Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 53 - Pagtatanggol

Kinabukasan pumutok ang balita... "Richard Reyes nagpunta sa condo ni Dei Mendoza na may dalang food."  Yan ang headline ng mga showbiz balita.   Marami ang kinikilig pero si Koreen hindi.

Tinawagan niya si Dei.

Dei:  Hello, who's this?

Koreen:  Dei, this is Koreen.

Dei:  Hi Dear!   Mabuti tumawag ka, hindi ko naman kasi alam ang number mo. 

Koreen:  Why?

Dei:  Si RJ kasi dumating sa condo nung saturday, nanlalambot hindi makapagmaneho mabuti tumatakbo pa ng matino ang isip nasa vicinity ng condo ko dito sa akin pumunta.  Namumutla, ni hindi na nga nakapagkwento basta na lang natulog sa couch.  Kausapin mo nga ang tigas ng ulo ayaw makinig sa akin.  I'm sure sa iyo makikinig yon. Ipacheck-up mo na din.

Koreen:  Thanks Dei ha! Mabuti pala naisipan na pumunta dyan, papano kung sa daan siya inabot ng panglalambot niya eh di baka nadisgrasya pa.

Dei:  Yun nga din ang sinabi ko eh. Tapos pilitin mo na din na magpapahatid na lang sa service katulad non pagod na pagod na nagda-drive pa eh.

Koreen:   Ok, I will talk to him.

Dei:  Isave ko na number mo ha para in any case of emergency, mako-contact kita.

Koreen:  Sure, thanks again.

Dei:  Wala yon alangan namang pabayaan ko yung boyfriend mo eh di nagalit ka sa akin at nasira ang career ko.

Tumawa si Koreen.

Koreen:  Ok sige, I'll see you sa meet and greet later tonight?

Dei:  Of course, ichika ko sa yo ang nakakawindang na experience ko dyan sa bf mo.

Koreen:  Ok later then. Bye.

Dei:  Bye.

Pagkaend call... napabuntunghininga na lang si Dei.

Masaya ang cast meet and greet ng gabing yon.  A place was set for dinner para sa mga cast ng teleserye ni RJ at Dei.  Tuwang-tuwa si Dei na makilala at makasama ang mga batikang artistang sina Boots Anson Roa,  Tommy Abuel, Nova Villa, Lou Veloso, Janice de Belen at Gardo Versoza gayon din sila Sheena, Juancho at RJ Padilla.  Sa tabi ni Juancho at Sheena naupo si Dei Nandon na din ang Direktor at Producer nila.  Kaya ng dumating si RJ at Koreen sila ang magkatabi sa upuan.  Tumayo naman si Dei para magbeso sa dalawa.

Habang kumakain, masaya si Dei na nakasundo niya agad si Juancho, Sheena at RJ. Nagbibiruan, nagpapatawa si RJ at tumatawa naman ng tumatawa si Dei. Nagkukwento din si Sheena.  Kaya para na talagang matatagal na silang magkakaibigan.   Tuwang-tuwa din siya na nakipagselfie kay Janie at Gardo.  Biniro pa niya si Gardo.

Dei:  Tay, parang walang pinagbago ah Machete pa din ang dating!

Nagtawanan silang lahat. Natuwa ang mga batikang artista kay Dei.   Natatawa sila na nagpapapicture pa ito sa kanila at ang hilig magwacky pose. Masaya at successful ang naging meet and greet nila.

Minsan nagpost ng tweet si Koreen pinakita niya ang mga tweet tungkol sa kanya pero inalis niya ang mga hindi mga magagandang comments at iniwan niya ang mga bash kay Dei.  Nagalit ang mga fans ni Dei.  Ang dating kasi sa kanila, gustong ipakita ni Koreen na magaganda lang ang comments sa kanya at ang kay Dei ay puro pangit.  Kaya naungkat yon ng magpress conference sila.  Hindi nakaligtas si Koreen sa isang reporter.  Sa tanong na "ano ang ipinagkaiba ng karacter mo bilang Marjorie sa totoong buhay?"

Koreen:  Naku malayo ho, ibang iba ho talaga.

Reporter:  Talaga ba?  Hindi ka nagmamaldita?

Hindi nakaligtas kay RJ ang pangyayaring yon. Alam niya agad na may koneksyon kay Dei ang pagmamaldita nito sa twitter. Pagkatapos ng presscon may usapan sila ni Koreen na magkikita. Pero habang daan kakwentuhan ni RJ si Mama T.

Mama T:  Buti nga diyan kay Koreen tinira  siya nung reporter.

RJ:  Mama, girlfriend ko ang pinaguusapan natin.

Mama T:  Kahit pa, pareho naman nating alam na maldita yang girlfriend mo.  Ewan ko ba sa yo kung ano ang nakita mo dyan.   Kunyari pa siyang close sila ni Dei pero kung ano-ano namang ginagawa niya sa social media.

RJ:  Bakit ano ho bang pinost ni Koreen?

Mama T:  Ipinost lang naman niya ang mga magagandang tweet tungkol sa kanya, inalis niya lahat ng pangit pero yung mga bash kay Dei hindi niya inalis.

RJ:  Ano ho?

Mama T:  Maniwala ka, tignan mo ang mga post ni Koreen.

Hinanap nga ni RJ ang sinasabing post.  Hindi din naging maganda ang dating nito kay RJ.

RJ:  Inedit na lang niya hindi pa niya inalis pati bash para kay Dei?  Anong gusto niyang palabasin na puro magaganda ang comment sa kanya kay Dei hindi???  This is stupid!

Kaya ng dumating si RJ sa bahay ni Koreen mainit ang ulo nito.

Koreen:  Hi Babe...  finally its just you and me.  Nakakapagod yung makipagsocialize sa mga cast.

RJ:  Ikaw lang ang napagod kami enjoy, kasi totoong masaya kaming makasama sila.

Koreen:  What does that mean?  Ako hindi masaya?

RJ:  Well you said it yourself nakakapagod.  Nga pala bakit tinanong ka nung reporter kung hindi ka nagmamaldita?   May ginawa ka ba?

Koreen:  Wala ano namang gagawin ko, alam mo naman yang mga reporter na yan, mema lang. Mematanong lang.

RJ:  Bakit may mga nangba-bash sa yong plastic ka daw kay Dei?

Koreen:  Eh di ba nga kasi alam nila ang papel ko sa teleserye so ayon. Eh di ba ang alam ng lahat friends talaga kami dahil nga nung sa premiere ng movie ninyo.

RJ:  Kilala ko ang RichDee fans hindi sila magagalit sa yo kung walang basehan. They may be sensitive and OA pero palaging may pinanggagalingan yon.

Koreen:  Bakit ba ang kulit mo?  Kanino ka ba maniniwala sa fans mo o sa akin?

RJ:  kanino nga ba dapat?  Alam mong kung gugustuhin ko pwede kong alamin ang totoong nangyari pero mas gusto kong ikaw ang magkwento sa akin. Kung wala kang intensyon na magmaldita bakit hindi mo maikwento sa akin.

Koreen:  Fine, I posted a copy of the good tweet about me.

RJ: Tapos? yon lang?  Bakit ka mababash kung yun lang.

Koreen:  Inalis ko kasi yung mga bad comments tungkol sa akin.  Ayun na nagalit na yang mga OA  na fans ninyo.

RJ:  Inalis mo yung mga bad comments sayo pero yung mga bad comments kay Dei iniwan mo right?  Eh di nagmamaldita ka nga.

Koreen:  That was an honest mistake, tinamad lang akong alisin.

RJ:  That is no excuse!  Kung totoo sa loob mo na kaibigan ang turing mo sa kanya hindi ka tatamarin baka nga makipagaway ka pa sa mga nangbabash sa kanya  sa wall mo eh. Because if you read her answers sa bad comments sa yo sa wall niya.  She was defending you. Pinakiusapan niya sila not to bash you kasi trabaho lang naman yun at sa serye ka lang naman maldita. 

Koreen:  So kaya mainit ang ulo mo dahil don.

RJ:  oo, naiinis ako sa yo.  Hindi ako kasing OA at sensitive ng mga fans pero dahil mas kilala kita naiinis ako.  Dahil alam kong may pagmamaldita ang ginawa mong yon.

Koreen:  Fine, nagmamaldita nga ako non. Dahil nabubwisit na ako sa mga nababasa ko. Kung saan saan kayo nakikita, kung saan saan kayo nagpupunta ng magkasama.  Dinalaw mo pa daw sa condo niya.  Seloso ka di ba?Then you of all people know how lousy it feels when you're jealous.

RJ:  Love Team ko siya eh di syempre lagi kaming magkasama in almost all jobs.  Pati commercials magkasama kaming endorser so what do you expect?  If you only knew kung bakit ko siya pinuntahan baka magpasalamat ka pa sa kanya.

Koreen:  Alam ko na kung bakit.  I called her when I read about it.

RJ:  Ano?!  Bakit mo siya tinawagan, balak mong awayin ano?!

Koreen:  At first oo pero bago pa man ako magtanong kusa na niyang ikinuwento.  She asked me na kausapin ka, pagsabihan at samahan daw kitang magpacheck-up dahil sa akin ka lang daw makikinig.

RJ:  I told you, to her you are a friend tapos pagdududahan mo siya. Eh palaging ang mararamdaman mo ang iniisip niya.  Well am sure now masaya ka na kasama ka sa serye, we have all the chance to be together all the time.

Lumapit si Koreen kay RJ.  Naglalambing.

Koreen:  Sorry na Babe, promise hindi na ako magmamaldita and I will be a friend to her. promise.









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro