Chapter 50 - Dare
Kinabukasan, nagising si RJ sa amoy ng bacon. Pagmulat niya ng mata alam niyang nagluluto si Dei. Iniangat ng kalahati ng katawan sa arm rest ng couch at pinanood si Dei. Naramdaman ni Dei na may nakatingin sa kanya. Nagsalita ito ng hindi nililingon si RJ.
Dei: Kamusta naman ang tulog mo?
RJ: It was really good, ang tagal ko ng hindi natutulog ng ganon kahaba. Ano bang meron itong couch mo para akong ipinaghele na baby eh.
Dei: Ang sabihin mo you were just exhausted last night. Hindi ka ba talaga marunong magpahinga? Or talaga lang hobby mo na yang patayin ang katawan mo sa katatrabaho. Wala ka ng pinagaaral di ba nakagraduate na si Ryzza? Eh bakit kung magtrabaho ka para kang may apat na anak?
RJ: Alam mo come to think of it, apat din ang gusto kong maging anak. It's settled then.
Dei: Oy Faulkerson seryoso ako! Can you please try to rest? Dahil kung hindi baka yang kinikita mo sa kakatrabaho eh sa hospital lang dumerecho.
RJ: Ano bang ginagawa ko ngayon? Hindi ba nagrerest?
Dei: Ewan ko sa yo! Bumangon ka na nga lang at kumain ka na ng breakfast. Mamaya may show ka di ba? Anong oras call time mo sa Sunday show?
RJ: Bakit ba ang init ng ulo mo Mahal? ang aga-aga eh. Ganito ba talaga pag magasawa, wala man lang good morning kiss tapos inaaway mo na ako.
Dei: Oy, Faulkerson umayos ka ha wala ka sa serye babatuhin kita diyan!
Tawa ng tawa si RJ. Cute na cute siya kapag napipikon si Dei. Tumayo siya sa tabi ni Dei at bigla itong hinalikan sa pisngi.
RJ: Good morning Mahal! Thanks for letting me in last night ha.
Dei: Kung nakita mo ang sarili mo kagabi, you looked really tired. Na-oover fatigue ka na ata eh. Hanggang ngayon medyo maputla ka pa eh.
RJ: Yung totoo, natakot din ako sa naramdaman ko kagabi eh. Bigla akong nanlambot ang you are the only person na I can think of going to na malapit lang to where I am. Thanks talaga!
Dei: Well, I'm glad na nakapagisip ka, next time kasi magpahatid ka na lang, pagod na pagod ka na gusto mo pang magdrive eh pano kung may masamang nangyari sa yo?!
RJ: Ok pa naman kasi talaga ako nung matapos yung shoot eh.
Dei: Daming palusot basta makinig ka na lang next time magpahatid ka na lang lalo na kung maghapon kang nagtrabaho. Sa sobrang pagod mo, ni hindi nainom yung tea at hindi ka man lang nakapagfreshen up. Panay lang ang ungol mo. Buti na lang wala akong nerbyos, kung hindi ninerbyos ako sa pagaalala sa yo.
RJ: You were worried about me?
Dei: Bakit naman hindi, namumutla ka, nanlalambot, you didn't even have the strength basta ka naupo at bumulagta sa couch. Pero in fairness nakuha mo pang maghubad ng pantalon.
RJ: I had to, hindi ako makakatulog ng maayos if I didn't. Sorry, I made you worried. That was sweet of you.
Dei: Huwag kang pabebe dyan. Kumain ka na at magshower para makarating ka sa trabaho mo in time. Naku, kung pwede lang na ikulong kita dito para hindi ka na pumasok at makapagpahinga ka maghapon ginawa ko na eh.
RJ: Dei this concern saan nanggagaling?
Dei: Eh di sa puso ko (sabay tawa ng malakas)
RJ: Funny ako (funnywalain) huwag kang ganyan.
Hindi nakaimik si Dei.
Dei: Kumain ka na nga lang. Siguro kulang ka lang talaga sa tulog kaya ka ganyan. Matawagan nga si Direk Mike sabihin ko hindi ka makakarating at masama ang pakiramdam mo.
RJ: Dare! I dare you to do so. Then dito lang ako matutulog, magpapahinga, magrerelax tulad ng suggestion mo.
Dei: Pano kung patulan ko ang dare na yan, anong gagawin mo? anong iisipin nila? anong...?
RJ: Eh di gawin mo para malaman natin kung ano mangyayari.
Dei: Hala siya! Napapano ka ba? Nagdedeliryo ka ba?
Hinipo ni Dei ang leeg ni RJ. Hinawakan ni RJ ang kamay ni Dei.
RJ: Seryoso ako.
Dei: Kailan ka pa naging ganito ka-spontaneous?
RJ: Simula ng makilala kita. Hindi ba ang dami nating first times together, pati first time na ikasal. Ano pa ba naman ang ikakatakot ko?
Tumingin si Dei kay RJ. Seryoso ang mukha nito.
Dei: Walang sisihan ah?
RJ: Wala.
Kinuha ni Dei ang cellphone niya at pinindot ang number ni Direk Mike.
Dei: Hi Direk!
Direk Mike: Hello! Kamusta? Napatawag ka?
Dei: Direk, may FYI lang po, RJ can't make it, may flu siya eh. Off the record na ako ang tumawag ha.
Direk Mike: Ok Dear! One question... is he being cared for right now?
Dei: Opo Direk. He just needs to rest and take medicines but he is ok.
Direk Mike: Ok I will take care of it. Tell him to get well.
Dei: Thanks Direk!
Pagkatapos tinawagan naman ni Dei si Mama T
Dei: Mama T, Dei here.
Mama T: Dei, Hija tumawag na ba si RJ sa yo, wala dito sa kanila eh.
Dei: Ma, pahinga daw muna kayo, he wants to rest, may flu eh.
Mama T: OMG! kinikilig ako!
Dei: Ma, ano ba, wala pa akong sinasabi ganyan ka na.
MamaT: Ok na Hija, naintindihan ko na sabihin ko na lang kay Daddy Richard. Bahala ka na sa kanya ha at sabihin mo sa studio na lang kami magkita bukas.
Dei: Ok po. Bahala ka na kay Carlitos ha.
Mama T: Oo ako na ang tatawag sa kanya, parang nakikinita ko na ang simangot niya!
Tinignan ni Dei si RJ. Tahimik lang ito na naglalagay ng pagkain na pinggan niya napapangiti.
Dei: Sabi ni Direk he'll take care of it.
Nagring ang cellphone ni RJ, tinignan niya kung sino... si Carlitos ang tumatawag. Tumingin si RJ kay Dei.
Dei: Oh ano, kinukulit ka na... palagay ko hindi ka makakatiis aalis ka din.
Ipinakita ni RJ ang cellphone kay Dei nakita naman ni Dei na si Carlitos ang tumatawag. Nagulat si Dei na pinatay ni RJ ang cellphone nito.
RJ: Satisfied?!
Ikinagulat yon ni Dei... hindi niya inaasahan na ganon kaseryoso si RJ na pati ang Manager nito hindi niya sasagutin ang tawag.
RJ: So, ngayon wala kang choice, you have to take care of me. What are we going to do after breakfast?
Nakangiti si RJ. Nagulat man si Dei, wala siyang balak magpatalo.
Dei: Basta pagkatapos magbreakfast, take a shower and go back to bed.
RJ: Yes, Mahal!
Dei: Tantanan mo ang kakatawag mo sa akin ng Mahal.
Sabay silang kumain ng breakfast habang nagkukwentuhan. Nagpakwento si Dei kay RJ about his childhood at ng tungkol sa Mama niya.
Dei: Ano palang gusto mong lunch?
RJ: Sinigang na isda yung maraming kangkong at maasim at tsaka fried liempo.
Pagkatapos nilang kumain, tumayo si RJ para ligpitin ang pinagkainan nila.
Dei: Leave it there at magshower ka na. Pumasok si Dei sa kwarto niya, kumuha ng towel, pumunta sa kwarto ni Dean at kumuha ng shorts at shirt ni Dean at iniabot kay Dei.
RJ: So this is how it feels like being taken cared for by a wife. For the record Mrs. Richard Reyes, first time ko to.
Dei: Ang alin ang magshower???
RJ: Silly, to stay at a girls house.
Dei: Oy, ako huwag mo akong pinagloloko, 2 years na kayo ng gf mo no, am sure nainvade mo na pati kwarto niya.
RJ: Ganon ba pagkakakilala mo sa akin?
Dei: I mean, sa tinagal ninyo imposibleng hindi ka pa nakakapunta sa place niya.
RJ: Nakapunta, oo. Para dumalaw pero to stay more than two hours at sleep there never. We always see and dine outside. Yes we have stayed in a hotel room together pero matagal na yung 4 hours kaming magkasama.
Nagulat si Dei, ang nasa isip... "madami pa nga ba akong hindi alam tungkol sa yo?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro