Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24 - Bigay pugay

Habang tumatagal mas marami ng mga projects ang ginagawa nila RJ at Dei ng magkasama. Sunod-sunod na commercial shoots at kung ano-ano pa.  Minsan nasa isang TV shoot sila natapos ng kuhanan si  RJ at nagpaalam na ito sa mga staff kaya ang alam ng lahat nakauwi na ito.

Mayamaya may natanggap na text si Dei galing kay RJ... "Ninja Moves... hindi pa ako inaantok eh papahinga lang ako sa Van text me when you're done. Hope you can join me for tea. Same place."  

Kaya pagkatapos na pagkatapos ng  shoot niya nagpaalam na ito at nagtext kay Direk Pat... "SOS Ate Pat, Ninja moves."  Kaya inihatid na siya ni Direk Pat sa basement parking area ng condo building niya kung saan nakaparada ang sasakyan ni RJ.   Lumipat sa Van ni RJ si Dei at tumalilis na ang Van. Naiwang nakaparada doon  ang sasakyan ni Dei.

Minsan naman na may trabaho si Alden sa may bandang North. Nagulat na lang si Mama T ng matapos ang trabaho ni RJ, nakiusap ito sa kanya.

RJ: Mama T, pwedeng mauna ka ng umuwi?  May pupuntahan lang ako, sayang naman kasi nandito na din lang ako sa Bulacan.  Tsaka pwedeng secret lang huwag mong banggitin kahit kanino kahit kay Carlitos kapag hinanap ako sabihin mo masama ang pakiramdam ko at natutulog ako.

Mama T:  Sigurado ka diyan sa gusto mong gawin?

RJ:  Ma, kaibigan ko siya wala naman sigurong masama kung  dumaan ako at magpakilala sa pamilya niya ng personal.  Respeto lang di ba.  This has long been overdue.  

Mama T:  Pero nakilala mo na sila sa studio di ba?

RJ:  Oo pero iba pa rin yung pupuntahan ko, gusto ko lang ipakita na totoong kaibigan ako hindi lang basta sa showbiz.

Mama T:  kaya bilib ako sa yo anak eh napakagentleman mo eh.  Pero sigurado ka bang hindi ka niya mamimiss-interpret?

RJ:  Ma, malinaw sa amin ni Dei kung ano ang meron kami.  Di ba sya pa nga ang nakipagkilala kay Koreen.  Besides nagusap na kami. Ma, ayaw mo din ba sa kanya?

Mama T:  Anak, malaki ang pasasalamat ko sa kanya at kung gusto din lang ang paguusapan, gustong gusto ko siya.  Kung wala kang gf mas gusto ko nga siya eh kasi iba siya, inilalapit ka niya sa pamilya mo at nakikita ko na talagang napapasaya ka niya. Ang ayoko lang magkasakitan kayo.

RJ:  don't worry Ma, friends na talaga kami.

Wala ng nagawa si Mama T, ibinaba sila ni RJ sa isang taxi stand. Hinintay na makasakay ang mga ito. Tinawagan ni RJ ang isa sa driver ng Van ng Tape na naghahatid kay Dei at nagpaturo kung papanong pumunta sa bahay ni Dei.  Linggo yon kaya sigurado si RJ na malamang na nasa bahay lang ito. Pero sinubukan din niyang itext at ang sabi nito nanonood lang siya ng movie.

Dumaan si RJ sa isang pizza parlor at bumili ng apat na box ng pizza at dumerecho na sa bahay nila Dei.  Pagparada niya sa harap ng bahay nito tinawagan niya si Dei.

RJ:  Hi Team mate!

Dei:  Oy, napatawag ka?

RJ:  I'm around the vicinity of Bulacan so I thought of passing by, nandito ako sa harap ng bahay ninyo.

Dei:  Ano?

Nataranta si Dei, lumabas ng kwarto at tinawag si Dean.

Dei:  Dean, open the gate, si RJ nandyan.

Nagulat din ang mga magulang ni Dei pati mga kapatid.  Nagbihis ng pangalis na blouse at shorts si Dei at nagsuot ng snickers.  Nagpowder at lipstick tsaka nagspray ng cologne at bumaba sa salas para salubungin si RJ.

Dei:  Nakakagulat ka naman.

RJ:  Pasensya na, sayang naman kasi, malapit na ako eh.  I wanted to personally meet your family out of the studio. Long over due na nga ito eh.

Dei:  Ikaw talaga, hindi naman kailangan.

RJ:  In respect to your parents I need to. 

Pumasok sila sa bahay bitbit ni RJ ang pizza. 

RJ:  Good Afternoon po, Mr. and Mrs. Mendoza.

Lumapit si RJ at nagmano sa mga ito.

Tatay Ted:  Good afternoon Hijo, napasyal ka?

Nanay Meann:  Oo nga, bakit hindi ka naman nagpasabi.

RJ:  Pasensya na ho, ngayon lang ako nakapunta. I really wanted to pay may respect to you out of the studio eh. Magkatrabaho ho kami ni Dei, magka-loveteam pa. I just think its proper na mameet ko kayo ng ganito.  Pagdamutan na po ninyo itong dala ko.

Nanay Meann: Nagabala ka pa.  Upo ka. 

RJ:  Thank you po.

Tatay Ted:  Galing ka niyan sa trabaho?

RJ:  Opo, may show po kasi ako sa isang malapit na mall dito kaya I took the opportunity. Medyo busy po kasi kaya ayokong palampasin yung pagkakataon.

Nanay Meann:  Eh di mabuti at napadaan ka, salamat sa panahon.

RJ:  Sir, Mam, pasensya na ho kayo, yung tungkol po sa love team dapat noon  pa nagpaalam na ako sa inyo.

Nanay Meann:  Trabaho yon, naiintindihan namin.  

Tatay Ted:  Oo nga, wala kang dapat alalahanin.  Mukha namang successful at masaya si Dei sa ginagawa ninyo.

RJ:  Salamat po, huwag po kayong magalala, magkaibigan po kami ni Dei kaya aalalayan, aalagaan  at poprotektahan ko po si Dei sa abot ng aking makakaya.  Hanggang gusto po niya ang ginagawa niya hindi ko ho siya pababayaan.

Nanay Meann:  Salamat naman kung ganon. Masyado namang pormal yung Sir at Mam. Magkaibigan naman kayo kaya ok na yung Tito at Tita.   Oh sige na, magmeryenda na tayo.

Nagbabaan sa salas ang mga kapatid ni Dei. Nakipagkamay si RJ sa mga kuya ni Dei at nagbeso sa ate niya at kay Coleen. Kinuha ni Dei si Matti sa ate niya at ikinalong, nilaro ito ni RJ habang nagmemeryenda sila.  Nagkakwentuhan din sila tungkol sa mga negosyo.  Humingi pa ng tip si RJ sa Tatay niya tungkol sa pinaplano nitong negosyo.  

RJ:  Dei mag-selfie tayo para may souvenir.

Napangiti si Tatay Ted ang nasa isip, "siya itong sikat na artista, siya pa ang gustong magpapicture sa amin."

Tatay Ted:  oo nga anak, dyan din sa cellphone mo para may kopya din tayo.

Nakakwentuhan din ni RJ ang mga kapatid na lalaki ni Dei at ang bayaw nito tungkol sa mga kotse at video games.  Makalipas ang isa't kalahating oras nagpaalam na magma-mall ang mga kapatid ni Dei at nagpaalam din na magsiyesta time ang magulang niya. Kaya naiwan na silang dalawa.

Dei:  Ikaw talaga, nanggugulat ka eh.  Buti hindi nagtitili si Coleen ng makita ka.

RJ:  Grabe ka naman.  Bakit naman titili?

Dei:  Crush ka kaya nung sister ko.

RJ:  Ok lang ba talaga sa Tatay mo ang pagpunta ko?  Kinakabahan ako, para kasing tahimik siya eh althou sumasagot naman.

Dei:  Ganon lang yon, pero talagang ok lang.  I'm sure natuwa naman sila sa gesture mo.  Thanks ha!

RJ:  Ok lang yon, we got each others back di ba?!  Besides ayokong isipin nila na nagtetake advantage ako sa yo.  Gusto ko kampante sila kapag ako ang kasama mo.  Gusto kong makuha ang tiwala nila.  Mas magiging kampante ako non eh.

Dei:  Don't worry, alam nilang harmless ka... tsaka alam nila yung tungkol kay Koreen.   Sorry, I had to tell them para hindi sila magalala. Pero no worries kasi your secret is safe with them besides alam nilang hindi makakatulong sa love team kung may makakaalam na iba.

RJ:  Sabi mo you have to tell them... bakit?

Dei:  Babae ako, Lalake ka kung pareho tayong single... alam mo na baka... 

RJ:  Ah, you had to tell them para makampante sila na its all work nothing more than that kasi nga may gf ako.

Dei:  Yup.

Isang oras ng bumibyahe si RJ pabalik ng Maynila pero naiisip pa rin niya yung sinabi ni Dei... "Kinailangan niyang sabihin sa kanila na may gf ako para maniwala ang mga ito na trabaho lang ang lahat?  Ibig bang sabihin gusto nilang masiguro na hindi maiinlove sa akin si Dei or ako sa kanya? Ibig bang sabihin may posibilidad na nahuhulog ang loob ni Dei sa akin?"













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro