Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25 - The Kiss

(ctto of the video on this chapter)

Lunes bago dumating ang kaarawan ni Dei, nagplano ang mga kaibigan niya sa Lunch Surprise na magpunta ng Boracay ng weekend na yon.  Nagtext si Dei kay RJ.

Dei:  Hey, hitting the beach of Boracay sa weekend, wanna come?

RJ:  Babe day yon eh besides I have shoot for a TVC.

Dei: Nagbabakasakali lang.  Tnx anyway.

Nakasimangot na inilapag ni Dei ang cellphone niya.

Hope:  Oh bakit nakabusangot ka?

Dei:  Ang bilis ng pagkakatanggi eh parang ni hindi man lang pinagisipan eh.

Anne:  Sabi ko naman sa yo busy yon eh.

Dei:  Babe day daw at may shoot.  Ewan!  Nakakainis!    Puro salita lang, Love is time, love is time pa kay Yaya Dee lagi namang hindi pwede!  I'll be here for you pa lagi ang sinasabi sa akin  tapos eto nganga... kaya minsan ayoko ng maniwala sa sinasabi niya eh.

Wally:  Naririnig kita , malayo pa. Akala ko ba friends lang kayo eh bakit para kang girlfriend na galit na galit dyan?

Dei:  Hindi naman ako galit, naiinis lang.

Jose:  Dei, ayokong sabihing I told you so pero, "I told you so."

Dei:  Kuya Jose naman eh.

Jose:  Hindi ko naman sinasabing sinungaling siya pero ang pinasok mo ang dami mong kakumpitensya - management niya, fans na ayaw sa yo at girlfriend.

Dei:  My fault, hindi naman kasi ako dapat umasa di ba?!

Paolo:  Alam mo naman pala eh.  Eh bakit ka umaasa?

Direk Pat:  Ang hiningi natin sa kanya Lunch Surprise time. Ibinibigay naman niya.

Dei:  But he said so himself, he'll make time for the friendship.

Jose: Kaso nga busy, eh friends kayo di ba eh di dapat naiintindihan mo siya.

Dei:  Naiintindihan ko naman hindi ko lang mapigil na ma...

Wally:  saktan? 

Napatingin si Dei kay Wally...

Dei:  Mainis is what I meant.

At ang inis niya dala-dala niya hanggang sa magsugod bahay sila.  Nang ipakita si Dei, Jose Wally at Paolo.  Halata ng mga staff na parang hindi tumitingin si Dei sa monitor.  Hindi din binati si RJ.  At ng batiin naman ni RJ, kinailangan pang kalabitin ni Paolo.

RJ:  Hi Dei!

Dei:  Hi.

RJ: Kamusta naman?

Dei:  Eto lunes na lunes ... woohhhh!

Sabay iwas ng tingin.

Bago sila magpunta sa bahay na susugudin.

RJ:  Dei, ingat sa sugod ha.

Parang walang narinig si Dei, hindi nakatingin sa kamera at dinadaan lang sa pagsayaw.

Paolo:  Oy ingat daw Dei.

Dei:  Ay ingat! Thank you!

Sabay pilit na ngumiti.

Dumating ang ekstong araw ng birthday ni Dei.  Masaya siyang binati ng mga staff sa Barangay. Pagpasok niya sa bahay kung saan nakikituloy ang mga artista at staff, isang naka-set up na buffet table at ang pagkanta ng staff  at mga cake na galing sa mga fans doon ang sumalubong sa kanya. Masayang masaya si Dei. Naluha siya, unang beses siyang nagcelebrate ng ganon. Nilapitan siya ni Wally, Jose at Paolo, binati at niyakap siya ng mga ito. Pati na ni Direk Pat at Direk Moty.

Nang umere sila para sa episode ng street serye, isang surprise bday party din ang handa ng mga Lola.  Kumanta ang mga ito.  Dumating din at bumati ang dalawa sa pinakamatalik niyang kaibigan at si RJ.  Nagproduction number pa ito.  Sa set isang pirasong rosas at ang album ng mga litrato nila ang regalo nito.  Nang matapos ang segment at nagliligpit na ang mga staff.  Inihatid ni RJ at ng mga bodyguard si Dei sa Van nito. Nagpaalam sandali si RJ pagbalik nito may bitbit na napakalaking bouquet ng flowers mula sa isang sikat na flower shop.

RJ:  Team mate happy birthday!

Iniabot ang bouquet kay Dei at pumasok sa Van at naupo.

Dei:  Thanks!  Wow, ang laki naman nito.

RJ:  oh sa akin talaga galing yan ha.

Dei:  Obvious naman eh.  Thanks RJ!

RJ:  Tuloy ba kayo ng Boracay sa Saturday?

Dei:  Yup, kasama si Ate Pat at Ate Moty.  Sila Hopia at Anne.

RJ:  Alam ko nagtatampo ka, nung Monday pa halata ko na. Pasensya ka na mate.

Dei:  Huwag mo akong pinagpapapansin, ok lang yon. Naintindinhan ko naman eh.

May sasabihin pa sana si RJ pero may kumatok na sa pinto ng Van.  Si Direk Pat, tinatawag na sila para kumain.  Wala ng nagawa si RJ, inalalayan pababa ng Van si Dei at pumasok sila sa bahay at nagkainan.

Nang mga sumunod na araw nagpupunta si Dei sa Broadway para magpractice ng mga production number niya para sa celebration ng bday niya sa show ng sabadong yon.  Nagkikita naman sila ni RJ pero hindi na nila napagusapan pa ang tungkol sa Boracay.

Dumating ang Sabado, punong-puno ng tao ang loob at labas ng studio.  Napakarami ding nagregalo ng cake. Ang ganda ng set ng studio para sa unang number ni Dei.  Kinakabahan si Dei pero nagawa naman niya ng maayos ang unang number.  Tuwang tuwa ang mga audience at fans,  dahil kung dati nahihiya pa itong sumayaw, ng sandaling yon ang galing at very graceful ang pagsasayaw nito.  Sumayaw din ang mga Lola ng streetserye at pati na ang ilang myembro ng fans club niya.  Isang vtr ng mga greetings mula sa iba't ibang fansclun dito sa Pilipinas at sa ibang bansa ang bumati sa kanya sa nasabing VTR pati na din ang mga Officers ng mga company ng mga products na ineendorso niya.  Sobrang naoverwhelm si Dei sa dami ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Ang pangalawang performance niya ay nag drums siya at nagperform kasama si RJ. Naghihiyawan ang mga audience.   Nang magsalita si RJ at sinabing may regalo siya kay Dei natuwa ang mga fans nila at sinabi nitong ang lahat ng iyon ay talagang galing mismo sa kanya.

Matapos ibigay ang mga regalo ay kumanta ito ng isa sa paboritong kanta ni Dei.  Matapos ang kanta, nagbigay ng mensahe si RJ at dinampian ng halik sa malapit sa labi si Dei. Nangantyaw si Jose na hindi naman daw tumama.  Pati si Allan ang sabi malayo daw.  Si Wally naman nagdadasal daw na sana tumama.  Kaya sabi ni Dei siya na lang ang hahalik sa pisngi ni RJ.

https://youtu.be/GeWiygs8PV4

At nangyari ang hindi inaasahan ni Dei, humarap si RJ at sa labi niya mismo tumama ang labi ni RJ.  Nagulat siya medyo naging seryoso ang mukha pero mabilis na nakarecover. Naghiyawan, talunan ang mga audience sa studio. Hindi magkamayaw ang lahat sa sobrang kilig.  Si Allan nasabunutan ng hindi oras si RJ. Sobrang kinilig ang mga hosts at staff ng show.

Tinawag din ni Allan sa stage ang pamilya ni Dei. Kinantyawan ng mga ito si RJ at nagbigay ng mga birthday wish nila kay Dei.  Nagpasalamat din ang kanyang Tatay sa Lunch Surprise sa oportunidad at patuloy na pagtulong kay Dei.  Isang masayang araw yon para sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta kay Dei.

Nang gabing yon, nagkita sila RJ at Koreen.

RJ:  Hi Babe!  

Koreen:  Hey!  Napanood ko kayo sa Lunch Surprise kanina,  ang galing na ni Dei. Mukhang nasasanay na magperform at grabe ang dami pala talaga niyang fans no? Pati sa ibang bansa.

RJ:  Yan she is loved by a lot of people, marami kasi siyang napapasaya. Pinadala niya sa yo yung isang cake, sa dami ng cake lahat ata kami nakapaguwi eh.

Koreen:  She's truly phenomenal. 

RJ:  Napanood mo pati yung kiss?

Koreen:  Yup, yung unang kiss ninyo... cute parang hiyang hiya siya.   Yung pangalawa ginulat mo naman ata siya eh.  Napansin ko parang nashock eh pero biglang pinilit ngumiti.

RJ:  Si Kuya Jose ang sumesenyas na ganon na lang daw.  Ako ang sinesenyasan pero hindi ko din kasi alam kung ok lang baka kasi hindi pa siya nagpapaalam sa kanila.

Koreen:  Artista siya expected na yon dapat dahil love team kayo.

RJ:  I know pero kasi hindi nga sanay sa showbiz ang pamilya niya di ba kaya madalas ipinagpapaalam siya ng management.  Kaya hindi ko alam gagawin ko pero mabilis na napick-up ni Dei ang senyas ni Kuya Jose.  Nung sinabi na ni Dei na siya na lang ang kikiss sa cheek ko, alam ko na ok lang sa kanya so I did it.

Koreen:  Yung mga nanonood sa gym kanina, grabe ang tilian. Pati tuloy ako kinilig eh.

RJ:  Ok lang naman sa yo Babe di ba? 

Koreen:  Oo para yun lang... kay Marian  nga nakipagfrench kiss ka pa eh. Besides, harmless si Dei.  Alam ko she's a very nice lady hindi niya sisirain ang tiwala ko.  Ay babe tawagan mo naman siya oh. Nagreet ko na siya sa IG ko pero I want to greet her personally.

Tinawagan  naman ni RJ si Dei. 

Dei:  Hello RJ?!

RJ: Mate may gustong kumausap sa yo.

Inabot ni RJ ang phone kay Dei.  Narinig ni Dei ang boses ni Koreen.

Koreen:  Girl, happy happy birthday!

Dei:  Thank you! Dinalhan ka ba ng cake ni RJ?

Koreen:  Yup thanks!  Grabe ang saya ng birthday mo I watched it nung nasa gym ako. Yung mga tao don naghihiyawan at kinikilig. Girl I love all your production number.

Dei:  Ay coming from you flattered naman ako girl.  Kabado ako pero masaya.

Koreen:  Hindi ka mukhang kinakabahan and you nailed it all.

Dei:  Thanks Girl, before I forget, yung kiss kase sinenyas ni Kuya Jose...

Koreen:  No worries Darling!  I know its for the show... malayo pa yon sa mga kissing scene na ginawa nitong bf ko sa mga dating ka-loveteam niya.

Dei:  I'm glad, kinabahan ako eh ikaw agad ang naisip ko after it happened. I don't want you to get mad at RJ.

Koreen:  You're sweet... talaga ok lang yon. Kung ayaw mong maniwala sa akin, watch yung kissing scene nila ni Marian.

Natawa si Dei, napanood na din kasi niya yon.

Dei:  Naku, malayo pang maging ganon baka mapatay ako ng Tatay ko.

Koreen:  yah sabi nga din ni RJ eh.  

Dei:  Thanks for the greeting girl, it means a lot to me. Sige na enjoy kayo sa babe day.  Nasa airport ako on the way to Bora with some friends eh.

Koreen:  Ok take care girl.  Enjoy!

Mabilis na nagend call si Dei, ayaw na kasi niyang makausap pa si RJ.   Iniabot ni Koreen ang phone klay RJ

RJ:  hello mate!  Ay wala na pala.

Koreen:  Napakahonest talaga ni Dei, ako daw naisip niya after nung kiss ninyo.  Nasa airport pala siya eh.

RJ:  Yah, papunta ng Boracay. I was actually invited pero eto nga katatapos lang ng shoot tsaka sabi ko Babe day.

Koreen:  Awww sweet mo Babe.  Pero kawawa naman si Dei tsaka anong iisipin ng mga fans.

RJ:  Hindi bale babawi na lang ako sa kanya.












Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro