Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1 - At the fair

Lakad takbo ang ginawa ng magkakaibigang Janeeva,  Kath at Dei  pagdating nila sa Venue ng fair.  Halos magkandadapa pero tawa naman ng tawa.

Dei:  Teka, teka,  ano ba kayong dalawa.  Takbo tayo ng takbo eh di paglapit natin sa mga cutie's pinagpawisan na tayo.

Janeeva:  Right ka dyan girl! powder room muna tayo.

Kath:  ayun oh don bilis powder puff girls!

Bumungisngis sila.

Dei:  Ewan ko ba kung papano ninyo ako napilit na pumunta dito?  Nananahimik akong nagbabasa sa bahay eh, nabitin tuloy ako don sa story.

Janeeva:  Girl naman, all summer  ba yun na lang ang gagawin mo?  Magbasa at magsulat?  Talk about borrrriiiinnnggg!

Dei:  Grabe ka sa akin!

Kath:  O  ayan na sila, bilis ready na kayo magpapapicture na tayo.   Oh my God! ang  cu-cute nga nila!

Mahigit isang oras nag-ikot ang mga ito sa fair.  Picture dito, picture doon. Hindi na mabilang ni Dei kung ilan na ang picture na nakuha nila pero hindi pa rin niya nakikita yung crush niya. Hanggang napalingon siya sa isang section na pinagkakagulhan.

Dei:  Hmp! Kaya naman pala hindi ko makita eh natabunan na!

Kath:  Dei, ano ba?  Kuhanan mo kami ng picture!

Dei:  Ay, sorry.  Oh game na.

Itinapat ni Dei ang kamera sa mga kaibigan at sa lalaking nasa pagitan ng mga ito. Pagtingin ni Dei sa monitor ng camera nasabi sa isip, "hmmm aba may taste naman pala itong mga bruhang ito, cute nga siya, maputi at may dimples pa."

Dei:  Oh smile!

Kath:  Thank you Richard ha.

Richard:  Ok lang.

Sabay ngiti na labas ang dimples, kulang himatayin ang mga kaibigan ni Dei.

Janeeva:  Dei kayo naman!  

Hinila ni Janeeva si Dei at pinatayo sa tabi ni Richard.  Biglang may ilang naglapitan na babae. Nakuhanan naman ng litrato sila Dei at Richard pero pinagkaguluhan na ito ng ilan kaya hindi na niya nakuhang magpasalamat. Kaya umalis na din sila, nakapagpakuha pa sila sa ilan pero hindi nagkaron ng pagkakataon na makapagpakuha sila kay Daniel Padilla. Papano naman ang pila ng tao parang hindi nauubos kaya nagpasya na silang umuwi dahil pagod na din sila.

On the way home... 

Kath:  Ano ba naman yan,  blurd itong isang picture, sayang naman Dei yung pic ninyo pa naman.  Kaisa-isang pic mong magisa kasama ng isang cutie blurd pa! Kainis kasi yung mga babaing yon eh, nagalaw siguro nila ang kamay mo Janeeva.

Maine:  Isa lang ibig sabihin niyan... we were not meant to be!

Janeeva:  Eh sinong kameant to be mo?

Dei:  Ano ba... kung si DJ yan...  malinaw pa yan sa sikat ng araw!

Kath:  Ilusyonada!

Dei:  Walang bayad magilusyon bruha!

Nagtawanan sila. Pagdating sa bahay, nagmano at bumati lang sa mga magulang at kapatid si Dei at dumerecho na sa kwarto.

Iyan si  Dei Capili Mendoza, mahiyain sa mga taong hindi niya kilala.  May pagkaintrovert.  Pero makulit at palabiro sa mga taong malapit sa kanya.  Mahilig siyang magbasa at magsulat.  May kaya ang mga magulang, parehong negosyante. Simple ang itsura, medyo may kalakihan ang bibig pero bumagay ang manipis na labi. Mahilig siyang magpapangit.  

Five years after, nakagraduate siya ng Bachelor's Degree in hotel, restaurant and institution management major in culinary arts  sa De Lasalle College - St. Benilde at  galing sa kanyang internship sa The Sagamore, sa New York.   Dahil kababalik lang at wala pang trabaho nahumaling siya sa social media.  May blog page siya.  Kung hindi ang laptop ang kaharap ay ang cellphone naman niya ang inaatupag.  Isang araw na walang magawa sa opisina ng kanilang family business naisipan niyang gumawa ng video at ginaya si Kris Aguino.  Naging Viral ang video dahil nakakatuwa ang mukha niya, napakaexpressive.  Sumikat siya at nakilala bilang "The Dubsmash Queen".

Katulad din siya ng maraming kabataan na sa idad na bente anyos ay hinahanap ang sarili. Hinahanap ang kapalaran sa kung saan-saan.  Hinahanap kung ano ba ang kapalaran na para sa kanya at naghahanap ng totoong kaligayahan.  

Hindi naman sasabihin na malungkot ang buhay niya dahil maayos naman ang buhay nila ng pamilya niya pero sa pakiramdam niya may kulang pa sa buhay niya.  Marami pa siyang gustong gawin hindi lang niya mapin-point kung ano-ano ang mga ito.  Alam niyang marami siyang pangarap pero hindi niya alam kung saan siya magsisimula.

Isang hapon,  dumating ang kapatid niyang si Coleen na kashare niya sa kwarto.

Coleen:  Hi Sis! Let's go out.  Let's eat or watch a movie, kahit ano.  Basta lumabas ka lang ng kwarto.

Natawa si Dei.  Hinila niya ang kapatid.

Dei:  Alam mo Sis, basahin mo na lang ang bagong blog ko and tell me what you think o kaya panoorin mo ang video ko about chivalry... bilis!

Coleen:   In fairness Sis maganda at ang accent mo winner!   Hay naku, hopeless romantic ka talaga eh!  Pero wala ng lalaking ganyan!

Dei:  Grabe ka naman.

Coleen:  Sis, honest answer lang ha kasi nababasa ko ang mga poems mo at syempre ang blogs or tweets mo.  Are you still into Miggy?

Dei:  Ano ba!  That's history!   Sad sis, but no that's over and I have moved on.

Coleen:  Pero umaasa ka pa rin na may lalaking katulad niyang mga lalake sa mga Chick flix at Romcom na pinapanood mo?

Dei:  wala namang bayad umasa, wala namang bayad ang mangarap eh.

Coleen:  Naniniwala ka talagang isang araw may darating na ganyang lalaki sa buhay mo?

Dei:  Oo naman.  Nadelay lang kasi nadale ng laglag bala kaya nadetain sa customs ang lovelife ko.

Ang lakas ng tawa ni Coleen.  Maaring introvert ang kapatid, mahina ang self-esteem pero she never fails to make things lighter at when she puts her mind and heart on something she gives it her all.

Coleen:  So, ayaw mo talagang lumabas?

Dei:  Magpadeliver na lang tayo ng food tapos watch tayo ng movie... a friend sent me "The longest ride" and "The rewrite" on Share it.

Colleen:  In fairness, gusto ko din mapanood yung mga yon.

Ang pagiging gentleman ng isang lalaki ang weakness ni Dei.  Yung pagiging maalaga, yung sasamahan at babantayan siya kahit saan siya magpunta.  Yung irerespeto at igagalang ang pagiging babae niya hindi mamaliitin.  Yung susuportahan siya at magiging proud sa kung sino at ano siya.  At tatanggapin  ang lahat-lahat sa kanya.

Ang totoo, nawawalan na din siya ng pagasa na may ganyang lalaki pa.  Kaya nga niya ginawa ang video na yon eh.  Hoping that every man in the world can watch it and start bringing back chivalry dahil ang feeling niya ang chivalry ay nasa puso na lang ng mga lalaking kasing idad ng Tatay niya.

Katulad na lang ng mga lalake sa mga pinapanood niyang pelikula.  Sigurado siyang lahat ng mga nakapanood ng mga ito nangangarap na sana makatagpo sila ng ganong klaseng lalake.

Kaya ang laging tanong ni Dei sa utak, "meron pa nga kaya?  Eh madalas ang mga cute o gwapong lalakeng nakikilala niya  kung hindi bading eh taken na."  Pero sinasagot naman niya ang sariling tanong ng... "Meron pa Dei, meron pa! Tiwala lang at dasal na sana ang inilaan ng maykapal sa yo ay ganong klaseng lalake nga." 

Out of the blue bigla niyang nasabi ng malakas, "Wow! ang lalim non!"

Napatingin si Coleen sa kanya.

Coleen:  You were saying something sis?  

Dei:  Yah, sabi ko ang lalim ng hugot ng character nila. 

Nanahimik na lang siya at pinagpatuloy ang panonood.













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro