Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18 - Closer

Four and a half months pa lang na namamayagpag ang career ni Dei pero sobrang dami na niyang commercials, interviews, magazine write ups,  cover featuring  whether solo or magkasama sila ni RJ.  Sobrang dami ng kanilang fans,  pinagkakaguluhan sila kahit saan sila magpunta.  Marami na ang mga nagugulat sa success na tinatamasa ng love team nila ni Richard.  Ang pagliligawan nila on screen idinadaan sa mga jokes at pick-up lines na gustong gusto naman ng mga manonood.  Pinayagan din silang magdate sa isang carnival. Binuhat pa ni Richard si Dei na parang baby.  They share a smoothie, at napansin ng mga manonood that they even shared a spoon.  Na sobrang nagpakilig sa mga manonood at nagbigay ng idea sa mga ito na baka may namumuo na ngang magandang samahan ang dalawa hindi lamang bilang love team kung hindi sa totoong buhay na din.

Ang totoo simula ng magkasama sila RJ at Dei sa shooting ng pelikula, naging malapit sila sa isa't isa.  Si RJ, tahimik at mukhang seryoso at si Dei tahimik at mahiyain pero pareho silang makulit kapag kasama ang mga taong malapit sa kanila. At yung kakulitan na yon kusang lumalabas kapag magkasama sila.  Madalas silang nakikitang magkulitan kapag hindi pa nila oras para magshoot.  Minsan din nagaasaran at binubully nila ang isa't isa.

Katulad ng hapon na yon, habang nagte-take nadulas si RJ.  Nacut- tuloy ang scene at kinailangang iretake.  Tawa ng tawa si Dei

Dei:  Hindi ko alam, lampa ka pala.  Parang palagi ka na lang nadudulas eh.

RJ:  Hindi naman ako lampa no, madulas lang yon sahig.

Dei:  Ows... lampa ka lang talaga.

RJ:  Sige, tignan mo pa yung sahig... makalampa ka naman.

Tawa ng tawa si Dei at hindi pa nakuntento kinuntsaba pa ang Director.

Direk:  Ano ba yan, nadulas na naman palitan mo na nga yang kapartner mo Dei.

Nagtawanan silang lahat.

RJ:  Grabe kayo sa akin.

Dei:  Alam mo kung bakit ka nadudulas... lagi ka kasing nakaskinny jeans.

RJ:  Oh pati naman pantalon ko pinagtitripan mo,negs!

Dei:  Eh bakit ba kasi lagi kang nakaganyan, magleggings ka na lang kaya.  Teka anong negs?

RJ:  Negs, short for negative.

Dei:  Hala, inaano ka ba?  Hindi naman ako negative eh.

RJ:  Hindi daw. Oh ikaw nagumpisa ha.

Dei:  Lampa ka naman!  

Dinilaan ni Dei si RJ at nagmake-face ito.  Tatawa-tawa si RJ

RJ:  Nega ka naman!

Dinilaan din siya ni RJ at nagdulingdulingan.  Napahagalpak ng tawa si Dei.

Dei:  Mukha kang pandang duling oh.  

RJ:  Pandang duling pala ha...

Biglang kiniliti ni RJ sa tagiliran si Dei.  Pilit na inaalis ni Dei ang kamay nito habang tumatawa pero niyakap siya ni RJ  at pinagpatuloy ang pagkiliti. Nagpupumiglas si Dei.

Dei:  Hoy, mokong tama na! Masakit na ang tyan ko.

Tawa sila ng tawa at napapailing na lang at napapangiti ang mga staff na nakapaligid sa kanila.  Dumaan si Vic.

Vic:  Hmmmm dyan nagsisimula yan.

Dei:  Bossing hindi no, to eh gwapo nga sana at cute kaso lampa!

Sabay tayo at tago sa likod ni Bossing.  Pilit siyang inaabot ni RJ pero nakakaiwas naman si Dei habang hawak si Bossing sa magkabilang braso at ginagawang pananggalang.  Natatawa din si Bossing.

Vic:  Oy, pakainin ninyo itong mga bata at mukhang parehong gutom na nagtatantrums na eh.

Dei:  Bossing talaga... ano ako 2 years old?

Vic:  Hindi ba?

RJ:  Ah two years old ka daw.

Vic:  Eh ikaw naman 3 years old!

Tumawa si Dei. 

Dei:  Kala mo ha.

Inakbayan ni Bossing si Dei at RJ.  

Vic:  Masaya akong nakikita kayong magkasundo at nagbibiruan. Sana ganyan kayo palagi.

RJ:  Don't worry Bossing, vibes kami nito ni Dei.

Dei: Partners in crime kami Bossing eh.

Minsan naman may dumating na mag-iinterview sa set ng movie nila...

Interviewer:  Describe your character sa movie.

Dei:  Character ko dito is Anna  and stubborn and somehow bratty na anak ni Bossing.  Abangan niyo na lang kung ano pa ang ugali niya.

RJ:  Abangan niyo na lang kasi ayaw na niyang magkwento.

Dei:  Abangan na lang para surprise, hello!

RJ:  hello...

Dei:  Pag sinabi ko may manonood pa ba?!

RJ:  Hello!

Tatawa-tawa si RJ

Interviewer:  Ikaw RJ?

RJ:  Character ko si Dondi pamangkin ako ni Ms. Ai.

Dei:  Funny siya...

RJ:  Abangan niyo na lang.

Interviewer:  So, wala ka ding sasabihin.

RJ: wala din, gaya-gaya lang

Sabay silang tumawa... pati interviewer natawa na din.

Interviewer:  Anong favorite scene ninyo?

RJ:  Yung ano... yung ano...

Dei:  Yung nasa...

RJ:  Yung ano... ay grabe talaga yong ano.

Dei: Oo ang saya yung ano.

RJ at Dei:  Kaya dapat abangan niyo yung ano!

Dei:  Kasi maaano kayo kapag nakita ninyo yung ano.

RJ:  Ay grabe, ibang kaanohan yung aanuhin niyo dyan.

Walang naintindihan ang interviewer pero tawa ng tawa at nakisakay pa sa kakulitan ng dalawa.

Interviewer:  Ano ba yong ano ninyo don?

RJ:  Yung ano, di ba nandon tayo sa ano...

Dei:  Sa ano...

RJ:  tapos biglang...

Dei:  Nagano tayo...

RJ:  Nagano tayo tapos binlock tayo sa ano...

Dei:  Abangan nyo yon.

RJ:  Yon na nga!

Tapos tawa na sila ng tawa.

RJ: Wala na tayong nasabing matino dito.

Dei:  May nakuha ka bang matino ate?

Nagtawanan sila pati ang interviewer. Nakikita ng kahit na sinong nakakasalamuha nila ang chemistry na meron sila.  Ang pagiging artista daw ay may regular na formula pero dahil si Dei ay hindi dumaan sa formulang ito ay pinangalanan ng mga manunulat na phenomenal star at dahil ang love team nila ni RJ ay hindi din plinano at isang aksidente lang .  Sila ay tinawag na phenomenal love team.  In between the busy schedules at kasikatan na tinatamasa nila ni RJ. Marami sa mg manonood at fans nila ang pilit silang pinaguugnay na dalawa.  Sinasabing ang nangyari sa kanila ay itinadhana dahil walang sinuman ang makapagpaliwanag sa aksidenteng pagkikita nila.

Ipinalabas ang interview ni Richard sa Reel Time ang ipinalabas. Isang revelation para sa lahat at sinabi ni RJ sa show.

Richard: Kapag alam mong may kinilig sa yo, may kilig back yon eh. So syempre kinilig po ako.

Hanggang isang araw nipinalabas ang interview ni Dei para sa isang show ng sikat na new and public affair personality na si Jessica Sojo.  

Jessica:  Kamusta naman ang parents mo? anong sabi nila sa love team ninyo?

Dei:  Hindi po sila na-orient pero ok naman po sa kanila and since successful naman po yung love team, masaya naman po sila.

Jessica:  Ok naman ba sa kanila si Richard?

Dei:  Ok naman po, mabait naman po si Richard, mukha naman pong harmless siya.

Jessica: Ano ang nagustuhan mo kay Richard? Besides sa harmless siya?

Dei: He is very gentleman, yun po kasi yung malaking factor. Yun naman po talaga ang hinanap ng maraming babae. Tsaka yung humor po niya parang nag swak sa humor ko.

Jessica:  So, may kilig ka naman kay Richard.

Dei:  Meron naman po. (Sabay tawa)

Jessica:  Oy, umamin may kilig siya.

Dei:  Sino naman po ang hindi kikiligin kay Richard?

Kaya ang mga fans lalong natuwa at umasang magkakaron sila ng relasyon out of the love team dahil walang kaalam-alam ang lahat na may girlfriend si RJ.

Napanood ni Koreen ang mga interviews na ito... balewala sa kanya ang mga pagpapakilig ni RJ at Dei dahil sanay na siya. Pero ang nakapagpaisip at pagalala sa kanya ay ang interview ng mga ito kay Jessica Soho

RJ:  Before, mahilig din po akong magdubsmash.  Nung sumikat po yung dubsmash application dito sa pilipinas natuwa po ako, nakakatuwa po kasi siyang gawin.  Later on nanood ako ng mga dubsmash videos, yung sa kanya po yung pinaka nakakatawa.

Jessica:  Ah, so napanood mo na siya?

RJ: Matagal na, matagal na...

Jessica:  Siya pala ang unang tumutok sa yo? ganon ba yon?

RJ:  Uhm, grabe siya.

Nagtinginan sila sabay na tumawa.

Dei:  Grabe siya!

Jessica:  Comfortable na comfortable na kayo sa isa't isa no?

RJ and Dei:  Opo

Humilig si Dei sa balikat ni Richard.  Sabay bawi...

RJ:  Hindi nga po masyado eh 

Dei:  Naiilang pa po ako sa kanya... nastarstruck po ako kay Richard Reyes

Jessica:  Ikaw na-starstruck ka kay Dei Mendoza?

RJ:  Sobrang na-starstruck po ako sa kanya the first time we met.  Kasi, ilan ba yon, seven weeks eh. Seven weeks po na puro on screen lang, as in  ni hibla ng buhok po kami nagkikita talaga.

Jessica:  tapos wala pa siyang boses.

RJ:  Opo, yun nga po nangyari yung pader scene, first meeting.

Jessica:  Yun pala ang first na tinginan ninyo was that

RJ:  opo yung plywood days pa.

Jessica:  Anong  reaksyon niyo na kinikilig ang buong bayan?

RJ:  Uy...

Dei:  Talaga ba?

Jessica:  Yung talagang tumitili ang fans, kahit yung mga lolo, kinikilig sa inyo? Anong reaksyon non? Anong pakiramdam?

Dei: Ako po kasi minsan kapag nanonood ako ng replays, nanonood ako as a regular viewer so, hindi ako si Yaya Dee, kapag pinapanoood ko kinikiligh din po ako so don ko po naiisip effective. na talagang may chemistry 

RJ:  Meron

Sabay tingin sa isa't isa.

Jessica:  So,  Paano yung chemistry?

Dei:  Tingin ko po kasi kaya po nagwork kasi natural. Natural po yung chemistry.

RJ:  Hindi po lahat pilit.

Dei:  Opo

RJ:  Yung mga ginagawa po namin is gusto naming gawin.

Dei:  Karamihan po spontaneous lang talaga.

RJ:  Lahat po is kanya kanyang kilos

Jessica:  Paano yon, eh mafacial expression si Dei, alam mo na yon? alam mo na kung papano pickupin yon?

RJ:  Hindi po minsan...

Dei:  Asus mas magaling ka na sa akin eh

RJ:  Magaling po kasi itong maglukot-lukot ng mukha eh pero the thing about that po kasi since we're doing it live. Pag ginawa namin yung mga certain actions nagugulat din kami sa mga reactions namin kaya po nagwo-work yung chemistry ng RichDee.

Jessica:  Eh pag ganyan na magkatabi kayo, kinikilig din kayo?

RJ:  Hindi ko nga po maidikit yung balikat ko sa kanya, nacoconcious nga po ako

Dei:  Ako nga din po eh medyo minamalat na nga din po ako eh.

Binunggo bungo ni RJ ang balikat ni Dei habang tumatawa sila.

Jessica:  Pero funny kayong pareho

RJ and Dei:  Funny walain.

Nagtawanan sila

Jessica:  Ano yon?

RJ:  Wala po parang tag line lang po ni Lola

Dei:  Gullible

Jessica:  Uuy, you finish each others sentence ah.

RJ:  uy, do you finish mine?

Dei:  Hindi

Sabay silang tumawa ng malakas habang nakatingin sa isa't isa.

Jessica:  Pero how much of it is acting, how much of it is real?

RJ:  We don't want to say that its acting eh

Dei:  Halo po kasi eh...

RJ: parang its a mix of having fun and doing what we love. The thing about  the streetserye po kasi is that its not acting since its very spontaneous eh.  We were just given guidelines po to follow para maideliver po namin yung story nung day na yon.  Kung baga sa sandwich, yung dalawang tinapay is the guidelines at kami yung naglalagay ng palaman.

Jessica:  Ano namang palaman yon.

RJ:  Hamburger po.

Dei:  Burger... (sabay pisil sa tyan ni RJ)

RJ:  Burger... (pinisil din ang tyan ni Dei)

Dei: Yun din po kasi yung mystic ng streetserye... yung spontaneity.

RJ:  Whatever we have now, masaya po kami kung anong meron kami ni Dei ngayon.  Kung dumating po yung mga bagay na inaanticipate ng mga manonood para sa amin.  Kung dumarating po yan eh.  Hindi po namin ire-reject yan eh. Parang RichDee lang po... it just happened.  Pero whatever we have now, we're having fun.

Dei:  Nangyari lang siya.

RJ:  Nangyari lang so, tignan natin. We'll see po.

Dei:  Tulad ng sabi niya po, hindi naman po namin isinasara yung pinto namin for possibilities in the future.

Kinuha ni Koreen ang remote at ibinato sa inis.  Kahit kailan at kahit na sinong la-love team pa makipaglandian or magpasweet si RJ, balewala lang. Pero kay Dei, naiinis talaga siya.  Habang pinanonood niya kasi ang mga ito parang totoong totoo ang mga sagot ni RJ.  Isa pa hindi sinabi sa kanya ni RJ na noon pa pinanonood na pala nito ang mga dubsmash videos ni Dei.













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro