Chapter 49 - unexpected
Simula non, pinanghawakan at pilit na tinutupad ni RJ ang mga pangakong binitawan ng araw ng kasal. Ang pangakong "simula sa araw na yon, ang lahat ng mangyayari sa buhay ni Dei na kasama siya ay sisiguraduhin niyang 'yon ang mga pinakamagagandang pangyayari sa buhay nilang dalawa."
Kaya sa araw-araw kapag dumarating si RJ sa location sa Barangay. Lagi't lagi ng may dala itong pasalubong para kay Dei. Tulad ng araw na yon.
RJ: Hi, Mahal!
Dei: Oh, ayos sa tawag ah pangangatawanan mo talaga yan?
RJ: Bakit eh yon tawagan natin sa serye di ba might as well use it para masanay tayo.
Dei: Oo na mahal...
Nagtawanan sila. Kasunod ni RJ si Mama T na may dalang plastic bag. Ipinatong ito sa lamesa.
RJ: Kain tayo mahal, bumili ako ng Ramen.
Dei: Oy, gusto ko yan.
RJ: Ma, kunin mo na yung Ramen mo oh
Dei: Ma, dito ka na lang kumain sabay-sabay na tayo.
Napatingin si Mama T kay RJ. Ngumiti at tumango naman ito. Naupo si Mama T sa tapat ng dalawa at nagsimula silang kumain.
Dei: Ma, good boy ba itong Mr ko?
Natawa si Mama T pero nakisakay naman kay Dei.
Mama T: Ok lang naman, wala naman siyang pinagbago ganon pa din walang ibang binubully kung hindi ako.
Dei: Oo nga Ma, may video nga sinampal ka daw ni RJ eh.
RJ: joke lang naman yon at alam naman ni Mama T ganon ko lang siya nilalambing eh.
Dei: Oo nga alam ni Mama pero yung iba hindi kaya tuloy ginagamit nila yan sa pangbabash sa yo eh. Mahal, ilagay mo naman sa lugar kawawa naman si Mama T eh.
Mama T: Mabuti nga sa yo. Pagalitan mo nga yang asawa mo.
RJ: Sarap pakinggan oh Mrs. Richard Reyes!
Dei: Ano ba kinikilig ako!
Sabay-sabay silang nagtawanan.
Pati sa Baranggay Mr. at Mrs. kung tawagin ang dalawa. At ang isa pang ikinagulat ng lahat. Suot ni RJ ang wedding ring nila ni Dei kahit saan ito magpunta. Katulad ng magmall show siya. Biniro siya ng emcee at walang kagatol-gatol na tinawag ni RJ si Dei na Misis sa kanyang show. Kinilig ang mga audience.
At sa bawat episode ng serye talaga namang araw-araw na sobrang sweet ang dalawa. Minsan naman ang briefing nasa kama sila at hindi makatulog si Dei dahil sa malakas na hilik ni RJ. Natural na niyakap ni RJ si Dei at sinabing mamaya na bumangon at maglabing labing muna sila. Nakangiti non si RJ at halata sa boses nito na kinikilig siya. Halatang halata yon ng mga nasa set natatawa sila sa ikinikilos ni RJ.
Minsan naman hihimatayin si Dei at mapapahiga sa sahig kaya ng bumusina nakahiga si Dei sa sahig at si RJ nakaluhod doon at nakaalalay sa ulo ni Dei. Pero ikinagulat ng lahat ang kasunod na ginawa ni RJ, binuhat si Dei at naupo sa sofa habang buhat ito. Kaya biniro naman ni Jose at iniyakap ang braso ni Dei sa leeg ni RJ at ng sabihin na gustong gusto naman ni RJ. Kinilig at tumawa ito.
Maraming mga simple pero kapansinpansin na pagbabago sa ikinikilos nila. Mga bagay na kung iisipin mga tunay lang na magasawa ang gumagawa. Katulad ng pagshe-share ng kubyertos at pagkaing isinubo na at iniluwa walang pakundangang kinain ni RJ. Tulad ng fish balls o ice cream. Pagpupunasan ng pawis at luha gamit ang iisang panyo o tissue at ang walang kaarte-arteng pagaamuyan kahit na parehong pawis na pawis. At ang nadadalas na paggamit ni Dei ng T-shirt or polo ni RJ na hindi nalingid sa mga staff pati na sa fans. Madalas din na magkatext ang dalawa at magkausap sa telepono sa gabi.
Isang sabado nasa condo niya si Dei nagsusulat sa kanyang blog bandang alas onse ng gabi ng may magdoorbell. Nagtataka siya, sino naman ang pupunta ng ganong oras? Naisip niya baka si Ate Pat at Moty kaya laking gulat niya ng pagbukas ng pinto si RJ ang nakatayo sa labas nito.
Dei: Oh, bat nandito ka? Anong oras na ha.
RJ: Hi! Pwedeng pumasok muna ako?
Natawa si Dei, pinatuloy si RJ. May bitbit itong plastic bag ng burger king.
RJ: Naistorbo ba kita? May kasama ka ba?
Dei: Hindi naman nagsusulat ako eh, as usual hindi makatulog. Si Dean nandiyan pero kanina pa tulog.
Naupo si RJ sa couch.
RJ: Nanglalambot na ako eh, inaantok pa. Pakiramdam ko hindi ko na kayang magdrive hanggang bahay eh. Eh am at the vicinity kaya here I am. Naisip ko malamang gising ka pa naman eh. Pwede bang magpahinga dito?
Dei: Oo naman. Bakit hindi ka nagpahatid sa driver eh hindi mo na pala kaya. Sige higa ka na dyan.
Tumayo si Dei, pumasok sa kwarto kinuha ang dalawang unan at isang kumot. Inilapag sa couch ang mga ito. Tahimik na naghuhubad ng sapatos si RJ.
RJ: I brought you midnight snack, pasensya ka na yan lang nakita ko eh.
Dei: Ok lang, sige pahinga ka na.
Nagpunta si Dei sa kusina, naginit ng tubig sa electric kettle at iginawa ng tea si RJ. Bitbit ang tasa ng tea pinagmasdan ni Dei si RJ. Parang pagod na pagod at namumutla ito.
Dei: Eto, drink some tea para marelax ka.
Pumasok siya sa kwarto at kumuha ng bimpo. Bumalik sa kusina, inilagay sa maliit na planggana ang bimpo at ibinuhos ang natitirang mainit na tubig sa electric kettle. Nilingon niya si RJ. Nakita niyang nakalagay ang pantalon nito sa sandalan ng couch, nakaupo ito. Nakasandal at nakapikit. Napapailing na lang si Dei. Minsan naman kasi grabe ang work schedule nito kaya ayan parang patang pata tuloy ang katawan.
Nang maging maligamgam na lang ang tubig sa planggana dinala niya ito sa salas.
Dei: RJ, magpunas ka oh para mapreskuhan ka.
Umungol lang ito. Napailing na lang si Dei. Piniga ang tuwalya at pinunasan ang mukha ni RJ. Umungol muli si RJ pero hindi nagmulat ng mata. Pinagpatuloy na lang ni Dei na punasan ang mukha at leeg nito pati na ang braso at kamay. Napansin ni Dei na nakaboxer naman ito. Dahan dahan niyang iniangat ang katawan ni RJ at inihiga ito. Iniangat ang mga hita at binti sa couch at tsaka kinumutan. Nilakasan niya ang aircon sa living room.
Tinignan niya ang bitbit nitong plastic, may laman itong burger at fries. Binitbit niya sa lamesa sa kusina at kinain habang tinatapos ang kanyang blog. Bandang alas dose y medya nagpasyang magpahinga si Dei. Naupo sa gilid ni RJ at pinagmasdan ito sandali. Hinaplos ang buhok at pisngi nito.
Napaisip si Dei... "sabado ngayon ah eh bakit nandito ito? Wala ba si Koreen ngayon?"
Nagpasya ng matulog si Dei tutal kahit naman anong isip niya hindi niya malalaman ang sagot hanggang hindi nagkukwento si RJ. Yumuko si Dei at hinalikan sa pisngi si RJ sabay sabi ng "goodnight mate!"
Narinig ni Dei na sumagot ito... "Goodnight Mahal."
Napangiti si Dei, ang nasa isip niya, " wala na talagang pagod na pagod na ito, kung ano-ano na sinasabi." Tumayo na si Dei, tinungo ang kwarto at natulog na din.
Bandang alas kwatro nagising si RJ. Nagmulat ng mata, ilang sandaling nagisip kung ano ang nangyari ng nagdaang gabi. Nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Dean. Napapikit si RJ, hindi niya kasi alam ang sasabihin kapag tinanong siya kung bakit siya nandon. Bahagya ngang nagulat si Dean dumerecho sa kwarto ni Dei. Narinig ni RJ na ginising nito si Dei.
Dean: Dei, bat nandito si RJ?
Dei: Malay ko basta nagpop up lang yan dyan eh.
Dean: Dei, ano ba?!
Dei: Eh di syempre nagpunta dito, alangan namang bigla na lang sumulpot yan. Mukhang pagod na pagod eh, hindi na daw niya kayang magdrive eh nasa vicinity siya kaya dumaan lang dito para magpahinga.
Dean: Ah ok
Dei: Yaan mo nang magpahinga yan dyan, mamaya may trabaho na naman yan eh. Buti nga nagpunta dito kaysa naman natulog sa sasakyan sa kalsada di ba.
Dean: Sabagay. Oh pano babyahe na ako pauwi.
Dei: Ang aga mo naman?
Dean: Ayokong abutin ng trapik. Dito ka lang naman di ba, wala kang trabaho ngayon?
Dei: Wala, magtutulog lang ako, magswimming siguro.
Dean: Oh sige bahala ka na dyan sa bisita mo. Alis na ako.
Dei: Ok ingat!
Napangiti ng lihim si RJ sa narinig ang nasa isip... "at least we could spend sometime together."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro