Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42 - Plans

Ang hindi alam ni RJ, bumalik si Dei sa opisina ni Ms. Jenny at kinausap ito.

Dei:  Ms. Jenny, gusto ko lang malaman anong long time plans ninyo para sa streetserye?

Ms. Jenny:  Wala pa naman.  Pero your contract with us is 3 years. So, kung kailangang pahabain ang street serye at hanggang tinatanggap at gusto ito ng viewers we will continue on.

Dei:  Eh anong mga projects pa po ba ang kailangan kong gawin for the remaining time ng contract ko?

Ms. Jenny:  Ang alam ko  besides dito sa Lunch Surprise, may teleserye, another movie at kung matutuloy ang plano nila boss mall shows abroad, hinihintay lang ang final sponsors. Hindi ko din masyadong sure if you want we can go discuss with Mr. T.  May say ka naman sa schedules eh kung may ibang plano kang gawin.

Pumunta nga sila kay Mr. T.

Mr. T:  Mabuti nagpunta ka, I was thinking of calling for you para ipakita ang schedules.

Dei:  Sir, I know I requested na ituloy itong streetserye to where we can teach the youths about relationships and we already did that. Now, ire-request ko po sana to cut it short.  Baka pwedeng magpahinga muna tayo sa street serye.

Mr. T:  Jenny, ano na ba ang plano? Can we do a recess on the story.

Ms. Jenny:  well we were thinking of showing the audience up to the part where ikakasal sila, magbubuntis at magkakaanak since yan ang hiling ng RichDee Nation. Pero we can make a recess. Siguro kunyari the Lola's need to go abroad. Tapos when everything else is ready we can start with the story five years after yung magpopropose na si Richard ng kasal.

Mr. T:  There, you heard it pwede naman.  But I wanted to know, the reason behind this?

Dei:  I have a teleserye and another movie to make  for yoy Sir, gusto ko ho sanang magacting workshop.

Mr. T:  Acting workshop?  You are a natural Dei, everyone can see that.  Pero tama ka naman malaki ang maitutulong ng acting workshop para mahasa ang pagarte mo lalo na sa pagdadrama.

Dei:  Since may time naman po at pwede naman I just need this,  kasi if I don't really learn how to act hindi ho kakayanin nito oh.  (Sabay turo sa puso) Kasi since start up to now ako lang ito, akong ako, emosyon ko, puso ko.  Totoo, walang acting.   Ayoko hong makagulo o makasira ng relasyon ng iba.  I really need to learn how to act in love without really being in love, act hurt without really being hurt.

Naintindihan naman ni Mr. T ang ibig niyang sabihin.  Hinawakan nito ng mahigpit ang dalawang kamay niya.

Mr. T:  Naiintindihan ko na, sorry Hija if you had to undergo all this bago namin marealize na hindi na ito maganda para sa yo.

Dei:  wala naman ho kayong kasalanan, ako ito eh pinabayaan ko ang sarili ko.

Mr. T:  Tama ikaw lang pero kahit kaylan hindi kasalanan ang magmahal, dahil hindi mo naman pwedeng ituro sa puso mo kung sino ang dapat mong mahalin.

Sandali silang nanahimik.

Mr. T:  Salamat din Hija at naging totoo ka sa amin, kahit may nararamdaman ka hindi ka basta nagdedesisyong umalis na lang.

Dei:  Mr. T, utang ko ho sa inyo ang career na ito, at ang pagabot ko sa pangarap na ito.  Kahit kaylan hindi ko ho gagawin na ipahamak ang show na gumawa at nagpasikat kay Yaya Dee.

Mr. T:  It's settled then, huwag kang magalala.  Gagawin  naming kapakipakinabang at memorable para sa yo ang isa't kalahati pang taon na ilalagi mo dito sa amin.

Dei:  At huwag din ho kayong magalala matapos man ang panahong yan. Kayo lang ang babalikan ko kapag nagdesisyon akong bumalik.

Mr. T:  Aasahan ko yan dahil, alam ko magmamature ka, makakalimot din ang puso and when that happens pwede mo ng ituloy ang acting career mo.

Kinabukasan ng umere ang streetserye... isang malungkot na Yaya Dee ang ipinakita, ayaw na namang magsalita at panay na naman ang dubsmash.

Lola: Apo, tama na yan.  Nasasaktan ka eh bakit hindi mo na lang siya patawarin.

Dubsmash pa rin ang isinagot ni Yaya Dee sa kanya. Biglang bumusina hudyat na may dumating.  Isang Van ang pumarada bumaba si Richard may dalang bulaklak at isang kahon.

Nagmano siya kay Lola at lumapit kay Yaya Dee.

RJ:  Baby Girl, sorry na. Maniwala ka, ikaw lang ang mahal ko wala ng iba.  Dinalhan kita ng favorite mo oh, hawhaw, mikmik at hany.

Dubsmash pa din ang isinagot ni Dei.

Kinasundan na araw naman pagere nila lumabas si Yaya Dee at nagpunta sa kusina, nagulat siya na nandon si Richard  nakasuot ng apron, topless at nagluluto.

RJ:  Hi Baby Girl! Ipinagluto kita ng masarap na lunch... sinigang na isda na maraming kangkong

Hindi napigilan ni Dei ang mangiti hindi niya alam kung papano nalaman ni RJ na yun ang paborito niya at topless pa talaga.  Hindi pa rin siya kinakausap ni Yaya Dee pero sinabayan siya nitong kumain. 

Dei:  Sino bang pinagkakausap mo at may mga paganyan ka pa?

RJ:  Ayan kinakausap mo na ako. Baby Girl, huwag ka ng magalit sa akin oh please.

Dei:  sige na hindi na ako galit pero hindi pa tayo ok ah.

RJ:  Yung kausapin mo lang ako ok na ako.

Pagdating ng huwebes, nagulat si Dei na nasa condo niya ang crew ng barangay, alas sinko ng umaga at nagse-set up.

Direk Pat:  Kukuhanan ko ang paggising mo so change into your nicest PJ's si Wally nandyan na sa baba at nagmemake up.

Dei:  Teka muna, ano bang nangyayari?

Direk Pat: Part ito ng  panunuyo ni Richard kaya pwede ba huwag ka ng magreklamo, maghilamos ka na at we need to shoot your woke up like this look.

Dei:  Eh bakit ang aga? 

Direk Pat:  dahil kailangan itong ishoot ngayon at maipalabas mamaya habang bumibiyahe kayo papunta sa destination ninyo.

Dei:  Ha? Saan ba kami pupunta?

Direk pat: Tama na ang tanong, go!

Alas syete sila nagsimulang magshoot bandang 8 dumating si RJ sa condo niya at tinapos nila ang scene na kailangan nilang ipakita sa show ng araw na yon.  Pagdating ng 9 yung pagsakay na nila sa sasakyan at pagalis ang kinuhanan.

Nung nasa sasakyan na silang dalawa lang. 

RJ:  Ready ka na sa road trip natin?  We need to take videos of the road mga magagandang tanawin kung meron and us being together. You know the drill.

Dei:  Opo,  Sige po pero pwede bang dumaan muna tayo para bumili ng breakfast nagugutom ako eh.  

Dumaan sila sa isang starbucks branch bumili ng frap at gourmet sandwich. 

Dei:  Saan ba talaga tayo pupunta?

RJ:  Surprise nga eh.

Nakangiti si Dei, ang mga ganong pagkakataon nagiging masaya talaga siya. Nagkulitan sila at kumanta habang daan.  Nagtake din sila ng mga videos at snap chat. At nagkwentuhan din.

Dei:  Ang bilis ng panahon no, imagine nakaisa't kalahating taon na ako at ang dami ng nangyari.   Isa't kalahating taon pa tapos na ang kontrata ko with Tape.

RJ:  3 years lang pala ang contract mo?

Dei:  Di ba nga kasi trial and error naman ang pagkuha sa akin ng Tape?

RJ:  So, wala silang balak irenew ang contract mo?

Dei:  Tape management doesn't want me to end my contract. Ako ang ayaw magrenew.

RJ:  Ayaw mo na? Akala ko ba usapan natin walang iwanan?

Dei:  Ito naman parang bukas aalis na ako, matagal pa naman ang one and a half year eh.

RJ:  Kahit na aalis ka pa rin at mabilis nga ang panahon di ba?  Akala ko ba may forever si Richard at Yaya Dee?

Dei:  hindi pa nga ako aalis, marami pang pwedeng mangyari. Malay mo magextend pala ako. Ang sa akin lang thinking ahead... kung sakaling matapos nga sa 3 years ang contract ko. May plano na ako na gusto kong gawin.

RJ:  Ano naman yon?

Dei:  I want to write a book.

RJ:  kapag natapos mo ang book may balak ka pa bang bumalik sa showbizness?

Dei:  Kung may babalikan pa ako, sa Tape lang din ako babalik.  By that time award winning actor ka na ala Christopher De Leon or Eddie Garcia at malamang may asawa ka na.

RJ: Ayos ah, parang plinano mo na ang buhay ko ah.

Dei:  Bakit mali ba?  Sabi mo sa akin last year in 5 years time magaasawa ka na. Eh di pag natapos contract ko 3 years tapos matapos yung book ko eh di mga ganong time may asawa ka na nga. Huwag mong sabihing wala kang balak pakasalan si Koreen?

RJ:  wala pa sa isip ko ang magpakasal period. Dei, sige nga kung ikaw ang tatanungin ko palagay mo ba talaga si Koreen ang forever ko?

Dei: Teka bakit naman ako ang tinatanong mo malay ko naman dyan.  Ikaw ang nasa relasyon hindi ba dapat mas alam mo ang sagot sa tanong na yan.

RJ:  Tinatanong kita kasi sa palagay ko, wala namang espesyal sa relasyon namin ni Koreen. Bibihira kaming magkita, ni hindi ko nga siya maipakilala na girlfriend ko eh.  Hindi nga naggo-grow ang relationship namin eh.

Dei:  Konting tiis na lang pwede mo na siyang ipakilala na girlfriend mo dahil mawawalan ka na ng ka-loveteam.  Huwag na nga nating pagusapan yan. I-enjoy na lang natin ang moment na ito and make this road trip count for the books.

Ngumiti si RJ pero nalulungkot ang loob niya ng malamang may ending ang love team nila.






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro