Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5 - First day

Pagdating ng Sabado, kahit walang kamalaymalay sa gagawin nagpunta sa Barangay si Dei kung saan gagawin ang Juan for all segment.  Nakita naman siya agad ni Direk Pat at Direk Moty. Nagpakilala, nakipagkamay siya sa mga ito. Pareho namang mabait kaya hindi naman siya kinabahan.  Dinala siya sa isang tent kung saan nandon ang mga magagaling na komedyante na sila Paolo at Wally.  Ipinakilala siya ni Direk Pat sa mga ito.

Direk Pat:  Pao, Wally bagong myembro ng Barangay si Dee Mendoza (Dee Mendoza ang kanyang screen name).

Dei:  Hello po,  honored to meet you po.

Wally:  Mukha na ba kaming Lolo?

Pao:  much better kung Lola!

Dei:  Hindi naman po.  Respeto lang.

Direk Pat:  Oh masanay ka na sa mga yan, ganyan lang talaga pero mababait yan.

Dei:  Mukha naman po, Direk!

Direk Pat!  We are one family here, feel free to call me Ate or them Kuya.

Dei:  Thank you po.

Pao:  Drop the po, magkasing idad lang tayo.

Natawa si Dei.

Dei:  Hi Kuya Pao, Kuya Wally.

Wally:  Upo ka,  huwag kang mahiya puro walanghiya mga tao dito.  

Tahimik na umupo si Maine at iginala ang mata sa paligid.  Ang daming tao na naghihintay na magsimula ang show.

Pao:  Napanood namin ang mga video's mo... panalo!

Wally:  Oo nga, pano mo nagagawa yon?

Dee:  Pangit naman pong talaga kaya madali lang magpapangit.

Nakita ni Paolo na palapit si Jose...

Pao:  Ay kung pangit ka, ano na lang si Jose.

Binato ni Jose ng plastic na baso si Paolo.

Pao:  Kadarating ko lang tinira mo na naman ang kapogian ko!

Dei:  Kayo po gwapo pareho, kuya Pao pang matinee idol eh.

Pao:  Pwede beauty queen na lang?

Wally:  Oo nga mas bagay sa kanya ang korona!

Lalong natawa si Maine.  Nagulat si Dei ng magsalita si Jose.

Jose:  Silang dalawa? So ako hindi gwapo ganon?  Sino ba 'to?!

Nataranta si Dei, nagkandautal sa pagpapaliwanag.

Dei:  Hin - di po,  sila lang po kasi ang kausap ko.  Ano po... hin - di po.   Wa - la pong ga - ganon.  I didn't mean it that way po.

Pao:  Jose, bagong myembro ng Barangay si Dee Mendoza.

Jose:  Dee?  feeling mo si Lady Di ka?

Dei:  Hindi po.

Kinakabahan na siya, yumuko at nanahimik.

Jose:  Bago ba to?  Baka walang alam 'to.  Baka hindi magaling, pauwiin na!

Lalong hindi umimik si Dei,  iniiwas ang tingin kay Jose at hinanap sa paligid si Direk Pat at Direk Moty.  Lumapit si Direk Pat.

Direk Pat:  Tinatakot mo naman eh.

Jose:  Sinasabi ko lang, baka hindi makasabay yan. Baka tatanga-tanga.

Kinabahan na si Dei, nanlamig pero hindi nagpapahalata.  Umalis si Jose at nagpamake up na.

Wally:  Huwag mong pinapansin yang si Kuya Jose mo. Tinuturuan ka lang niya.  

Paolo:  Oo nga, dito sa Barangay hindi pwede ang mahiyain at mahina ang loob.  Kailangan  din lagi kang alerto,  ang utak gumagana palagi kung hindi maiiwan ka.

Dee:  Tatandaan ko po yan.

Wally:  At bawal ang sensitive at pikon.  Hindi ka dabarkads kung hindi ka marunong makisakay sa pangookray sa yo.

Nagmental note si Dee sa mga sinasabi sa kanya.  Mayamaya, nag briefing na sila.

Direk Pat:  Si Wally ay isang supladang donya, lola at ikaw Dei ang alalay niya or Yaya.   Wala kang ibang gagawin kung hindi ibigay ang mga kailangan niya.  At ang character mo kung gaano kasungit ang Donya, ganon ka din kasungit o kasuplada.  Bawal kang tumawa at bawal magsalita. Puro dubsmash lang.

Dei:  Ok po.

Pagdating ng 11:30 nagsimula ang show, nanonood sila sa monitor at naghintay ng cue.

Maayos namang nagawa ni Dei ang ipinagawa sa kanya.  Dahil sikat nga sa social media. Dumagsa ang tweets at posts tungkol sa bagong character sa Lunch Surprise na si Yaya Dee. Natuwa ang mga netizens, sa Pilipinas man o ibang bansa sa ipinakita nitong galing sa pagdadubsmash.  Pati mga crew at staff tawa ng tawa sa mga ekspresyon ng mukha ni Dei.

Direk Pat:  Good job Dei!

Dei:  Thank you po.

Jose:  In fairness, yang mukha mo ang nagdala sa yo.

Wally:  For a first timer, ok ka.  Pati TVJ mukhang natatawa sa yo.

Dei:  Sana nga po.

Unang linggo pa lang ni Dei,  umangat na ang ratings ng show.  Kahit si Sir Tony nagulat at non nila narealize na nagclick na ang character ng Donya at Yaya.  Lalong pinagusapan sa social media ang show.  Dumagsa ang mga tweets.  Para sa isang linggo palang nakakagulat ang itinaas ng ratings nila.  Nagtuloy-tuloy ito. 

Lumipas ang isang buwan, nagkaron ng mga fans si Dei.  Kahit mismong siya hindi makapaniwala.  Unang naging close si Dei kay Wally at Paolo at sa kalaunan dahil sa ipinakitang galing nakagaanan na din siya ng loob ni Jose.  Natuwa si Dei na nakikipagbiruan na ito sa kanya at binibigyan pa siya ng mga tip.  Malaking tulong para sa kanya ang mga ito.

Jose:  Kapag sumalang ka sa camera dapat malinaw ang utak mo, bawat salita na ibabato ng studio sa atin magisip ka ng pangbalik.  Ang isang kumedyante dapat nakakakuha ng inspirasyon sa mga bagay na nakikita at naririnig.

Dei:  Tatandaan ko Kuya.  Salamat ha.

Jose:  wala yon, magaling ka naman.  Kailangan mo lang mapraktis.

Wally:  Alam mo kung ano pa ang nakakatuwa sa yo?  Wala kang arte sa katawan.  Masa maarte pa sa yo si Pao at Jose.

Nagtawanan  sila.

Paolo:  Kaya gusto ka ng tao, totoo kasi ang ipinapakita mo.

Dei:  Yun naman po dapat hindi ba? 

Wally:  Hay naku, marami ka pang hindi alam sa showbiz, kaya ikaw maging handa ka.

Jose:  Tama yon. Hanggang kayang magpakatotoo mas ok yon.  Pero magiingat ka kasi sa trabaho nating ito lahat pati kaliit-liitang bagay nakikita ng tao.

Paola:  At marami din ang magkakaron ng inggit sa yo at susubukang pabagsakin ka.  Lakasan mo ang loob mo.

Wally:  Magpakatotoo, maging totoo ka pero magiingat ka din dahil hindi lahat ng tao sa showbiz kapareho mo. 

Dei:  Ok, tatandaan ko po yan.  Salamat po talaga.  Kung hindi po dahil sa inyo baka hindi ako tumagal kahit isang linggo sa sobrang nerbiyos at hiya ko.  Pero pangarap ko po kasi ito eh kaya pipilitin kong gawin  lahat.

Wally:  Nandito lang kami para sa yo. Basta may mga tanong ka, o iniisip lapit ka lang.

Jose:  Naniniwala kami sa kakayahan mo.  Kung nakita mo kung papanong magreact sa yo ang TVJ... dapat maging proud ka sa sarili mo dahil mahirap silang i-please pero nagawa mo yon.  

Paolo:  Oo nga.  You should be proud of yourself.

Dei:  Thank you po.

Dumating si Sir Tony.  Nagulat si Maine ng makita ito.  Lumapit siya, bumati at nagbeso dito.

Sir Tony: Kamusta Dei?

Dei:  Ok naman po, nasasanay na po.

Sir Tony:  Malaki ang improvement mo I want you to know that.  Ang mga fans mo hindi matapos tapos sa pagpuri sa yo.  Continue what you're doing and you will go places my dear.

Dei:  Naku, salamat po.

Masayang masaya si Dei sa narinig mula sa mismong Producer ng show.  Masaya din siya na parang isang pamilya ang turing sa kanya ng mga katrabaho.  May kaba pa siya at pakiramdam niya kulang pa ang binibigay niya pero lahat gagawin niya para matupad ang pangarap niya.






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro