Chapter 17 - Here for you
Simula non, kapag weekdays split screen pa rin dahil nasa Barangay si Dei at sa studio naman si RJ pero pagdating ng sabado sinisigurado ng show na magkasama si Richard at Yaya Dee.
Nandyang pumunta sila sa isang bahay na mukhang haunted house. Patuloy sa pagpapakilig ng tao, mamamatay ang ilaw pero pagbukas, magkayap sila Richard at Yaya Dee, o kaya naman nagda-dubsmash pa rin. Kinasundan na sabado naman nagbirthday si Lola, sumali naman sa paper dance contest sila Richard at Yaya Dee. Binuhat, kinarga at isinalabay (piggy back) ni Richard si Yaya Dee na talaga namang ikinatuwa at kinilig ang mga manonood. Pagdating ng huwebes nagcelebrate sila ng kanilang weeksary at sinundo ni Richard si Yaya Dee para sa date nila sa Broadway. Kumain sila, nagsubuan, binigyan ni Richard si Yaya Dee ng mga pulang rosas at nagsayaw sila. Kaya hindi na naman magkamayaw sa kasiyahan at kilig ang mga fans. Lalong dumami ang mga manonood ng Lunch Surprise dahil sa gumagandang istorya ng streetserye.
Samantala, kasabay ng pag-ere ng streetserye. Isinama din sa pelikula ni Vic Sotto si Richard at Dei. Kaya mas madalas silang magkasama sa mga shooting. Noon nagsimulang makilala nila Dei at RJ ang isa't isa. Nakita ni Dei ang natural ang pagkagentleman nito. Nakita din ni RJ ang sobrang pagkahumble ni Dei at ang pagkanatural nito. Walang arte sa katawan. Pati ang pagkasweet ni Dei nakita din niya kaya lalo naman silang naging close.
Maraming mga masasayang episode ang segment pero meron ding mga malulungkot. Isang linggong pinaiyak ng show ang mga manonood dahil sa streetserye, ikakasal na si Richard sa isang babaing gusto ng lola niya para sa kanya. Pagdating ng Friday , pinapunta si Richard sa Barangay, para sa huling pagkakataon ay kausapin si Yaya Dee. Sa bahay kung saan gagawin ang segment nandon si Richard at Dei, nagbriefing sila at ang bilin sa kanila maginternalize at ilagay nila ang sarili sa magiging eksena. Pero imbes na maginternalize, nagkwentuhan ang dalawa.
RJ: Kamusta ka naman?
Dei: Ok naman pero nakakapanibago kasi almost one week ng malungkot eh.
RJ: Oo nga eh, nababasa ko yung mga tweets eh.
Dei: Nabasa mo ba? Nagagalit, nalulungkot ang mga fans kasi nag-give up na si Yaya Dee.
RJ: Oo nga eh sobrang affected sila.
Dei: But then again, ibig sabihin effective ang pagarte natin no?
RJ: That's right. I'm sure natutuwa ang management sa yo and this week's episodes seems to be a training ground for you.
Dei: Training ground? What do you mean?
RJ: Syempre, they need to know what would be their next step para sa career mo. Baka mamaya bigyan ka ng teleserye.
Dei: Naku, hindi ko pa kaya yon, grabe naman.
RJ: Anong hindi, eh napakaexpressive ng mukha mo. I'm sure konting coaching lang kaya mo na yan.
Dei: Team mate ang laki ng bilib mo sa akin ha.
RJ: I can see the potential in you Dei, magaling ka maniwala ka.
Dei: Alam mo RJ, people like you makes me want to continue on.
RJ: Dapat lang dahil ang usapan natin walang iwanan di ba? Basta just do your best.
Dei: Kinabahan tuloy ako lalo, eh eto nga lang pagiinternalize hindi ko alam kung papano eh. Sabi magisip daw ako ng malungkot na pangyayari sa buhay ko, eh wala akong maisip.
RJ: How about remembering a past lovelife... that ended. Di ba nagkaboyfriend ka na?
Dei: Eh hindi naman nakakaiyak yon, nakakagalit lang.
RJ: how about a lost in the family?
Dei: Wala pa din eh.
RJ: Eh di kung ano na lang ang pwedeng magpaiyak sa yo ngayon, yon ang isipin mo.
Dei: Wala akong maisip eh.
Hinawakan ni RJ ang kamay ni Dei...
RJ: Dei, bakit ayaw mo na? bakit nagku-quit ka na? bakit ayaw mo na ba sa akin?
Medyo nagulat si Dei pero nakisakay lang siya.
Dei: Nakakapagod na kasi, ang daming nagsasabing ipinipilit ko lang ang sarili ko. You are already made up, hindi mo ako kailangan. Sabi nila ginagamit lang kita at hindi tayo bagay.
Medyo nagulat si RJ sa huling sentence pero tuloy lang siya.
RJ: Hindi tayo bagay?
Dei: Hindi talaga, hindi ako nakatapos, hindi ako mayaman at lalo namang hindi ako maganda.
RJ: Bakit ba minamaliit mo ang sarili mo?
Dei: Totoo naman eh.
RJ: Ang pagmamahal walang pinipiling estado sa buhay. Ang mahalaga ikaw ang gusto ko, ikaw ang mahal ko.
Gumaralgal ang boses ni RJ.
Dei: Bakit ako? Wala kang mapapala sa akin. Marami pa akong pangarap, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko.
RJ: Naiintindihan ko naman kung gusto mong makatapos ng pagaaral eh. Hindi naman kita pipigilan? Gusto mong sumikat, sige lang susuportahan ko ang lahat ng gusto mo.
Dei: RJ, hindi mo ba naiintindihan na ginagawa ko ito para sa yo? Ayokong maging dahilan ng pagsuway mo sa lola mo. Dahil katulad ko mahal ko ang lola ko at kahit kaylan hindi ko kakayanin na suwayin siya.
Nagsimulang tumulo ang luha ni Dei
RJ: Pero may ibang paraan pa, alam kong meron pa. Ako lang ang nakakaalam ng kailangan ko at sigurado akong kailangan kita sa buhay ko.
Dei: Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ako? kailangan mo. Isang baguhan, walang alam. Ano namang magagawa ko para sa yo?
Tinitigan ni RJ si Dei, deretso sa mata...
RJ: Kailangan ko ang pagmamahal mo, ang pagaalaga mo Dei. Kailangan ko ang mga ngiti mong nagpapagaan ng loob ko. Ang mga tingin mong nagpapalakas ng loob ko. Kailangan kita Dei.
Dei: RJ, please huwag na nating pahirapan pa ang sarili natin.
RJ: Anong kailangan kong gawin para patunayan sa yong mahal kita. Parang awa mo na Dei hindi ko kaya ang mawala ka sa buhay ko.
Humihikbi na si RJ, tumutulo ang luha. Naguunahan na din ang mga luha sa pisngi ni Dei.
Dei: Tama na RJ, hindi ko kayang ibigay sa yo ang hinihingi mo.
RJ: Bakit? totoo bang may mahal ka ng iba?
Humihikbi na si Dei hindi na din napigilan ang sobrang emosyon.
Biglang pumasok si Direk Pat, nakita niyang umiiyak na si Dei ganon din si RJ.
Direk Pat: Perfect guys! Padating na sila... putting you on cam in 3, 2, 1 action...
Kaya ng ipakita sa screen parehong hilam sa luha ang kanilang mga mata. Nang magdubsmash sila, hinawakan ni RJ ang kamay ni Dei, inalis naman ni Dei ang kamay niya nagunahan ang mga luha sa pisngi ni RJ. Nakakagulat dahil isang kakaibang Dei ang ipinakita ng show. Dahil ng araw na yon, hindi siya nagpapangit, hindi siya nagpatawa... kung hindi nagdrama.
https://youtu.be/wP0bEwPR-0Y
Sa studio titig na titig si Vic Sotto, pinagmamasdan ang pag-arte at pagiyak ni Dei. Naiyak din silang lahat sa eksena. Nang humakbang palayo si RJ, parang dinudurog ang puso ni Dei. The feels are so real for her.
Luhaan ang mga manonood ng matapos ang episode. Nagpalakpakan ang mga nasa Barangay. Niyakap ni Jose, Wally at Paolo si Dei.
Wally: Ang galing mo!
Dei: Hala, ang sagwa nga kuya eh, hindi ko mapigil yung hikbi at tsaka ang hirap umiyak sa harap ng kamera ng hindi nawa-wa-poise. Iniisip ko baka tumulo yung sipon ko.
Nagtawanan silang lahat.
Dei: Isa pa ang hirap palang pigilan yung emosyon... naobvious ninyo ba?
Paolo: Ang alin?
Dei: Hindi ko dapat niyakap si Richard, dapat sinabi kong ayaw ko na, pero mali niyakap ko siya ang cried on his shoulders. Kaya he had to ask me again.
Jose: Ah kaya pala, akala namin kasali yon na parang pinapaasa ninyo ang audience eh.
Direk Pat: Hindi nga dapat ganon on the contrary mas napaganda pa kasi mas lalong nasaktan ang audience and you did it na parang ayaw mo talaga but you just need to.
Direk Motty: Oo nga bravo!
Dei: Naku kung hindi dahil kay RJ who helped me cry baka hindi ako nakaiyak. Ang galing niya eh. Naguusap lang kami, mayamaya iba na pala pinaguusapan namin. Hanggang sa naiyak na lang ako.
Nang nasa Van na si Dei, papunta sa studio, tinawagan niya si RJ.
Dei: Hello Team mate!
RJ: Hi!
Dei: Nakauwi ka na?
RJ: Nope, here sa studio, may meeting daw eh.
Dei: Just wanted to say Thanks!
RJ: Wala yon, di ba sabi ko sa yo, hindi kita pababayaan?
Dei: Ang galing mo naman!
RJ: No, I just hit a topic which is obviously sensitive para sa yo. Now, I know how important this is for you and how affected you can be.
Dei: Hindi naman ako ganon ka-affected I can shrug the bashers off kung ako lang, ang ayoko lang yung may ibang tao pang nadadamay. Especially, you, eh wala ka namang ginagawa kung hindi ang tulungan ako. I am aware of the fact that I need this more than you do RJ.
RJ: No, Dei, I need it the same way you do. I may have used other words and relate it sa serye kanina pero ang totoo, that is me begging you to stay on the team.
Bahagyang natahimik si Dei.
RJ: Matagal na ako sa business na ito Dei. Four years to be exact at ngayon ko lang naramdaman yung ganito, pinagkakaguluhan kahit saan. Yung pinupuntahan, pinagaaksayahan ng oras. Yung pati social media accounts ko binabasa ng napakaraming tao. Ang commercial offers ko ang dami dati 2 commercial lang sa isang taon, masaya na ako eh. I may be made before you even came but you made me shine like a bright star Dei. I will forever be greatful for that.
Dei: I'm happy to know na nakakatulong naman pala ako sa yo.
RJ: More than you know, Dei. Kaya I will do everything to keep you, I got your back Mendoza!
Dei: Thanks Faulkerson!
RJ: Thanks din for not giving up... promise I will always be here for you no matter what.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro