Chapter 31 - limitations
(ctto of the video on this chapter)
Si RJ naman nakasanayan ng kapag dumarating sa location ng taping or sa studio si Dei agad ang hinahanap, ipagtatanong niya ito at tsaka pupuntahan para bumati at magbeso. Nakasanayan na din nilang nagpapaalam sa isa't isa kahit iidlip lang or pupunta sa CR. Pero simula ng makausap ni Dei si Kris binago ni Dei yon. Simula non kapag nasa taping at inaantok si Dei or gustong magpahinga nagpupunta ito sa Van at doon natutulog kay Direk Pat lang ito nagpapaalam. Kaya nagugulat si RJ na kapag hinanap niya ito at sasabihing natutulog sa Van. Tinatanong niya sa sarili, bakit hindi ata nagpaalam sa kanya?
Kapag nasa studio naman siya at hindi pa umeere ang segment nila, nasa host room ito, kumakain at nakikipagkwentuhan sa ibang hosts. Kapag dumarating si RJ yayayain lang niya itong makisalo sa kanila hindi katulad noon na tatayo ito at maghahanap silang dalawa ng pupwestuhan para magkwentuhan.
Napansin ni RJ ang mga pagbabagong yon. Ok lang naman sa kanya since hindi naman ito totally nagbago ng pakikitungo sa kanya. Mabait pa rin naman, nakikipagbiruan at nakikipagkulitan pa rin.
Ok na din naman si Dei sa kung papano nilang itrato ang isa't isa. Lalo na at nagiging close na sila ni Kris. Sobra-sobra ng pagsuyo ang ginawa ni Kris para hindi pa niya makita na seryoso ito sa pakikipaglapit sa kanya. Naiinis lang si Dei kasi parang nananadya ang pagkakataon.
Pinapunta siya non sa Broadway para magcelebrate sila ng weeksary. Nabriefing sila na mag-one on one question and answer portion sila pero yung mga tanong iaabot na lang sa kanila bago magsimula ang segment. Kaya wala ng pagkakataon na mabasa ni Dei ang mga tanong. Kaya ng umere sila at dumating and one-on-one tanungan naging uneasy siya ng marinig ang unang tanong ni RJ.
https://youtu.be/bABnEA6_XKA
RJ: Totoo bang crush mo ako noon?
Naghiyawan ang audience. Napakamot si Dei sa leeg. Hindi masagot ng derecho ang tanong ni RJ.
Dei: Yan ba yung nakita kita, eh kasi ang cute mo non eh.
RJ: Oo o hindi muna.
Dei: Cute ka nga kasi
RJ: Oo o hindi lang tapos may follow up question.
Dei: O sige. Cute ka nga
RJ: Oo o hin...
Dei: Oo!
Allan: Nagba-blush ka Dei.
RJ: Follow up question sa number 1, anong nagustuhan mo sa akin.
Dei: ha? ano ba?! cute ka nga kasi, hindi pa naman kita kilala non, pero cute ka nga kasi. kaya kinilig ako. Teka ako naman.
RJ: One last follow up question, crush mo pa ba ako ngayon.
Dei: Ano ba?
RJ: Dali na!
Dei: Inaano ka ba?
Vic: Sagot , sagot!
Ryan: may the witness answer the question?
Dei: Cute ka kasi, hanggang ngayon cute ka.
RJ: O sige no pressure.
Dei: Ako naman, syempre ibabalik ko yung tanong mo sa yo. Ikaw ba? naging crush mo ba ako? char!
Sabay tumawa ng malakas.
RJ: Inaano ka ba?
Dei: Eto naman.
RJ: kasi noon pa man pinapanood ko na yung mga dubsmash videos mo hindi mo lang alam
Dei: Hindi naman yon ang tanong eh.
RJ: eh paligoy-ligoy ka kaya paligoy-ligoy din ako. gantihan lang.
Dei: Ah oh
RJ: Oo na!
Humiyaw lalo ang mga audience.
Dei: may follow up question, nagustuhan mo sa akin , anong nakapukaw ng atensyon mo?
RJ: kasi nakita ko iba ka sa lahat.
Dei: Owww
RJ: Anong oww, ano may follow up question pa ba kasi kung meron pa sasagutin ko na, Oo na!
Tumawa silang dalawa ng malakas.
RJ: Eto, question number 2, Di ba nagkita na tayo 5 years ago, alam ko naman na hindi ako ang pinuntahan mo sa event na yon. Bakit ka nagpapicture sa akon?
Dei: Ibabalik ko yung sagot ko sa unang tanong mo. Kasi nga cute ka. Di ba marami kayo non pero nagpapicture ako sa karamihan... kahit yung buhok mo medyo hindi kanaisnais...pero yun nga cute ka kasi non.
RJ: Hindi kanais-nais talaga
Dei: Hindi bale cummute ka naman ngayon. Eto naman nung hindi pa tayo nagkikita, kasi di ba ang tagal ng tamang panahon? nacurious ka ba sa akin? nagtanong ka ba sa staff dito kung ano..
RJ: Tinatanong mo kung lagi kitang tinatanong?
Dei: Oo kung nacurious ka ba sa akin ganon... oo nagtanong ka ba tungkol sa akin? ganon
RJ: Palagi...
Nagpalitan pa sila ng ilang mga tanong tulad ng mga memorable na moments nila sa isa't isa. Hanggang sa bandang huli sabi ni RJ.
RJ: Hindi pa ako naexcite ng ganito ka-excited sa buong buhay ko. Pinaka chinecherish ko talagang moments yung off-cam. Yung walang camera, yung tayong dalawa lang.
Matapos ang show, tahimik na naman si Dei. Nasa dressing room siya kasama sila Direk Pat.
Dei: Nakakainis talaga! Ok na ako Ate Pat di ba? Focus na ako that RJ is a love team at ang reality ko si Kris eh bakit ba kasi ganon yung mga questions?
Direk Pat: Alam mo namang gusto ng mga fans ninyo na maging kayo talaga e. So we are just trying to give them what they want.
Nasa tapat ng pinto ng dressing room si Ms. Jenny at RJ papasok sana ang dalawa pero narinig nila ang pagtatantrums ni Dei sa bahagyang nakaawang na pinto.
Dei: Gusto nila dahil wala silang alam... pero kayo, tayo alam natin ang totoo. Ako nga tapatin ninyo? May alam ba kayo? Sinusubukan niyo ba talaga ako?
Direk Pat: Sorry talaga Dei, alam mo naman that we want the emotions natural.
Dei: Natural emotions nino? Emosyon ko lang naman ang totoong lumalabas dito. We all know how RJ can carry himself at alam ninyo din na I can't just lie. All I am asking is a little help!
Direk Moty: Sorry talaga Dei, magagalit kasi si Ms. Jenny kapag nalaman na ipinabasa namin yung questions sa yo.
Dei: Sabi ninyo natural akong umarte, siguro naman kahit alam ko yung questions sasagutin ko naman ng tama at sa ikatutuwa ng audience di ba? Or natutuwa talaga kayong makitang nagfi-fidget ako sa harap ng camera!
Direk Pat: Hindi naman ganon yon eh.
Dei: Then what??? You are my friends, alam ninyo ang fear ko or kung hindi naman sige. Let me remind you...umpisa pa lang obvious naman na ako ang kinilig, I wasn't acting then so you know what that means... if I don't guard myself from this ako lang ang masasaktan. Do me a favor, put yourself in my shoes just this once.
Natahimik ang lahat sa loob ng dressing room. Pinulot ni Dei ang bag ng damit niya at cellphone.
Dei: Ipahatid mo na ako, gusto ko ng umuwi.
Naunang lumabas si Direk Pat at Direk Moty... nasalubong nila si Ms. Jenny sa pinto.
Direk Pat: Ms. Jenny nagpapahatid na po si Dei.
Ms. Jenny: Sige ipahatid na ninyo.
Lumayo ng konti sa pinto si Ms. Jenny at RJ. Paglabas ng pinto bitbit nito ang bouquet na binigay ni RJ sa show. Nakita sila ni Dei paglabas nito.
Dei: Ms. Jen una na po ako.
Ms. Jenny: Good show Dei!
Dei: Thanks!
Tumingin si Dei kay RJ... sinuntok ito sa braso.
Dei: Mate una na ako ha. Happy Weekend.
RJ: Thanks Mate! Hatid na kita sa baba.
Dei: Huwag na madaming tao sa baba, baka maipit ka lang.
Tumalikod na si Dei, nadaan niya sila Anne, nagbeso ito sa mga kaibigan. Iniabot ang flowers kay Anne.
Dei: Sayo na lang girl, lagay mo sa altar.
Tumingin si RJ kay Ms. Jenny.
RJ: Tama naman siya Ms. Jenny, gusto ninyo ng real emotions ok lang naman yun sa mga surprises, sa mga pick-up lines pero yung kanina dapat talaga sinabi sa kanya. Alam naman natin na ayaw niya ng nilalagay on the spot eh. Tutal may story line naman na, dapat alam na niya lahat. Spontaneous pa rin naman since wala namang script eh basta i-orient ninyo kami to everything you want to happen. Para ready siya, she's really good kapag her working mask is on.
Tahimik si RJ habang nasa byahe pauwi, nagiisip... "So kaya siguro may mga binago siya because she's trying to separate work and personal things. She wanted me to be just the love team and friend that I should be. Dahil ang totoo hindi naman ang character ni Yaya Dee ang kinilig sa akin the very first time, kung hindi si Dei mismo! She's just puting her guard up. She's just taking care of herself, of her heart. Which is tama namang gawin namin because if we don't ... we can make this a very complicated situation."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro