Chapter 46 - Wedding Gitters?
Makalipas ang isa't kalahating buwan yung araw na eereng muli ang streetserye ang briefing sa kanila, limang taon na silang magkasintahan at mamamanhikan na si Richard. Sa location pinapunta si Dei at Richard. Inabutan ni RJ na nakaupo sa garden set si Dei nilapitan niya ito at nagbeso.
RJ: musta Baby Girl? Ready for this?
Dei: Pano ba maging ready?
RJ: Hindi ko din alam eh ang alam ko lang I want to enjoy this. Mukhang last leg na to ng serye, why don't we give them a great spontaneous show.
Dei: what do you mean?
RJ: Masaya tayo sa ginagawa natin, masaya tayo sa kung ano mang meron tayo di ba? Let's just show them that, tapos bahala na silang magisip. Tutal alam naman natin ang totoo eh.
Dei: and ano ang totoo?
RJ: That we have a special bond kaya let's just go on with this tutal para sa career naman natin ito and we both owe it to the fans who stayed and supported us. Bahala na! Gawin na lang natin kung ano ang hinihingi ng pagkakataon. Bahala na kung ano ang isipin ng tao o kung saan tayo dalhin nito.
Kaya pagere ng streetserye kung saan ang istorya ay nagsimula five years after ng sagutin ni Yaya Dee si Richard, at ng araw na yon ay mamamanhikan na si Richard. Sobrang nagulat ang buong staff ng baranggay sa kakaibang sweetness ni RJ at Dei. Lalo na sila Jose, Wally at Paolo. Hindi nakaligtas sa mga fans kung papanong parang normal na normal kung akbayan at hapitin sa bewang ni Richard si Yaya Dee. Na para bang talagang matagal ng may relasyon ang dalawa.
Pati ng mga sumunod na episode nila kung saan halos araw-araw silang magkasama sa studio dahil sa pagpeprepare ng kanilang kasal sa streetserye. Kung hindi mo alam na isang palabas ang umeere sa TV talagang iisipin mong may relasyon talaga ang dalawa. Lalong ikinagulat ng mg staff ng maghanda ng wedding gift sila RJ at Dei.
Dei: Dapat talaga may wedding gift kami sa isa't isa Ms. Jenny para realistic di ba?
Nagulat din si Ms. Jenny na bumili ng sariling wedding ring nila si RJ pwera sa props na singsing na inihanda ng staff para sa kanila ni Dei. Nang tanungin siya ni Ms. Jenny and sagot ni RJ.
RJ: Ms. Jenn, I want to have a symbol of our special bond. Tsaka para may susuutin talaga kaming dalawa parang special friendship bond namin.
All through ng preparation ng wedding para sa streetserye, ginawa ng management ng Lunch Surprise ang lahat para sa isang engrade at magmukhang totoong totoo ang kasalang magaganap syempre kasamang napagusapan at pinaghandaan ang "you may kiss the bride." Ang hindi alam ni RJ, para sa buong staff ang kasalang yon ang game changer.
Gabi bago ang nasabing kasalan, nasa bahay sa Bulacan si Dei. Habang kumakain ng hapunan...
Dei: Tay, Nay, manonood po ba kayo bukas?
Tatay Teddy: Ayaw mo ba?
Dei: Hindi po, tinatanong kasi ni RJ, ipagpapaalam po kasi yung "you may kiss the bride". Nahihiya po kasi kaya sabi niya banggitin ko daw sa inyo.
Tatay Teddy: Artista ka, gawin mo kung ano ang hinihingi ng trabaho. Nasa iyo naman kung papano mo dadalhin yan anak. Sabihin mo kay RJ, trabaho yon kaya ok lang.
Nanay Meann: Nak, hawak mo pa ba ang puso mo? Hindi naman malayong humulagpos na yan pero sana lang wala kang pagsisisihan pagdating ng oras.
Dei: Nay, masaya ako sa ginagawa ko. Wala akong pagsisihan kahit na mahirap, masakit at magulo ang mundong ito, wala akong pagsisihan dahil natupad ko ang pangarap ko at hanggang alam ko na may mga tao akong napapasaya... ipagpapatuloy ko ito.
Coleen: Kahit dumating ang oras na mas na nasasaktan ka na?
Dei: Coleen alam mong genuine happiness lang ang gusto ko, kaya kapag hindi ko na nararamdaman yon I will eventually stop.
Samantala sa bahay naman ni RJ sa Laguna. Nanonood ng movie si RJ ng lapitan ng ama.
Daddy Richard: Ano ba yang pinanonood mo?
RJ: Hindi ko alam Dad...
Daddy Richard: Hijo, ok ka lang? isang oras ka ng nakatitig sa TV hindi mo alam?
Mama T: Kausapin mo yang anak mo Richard, pakiramdam ko may gumugulo sa isip niyan.
RJ: Mama, chismosa mo talaga.
Daddy Richard: Ano bang problema?
RJ: Ikakasal na kami bukas Dad.
Daddy Richard: Ni Koreen?
RJ: Daddy! Ni Dei...
Daddy Richard: ni Dei? ows?
RJ: Daddy naman eh! Ni Yaya Dee ho.
Daddy Richard: So? Eh hindi ba yon ang pinakahihintay ng mga fans ninyo eh di mabuti paniguradong masaya na naman yan, madami na namang kikiligin at bubulabugin na naman ang twitter ko ng mga fans ninyo. Gusto mo bang sumama ako sa paghatid sa altar? Yung totoo anak, tinawagan nila ako, gusto ko sanang ihatid ka sa altar kaso naman may meeting ako na hindi ko na maicancel. Si Ryzza nga dapat kasali sa entourage eh, kaso may exams naman siya.
RJ: I didn't know that, anyway, Ok lang yon Dad.
Daddy Richard: Teka nagkakalimutan tayo... ano at isang oras ka ng nasa harap ng TV eh hindi ka naman pala nanonood?
RJ: Nanonood kaya ako...
Daddy Richard: Sige, so ano yang pinanonood mo?
Hindi nakasagot si RJ, napakamot na lang sa batok. Pinatay ni Daddy Richard ang TV at naupo sa tabi ni RJ.
Daddy Richard: May problema ba? O gumugulo sa isip mo?
RJ: Wala Dad, kinakabahan lang, baka wedding gitters lang.
Daddy Richard: Sa dinami dami ng mga telenobelang ginawa mo, kissing scenes at kung ano-ano pa parang ngayon ka lang yata nagkaganyan. Any special reason why?
Mama T: Ako parang alam ko kung bakit.
RJ: Mama T tigilan mo na ang ilusyon mo ha.
Mama T: Bakit? Pwede namang hindi ako nagiilusyon, pwede namang maging totoo ang sinasabi ko at malamang na totoo ang nakikita at nararamdaman ko.
Daddy Richard: Ano ba ang nakikita mo Mama T?
Mama T: Feel na feel at nakikita ko kasi na ang RichDee hindi lang isang love team. Isang bagay na hindi naman imposibleng mangyari dahil... maganda, mabait, malambing, maalalahanin, maunawain at mapagmahal sa pamilya si Dei at totoong totoo sa sarili, walang halong kaartehan at kashowbizhan. Taglay niya ang katangian ng isang babaeng hinahanap ng maraming kalalakihan.
Daddy Richard: Ang ibig mo bang sabihin nahulog na ang anak ko?
Mama T: Ewan ko basta ako iba ang nakikita ko sa sinasabi ng anak mo.
Daddy Richard: RJ?
RJ: Dad, huwag kang maniwala diyan kay Mama
Daddy Richard: Wala namang masama kung i-aacknowledge mo sa sarili mo na gusto mo talaga si Dei. Tanga na lang ang lalaking hindi siya magugustuhan eh. Kung yun ang totoong nararamdaman mo nothing is wrong with that.
Mama T: Kung hindi totoo ang sinasabi ko bakit ka bumili ng singsing para sa wedding ninyo?
Daddy Richard: Talaga? Bumili ka?
RJ: Gusto ko lang maging personal yung ibibigay ko sa kanya, parang friendship ring ganon.
Mama T: Eh yan din ang sinabi mo nung bilhin mo yung bracelet para sa wedding gift mo sa kanya.
RJ: Binili ko yung bracelet dahil kilala ko kung gaano kasweet si Dei at sure ako na naghanda din ng wedding gift yon.
Mama T: Sige oo na, basta aabangan ko na lang ang you may kiss the bride.
Natawa si Daddy Richard pero nagaalala din siya para sa anak dahil kung totoo ang sinasabi ni Mama T malamang na namumrublema nga ito at naguguluhan dahil alam namang niyang may girlfriend ito. Pero hindi din niya masisisi ang anak dahil halos araw-araw si Dei ang kasama nito kaya hindi nga malayong mahulog ang loob ng anak niya.
Daddy Richard: Kung ano man yan Hijo, basta nandito lang ako. Kung kailangan mo ng kausap handa akong makinig sa yo.
RJ: Thanks Dad! Pero promise wala ho ito.
Pero ang nasa isip ni RJ... "totoo nga bang wala lang yan RJ eh bakit ang kabog ng dibdib mo parang tambol kapag naiisip mong ikakasal kayo ni Dei?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro