Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37 - family bonding

Linggo, habang commercial ng show nilapitan ni RJ ang fans club niya.  Nagpicture taking sila. Nagyaya si Carlitos ang Manager ni RJ na sa bahay niya sila tumuloy at tumambay kasama ng mga head ng fans club niya katulad ng nakagawian na nila.  

RJ:  Sorry, Carl I have plans.  Matagal ko ng hindi nakakasama ang pamilya ko.  Gusto kong bumawi sa kanila.

Isang bagay na ikinagulat ni Carlitos dahil ang totoo mas madalas ito sa bahay niya kaysa sa sariling bahay.  Mayamaya nagring ang phone ni RJ, si Dei tumatawag.  Pinakinggan ni Carlitos ang sinasabi ni RJ.

RJ:  Hi Mate!  Oo tapos na pauwi na nga ako eh.  Tapos yung kila kuya, nagorder ako ng food para bibitbitin na lang.  Malamang talaga magugulat yon. Oo sige will send pics to you. Thanks ulit Mate ha.

Inis na inis si  Carlitos, naiisip niya kagagawan na naman pala ni Dei ang plano nito. Nanggagalaiti siya sa galit.  Sa Van habang bumibyahe sila RJ...

Mama T:  Mukhang nakasimangot si Carlitos kanina ah?

RJ:  Nagtatampo lang yon kasi  hindi ako sumamang tumambay sa kanila.

Mama T: Ano nga ba ang naisipan mo?

RJ:  Napagisip-isip ko tama si Dei, bakit hindi ko ibigay ang oras ko sa pamilya ko eh bihira na nga lang na wala akong trabaho. Tignan mo Ma, si Kuya hindi ko na alam kung ano ng nangyayari sa kanya at sa pamilya niya.  Kami ni Daddy, hindi ko na siya nakakakwentuhan tungkol sa trabaho at mga kailangan sa bahay.  Si Ryzza, may manliligaw ba o baka may bf na hindi ko pa alam. Si  Lola ang tagal ko ng hindi sinasamahang magsimba, ni hindi ko alam kung kamusta na ba ang kalusugan niya.  Samantalang sila kapag nagkaproblema ako, isang tawag lang nandyan na silang lahat para sa akin.  Tama si Dei, everybody else will turn their back on me pero hindi ang pamiya ko.

Napangiti si Mama T.   Dahil kahit sa kanya minsan nakakapaglabas ng sama ng loob ang ama ni RJ, ang Lola at kapatid nito.  Palagi lang niyang pinagtatakpan si RJ.  Gusto ni Mama T ang impluwensiya ni Dei kay RJ.

Pagdating nila ng Laguna, nakatunganga sa garden ang kanyang ama at kapatid.

RJ:  Hello! Hi Dad, Hi Sis!

Daddy Rick:  Oh, maagap ka ata ngayon?

RJ:  Punta tayo ng gym Dad, Ryzza sama ka na para pagkatapos hanap tayo ng movie na mapapanood?

Ryzza:  Talaga kuya?

Daddy Richard:  Oy gusto ko yang gym, nakakatamad nga maggym magisa eh.

RJ:  Tapos samahan natin magsimba ang Lola tapos dalhin natin sa Mall bili tayo ng pasalubong sa mga anak ni Kuya at dalawin natin sila don tayo magdinner.

Nakatingin at nakangiti si Richard sa anak.  Hinawakan niya ito sa balikat.

Daddy Richard:  Salamat anak ha.

Makalipas ang isang oras nasa mall na sila,  Si Ryzza naghahanap ng movies, bumili ng regalo para sa mga pamangkin at naggrocery kasama si Mama T.  Si RJ naman kasama ang Daddy niya sa dym.  Nasa kalagitnaan ng pag-g-gym naalala ni RJ ang pangako kay Dei.  

RJ:  Dad selfie tayo.  Ipo-post ko sa IG ko.

Ipinost nga niya ang caption "Shaping it up with Dad!"  nakita naman ni Dei yon na kasalukuyang nakaonline sa cellphone sa isang nail spa. Nilike niya ito at nagcomment ng "Wala ka sa biceps ni Dad mate!".  Tawa ng tawa si Daddy Richard ng makita ang comment ni Dei.

Kasama ang mga kapatid na babae at ang kanyang Nanay Meann.  Nagselfile din sila at ipinost ni Dei ang caption, "Kikay bonding with the ladies."

Nang hapon na yon, dalawang movie ang napanood ni Ryzza at RJ habang nakatulog naman si Daddy Richard.  Nagselfie sila ni Ryzza hawak ang pringles at popcorn at ipinadala niya kay Dei.

Bandang alas singko, bihis na silang lahat ng lumabas ang Lola niya para magsimba. Nagulat ito ng lapitan ni RJ at alalayan sa braso. 

RJ:  Lika na La, simba na tayo.

Magkakasama nga silang nagsimba pagkatapos ng Misa dumerecho sila sa bahay ng kuya niya at ng pamilya nito.  Nagulat ito ng makita siya.

RJ:  Hi Kuya Kamusta?  

Nayakap ng kapatid niya si RJ, nagtatakbong palapit ang mga anak nito sa kanilang Tito at Lolo. Nagmano. nagyakapan ang mga ito.  Mayamaya dumating ang pagkaing ipinaluto ni RJ.  kaya magkakasama silang naghapunan.

RJ:  Lola, nagpapacheck-up ka ba regularly?  Baka mamaya may mga nararamdaman ka hindi ka nagsasabi.

Lola: wala apo, may maintenance ako at vitamins kaya huwag kang masyadong magalala.

RJ:  Mabuti naman ho kung ganon.  Ate, kamusta naman mga bata, parang ang papayat ah, paresetahan mo ng vitamins yang mga yan.

Ate:  Sige sa sweldo ng Kuya mo ipapacheck-up ko.   Nagkaproblema lang kami eh kaya medyo gipit.

RJ:  Oh nagipit pala kayo bakit hindi kayo tumawag sa akin or kay Daddy.

Kuya:  Bro, nakakahiya na kasi eh.

RJ:  Kami ang pamilya mo Kuya, sino pa ba magtutulungan kung hindi tayo.  Teka nga pala, bakit tinatawagan ko yung number mo laging cannot be reached.

Kuya:  Bro, napasok kami ng akyat bahay eh, natanggay yung 30 thousand na savings namin pati yung cellphone ko hindi pinatawad eh.

RJ:  Ano? mabuti walang nangyaring masama sa inyo.  

Kuya:  Wala kami non nandon kami sa mga Ate mo.

RJ:  Kuya magtatampo na ako sa yo kapag hindi ka lumalapit sa amin.

Kuya:  Sobra-sobrang tulong na kasi Bro, pinapaaral mo na mga bata eh.

Matapos kumain naupo sila sa garden set habang naglalaro ang mga bata. Kinuha ni RJ ang isang paperbag sa kotse niya pati na ang wallet.

Inabot ang paperbag sa kuya niya.  Ang laman ng bag Oplus phone.

RJ:  Ayan, may magagamit ka na.  Pakiusap lang kuya kahit anong bagay.  Masaya, malungkot, mababaw o kahit na trip mo lang akong kausapin tawagan mo ako o kaya si Daddy.  We want to know what's happening here. 

Halos naluha ang kapatid niya ng buksan ang kahon.  Niyakap siya nito.

Kuya:  Salamat Bro!

Daddy Richard:  Sa lunes, umorder ka na ng materyales.  Ipasarado mo na yang likod ninyo para hindi kayo napapasok ng kung sino-sino dito, idadaan ko dito ang pangbayad ng materyales.

Kuya:  Salamat Dad.

Kinuha ni RJ ang checkbook at gumawa ng checke para sa kapatid.

Iniabot ito sa Kuya niya.

RJ:  Oh huwag mo ng problemahin yung savings ninyo.  Huwag ka kasing magiiwan ng malaking cash sa bahay. I-open na lang ninyo ng savings account na may ATM ang pera ninyo.

Tinignan ng kuya niya ang checkeng iniabot ni RJ. Thirty thousand pesos ang nakasulat dito.

RJ:  Huwag mo ng intindihin yung nawala ipagpasaDiyos mo na lang.  Konting ingat na lang din.

Kuya:  Salamat talaga Bro. 

Nakangiting pinagmamasdan lang ni Daddy Richard ang dalawang anak ng makipaglaro ito sa mga bata.  Masaya siya sa ipinapakitang pagaalala ni RJ sa kanyang mga kapatid.

Daddy Richard:  Mama T anong nakain ni RJ?  Mabait naman talaga siya at tumutulong pero para magbigay ng oras tulad ngayon nakakapanibago.

Mama T:  Isa ho yan sa epekto ni Dei. Si Dei ho kasi laging nagkukwento ng mga lakad nila ng pamilya niya at sinabihan ho siya na lahat ng tao mawawala pero ang pamilya lagi yan sa tabi mo.

Daddy Richard: Gusto ko talaga ang batang yon. Walang ka showbizan sa katawan eh no?

Mama T:  Oo nga ho, sa studio nga kahit saan nauupo at walang pakialam sa itsura niya at may respeto kahit pa sa ordinaryong tao. Mabait din ho ang pamilya niya.

Daddy Richard:  Mukha naman, hindi naman lalaking mabait yong batang yong kung hindi mabait ang mga magulang.

Ngumiti na lang si Mama T... pero sa isip may kadugtong pa ang sinabi niya... "kung hindi nga lang may girlfriend na itong alaga ko paliligawan ko talaga yang si Dei sa kanya."







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro