Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14 - Game changer

Lulan ng kanyang sasakyan, tahimik si Richard.   Hindi din umiimik si Mama T.

Richard:  Mama T, pakitawagan si Carl please. Tell him I want to meet him and Ms. Lizelle at the GMA office in an hour.  

Sumunod naman si Mama T.  Tinawagan naman ni Richard ang kanyang ama. Nagulat man ito, sinabi namang pupunta siya ng GMA.

Bago pa dumating sila Carlitos nandon na si Richard at ang Daddy nito at kausap si Ms. Gigi.

Ms. Gigi:  Carlito, Lizelle. When you asked me to find something for Richard tinulungan ko kayo because I also think na sayang ang oras kung wala siyang gagawin and it can be an opportinity to grow.  Hindi ko ineexpect na babalewalain ninyo ang Lunch Surprise. More so hindi ko akalain na babalewalain ninyo ang nagawa ng loveteam nila ni Dei para sa kanya.  I am sure na aware naman kayo that the fans from social media is not Richards fans on the first place.  Hindi ko sinasabing walang fans sa social media pero hindi ninyo pwedeng ideny na wala pa sa one fourth ng fans ng dubsmash queen ang fans ng alaga ninyo. So the least you could do is respect this people and give them the time that they need.

Carlito:  Pero Ms.  Gigi, sikat naman na si Richard before she came in. So he can go solo. 

Ms. Gigi:  and you agree with this Lizelle? You of all people know na wala na tayong concept of teleserye na maibigay kay Richard we tried it all, patweetums, drama pati history type sinubukan na natin pero wala hindi kinagat.  He need something new tapos nung makita ang galing niya sa hosting they kept him and when the loveteam happened  his career flourished which I am pretty sure, you all gained from it.  So, what is happening?

Ms. Lizelle:  I do believe Richard can go solo pero hindi ko naman ho sinasabing iwan niya yung loveteam. 

Ms. Gigi:  Then why isn't he informed ng mga kaganapan on social media. We cannot neglect the fact that the netizens point of view are important now.  Dapat chinecheck ninyo yon. Richard was bashed more so si Dei.  Nagmukha tuloy nangiwan sa ere si Richard.  I know Richard needs to finish some appointments na matagal ng nafinalize pero sana huwag pabayaan yung Lunch Surprise and the love team.  Hanggang pwedeng iiwas sa sched niya sa Lunch Surprise ang mga ibang engagement do so.  Alam natin na magandang maghandle ng talents ang Tape.  They will give him what he deserves kapag nagtuloy-tuloy ito.  Do I make myself clear?

Carlito:  Yes Ms. Gigi.

Ms. Lizelle:  Yes Mam.

Ms. Gigi:  I want to see his schedule in the next 4 months. Oh before I forget, you want to end the loveteam... guess what... Dei wants out!

Ms. Lizelle: What?  Bakit?  Is that why, sa serye she went somewhere?

Ms. Gigi:  Yes, they gave her a break from the show for her to think things over. 

Carlito:  Ang yabang naman niya. Siya pa ang umayaw?

Ms. Gigi:  Mayabang ba?  Well her reasons were because she also believes na hindi na kailangan ni Richard ang love team at siya ang new comer kaya mas na pinakikinabangan niya tapos si Richard pa daw ang nasisira.  Mayabang ba?  Hindi kaya tayo ang nagmumukhang nagmamalaki sa pinaggagagawa ninyo? The girl is very humble and just so you know. Dei Mendoza is born to a wealthy family, hindi niya kailangang magtrabaho because the family owns gas stations and other businesses. So kung tutuusin ginagawa lang niya ito para sa mga pangarap niya pero yung finances hindi niya kailangan.  So,  sino ang mas nangangailangan kanino? Ano pagsolohin ba natin si Richard?

Ms. Gigi:  It is your call Richard... what do you think?

Richard:  I say... if I have to beg Dei Mendoza so she will stay I will. I am pretty much aware that I am famous sa netizens because I am associated with her.  Hinangaan nila ang RichDee dahil sa streetserye and the number of fans that RichDee has wala pa sa kalahati ang number ng fans club ko alone.  More so, maraming napapasayang tao, maraming natutulungan at maraming naiinspire sa loveteam namin so I want this 101%.

Ms. Gigi:  Mr. Faulkerson ano sa palagay mo?  He is your son.

Daddy Rick:  Alam kong magaling ang anak ko pero para sa akin malaki ang naitulong ng Lunch Surprise sa career niya lalo na ng love team nila ni Dei.  Kung masaya si RJ sa ginagawa niya sa Lunch Surprise, I say, we keep him there.

Ms. Gigi:  Malinaw yan ha Lizelle and Carlitos.  So as much as you can , clear his schedule to give way to Lunch Surprise and the loveteam's future projects.

Richard:  Kung hindi talaga maiiwasan, ok lang but as much as possible Thursdays and Saturdays.  I want the loveteam to be my work priority.  As long as Lunch Surprise is keeping their end of the bargain, I am keeping mine too.  If you are too busy to inform me about the social media, don't worry.  Me and my Dad will take care of that.

Lumabas na sila ng opisina ng GMA.  

Carlitos:  RJ daan kayo sa bahay? Doon na kayo magdinner?

RJ:   No thank you... I promised my family na lalabas kami for dinner.

Ms. Lizelle:  RJ pasensya na... 

RJ:  Ok na yon, siguro tama ang Tape pare-parehong bago sa ating lahat kaya hindi natin alam na ganito ang magiging out come.  But since we already know I hope this never happen again.

Carlitos:  We are just looking after your career.

RJ:  I know, pero sana naiinform ako before you guys do anything.  Alam ninyong gagawan ko ng paraan lahat yang mga gusto ninyong ipagawa sa akin. Pero sana bigyan ninyo ng time yung nakakapagpasaya sa akin.

Tahimik ng umalis ang magama.  Si Carlitos nagpuputok ang butse, ngayon lang siya tinanggihan ni RJ.

Habang si Dei, nagpapahinga at nasa isang beach resort.  Tinatawagan siya ni Ms. Jenny at Direk Pat.  Katext din niya sila Jose, Wally at Paolo.  Touched siya sa concern ng mga ito.  Kahit nakabakasyon pinanonood ni Dei ang Juan For All. Kaya napanood niya ng surprise na dumating si Richard sa Barangay para magcelebrate ng weeksary kasama ang mga lola kahit wala siya.  Nagulat siya dahil kung dati hindi ito mapagdubsmash, ngayon ay game na game itong nagdubsmash at ginaya siya.  Tuwang-tuwa siya dahil kuhang kuha nito ang facial expression niya.  Pati mga nasa studio, tuwang-tuwa.  Habang pinanonood niya si Richard, napapaisip siya, "Bakit parang mas loose siya ngayon, and he looked like he is really having fun. Anyare?!"

Hindi nakatiis si Dei, tinext niya kay Direk Pat ang nasa isip, sumagot naman si Direk Pat.

Direk Pat:  Ang alam ko lang kinausap siya... tapos ngayon nagulat din kami ng sinabi ko ang gusto kong gawin niya at walang dalawang salitang pumayag siya.  Feeling namin gusto niyang bumawi.

Napangiti siya, natutuwa naman siya na nageefort ito. 

Kinabukasan nanonood siya at nakita niya na ang 3rd monthsary naman ang icenecelebrate sa Juan for All.  Nagulat siya ng bigla siyang tawagan ni Ms. Jenny.  

Ms. Jenny:  Dei, ok lang pa kunyari patatawagin ka ni Lola kay Allan tapos magusap kayo ni Richard at ipaparinig natin on air.  Alam mo naman we need to change their mood from that Japan pa more incident.  Natuwa ang audience kahapon, dugtungan na natin. 

Dei:  Ahmm, sige po pero ano pong sasabihin ko?

Ms. Jenny:  Bahala ka na...  tapos ending kunyari may aagaw ng phone mo. 

Dei:  Sige po.

Tinawag ni Allan si RJ para kausapin si Dei... Ipinarinig nga sa ere ang boses ni Dei. 

Dei:  Hello! 

Nagulat pa si Richard pero ngumiti, kita ang dimples.

Dei: Oy, happy monthsary!

Richard:  Hello!

Naghiyawan ang mga tao sa studio.

Richard:  Kamusta ka?

Dei:  Eto... uy thank you sa pasalubong ah, nagustuhan ko.

Kitang kitang ang magandang pagkakangiti ni Richard.

Richard:  You're welcome.  Alam mo na ba yung  surprise ni Lola?

Dei:  Hindi pa, pero excited na ako.

Richard:  Ako din eh.

Dei:  Pwedeng magrequest?

Richard: Anong request?

Dei:  Isang dubsmash naman oh!  Napanood kita kahapon. Ang galing mo ah!

Richard:  Anong gusto mo?  Anong dubsmash?

Dei:  Yung dubsmash natin, yung una kitang nakita.

Richard: Sige, sige

Dei:  Papanoorin kita ngayon.

Richard: Ok, ok

Nagdubsmash nga si Richard ng dinubsmash ni Dei nung una silang nagkita on screen.

Dei:  Ang cute. ang cute naman!

Richard:  Ok yon?

Dei:  Mas magaling ka na sa akin.

Richard: Eh idol kita eh.  Pwedeng ako naman magrequest?

Dei: Sige...

Richard:  Kanta ka naman, please

Dei:  Eh ayoko, nakakahiya

Richard:  Please

Dei:  sige na nga... now na?

At kumanta nga si Dei... naghiyawan ang audience ng marinig ito.

Dei:  Wish I may, wish I might find a way to your heart. Wish that I'll be the sun to warm you all through your life. Wish you may feel my love that is hidden in the stars. Wish I may, wish I might be the one

Sinabayan pa ni Richard... lalong naghiyawan ang mga audience.  Kilig na kilig ang lahat.

Dei: yehey... oy teka teka... akina

Richard:  Teka lang may sasabihin pa ako.

Pero biglang naputol ang tawag.

Joey:  Sige, sabihin mo na para marinig ng lahat.

Richard:  I miss you...

Nagkagulo sa studio, talunan, hiyawan at palakpakan. Sobrang kilig ng mga fans.  Yun lang at parang nabura ang mahigit isang linggong wala si Richard sa segment.

Yun lang at pakiramdam ni Dei, nabura ang lahat ng pagaalinlangan at takot niya.  Yung maramdaman niyang kasama niya sa pa rin si Richard sa pagpapakilig at pagpapasaya sa tao sapat na para mawala ang mga negative vibes sa isip at puso niya.  Sigurado siya, kinabukasan nasa show na ulit siya.














Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro