Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39 - Conflicts

Hindi naging madali para kay RJ at Dei ang pagiging love team nila.  Alam ni RJ mismong ang Manager niya na si Carlitos gusto siyang magsolo.  Pero magkaiba sila ng paniniwala dahil nakikita naman niya ang magandang idinulot sa kanya ng love team nila ni Dei.  At desidido si RJ na pangatawanan ang love team na ito.  Ang hindi alam ni RJ people can do things para masira ang love team nila katulad ng isang araw naimbita si Dei ng RJnatics para sa isang party daw para sa kanila ni RJ.  Pinaunlakan naman ni Dei ang imbitasyon.  Kasama niyang pumunta sa naturang party si Direk Pat.  

Nandon  si Carlitos at ang admin ng RJnatics pero walang pumapansin kay Dei.  May mangilanngilan na nagsalita pa ng hindi maganda tungkol sa damit o itsura ni Dei.  Halos magiisang oras na siya doon at hindi na komportable si Dei.  

Dei:  Ate Pat, halika na.  I don't think I am really welcome here.

Direk Pat:  Sandali tatawagan ko si RJ, siya ang nagsabi sa yo tungkol sa party na ito.

Bago pa nakaalis si Dei dumating na si RJ, nagkagulo ang lahat.  Kumaway lang si RJ sa mga fans at bumati at dumerecho ng umupo sa tabi ni Dei.  Nahalata ni RJ na tahimik si Dei. 

RJ:  Sorry ha, nalate ako.

Dei:  Ok lang,  actually hinintay lang talaga kita bago ako umalis eh.

RJ: Bakit naman... 

Tumingin si RJ kay Direk Pat, nakakunot din ang noo nito.  Mayamaya, may nagtext kay RJ isa sa admin ng fans club. "Sorry RJ, lalapitan ko na sana si Dei  kahit pa magalit sila eh. Wala kasing pumansin sa kanya at mga nagpaparinig pa sila kay Dei ng kung ano-ano.  Yung totoo set up lang na pinayaya siya sa yo para ipakita sa kanya na ayaw nila kay Dei. Ask Carlitos."

RJ:  Direk Pat, pakicontact na yung driver aalis na tayo.

Direk Pat:  Ok

Lumapit si Carlitos, may bitbit na juice at pagkain para sa kanila.

Carlitos:  Here kain na kayo.

Tinignan lang ni RJ si Carlitos. 

RJ:  Kanina pa nandito si Dei, ngayon mo lang nilapitan?

Carlitos:  Busy lang ako sa likod.

RJ:  Then you should have asked someone else para magasikaso sa kanila.  Sabi ninyo yayain ko siya tapos ipapahiya lang ninyo ako?

Tumingin si RJ sa mga admin ng RJnatics at nilakasan ang boses.

RJ:  This is not the RJnatics that I used to know... believe me kahit kelan hindi gagawin ng Richdee Nation ang ginagawa ninyo.

Hinawakan ni RJ ang kamay ni Dei at tumayo na.  Tumayo si Dei... tumingin sa mga fans ni RJ.

Dei:  Ang pangit ko ba?  Malaki yung bibig ko? matagal ko ng alam yan, sorry I cannot please you guys.  Sorry din kung sa akin naipartner ang idol ninyo ha.  Pero wala din naman akong kinalaman dito eh. 

Hinila na ni RJ si Dei at kahit anong tawag ng mga fans sa kanya hindi niya nilingon ang mga ito. Hinatid na ni RJ sila Direk Pat at Dei sa condo ni Dei.

RJ:  Pasensya ka na.  Sorry talaga.

Dei:  it's okay, not your fault.  Hindi mo naman alam yung gusto nilang mangyari.  Actually alam ko naman na may mga fans ka na ayaw sa akin, I just didn't realized na RJnatics pala sila.

Hindi doon natapos ang problema ni RJ. Minsan nasa restaurant niya siya.  Nandon si Carlitos at ilang mga admin ng fansclub niya. Inentertain naman niya sila.  Kumain ang mga ito at nagkukwentuhan. Nasa opisina siya at kausap si Joe ang kasosyo niya ng maalala niyang hingin ang schedule niya kay Carlitos. Pinuntahan niya ang mga ito at rinig na rinig niya ang mga sinasabi ng mga ito tungkol kay Dei. Hinampas ni RJ ang lamesa, galit na galit. 

RJ:  Kung wala kayong sasabihing maganda tungkol sa kanya manahimik na lang kayo and do me a favor kung sisiraan niyo lang siya sa harap ko umalis na kayo. Marami akong RichDee Nation customers na dumadayo pa rito, hindi kayo nakakatulong eh or baka gusto ninyong dumugin kayo dito.

Tinalikuran sila ni RJ. Pinagtitinginan sila ng mga ibang customers.  

May dalawang pagkakataon na din na may lumabas na litrato sa twitter na kasama ni RJ ang isang babae at ang ina nito na nagdidinner.   Kaya ang haka-haka yon ang babaeng talagang gusto ni RJ.  Hindi matapos tapos ang mga issue na ibinabato  sa kanila ni Dei.  Pero nananatiling matatag ang dalawa.   Hindi na lang nila pinapansin ang mga bashers at ginagawa na lang ang mga trabaho nila.

Ang hindi alam ng lahat, habang pinipilit nilang sirain si Dei mas nagiging marubdob ang hangarin ni RJ na ipagtanggol at ipaglaban ito.  Kung baga sa  kasabihan "lalong pinipigil ay lalong nanggigigil."

Samantalang si Dei naman habang ipinagtatanggol siya ni RJ lalo namang nahuhulog ang loob niya sa binata at lalo silang nagiging close.  At habang nagiging close ang dalawa sa street serye naman dumating ang araw na sasagutin na ni Yaya Dee si Richard. 

Yung araw na yon, walang kaalam-alam ang lahat kung gaano kakabado si Dei at ang kaisa-isang dasal niya, "RJ huwag kang iiyak, huwag na huwag kang iiyak."  Dahil alam ni Dei kapag umiiyak ito totoo sa loob ang mga sinasabi nito.  Natatakot siya... natatakot siya na makita ang totoong damdamin ni RJ.

Pinilit ng staff at crew na gawing light ang magiging takbo ng scenes.   Pero kahit gaano kalight. ang kabog ng dibdib ni Dei hindi nagbago.  Kaya ng umere sila...

RJ:  Mahal mo ba ako?

Napansin ni Allan na nabigla si Dei... sumigaw pa si Allan ng "Sagot na Dei, true to life na yan." Halata din sa mata ni Dei na naguguluhan siya.  Habang si RJ hindi din niya alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. This is supposed to be a show bakit parang mabigat sa loob niya na tanungin si Dei atg kahit alam niya ang magiging sagot nito bat parang nalulungkot siya.

RJ:  Sasagutin mo na ba yung tanong ko?  Handa ka na bang maging tayo? Mahal mo ba ako?

Ipinakita sa TV ang ilang clips ng mga nakaraan scene sa streetserye. Habang si RJ, hawak ang dalawang kamay ni Dei. Mahigpit  ganon din si Dei nakatingin lang sila sa isa't isa.  Pilit binabasa ang sinasabi ng mga mata. Nakita ni RJ ang pagaalinlangan at takot sa mata ni Dei.  Samantala, malungkot si Dei dahil ang nakikita niya sa mata ni RJ - para itong nagsosorry sa kung anong bagay na hindi naman niya alam.

Nainis si Dei kasi pinagsalita pa nila ng mahaba si RJ at ng gumaralgal ang boses ni RJ at nateary eyed ito...  Alam ni Dei sa loob niya kung ano ang totoo. 

RJ:  Dei, may mga bagay na dumarating sa buhay ng tao, yung magpapabago ng takbo nito. Yung hindi mo inaasahan pero tinatanggap mo pati pinapahalagahan.  Aalagaan habang buhay at makakasama sa panghabang panahon. Dei, tinatanggap mo ba ako?  Mahal mo ba ako Dei? Mahal kita...

Allan :  sagot na Dei, true to life na yan

Kapag naririnig ni Dei ang sinabi ni Allan gusto niyang maniwala pero alam niyang lolokohin lang niya ang sarili niya.  Nakatitig si Dei sa mga mata ni RJ, tinitigan din niya ito.  Hinawakan niya ang kamay nito ng mahigpit at tsaka nagsalita.

Dei: Oo Richard, mahal din kita.

Nagyakap silang dalawa, tumulo ang luha ni Dei... ang luhang nangangahulugan ng totoong nararamdaman niya, sa unang pagkakataon inamin niya sa sarili na Mahal niya si RJ.  Dahil siya lang ang nakakaalam ng totoong nararamdam niya, iniiyak na lang niya ito sa balikat ni RJ. 

Samantalang si RJ, tumulo ang luha... mga luhang dulot ng pagaalala, dahil may paniniwala siyang ang mga binitiwang salita ni Dei sa kanya ay totoo sa loob nito. Pero kahit kailan hindi niya maaring aminin sa dalaga na alam niya ang nararamdaman nito. Yun man lang maiwan kay Dei.  Dahil alam niyang yun na lang ang natitirang dahilan para hindi iwan ni Dei ang love team nila.

Masaya ang lahat at ni walang nakapansin  kung hindi ang staff... na ang dapat sana ay masayang sagutan naging madamdamin. Kaya pinutol na nila ang streetserye ng oras na magyakap ang dalawa at umiyak sa balikat ng isa't isa. 

https://youtu.be/sGf1W8rJ1Bc

Tuwang tuwa ang mga manood sa loob at labas ng studio pati ang mga nasa kani-kanilang mga tahanan.   Sinagot na ni Yaya Dee si Richard ang bagay na pinakahihintay ng lahat... pero hindi ang mga totoong nakakaalam ng damdamin ni Dei; Hindi ang mga totoong nakakakilala sa kanya.  Tulad ng kanyang mga college friends, ng kanyang pamilya,  Direk Pat, Direk Moty, Jose, Wally at Paolo.

Iisa ang nasa isip nilang lahat... "hanggang kailan kakayanin ni Dei na itago ang totoong nararamdaman."




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro