Chapter 38 - may chance
Kahit na laging magkasama sa trabaho, bihira namang magkasama sa mga gathering at celebration si Dei at JR. Kaya kung hindi sila magninja moves hindi sila magkakaron ng pagkakataon na magkakasama out of work. Katulad na lang ng magcelebrate ng birthday si Ms. Jenny. Imbitado silang pareho pero hindi siguradong makakapunta. Si RJ may photoshoot at si Dei naman may commercial shoot.
Nagkataon lang na napaaga ang call time ng photoshoot ni RJ kaya maagang natapos. May lakad pa dapat sila ni Carlitos pero si RJ na ang kumontak sa kausap nila na ilipat sa ibang araw ang meeting nila. Pumayag naman dahil nasa malayo pa din daw ang kameet nila at malamang na malelate dahil sa traffic.
Carlitos: So, pano labas na lang tayo?
RJ: Hindi na, pupunta ako sa party ni Ms. Jenny eh. Nandon ang mga bosses ng Tape mas ok na makisalamuha ako sa kanila. Malay mo magkaron kami ng bagong project. Babanggitin ko din ang alok ni Mother kay Mr. T. Baka maging interesado sila. Tsaka para may representative kami ni Dei hindi kasi siya makakapunta eh
Kaya wala ng nagawa si Carlitos ng magpaalam si RJ. Naisip din niya... "ok din naman ang naiisip nito baka nga naman magkaron ng pagkakataon na magdiscuss ng bagong project tsaka wala naman don si Dei."
Nakarating si RJ sa venue bandang 9:30pm. Tuwang-tuwa si Ms. Jenny ng makita si RJ. Nagbeso at yumakap si RJ at bumati.
RJ: Happy Birthday Ms. Jenn! Pasensya ka na dyan sa gift ko ah.
Ms. Jenn: Ano ba presence mo pa lang malaking gift na eh.
Ms. Jenn: Dito ka na umupo kasama nila Bossing.
Bumati at nakipagkamay si RJ kay Vic at Ryan. Nagbeso naman kay Juday, Poleng at Ruby.
Vic: Mabuti nakarating ka, himala may oras ka?
RJ: Sinuwerteng matapos ng maaga photoshoot Bossing.
Ryan: Eh di pwede kang makiparty all night?
RJ: Oo naman.
Poleng: Sayang wala si Dei.
Juday: Oo nga, it would be nice kung nandito din siya. Hindi ko pa siya nakakakwentuhan eh.
Ryan: Naku Hon, sasakit ang tyan mo sa katatawa kapag kausap mo yon.
Vic: tignan pa nga lang matatawa ka na eh.
Nagtawanan sila. Nakita ni RJ ang iba pang mga Boss ng Tape sa kabilang mesa.
RJ: Bossing, magbibigay pugay muna ako kila Mr. T ha.
Vic: Sige lang.
Tumayo si RJ at pinuntahan si Mr. T at iba pang mga officers. Bumeso, nakipagkamay at bumati si RJ sa mga ito. Lumapit si Jenny para magpapicture kasama sila. Nilapitan din ni RJ sila Jose, Wally, Paolo, Direk Pat at Direk Moty na nasa kabilang lamesa naman. Sumabay na din siyang kumuha ng pagkain sa mga ito. Habang kumakain nagsimula ang isang program para kay Ms. Jenny. Isa sa mga staff ang nagemcee.
Matapos bumati ang ilang kamaganak at malapit na kaibigan, tinawag naman sa makeshift na stage sila Jose, Wally at Paolo. Kinantahan nila ng "Beautiful Girl" si Ms. Jenny. Nagpalakpakan ang lahat ng matapos ang kanta.
Jose: Ms. Jenn dahil birthday mo, anong favorite songs mo?
Ms. Jenny: Pangako ni Ogie Alcasid.
Kumanta naman si Jose, ginaya ang pagkanta ni Ogie.
Jose: Bakit ba may lungkot sa 'yong mga mata. Ako kaya'y 'di nais makapiling, sinta.'Di mo ba pansin, ako sa 'yo'y may pagtingin. Sana ang tinig ko'y iyong dinggin. Ako ngayo'y hindi mapalagay Pagka't ang puso ko'y nalulumbay. Sana ay pagkaingatan mo ito At tandaan mo ang isang pangako. Pangako, hindi kita iiwan. Pangako, 'di mo pababayaan. Pangako, hindi ka na mag-iisa. Pangakong magmula ngayo'y tayong dal'wa ang magkasama. O tama na yung kalahati wala namang talent fee ito eh.
Nagtawanan ang lahat.
Wally: Birthday naman yaan mo na, ano pa ang favorite song mo Ms. Jenn?
Ms. Jenny: Sana maulit muli ni Gary V
Kinanta nga ni Wally ala Gary V ang nirequest ni Ms. Jenny.
Wally: Sana maulit muli. Ang mga oras nating nakaraan. Bakit nagkaganito?Naglaho na ba ang pag-ibig mo? Sana'y maulit muli. Sana bigyan pansin ang himig ko. Kahapon, bukas, ngayon Tanging wala ng ibang mahal. Kung kaya kong iwanan ka 'Di na sana aasa pa. Kung kaya kong umiwas na 'Di na sana lalapit pa. Kung kaya ko sana
Paolo: Oh tama na yon, wala ngang TF di ba?! Ako naman, ano pang favorite mo Ms, Jenny.
Ms. Jenny: Say that you love me ni Martin
Paolo: But will you say that you love me and show me that you care. Say when I need you You will always be there. But if you go and leave me (Ooh) This I swear is true My love will always be with you.
Huminto sa pagkanta si Paolo.
Jose: Oh bakit ka huminto?
Paolo: walang bayad di ba kaya chorus lang tipong kumakanta lang sa banyo.
Naghagalpakan ng tawa ang mga bisita lalo na si Ms. Jenny.
Jose: Eto Ms. Jenny seryoso na at buong kanta na 'to at first time naming gagawin ito ha.
Wally: Oo nga, ngayon lang.
Paolo: Never before seen on TV kasi special ka sa amin.
Jose: Favorite mo daw si Taylor Swift kaya lights off please...
Namatay ang ilaw... pagbukas nakamaikling palda na ang tatlo at nakablond wig pa ng iba-ibang hairstyle ni Taylor Swift at kumakanta ng "You belong with me."
Jowapao: You're on the phone with your girlfriend, She's upset. She's going off about something that you said 'Cause she doesn't get your humor like I do
Jose: Teka muna, Paolo, wag mo naman galingan, boses babae ka na eh.
Paolo: Hindi ako yon... ituloy na natin to.
Jowapao: I'm in my room It's a typical Tuesday night I'm listening to the kind of music she doesn't like And she'll never know your story like I do'
Paolo: Wally, ikaw yata yon eh... normal lang. Ginagalingan mo naman eh.
Wally: Kahit galingan ko hindi ako magiging boses babae... ulit nga.
Tawa ng tawa si Jenny at ang mga bisita, curious tuloy silang lahat kung kaninong boses yon. Inulit nga nila ang pagkanta simula sa umpisa, meron talaga silang kasabay na kumakanta na babae. Pagdating sa kalahatian ng first stanza kumakanta silang tatlo pero walang boses kaya yung babaeng boses lang ang naririnig ng lahat. Pagdating ng chorus... lumabas si Dei mula sa likod ng makeshift na stage, naka-brunette straight wig at nakafitted ripped pants, white na 3/4 sleeves na dress shirt at naka high heels na boots.
Dei: But she wears short skirts. I wear T-shirts. She's cheer captain and I'm on the bleachers. Dreaming about the day when you wake up and find that what you're looking for has been here the whole time. If you can see I'm the one who understands you. Been here all along so why can't you see. You belong with me. You belong with me
Tumayo si Jenny, nateary eyed ito pero pumapalakpak at sumasayaw, nagtayuan na din ang iba at nagsayawan ng sabay-sabay na kumanta sila Jose, Wally, Paolo at Dei. Nang matapos ang kanta, bumati sila ng happy birthday. Bumaba sila ng stage at niyakap ni Dei si Ms. Jenny.
Bumati din siya at nagbigay pugay sa mga Officers ng Tape. Niyakap siya ni Mr. T ng magbeso siya dito. Hanggang sa makarating siya sa table nila Vic.
Dei: Good evening po!
Nagbeso at yumakap siya sa mga ito. Ngumiti siya ng makita niya si RJ.
Ms. Jenny: Dito ka na maupo sa table nila Bossing.
Ilang sandali silang nagkwentuhan at sinamahan na siya ni RJ na kumuha ng pagkain. Habang kumakain, pinanonood at nakikinig sila sa pagro-roast kay Ms. Jenny ng mga kaibigan nito. Pagkatapos nagsimula na ang mga games. Una ang trip to jerusalem with a twist kasali si Vic at Poleng. Pagkatapos ang eat my peanuts, una-unahang makaubos ng mani na nakalagay sa paper plate at nakapatong sa kandungan ng mga babae. Kasali sila Jose at Wally. Tawanan silang lahat ng tawanan. Kasunod ang pin game. Kasali sila Ryan at Juday, vic at Pauleen at RJ at Dei. Nakakabit sa damit ng mga lalake ang 10 perdible, nakablind fold naman ang mga babae at tatanggalin nila ang mga pins. Nang magsimula ang game, naghihiyawan ang lahat ng magsimulang kapain ng mga babae ang bawat parte ng katawan ng lalake. Nakatali sa likod ang kamay ng mga boys kaya wala silang magawa kung hindi magbigay lang ng instructions.
Sumigaw si Jose.
Jose: Dei nasa abs ka na ni RJ
Nagmake-face si Dei. Narinig niya may sumigaw sa pants Dei marami. Lalong nagmake-face si Dei natataranta tuloy siya. Tawa sila ng tawa. Narinig niya si RJ.
RJ: Mate yang right hand mo nasa right leg ko ibaba mo ng konti mga 3 inches.
Sinunod naman di Dei, may dalawa nga siyang perdible na nakapa doon. Pilit lang niyang pinakikinggan si RJ.
RJ: Same place pero sa kabilang legs naman meron din.
Bago niya kapain ang sinasabi ni RJ nagjoke siya inangat ang kamay at napatapat sa it between legs ni RJ, naghiyawan ang lahat tawa siya ng tawa. si RJ kinabahan. Hanggang sa biglang sumigaw ang emcee ng we have a winner. Nanalo si Juday at Ryan. Tawanan sila ng tawanan.
Jose: Loko ka talaga Dei... muntik mo ng madakma si RJ eh
Dei: Joke lang yon,naririnig ko naman si RJ eh.
Bumalik sila sa mesa at uminom ng wine, pinaguusapan pa rin ang nakaraang game.
Dei: Ang galing ni Ate Juday oh...
Juday: Basta kinapa ko lang ng kinapa, wala na akong pakialam kung ano makapa ko eh
Tawanan sila.
Pauleen: Ako hindi na nakagalaw kasi naman ito kung ano-anong sinasabi, hindi ko maintindihan.
Napahinga naman sila at naginom ng wine habang nanonood ng iba pang mga games. May trip to jerusalem na may talong sa pagitan ng mga legs ng mga boys tawanan sila ng tawanan at nagsisigawan pa.
Maya-maya nagpaikot na ng tequilla, lahat nilapitan ni Jenny para magshot. Wala silang nagawa kung hindi pagbigyan ito. Nakantyawan pa si Ryan na magbody shot. Sa leeg ni Juday niya inilagay ang asin. Nagsasayawan na sila ng magsalita ang emcee para sa last game of the night. Tinawag sila Vic, Pauleen, Ryan, Judy Ann, RJ at Dei para sa isang team at kasali naman sila Jose, Wally, Paolo at ilang mga kaibigan ni Ms. Jenn sa kabilang team.
Emcee: Ang last game natin ay tinatawag na suck and blow.
Vic: Sagwa ng title ha!
Tawanan.
Emcee: Each team will be given a card tapos ilalagay ninyo sa lips ninyo to suck ipapasa sa team mate sa likod to blow and so on. Kuha ninyo? Make sure na maipasa ng maayos kung hindi alam na ninyo ang mangyayari.
Ryan: Gusto ko itong game na to!
Vic: Ako din..
Jose: Lalo naman ako
Nagtawanan silang lahat. Nagkatinginan si RJ at Dei. Sabay na lumipat sa hulihan ng pila.
Vic: Ah umi-style yung dalawa oh, akala ninyo hindi aabot sa inyo ha.
At nagsimula ang game, maayos na naipasa ni Vic ang card kay Pauleen at dahan dahan namang naipasa ni Pauleen kay Ryan ang card. Maayos ding naipasa ni Ryan kay Dei ang card at kahit kinakabahan, naipasa naman niya ng maayos kay RJ ang card. Pabalik na sana ang card at ipapasa na ni RJ kay Dei ng ipapasa na ni RJ sa labi ni Dei ang card bigla itong nahulog eksaktong nagtama ang labi nila. Naghiyawan ang mga tao. Namula si Dei pero deadma lang. Pinulot ni RJ at sinubukan ulit naipasa naman hanggang sa makabalik kay Vic ang card pero naunang natapos ang team nila Jose.
Tinutukso nila si RJ...
Jose: Para-paraan ka RJ ha.
RJ: oy kuya hindi ah.
Namumula ang mukha at tenga ni RJ. Nagsimula naman ang sayawan, hinila si Dei nila Direk Pat at Moty para magsayaw. Habang sumasayaw nagbubulungan ang mga ito.
Direk Pat: Nakita namin nagblush ka kanina.
Dei: Hindi naman nagulat lang ako eh. Besides as if naman that was the first time eh di ba nakailang ulit na nga yon para sa movie.
Direk Moty: Oo nga pero that was work, eh yung ngayon hindi.
Dei: So, what do you want me to say?
Direk Pat: Ok ka lang?
Dei: Oo naman, kaya pa.
Pero sa isip niya... "Kaya pa naman, ang tanong lang hanggang kailan ko kakayanin?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro