Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36 - Advice

Nakabalik na si Dei ng Manila at nag-shooting naman sila ng mga scenes na kailangang kuhanan dito.  Kapansinpansin naman ang pagiging close nila ni RJ.   They pretty much stick with each other like glue.  Naging mas madalas ang mga Ninja moves. Madalas silang kumain sa isang restaurant sa isang kilalang hotel, nagroroad trip papuntang Tagaytay o Bulacan katulad ng sabadong yon. Narinig ni RJ na iuuwi daw ni Dei ang bagong sasakyan na ipinadala ng Mirage para sa kanya, para may maiwan na sasakyan sa bahay nila at magamit ng mga kapatid niya. Bored siya, magiisang buwan ng hindi umuuwi si Koreen. Naisip niya hindi pwedeng magmukmok na naman siya.

Direk Pat:  Papano ka nga ba makakaalis dito na yon ang gamit mo.  

RJ:  Isasakay ko na lang si Dei hanggang sa Valencia.  Doon mo na lang ipahatid yung mirage niya kay Mother.  

Direk Pat:  Pwede, ang iisipin ng mga fans may shoot kayo don kung magkasama kayong aalis. Hindi nila kayo mapapasok don.

RJ:  Exactly.  Ipapark mo sa loob, tatawagan ko na lang si Mother.  Ako ng bahala.

Direk Pat:  Sige thanks!

Dei:  Thanks Team mate ha!

RJ:  Sus, ikaw pa ang lakas mo sa akin.

Ngumiti lang si Dei. Kaya pagbaba nila sa hagdan ng Broadway derecho sila sa Van ni RJ, naghiyawan ang mga fans, kinikilig dahil magkasabay silang aalis. Lulan ng Van ni RJ...

Dei:  Sanay ka na talaga sa mga ninja moves na 'to no?!

RJ:  Almost five years ko ng ginagawa 'to.  What would you expect?

Dei:  Sa bagay.

Pagdating nila sa Valencia pinagbuksan naman sila ng gwardiya, ipinasok and Van sa parking area.  Tinulungan ni Mama T na ibaba ang mga gamit ni Dei at inilagay sa Mirage.  Lumabas si Mother ng makita sila.  Lumapit si RJ at nagbeso at yumakap sa Producer. 

RJ:  Mother, si Dei Mendoza po.

Dei:  Good afternoon po.  Thank you po for accommodating us.

Mother:  Finally I met the Phenomenal Star.

Dei:  Naku, Mam, I am most honored to have met you po.

Nagbeso si Dei at yumakap kay Mother.

Mother:  RJ kaylan kayo gagawa ng pelikula sa akin?  Ambunan naman ninyo ako ng swerte ninyong dalawa.  

RJ:  Mother a great script and story hindi namin tatanggihan.  Pero baka pwede mo kaming ihanap yung tipong action love story para maiba naman.

Mother:  Hmmm sige, parang itong si Dei din bagay mag-action.  Sige, ihanap ko kayo ng story, tulungan ninyo ako sa mga management ninyo ha.

Dei:  Oo naman po.  Thanks po in advance.

Napangiti si Mother, ngayon lang siya nakakilala ng sikat na artista pero napakabumble makipagusap. Nang matapos ng ilipat ang mga gamit nagpaalam na sila at nagpasalamat kay Mother.  Sumakay na ng sasakyan.  Paglabas ng Van kumanan ito... nakita nila na nagsunudan ang ilang mga sasakyan sa Van.  Sumunod ang isa sa mga sasakyan ni Mother tapos ang Mirage kung saan si RJ ang nagmamaneho.  Kaya paglabas ng Mirage wala ng nakapansin dito.  Ang Van bumalik sa Broadway na sakay si Mama T.

Masayang nagroad trip si Dei at RJ papuntang Bulacan, sa bahay ni Dei.  Inabutan nila ang mga magulang at kapatid na naghahanda para sa isang lakad.  Pupunta daw sa isang birthday ng Kapatid ng Tatay ni Dei na 75 years old na. Kaya naiwan silang dalawa sa bahay nila Dei.

Naisipan nilang magluto ng pasta at fish fillet para sa hapunan nila. Nakigulo sa kusina si RJ, naghiwa ng sibuyas, bawang at kung ano-ano pa.  He was touchy that day,  nandyang punasan ng pawis ang noo at leeg ni Dei.  Nandyang buhatin si Dei para maabot nito ang mataas na parte ng kabinet para makuha ang mga gamit na kailangan.

RJ:  Kapag wala kang trabaho dito ka lang talaga? 

Dei:  Oo, wala naman akong ibang pupuntahan eh.  Besides dahil busy, mas gusto kong nabibigyan ng oras ang pamilya ko when I get a chance.  Dapat ikaw din.

RJ:  Oo nga eh, nagtatampo na nga si Ryzza eh hindi na kami nakakapagmovie marathon tapos kami ni Dad hindi na nakakapaggym together.

Dei:  Dapat, you spend time with them.   Katulad bukas Sunday, pagkatapos ng show mo go home, magmovie marathon kayo ni Ryzza, maggym kayo ng Dad mo tapos isurprise mo si Lola mo samahan mong magsimba take the whole family. Alam mo kasi, naniniwala ako when all else fail, our family will always be there.  Kahit artista ka, you should have time for your family dahil sila ang number one fan natin at kahit magkamali pa tayo, hindi nila tayo tatalikuran.

RJ:  Sige,  good idea yan.  Tapos i-su-surprise visit namin yung kuya ko at pamilya niya. Madalhan ng dinner.  

Dei:  Ipasyal mo din sa Mall yung mga pamangkin mo o kaya dalhan mo ng gifts. Makipagkwentuhan ka sa Kuya mo.  I'm sure maapreciate niya na naalala mo siya at gusto mong kumustahin ang pamilya niya.

RJ:  Promise I will take your advise.  Send ko sa yo mga pictures namin bukas.  Teka nga pala bakit hindi ka sumama sa birthday ng Uncle mo?

Dei:  Pupunta ako mamaya kapag tapos na yung party.  Ayokong agawan ng atensyon yung birthday celebrant kaya mamaya kapag wala na halos tao,  magtetext si Coleen para pumunta ako at magdala ng regalo ko.

RJ:  May point ka kasi kapag pumunta ka ngayon, ikaw na lang magiging center of attraction sa mga bisita.  Teka palam dapat damihan natin itong niluluto natin para matikman naman ng family mo ang niluto ko.

Dei:  Sige, sige na dadamihan na natin.  Tapos dadalhin ko sa Uncle ko sabihin ko padala mong regalo.  I'm sure matutuwa yon, imagine si Richard Reyes ipinagluto siya ng pasta.

Dumating ang Van ni RJ lulan ang driver at si Mama T bandang alas otso ng gabi para sunduin siya.  Nagbihis na din si Dei para pumunta sa party ng Uncle niya.   Sabay na silang umalis pero imbes na umuwi sinundan ni RJ si Dei hanggang sa party ng Uncle nito na ginawa sa clubhouse ng exclusive na subdivision kung saan nakatira ang Uncle ni Dei.

 Pagsilip ni Dei puro malalapit na kamaganak na nga lang ang nandon.   Bitbit ni Dei ang fish fillet at sauce at bitbit ni RJ ang carbonara.

Tatay Teddy:  Fernando may pahabol ka pang bisita oh.

Dei:  Happy Birthday Uncle Ferdie!

Ferdie:  Naku, ang pamangkin kong sikat na sikat na, mabuti naman at nakahabol ka.

Dei:  Hindi ko naman po pwedeng palampasin ito at may sorpresa ho ako sa inyo.

Biglang sumulpot si RJ sa likod ni Dei.

RJ:  Good evening!  Happy Birthday po! Pagdamutan na po niyo ang regalo ko, ako po nagluto niyan.

Ferdie:  Susmaryosep! Richard Reyes!  Oy kuhanan ninyo kami ng litrato!

Nagtawanan sila, kumislap naman ang ilang kamera.     Ipinatawag muna ni Maine si Mama T at ang Driver at pinakain.   Sinabayan na din sila ng kain ni Dei at RJ pati na ni Ferdie.

Ferdie: Napakaswerte ko naman mga sikat na artista ang mga panauhing pandangal ko.

Dei:  Pero alam na ninyo ha, bawal ipost yung kasama kami.  Secret lang natin ito. 

Coleen:  Don't worry sis, we all know the drill.

Kinuha ni RJ si Matti kay Nicolette at nilaro habang kumakain sila Mama T. Nagpicture taking sila kasama si RJ.    Nang matapos kumain at makapagpahinga sandali ang driver nagpaalam na si RJ.   Naghuling hirit pa si Ferdie ng isang litrato kasama si Dei at RJ.

Hinatid ni Dei si RJ sa Van.  Yumakap na si Dei kay Mama T at bumeso.

Dei:  Mama T salamat ha.  Kahit malayo itong sa amin pumayag ka.

Mama T:  Wala yon. Salamat din nabusog na kami may take -out pa eh.

RJ:  Dapat talaga magpasalamat ka sa kanya Ma, kasi ang dami niyang suggestions na gagawin natin bukas at sigurado ako matutuwa ka din.

Mama T:  Kung ano man yon salamat Dei.

Dei:  Salamat din po.  Sige na gagabihin na kayo masyado.  Manong ingat sa pagmamaneho ha.

Lumapit si RJ kay Dei, niyakap ito ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.   

RJ:  Thanks Dei, I had fun!

Dei:  Ako din.  Bye!

Pero ang nasa isip ni Dei, "Please Dei not so much fun, at yang ngiti mo ayusin mo para kang tumama sa lotto sa sobrang saya eh."






















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro