Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51 - Spontaneous

Habang nasa shower si RJ may ilang taong tinawagan si Dei.  Hinanap din niya ang ilang DVD niya at inilabas. Pinalitan niya ang bed sheets at pillow case ng kama niya,  Desidido siya to give RJ a well rested and enjoyable day.

Paglabas ni RJ ng banyo, hinanap niya si Dei.

RJ: Dei san ka?

Dei:  Dito sa bedroom ko.

RJ:  Pwedeng pumasok?

Dei:  Bukas yung pinto di ba eh di pwede.

RJ:  oo nga naman, common sense RJ! Wow! ang dami mong DVD's at books. Nababasa mo pa ba yan?

Dei:  Oo naman, I try to find the time. Here, pili ka ng gusto mong panoorin... 

RJ:  Ironman marathon tayo.

Dei:  Naghanap pa ako ng mga movies si Ironman lang pala ang gusto mo.  

RJ:  Meron ka?

Dei:  Meron naman. 

RJ: Bakit?

Dei:  Bakit ano?

RJ:  Bakit meron ka nito? Di ba chickflicks ang favorite mo?

Dei:  Oo pero I buy those kinds too, meron akong Harry Potter, Spiderman, Ironman, Chronicles of Narnia, Journey to the center of the earth. Fast and Furious kasi pwede pang pamilya kaya kapag family bonding yung mga yan ang pinanonood namin.

RJ:  Hindi ko pa napapanood yang Journey to the center of the earth.  Maganda yan?

Dei:  Hindi ko pa din napapanood ng buo yan eh. But its Brendan Fraser, and Josh Hutcherson. Yan na lang?

RJ:  Sige.

Dei:  Okay, go sit on the bed sandal sa headboard para marelax ka while watching.

RJ:  So, talagang wala kang ibang ipapagawa sa akin kung hindi mahiga, magrelax at magpahinga.

Dei:  Basically, that's the plan. 

Pinindot ni Dei ang play button. Naupo sa kama sa right side at sumandal sa isang unan na nakasandal sa headboard ng kama niya. Hawak ang cellphone at nagcheck ng twitter at instagram niya. Nakita ni RJ yon, inagaw nito ang cellphone niya.

Dei:  Hey, nagche-check pa ako...

RJ:  Nope, if I closed my phone, yours should be too.  We will be both incommunicado today para fair.  You want to see me rest?  I want to see you without your gadget.

Pinatay niya ang cellphone ni Dei at inilagay sa loob ng bedside drawer. Wala ng nagawa si Dei. Nagsimula ang movie at na-engrossed sila sa panonood. Tahimik silang nanood, Commenting and discussing on some of the scenes  hanggang sa matapos ito. Nang may magdoorbell. Pinagbuksan ito ni Dei.

Dei:  Pasok kayo Kuya Lyle.  Ate Berna, kumalma ka ha.

Berna:  Bakit sino na naman bang artista ang iti-treat mo for a massage.

RJ:  Dei, manonood pa ba tayo?

Nagulat si Berna at muntik ng tumili, natakpan lang ni Lyle ang bibig niya.

Dei: Mamaya na lang uli. Magpamasahe na muna tayo. RJ, this is Kuya Lyle at Ate Berna.

RJ:  Hello po!

Berna:  Oh my God, kayo na talaga?

RJ:  Ayaw mo ba Ate?

Berna:  RichDee fan akom syempre gusto!

Dei:  Sige na Kuya, don na kayo sa kwarto ko bago pa mahimatay itong si Ate.  Ate magset-up ka na sa kwarto ni Dean.  Doon tayo.

RJ:  Sige Kuya, sunod ako iinom lang ako.

Bago pa nakapasok si Dei sa kwarto ni Dean may nagdoorbell na naman.  Pinagbuksan ito, isang delivery boy dala ang groceries na ipinabili ni Dei.  Dinukot ang pambayad sa bulsa, binayaran at isinara niya ang pinto.

RJ:  Ano yan?

Dei:  Groceries, nagpadeliver ako ng lulutuin ko for lunch and dinner.

RJ:  Sosyal, pati groceries dinideliver. 

Dei:  Well, si Ate Pat ang nagturo non sa akin, papano daw kasi kung ako lang magisa, hindi naman ako basta pwedeng pumunta magisa.

RJ:  Sabagay may point siya don.

Dei:  Pero kung nandito si Dean, naggogrocery naman ako kasama siya.  Sige na go, magpamassage ka na.  I'll be at Dean's room.

Isang oras na rejuvinating massage ang ginawa kay RJ at Dei.  Natanggal ang mga lamig sa likod ni RJ  pati na ang nararamdaman niyang parang naipitan ng ugat sa bandang balikat niya. Naenjoy ni RJ ang massage at nakatulog ito.  Nagluto ng pananghalian si Dei.

Nagising si RJ before 1pm. Si Dei nakapikit at nakahiga sa couch habang nakalagay ang headset sa tenga nito.  Napansin ni RJ na nakahain sa lamesa pero nakatakip lang ang mga pagkain dito. Dahan-dahang naglakad papunta sa harap ng couch si RJ at binuhat si Dei at napatili ito.

Dei:  Nakakagulat ka naman, ibaba mo nga ako!

Tawa ng tawa si RJ.

RJ:  Magugulatin ka pala?

Dei:  Eh nananahimik ako dito bigla mo akong bubuhatin panong hindi magugulat.  Bakit mo ba ako binuhat?

RJ: Para ipakita sa yo na malakas na ako. I feel great now, parang walang nangyari.

Dei:  Mabuti naman, kasi nakapagrest at relax ka.

RJ:  Thanks ha!  I see you cooked.  Bakit hindi mo ako ginising baka kanina ka pa nagugutom?

Dei:  Hindi, ok lang.  You wanna eat na?

RJ:  Syempre ikaw nagluto kaya gusto ko ng kumain.

Dei:  Ipinagluto na kita huwag mo na akong bolahin.

Pagkatapos nilang mananghalian, naupo sila sa couch.

RJ:  Laro tayo Jack en poy.

Natawa si Dei. 

Dei:  Ang lakas ng loob mo maghamon ha.  Sige ba.

RJ:  Pero may twist...

Dei:  Ano naman yon?  

RJ:  Ang manalo pwedeng magtanong o magsabi ng kahit na akong bagay na hindi pa natin alam sa isa't isa.

Dei:  Sige.

RJ:  Game ready, get set, go! 

Nanalo si Dei.

Dei:  Ok, sabi mo pwede akong magtanong ha.  Bakit pumayag kang hindi magtrabaho today?

RJ:  Kasi I think you're right kailangan ko ng rest and I like to spend sometime with you.

Bahagyang namula si Dei.

Dei:  O game na ulit.  Ready, get set, go!

Nanalo naman si RJ.

RJ:  Can I tell you a secret?

Dei:  Oo naman, your secret is safe with me.

RJ:  I like you... like you. I mean not as Yaya Dee. I meant as Dei Mendoza and I like myself better when I am around you.

Napatingin si Dei at hindi nakapagsalita.

RJ: Ok, game na ulit.  Ready, get set, go!

Nanalo si Dei.

Dei:  Seryoso ka ba sa huling sinabi mo at may problema ba kayo ni Koreen?

RJ:  Oo seryoso ako at wala kaming problema ni Koreen.  Basta, gusto ko lang sabihin yun para alam mo.   Game na, ready, get set, go!

Nanalo si Dei.

Dei:  Kung wala ka dito, saan ka after ng show?

RJ: Malamang nasa bahay, kalaro si Chloe o naglalaro ng computer game.

RJ: Oh game na ulit. Ready, get set, go!

Nanalo ulit si RJ.

RJ: Kung wala ako ngayon? ano kaya ang ginagawa mo?

Dei: Magro-road trip going anywhere.

Wait, excuse lang magbabanyo lang ako.  Kinuha ni RJ ang pantalon na nakapatong sa couch at nagpunta ng banyo. Kinuha ni RJ ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon na hinubad. Binuksan at tinawagan ang isang kaibigan.  Makalipas ang sampung minuto bumalik ito sa couch.  Nakahiga si Dei. Naupo si Dei.

RJ:  Parinig naman ng playlist mo.

Iniabot ni Dei ang earphones kay RJ. Kinuha ni RJ ang throw pillow at ipinatong sa hita niya.

RJ:  Higa ka, let's listen together.

Nahiga naman si Dei, ipinatong ang ulo sa unan sakandungan ni RJ at nakinig sila sa music. Isinandal ni  RJ ang ulo at pumikit.  Nakinig sila ng music at kapag alam nila yung kanta sinasabayan nila.

Habang nakikinig may tumatakbo sa isip ni Dei... "bakit niya sinabi sa akin yon?"  ganon din sa isip ni RJ... "bakit kahit ganito lang kami nakikinig sa music, I still feel happy at hindi ako nabobored?"

Ilang sandali pa ang dumaan at pareho na silang nakatulog.  Nagising sila ng magring ang cellphone ni RJ.  Sinagot ito ni RJ,

RJ: Hello... bro o bakit? Ano nandyan ka na? Anong oras na ba? Alas otso? Ok bro, pababa na kami sandali lang.

Hinaplos ni RJ ang braso ni Dei.

RJ:  Dei, go get dressed, magro-roadtrip tayo.

Dei:  Talaga?!

RJ:  Yup go, nandyan na yung kotse sa ibaba eh.

Nagmamadaling tumayo si Dei, nataranta pero nakangiti at masaya. Isinuot ni RJ ang pantalon niya ng nakangiti habang kinakausap ang sarili... "masaya din ako kapag nakikita ko siyang masaya."



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro