Chapter 43 - Weeksary
Para kay Dei ang weeksary na yon ang pinakamasaya. Dahil alam niya na lahat ng panunuyong ginawa ni Richard ay idea mismo niya. Masaya ang kanilang road trip. Marami silang napagkwentuhan tungkol sa buhay buhay. Ang byahe nila sa Club Punta Fuego sila dinala.
Pagdating nila don nandon na ang crew. Sinalubong sila ni Direk Pat.
Direk Pat: So RJ where do you want the drone camera?
Dei: Drone?
Direk Pat: Hiling ni RJ eh, kayong dalawa lang. Kayo ang lalapit sa amin kapag gusto ninyong ifeed namin sa studio. So today kayo ang artista at director ng serye. So, make it good.
RJ: Don't worry kayang kaya namin yan. Kaya kayo relax relax lang kayo. Eere na ba tayo? Gusto ko kuhanan mo ang pagdating at pagche-check in namin. Ay yung gamit namin nasan.
Lumapit si Mama T. Iniabot ang magkaparehong knapsack nila ni Dei
Dei: Hi Ma! Makakapagrelax kayo ngayon ah.
Mama T: Oo nga wala kaming ibang trabaho kaya pwedeng magswimming mamaya pagkatapos ng show.
Dei: Ay winner!
Mama T: At nasa malayong lugar na naman ang Ms. U kaya walang Babe day at walang istorbo ang sabado namin kaya pwedeng magsaya.
RJ: Ma, naririnig ko yang sinasabi mo.
Mama T: Pakialam ko ba kung naririnig mo eh alam mo naman RichDee fan ako.
Ang lakas ng tawa ni Dei.
RJ: Makatawa ka naman.
Dei: Ay sorry naman.
Kinausap ni RJ ang mga nandon na fans at staff sa lobby.
RJ: Good morning po! Weeksary po namin sa streetserye sa Lunch Surprise makikiusap po sana kami na kung maari ibigay na ninyo sa amin ang araw na ito. We will give you a chance para makapagpapicture pero sana po kapag nagsimula kaming umere you will all go in your own way at magenjoy lang dahil yon naman ang ipinunta ninyo dito sa Punta Fuego. Pwede po ba yon?
Sumagot naman ng oo ang mga tao na nandon.
Dei: Hello po... ang segment po kasi ngayon kami din ang Director kaya hihingin na po namin ang tulong at cooperation ninyo. Hindi ho ninyo kami kailangang lapitan, just stay where you are at kami po ang lalapit para magpapicture sa inyo para hindi magulo, ok po ba yon?
Sumagot ulit ang mga tao ng Oo.
Direk Pat: Eere po kami ng 1:30pm pag nagsimula po hindi sila artista kung hindi katulad ninyo lang din na ordinaryong tao na gustong magrelax dito sa Club Punta Fuego so normal lang ho ang mga kilos ha.
Nagsimulang magikot sila RJ at Dei para magpapicture sa mga tao at katulad ng mga naipangako nila pagkatapos makapagpapicture umaalis na at itinuloy na ang bakasyon nila. Kaya ng matapos sila magpicture taking iilan na lang ang mga tao sa lobby ng resort. Eksaktong ala una tapos na sila. Lumapit si RJ sa Counter.
RJ: I have a booking under RJ Faulkerson Jr., two seaview rooms ready na ba?
Lumapit ang Manager ng Resort kay RJ. Iniabot ang kamay nito.
Manager: Hi RJ, Ariel here I am the Manager of the Resort and your rooms are ready. Pati yung sa beach front everything is ready. Nakadeploy naman ng normal ang mga security just in case so I think wala naman kayong magiging problema.
RJ: Thanks! Pag air namin kukuhanan ang pagdating. Pwedeng tayo na lang ang mag conversation. Ok lang naman na nasa counter din ang staff to run my transaction I want this to be as natural as posible.
Manager: It would be my honor.
Direk Pat: RJ we are airing in 15 minutes, pag nakita ninyong tumapat sa kotse ang drone drive in. Pagbaba ninyo bumati na kayo sa Broadway and a microphone is on the counter so the Manager can use it.
RJ: Ok Direk... everyone we are airing in 15. Ariel ok na ha.
Manager: Ok got it.
Lumapit ang isang makeup artist. Pinunasan ang pawis nila at nilagyan ng bahagyang foundation para hindi oily sa camera. A little lip gloss at inayos ang pagkakapony tail ng buhok niya.
Direk Pat: Airing in 10 minutes.
Naglakad na sila ni RJ papunta sa kotse, inilagay ang knapsack nila sa likod at sumakay na. Inilabas ni RJ ang kotse palabas ng entrance ng Resort at lumayo ng konti. Mayamaya pa nakita nila ang drone camera na palapit sa kanila. Pinaandar ni RJ ang kotse at pumasok sa entrance ng Resort nagpark mismong sa harap ng Main Entrance. Pinagbuksan siya ng isang staff ng resort iniabot niya ang susi dito, nakita niya sa isang monitor na nakaabang ang mga taga Broadway naririnig din niya ang mga sinasabi ng mga ito.
RJ: hello po nandito na po kami.
Umikot siya sa kabila ng kotse at pinagbuksan si Dei, bumaba ito bitbit ang bag at nagsalita sa microphone.
Dei: Hello po! Lola! Nakarating na po kami.
Pia: Saan na ba kayo nakarating?
Dei: Ewan ko po ba dito kay Richard, surprise daw kulang na lang iblind fold ako eh.
RJ: Hi po sa mga tao dyan sa studio. Ms. Pia, Bossing, Tito Jo, Tito Sen nandito na po kami sa Club Punta Fuego!
Dei: Talaga ba?!
RJ: Alam ko po kasi mahilig si Dee sa beach kaya dito ko po siya dinala para sa weeksary namin. Happy Weeksary po RichDee Nation.
Dei: Happy Weeksary!
Lola: Happy Weeksary sa inyo mga Apo. Dee, ano na pinatawad mo na ba si Richard?
Dei: Nakapagusap naman na po kami habang bumibyahe kami kaya medyo ok naman na po. Konti na lang Lola, konting konti na lang.
Allan: Dinala ka pa sa beach pag hindi ka pa naniwala na sincere siya Dee ewan ko na lang.
Dei: Oo nga Ms. A touched ako eh.
At nag make-face si Dei.
RJ: Ok papasok na po kami at samahan po ninyo kami na magcheck in.
Lumapit sila sa Counter.
RJ: Good afternoon po!
Manager: Good afternoon Sir!
RJ: Reservations for RJ Faulkerson Jr. for two seaview rooms please.
Manager: Do you have the printout of your booking Sir.
RJ: Eto oh, ayan Lola ha dalawang kwarto ang pinabook ko.
Lola: Mabuti naman at naalala ninyo ang bilin ko.
Joey: Dalawa nga may pinto naman sa gitna at magkatabi.
Nagtawanan ang mga tao sa broadway.
RJ: hindi po Tito Jo.
Manager: Sir, are you paying cash or using a credit card.
Dinukot ni RJ ang credit card inilapit sa camera.
Allan: Ay true to life ito! Creditcard ni RJ Faulkerson ang ginamit.
Tumili si Allan at nagtilian na din ang mga tao sa studio.
Manager: Sir, pahiram po ng Valid ID
Kinuha ni RJ ang driver's license inilapit sa kamera at tsaka iniabot sa Manager.
RJ: Sir, pwede pong balikan na lang namin yan, papasok lang kami para ipakita ang view dito.
Manager: Sir po Sir, we will approach you kapag ok na po.
RJ: Ayan halika yo samahan ninyo kami
Dei: Oh my God ang ganda ng view ng beach. Richard thank you ha.
Niyakap niya sa bewang si RJ.
Allan: Uuuyyy may pagyakap na bati na sila.
RJ: Shhhh Ms. A huwag mo ng pansinin baka maalala pang galit siya sa akin eh
Nagtawanan ang studio audience.
RJ: Ayan po ang view Lola, mamaya po pupunta kami dyan ni Dee kaming dalawa lang.
Lumapit ang Manager bitbit ang isang clipboard ID at credit card ni RJ kasunod ang dalawang lalaki.
Manager: Ok na po Sir, paki sign na lang dito and here is your ID and credit card.
Pumirma naman si RJ, kinuha ang ID at Drivers license at ibinalik sa bulsa.
Manager: You can see your room now Sir. And here is your welcome drink
Dei: Uy, may welcome drink pa.
Bossing: Ano yung welcome drink Dei?
Dei: Bossing, Mango shake po.
Bossing: Nakakainggit naman.
Dei: Gusto niyo po Bossing?
Bossing: Ang layo nyo eh no?!
Manager: This is Justin, he will bring you to your rooms Sir.
RJ: Thank you Ariel!
Manager: Thank you Sir and welcome to Club Punta Fuego!
RJ: Ayan, halika punta na tayo sa room natin para makita nila Lola.
Umakyat sila sa stairs nasa first floor lang ang kwarto. Magkaholding hands sila na naglalakad at nakasunod lang ang kamera sa kanila.
Justin: Here we are Sir, Mam... Room 201 po is Ms. Dee's Room and eto naman pong katapat Sir ang room ninyo. Enjo your stay po!
Dei: Thank you Justin!
RJ: Unahin na nating tignan ang kwarto ko.
Pumasok sila sa kwarto
RJ: Sosyal ng room nila Ms. A, Bossing! Parang yung kwarto lang don sa hotel nung kasal ninyo.
Natawa si Bossing.
Bossing: Talagang yun ang comparison mo ha.
Lola: oo nga Victor kamukha nga
Dei: Lola, Bossing halika po kayo tignan naman natin ang kwarto ko. Oh di ba ang ganda, ang lambot ng kama. , may mini ref, coffee and tea set, bottled water at may flowers pa. Bonga! pang mayaman Lola.
Lola: Oo nga Apo.
RJ: At hindi lang yan, ang kwarto ng Baby Girl ko may view ng beach...
Lumabas sila sa Veranda, ipinakita ang kuha ng drone camera mula sa labas, airial shots.
Dei: Ang ganda talaga! Salamat Richard ha.
RJ: Basta para sa yo Baby Girl, wala akong hindi gagawin mapasaya ka lang.
Dei: Punta na tayo sa Beach baby Boy!
Naghiyawan ang mga tao sa Broadway ng marinig na tawagin ni Dei ng Baby Boy si Richard.
Dei: Oh sige na... punta ka na sa room mo at magbihis na tayo para magpunta na tayo sa beach.
Lola: Oo nga mga apo, para makita naman namin yung dagat. Victor magsugod bahay na tayo.
Ipinakita si RJ at Dei na nakadungaw sa kanya-kanyang pinto ng kwarto.
RJ: Dyan muna po kayo ha, magbibihis lang kami
Dei: Mamaya po pagkatapos ng sugod bahay dadalhin namin kayo sa beach.
Kumaway sila at sabay na nagsara ng pinto ng kwarto.
Direk Pat: And cut! good show guys... sige na go prepare... hintayin na lang namin kayo sa beach front.
Nang umere ulit sila kuha ng beach mula sa drone ang ipinakita. Mayamaya bumaba ang drone camera at ipinakita sila RJ at Dei na naglalakad sa beach na magkaholding hands. Nakaboard shorts at sando si RJ at nakaone piece white swimsuit, shorts at lace top na yellow si Dei. Pareho silang nakasunglass. Walang malapit na kamera.
Allan : wow naman ang sweet nila HHWW
Pia: Ang ganda ng view
Bossing: parang ang sarap magtampisaw sa dagat
Naglakad papunta sa tubig si Dei at RJ nang hanggang sa tuhod na ang tubig nagbasaan sila.
Allan: Bossing naririnig ka ata nila.
Lola: Tignan ninyo ang mga ngiti ng mga apo ko napakaganda oh.
Biglang binuhat ni RJ si Dei at dinala sa medyo malalim na parte ng dagat.
Lola: Oy Richard wag mong lunurin yang apo ko!
Nagtawanan ang mga tao sa studio.
Allan: lola hindi naman eh tignan mo naglulublob lang sila sa dagat.
Mayamaya naglakad palapit sa isang umbrella sila RJ at Dei.
RJ: Lola, grabe ang sarap ng tubig.
Dei: oo nga Lola sana kasama namin kayo.
Lola: Hindi bale apo, basta magenjoy kayo dyan ha.
RJ: may surprise pa po ako kay Dee Lola eto panoorin ninyo.
may lumapit na staff ng hotel at iniabot ang life vest.
Dei: Para saan ito Kuya.
Staff: Mam, ready na po yung jetski pero kailangan niyo pong isuot yan for protection.
Isinuot naman nila ang vest at naglakad palapit sa jet ski. Unang sumakay si RJ at nasa likod niya umupo si Dei.
Lola: Apo, kumapit kang mabuti!
Allan: OMG ang higpit ng yakap oh!
Kinilig ang mga audience... mga limang minuto din silang nagjetski habang ipinapakita sila ng drone camera. Mayamaya pa bumalik sila sa ilalim ng umbrella. Uminom ng tubig.
Dei: grabe Lola enjoy po talaga dito.
RJ: Lola, salamat po at pinayagan ninyo akong dalhin dito si Dee.
Lola: walang anuman Hijo ang gusto ko lang magkaayos na kayo. Ang tunay na pagibig umuunawa at umiintindi hindi yung konting problema lang hiwalay na agad.
Dei: tatandaan ko po yan Lola.
Lola: Dee, tiwala ang unang unang kailangan para tumagal ang isang relasyon. Kailangang buo ang tiwala ninyo sa isa't isa at kahit anong mangyari wala kayong ibang paniniwalaan at pakikinggan kung hindi ang isa't isa lang.
RJ at Dee: Opo Lola, tatandaan po namin yan.
Umupo si RJ sa tabi ni Dee. Hinawakan ang kamay nito at inakbayan.
RJ: Ok na tayo ha? Hindi ka na galit sa akin?
Dei: Hindi na. Basta wala ng secrets ha... dapat lahat sinasabi natin sa isa't isa para hindi tayo nagkakaron ng ganitong problema.
RJ: Promise, pero promise mo din na bago ka magagalit, pakikinggan mo muna ako palagi and I will do the same.
Dei: Promise.
RJ: Last na Baby Girl, pwedeng humingi ng favor?
Dei: Ano kiss na naman, nandyan si Lola oh magagalit yon.
RJ: Hindi...
Dei: Eh ano...
RJ: Pwede bang huwag mo na ulit gagawin yon?
Dei: Ang alin?
RJ: Yung makipagbreak sa akin... kasi hindi ko kakayanin eh.
Nagyakap silang dalawa. Naghiyawan ang mga tao sa broadway, kilig na kilig si Allan.
Lola: Ehhhhh kinikilig naman ako sa inyo mga apo. Sige magenjoy kayo dyan pagbalik ninyo dito may kailangan akong sabihin sa inyo.
Tumingin sa kamera si Dei at RJ habang magkayakap pero nagulat... at tumunog ang busina.
Isang magandang episode yon at tuwang tuwang ang lahat ng staff sa resulta ng ratings. Kasama nilang nagswimming ang mga ito pati na sila Direk Pat, Moty at Mama T. Extra sweet si RJ kay Dei na ikinatuwa nito at ng mga taong malalapit sa kanila. Nagpicture taking sila. Naghabulan sa buhangin at nagboodle fight for dinner. Ipinaghimay ng sugpo ni RJ si Dei.
Alam ni RJ na kapag kasama niya si Dei masaya siya, at nakikita ng iba si RJ ang ordinaryong tao hindi ang artista. Around Dei siya lang si RJ ang simpleng tao at gusto niya ang pakiramdam na yon.
Si Dei naman, walang paglagyan ng saya nang mga oras na yon. Kapag kasama niya si RJ parang wala siyang hindi kakayanin kahit pa ang masakit na katotohanan na kahit kaylan hindi ito magiging kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro