang sa narinig nilang tawagin sila ng choreographer at pinagpatuloy nila ang pagpapractice.  Wala namang pinagbago ang kilos nila ni Dei. Nagkukulitan at nagbibiruan pa rin silang madalas.  Sweet pa din sila sa isa't isa pero halatang dumidistansya si Dei kapag off-cam na.

Pagkatapos ng show nagrecording na sila para sa  show nila sa US.

Maayos na natapos ang araw na yon at dahil maluwag ang schedule ni RJ.  Tinawagan niya ang Daddy niya at sinabing uuwi siya ng maaga at kung pwedeng sabay silang magdinner.

Pagdating ni RJ at Mama T sa bahay, nandon na si Daddy Richard at nakaluto na din ng pagkain. Magkakasabay silang kumain kasama ang buong pamilya.  Matapos kumain naupo silang magama sa garden.

Daddy Richard:  Kamusta ka naman?

RJ:  Ok lang Dad.  Nga pala, wala na kami ni Koreen.

Daddy Richard:  Huh?!   Kailan pa?

RJ:  Couple of days ago.

Daddy Richard:  Anong nangyari?

RJ:  She got jealous... sinaktan niya si Dei physically.

Daddy Richard:  Ano?!

RJ:  It is supposed to be a secret so atin-atin na lang. Hiling na din ni Dei.

Daddy Richard:  Sobra naman yon... kung nagselos siya ikaw ang dapat na inaway niya eh bakit si Dei?

RJ:  Yun nga Dad eh. Pero she was the one who broke up with me. Grabe nga si Dei eh nasaktan na at lahat siya pa ang nagsosorry tapos gusto pa niya ayusin namin ni Koreen.

Daddy Richard:  So, hindi mo sinabi kay Dei na wala na kayo ni Koreen?

RJ:  Hindi, ayokong sabihin Dad, kasi iisipin non naghiwalay kami ni Koreen ng dahil sa kanya eh.

Daddy Richard:  Bakit si Koreen ang nakipagbreak sa yo?

RJ:  sabi niya bago pa daw dumating yung oras na lumabas ang totoong nararamdaman ko mabuti pang tapusin na lang namin. Ipagpapasalamat ko pa daw pagdating ng panahon na pinalaya niya ako.

Daddy Richard:   Hindi lang pala si Mama T, mga fans ang nakakakita pati si Koreen nakahalata na.

RJ:  Nakahalata na ano?

Daddy Richard:  Na may espesyal na pagtingin kayo ni Dei sa isa't isa.

RJ:  Pati naman kayo nakikisali sa mga kalokohan ni Mama T.

Daddy Richard:  Kalokohan nga ba anak?  Masaya kang kasama siya, gusto mo siya bilang tao, gusto mo siyang bilang babae, humahanga ka sa kanya, kapag masaya siya mas masaya ka at kapag nasasaktan siya, hindi ka lang nasasaktan, nagagalit ka pa.  The signs are all there. Both of you just don't want to acknowledge it and do something about it.

RJ:  Kung magkaganonman Dad, hindi magugustuhan ni Dei na iacknowledge ko at lalong hindi siya matutuwa na gawan ko ng paraan. Nagusap kami noon, when I fall for her I have the choice to stay and keep it to myself but when she falls for me... that would be the day the love team would be over.  So, alin ang gusto mong piliin ko?

Daddy Richard:  Ibig mong sabihin may pinipili mo to stay and keep it to yourself para makasama mo pa siya.

RJ:  Exactly, kaya din ayaw kong malaman niya na wala na kami ni Koreen  para hindi niya isipin na itinatago ko lang ang nararamdaman ko para sa kanya.

Daddy Richard:  So, tanggap mo na na may feelings ka for Dei?

RJ:  Nung makita ko si Dei na sinaktan ni Koreen, galit na galit ako, nasampal ko nga si Koreen eh. Naisip ko hindi ko makakayang saktan si Koreen kung mahal ko pa siya.  Nung hinatid namin sa condo si Dei, gusto ko siyang alagaan, samahan, bantayan. I want to make her feel better and I wanted to make her smile.  If those are not confirmations of how I feel for her hindi ko na alam kung ano yon.  Sabi ni Koreen, we might not say anything to each other pero our actions gave our feelings away.  Nakikita mo din ba yon Dad?

Tumango si Daddy Richard.  Bumuntunghininga si RJ.

RJ:  Ang daming gumugulo sa amin Dad, kung marami man kaming fans marami din ang ayaw na magkasama kami.  If we are in a perfect world, I would have told her  how I felt nung saktan siya ni Koreen pero in this imperfect world hindi ganon kadali yon eh. Kaya mas pipiliin ko na lang na manahimik para kahit papano nakakasama ko siya, napapangiti ko siya at napapasaya. Katulad ng sabi ni Lola sa streetserye Dad, lahat ng bagay nasa tamang panahon. And if Dei and I are meant to be together darating yon in the most magical way, just like the way we met.  Isa pa Dad, gusto ko kung sakali, gusto ko yung malinaw sa kanya na nililigawan ko siya and that this is not another part of showbiz marketing strategy.  Alam mo yon?

Daddy Richard:  Alam ko at parang ngayon lang kita naringgan na gusto mo yung malinaw ah.  Dati mas magulo, mas okay kasi para napaguusapan eh ngayon gusto mo plantsado, maayos at malinaw.

RJ: Because she is different Dad,  hindi siya showbiz personality.  She might be the phenomenal star, she might be famous all over the world but she still prefers to be the simple lady Dei Mendoza na nangarap lang at tinupad ang mga pangarap na yon.

Daddy Richard:  Naiintindihan ko anak.  Ikaw ang bahala nasa iyo naman yan eh.

RJ:  Isa pa Dad, magulo ang paligid ko. Ayokong madamay siya sa gulo. Darating ang araw na maayos na lahat, then I will find a way to pursue her whether or not she is still in showbiz I will find her.

Inakbayan ni Daddy Richard, in a way naawa siya sa anak dahil pakiramdam niya ang gusto lang nito yong normal ang lahat pero sa mundong ginagalawan nito hindi normal and normal.  Napabuntunghininga na lang siya at umusal ng dasal sa isip, "sana nga anak, dumating yung araw na yon."
















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro