Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26 - The Surprise

Kinabukasan ng madaling araw, masayang nakasakay si RJ sa Van kasama si Mama T. Maaga silang bumiyahe papunta sa Clark.  Dahil ang totoo, miyerkules pa lang bago magbirthday si Dei may plano na siya.

Mama T:  Grabe ka nak, talagang gagawin mo ito?

RJ:  Ma, sa laki ng tulong ni Dei sa career ko, maliit na bagay lang ito.  I will do anything just to make her feel special and happy.  Minsan lang naman eh.

Mama T:  Pero ngayon lang kita nakitang gagawa ng ganito ka-extravagant na bagay para sa isang babae.

RJ:  Hindi naman ganon kamahal ito Ma, since kay pinsan naman eh.  Besides sabi din ni Daddy tama lang daw na gawin ko ito for her.

Mama T:  Pero grabe ka sa kanya ha... ilang araw mong pinagtampo yun.

RJ:  That serves the purpose Ma, kailangan yon para masurprise talaga siya.

Mama T:  Good luck then... teka si Kris at Koreen papano? 

RJ:  they know what to do.

Sakay ng isang private plane, pinuntahan ni RJ si Dei sa Boracay.  Si Direk Pat ang kakuntsaba niya.  Samantala si Dei, kagigising lang, inaayos niya ang mga damit ng biglang may kumatok.

Pinagbuksan naman ito ni Dei.  Si Direk Pat hawak ang phone niya at vinevideo siya.

Direk Pat:  How was your first day in Bora?

Dei:  Oh my God, I'm having fun!

Direk Pat:  Really?... 

Dei:  Yah... (sumayaw sayaw pa)

Direk Pat:  Really?

Biglang sumulpot si RJ

RJ:  So from 87 ilang...

Dei:  Oh my God!  (sabay takip ng bibig)

Gulat na gulat si Dei.  Hindi makapagsalita. Sobrang nasurprise talaga siya. Ilang sandali na tahimik na nakatingin lang kay RJ 

https://youtu.be/ayDOk4wjeaQ

Direk Pat:  Ano, tatanga na lang tayo?

RJ:  Ano magtititigan na lang ba tayo dito?

Wala pa ring imik si Dei.

Direk Pat:  Ano?  Tatanga na lang ba tayo?

Dahan-dahang isinara ni Dei ang pinto  at nagtago sa likod nito, walang tunog na tumatawa si RJ.

Direk Pat:  uuuyyyyy...

RJ:  Hoy!

Dei: Bakit ka nandito?

RJ:  Napadaan lang...

Direk Pat:  Oh pano Babye!

RJ:  O pano lika na gala na tayo...

Dei:  nakakalurkey kayo, sumasayaw pa ako dito

Nagtawanan sila.

RJ:  Halika na pasyal na tayo...

Dei:  Sige, wait lang...

Nagbihis si Dei at kinuha ang ilang gamit niya.

Direk Pat:  Una na ako sa resto, breakfast tayo ha.

RJ:  sige, sunod kami Ate Pat.

Hinintay ni RJ si Dei sa labas ng hotel room nito.

Dei:  Let's go!

Naglakad na sila papunta ng restaurant para magbreakfast.

Dei:  Nakakagulat ka naman. Pano ka nakarating dito?

RJ:  I have my ways... di ba sabi ko sa yo nung birthday mo, kahit nasan ka pa pupuntahan kita.

Ngumiti si Dei, masaya siya.

Dei:  RJ, thanks so much, this means so much to me.  No one has ever done anything like this for me before.

RJ:  That makes two of us then, I have never done anything like this to any girl before not even for Koreen.

Dei:  Why did you do it then?

RJ:  After all that you have brought into my life, I want to make you happy.  

Dei:  And you did.  You really did.

Nateary eyed si Dei.  Inakbayan siya ni  RJ.

RJ:  Oy kulit huwag kang umiyak dito baka akalain ng tao inaano kita.

Natawa si Dei, hinawakan niya sa kamay si RJ at hinila.

Dei:  halika na nga, gutom na ako eh.

Nagbreakfast sila kasabay ng mga kaibigan nila. Si RJ, ibang iba sa nakikita ng mga tao sa TV. Nangungulit, nakikipagasaran at biruan sa kanilang lahat. Obvious that he was having fun. Tumakbo sila ni RJ sa beach front pagkatapos kumain, pinabayaan lang sila ni Direk Pat. Alam nilang lahat na kailangan nilang dalawa ito and they deserve a rest from all the cameras.

Masaya lang nilang pinanood sila RJ at Dei habang, tumatakbo sa beach sa ilalim ng init ng araw, nagbabatuhan ng buhangin at nagbabasaan.  To them yon ay isang seen na matagal na nilang gustong makita.

Direk Paty:  Ang sarap nilang panoorin no?

Direk Moty:  Oo nga, ngayon ko lang nakita si RJ na ganyan kasaya, humahalakhak sa pagtawa.

Hope:  They really look good together.  If only...

Anne:  Sinabi mo... mas bagay sila at obvious naman na masaya talaga silang magkasama.

Direk Pat:  Dei is obviously RJ's happy pill.

Direk Moty:  How I really wish na he's not in a relationship.

Hope:  pero matagal na sila ni you know who di ba?

Direk Pat:  Oo, more than two years na ata eh. I guess wala kasing nagiging problema si RJ sa kanya besides bihira din naman silang magkita since pareho silang busy.  Marami kasing travel engagement si you know who eh.

Direk Moty:  Yah, feeling ko nga mas madalas pang magkasama yang si RJ at Dei eh.

Anne:  Sana sila na lang talaga no?

Direk Pat:  We all wish for that pero knowing Dei, hanggang alam niya na nandyan si you know who, hindi yan papasok sa kahit anong intimate na relationship with RJ.

Napabuntung hininga na lang ang mga ito at patuloy na pinanood ang dalawa.  Nagjetski si RJ at Dei.  Una angkas siya ni RJ, tinuruan siya nito.  Makalipas ang kinse minutos, nagkakarera na sila ni RJ.  Pagkatapos nag Island hoping silang lahat.  Nagparasailing din si RJ at Dei. Pagbalik nila sa Resort kung saan sila nagstay, sabay-sabay silang naglunch. Ipinababalat pa ng sugpo ni RJ si Dei.  Kitang-kita nilang lahat kung papaanong asikasuhin at alagaan ni RJ si Dei.  At kung hindi nila alam ang totoo mapagkakamalan talagang magkasintahan ang dalawa sa sobrang sweetness.

Habang mataas pa ang araw, nahiga sila sa ilalim ng beach umbrella sa magkadikit na beach chair. Nagbabasa ng libro si Dei. Ipinaunan niya ang braso kay Dei.

RJ:  Mate, lakasan mo naman ang pagbasa para naririnig ko.

Ganon nga ang ginawa ni Dei hanggang sa pareho silang makatulog.  Si Direk Pat nasa katabing beach chair lang at pinagmamasdan ang pagtulog ng dalawa.  Napapailing na lang. Halos isa't kalahating oras din silang nakatulog.  Naunang nagising si RJ, napangiti ng makitang tulog sa tabi niya si Dei.  Ilang sandali niya itong pinagmasdan. Ang nasa isip... "Simple ang ganda niya, but her lips are soft and beautiful. Ang mata niya nangungusap, her smile nakakahawa at nakakagaan sa pakiramdam.  You are one wonderful lady Dei, your humor, sweetness, kindness and your true heart, napakadaling mahalin.  Unfortunately, I can't do that." 

Nakita ni RJ na parating si Direk Pat, kasunod ang isang waiter na may dalang dalawang mango shake, dalawang bottled water, club sandwich at fresh fruits sa isang tray.   

Direk Pat:  Meryenda ninyo kapag nagising siya.

RJ:  Thanks Ate Pat!

Direk Pat:  Salamat sa pagpunta, alam kong napasaya mo siya.

RJ:  It's the least I can do for her.

Direk Pat:  Oo nga, because you can't do more and we both know why.  Masaya ako para sa inyo pero kinakabahan din ako.  RJ, ayokong magkasakitan kayo ha.

RJ:  I know what you mean, ayoko din naman na mangyari sa amin yon.

Direk Pat:  I like that you do things for her... pero not so much... because we all don't want her to fall for you.  Not because of you really but we both know na hindi mo naman maibabalik yon eh.

RJ:  Naiintindihan ko.

Mayamaya bahagyang gumalaw si Dei at nagmulat ng mata.

RJ:  Sleeping beauty, gising na meryenda na tayo para makapamasyal pa tayo.  Sayang yung oras.

Ngumiti si Dei at bumangon.  Nagmeryenda silang dalawa.

Direk Pat:  Nandyan ang service ng Asya Executive Suite they are inviting you to drop by.   You don't have to worry about wandering fans secluded yung place.  Makakatambay kayo sa beach ng walang inaalala at maganda daw ang sunset don.

RJ:  Cool, punta tayo Dei?

Dei:  Sige, it sounds nice.

Sinamahan ni Direk Pat at Direk Moty ang dalawa.  Sinalubong sila ni Tophy ang Manager ng nasabing lugar. 

Tophy:  Hi RichDee!

Natawa si RJ at Dei.

Tophy:  I am a fan. I watch you everyday kaya when I heard na nandon kayo sa kabila I talked to Direk Pat.  Welcome to Asya and I hope you enjoy it hear.  You don't have to worry, walang mangiistorbo sa inyo dito.

RJ:  Thanks Tophy.

Dei:  Salamat talaga.

Pumasok sila sa loob, itinour sila ni Thophy. Nagpicture sila at ng makarating sa may restaurant. 

Tophy:  Order kayo ng food and drinks para ipapadala na lang natin  later sa beach while your watching the sunset.

Nagorder ng kani salad at seafood platter si RJ para sa kanila ni Dei, Smirnoff Mule para sa kanya at frozen margarita naman para kay Dei.  Umorder naman ng grilled fresh tuna sandwich sila Direk Pat at sanmig light para sa kanila ni Direk Moty.

Naglakad na sila papunta sa beach.  Dei automatically fell for the view.

Dei:  This is beautiful!

RJ:  Oo nga, I like the view of those rocks.

Dei:  RJ picture tayo don o may cave pa sila.

Naupo si Direk Pat at Tophy sa  beach chair na nasa tabi ng isang lamesa at nagkwentuhan.  si Direk Moty naman ang photographer ni Dei at RJ.    Mayamaya, nakiupo na din si Direk Moty at nakipagkwentuhan.  Nagpunta sa dagat at nagswimming, mga trenta minutos din sila doon. Pagahon, lumapit ang isang staff ng resort at inabutan sila ng tuwalya.  Naupo si RJ sa tabi ng lamesa na dalawang lamesa ang layo sa table nila Direk Pat.  Nagkatinginan ang mga ito, naobvious nila na gusto ni RJ na silang dalawa ni Dei.

Habang nagpapatuyo, nagkukwentuhan ang dalawa.  Dumating ang pagkain nila.  Nagindian sit si Dei sa Beach chair, nagsimulang kainin ang kani salad niya sinubuan pa si RJ.

RJ:  Pagkatapos natin dito ihahatid na kita sa resort then I have to go.

Dei:  Uuwi ka ng Manila ngayong gabi?

RJ:  Bukas pa ng madaling araw pero Kris and Koreen are here in Boracay.  Magdidinner kami.

Dei:  Ah, so kaya ka pala nakapunta kasama mo sila.

RJ:  No, they took a regular flight this afternoon.  I took a private plane para mapuntahan ka. Bukas ng madaling araw I'm riding the same private plane kasi may mall show ako.  Si Kris at Koreen hapon pa ang flight nila pabalik.

Dei:  Where are they staying?  Malayo ba sa resort namin?  

RJ:  I'm not sure, susunduin  ako ng cousin ko.  Siya ang kasama nila Kris at Koreen.  Why?

Dei:  We are having a little party after dinner, if you guys want to join us.  You're most welcome. Kris is Kristopher Martin di ba?  Yung bestfriend mo?  Para mameet ko in person. Crush ko kaya yon.

Napatingin si RJ kay Dei, nakatingin si Dei sa sunset at hindi tumitingin sa kanya.

RJ:  I can't promise pero sasabihin ko sa kanila.

Dei:  Yah it would be fun.

Tahimik ng kumain si Dei habang nanonood ng sunset.  Hindi na din umimik si RJ. 

Habang nakatingin sa langit ang nasa isip ni Dei... "and I thought I was special."















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro