Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 58. Unexpected



Unexpected

.

.

Today is the day I will confess everything to him. I tool a deep breath while staring at myself in the mirror. Tapos na akong mag-ayos. Sinuot ko rin ang kwentas na ibinigay ni Charles noon, noong mga high school pa kami. Tinago ko ito kasama ang lumang gamit ko.

.

Then I had my breakfast. Pero walang silbe ito dahil isinuka ka lang din. Kaya gatas na ang ininom ko. Ang hirap ng umaga para sa akin, dahil ito ang oras na kumakalan ang tiyan o pero isinusuka ko naman ang lahat. Mas inayos ko na ang sarili at naglinis na din.

.

I prepared and clean everything from my bed to my kitchen. I am still taking my day off from work. Nagpaalam na ako kay daddy at isang linggo muna na hindi ako papasok. Sumang-ayon agad siya sa pagpapahinga ko.

.

Nakita ko ang iilang pregnancy test box at nilagay ito sa basurahan ng banyo. Puno na ang basurahan ko at kailangan ko ng itapon ito. Pero mamaya na lang siguro. Ang mga resulta nito ay tinago ko sa drawer, sa gilid ng kama ko.

.

Napag desesyonan kong alas onse ko siya pupuntahan, at dahil maaga pa ay mas minabuti maglalakad na lang ako. Tutal malapit din lang naman ang building ni Charles dito. It will only take five minutes walking distance. Nakikita ko nga ito sa labas ng balkonahe ng condo ko.

.

Bumaba na ako nag nagsimulang maglakad. Tinatanaw ko ang bawat sulok na nadadaanan ko. And as usual, I love to look at every food shops. I can smell yummy foods and I can't wait to taste those goodies! Pero hindi pa pwede, hindi pa ako pwedeng kumain mamaya na, dahil susuka lang din ako.

.

Tumingala ako sa matayog na gusaling ito. This is the Delavega Tower. Hindi ito kasing taas at kasing laki kagaya ng Del Tower 101. Pero may dala na ang hitsura ng gusaling ito. Sa ama pa ito ni Charles at siguro ngayon ay siya na ang namamahala.

.

Every time I walk passed on this building I don't like to look. Naiinis kasi ako. Hindi ko kainman ito pinasok dahil sa ama niya. Pero ngayon na si Charles na ang humawak ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib ko.

.

Pinindot ko ika 28th floor. May iilan din akong nakasabay sa loob ng elevator, pero lahat sila lumabas na sa ibat-iba floor at ako na lang ang naiwan. Tumunog na ang bell at bumukas na ito.

.

Nang makalabas nilingon ko ang kanan at kakaiba nga naman ang desenyo sa bandng ito. Sa may information desk agad ako nagtungo. Dalawang sekretarya ang nandito sa malaking mesa. Abala ang isa sa telepono at nakangiti naman ang isa sa akin. Lumapit na ako.

.

"Hello, Miss. I'm here to see Mr. Charles Aragon Delavega. Pero maaga pa ako, eleven o'clock ang appointment ko," ngiti ko. Sabay kaming napatingin sa relo at may bente minutos pa nga bago mag alas onse.

"I'm Isabella Mendoza," ulit na tugon ko.

.

Ngumiti lang siya at tiningnan na ang laptop, pero kumunot lang ang noo nito. Lumapit na ang kasama niya at agad na tiningnan ang pangalan na isinulat ko.

.

"Ahm, kayo po pala si Ma'am Isabella," ngumiti agad siya sa akin.

"Wala pa po si Sir Charles. Pwede po kayo sa loob maghintay, Ma'am," pormal na ngiti niya.

Napailing na ako at tiningnan ang gilid na may upuan naman.

"Hindi na, at dito na lang ako maghintay. Okay lang ba?" ngiti ko sa at napako agad ang tingin niya sa upuan sa bandang gilid. Malapit lang ito sa kung nasaan sila.

"Sige po, Ma'am. Gusto niyo po ba ng maiinom?"

"Tubig lang please. Salamat," tugon ko.

.

Humakbang na ako at naupo na lang din sa gilid. May iilang magazine rito sa mesa at kumuha ako ng isa. Dumating din agad ang tubig ko at maingat niya itong nilapag sa maliit na mesa.

.

"Salamat," ngiti ko at ngumiti rin siya. Bumalik na siya sa pwesto niya.

.

Tahimik ang hallway at walang ibang tao rito maliban lang sa amin tatlo, ang dalawang sekretarya at ako na nakaupo. Rinig ko agad ang ingay na yapak na paparating, kaya napalingon dito. Binaba ang binasa kong magazine at napatitig ako sa kanya.

.

"Hello, Cath!" siglang tugon niya sa isang sekretarya na nagbigay ng tubig sa akin kanina.

.

Tuwid ang mahaba itim na buhok niya. Maputi at makinis ang balat na balat. Magandang mukha at mukhang mabait siya sa paningin ko. Whole dress and type ng damit, lose ito at halata agad ang tiyan niya. Sa tingin ko tatlo o apat na buwan na siyang buntis ngayon.

.

"Ms Avon Baltazar!" siglang tugon ng sekretarya sa kanya.

.

Uminit ang tainga ko at gumuhit ang kaba sa puso ko. Napatitig na tuloy ako sa kanya ng husto.

.

"Oh my god, Ma'am Avon! Kailan lang po kayo dumating?" ngiti ng nagngangalang Cath na sekretarya. Nakangiti lang ang isang sekretarya na katabi niya.

"Kahapon pa lang. Shhh! Hindi niya alam. I will surprise him," mahinang tugon ni Avon at sumenyas pa.

"Is he inside?" pagpatuloy na tanong ni Avon at napalingon na siya sa pinto ng opisina ni Charles.

"Ahm, wala pa po, Ma'am Avon. Pero darating din iyon. Hintayin niyo na lang sa loob si Sir Charles," tugon ni Cath sa kanya.

Tumango agad siya. "Okay."

.

Nilingon na niya ang banda ko at nagtagpo ang mga mata namin dalawa. Mas kinabahan ako at napatitig ako ng husto sa tiyan niya. Bumagsak ang balikat ko. Kung hindi ako nagkakamali siya si Avon at nabasa ko na ang pangalan niya sa wedding invitation nila ni Charles. Ang ganda nga naman niya sa personal.

.

Ngumiti na ako sa kanya.

"Ma'am Avon, are you due soon?" tanong ni Cath na sekretarya ni Charles. Bahagya siyang natawa.

"Soon, Cath. I'm on my fourth month. Halata na ba?" proud na lahad niya sa tiyan nito.

"Slight lang po. Pero oo, malaking tingnan dahil din sa suot ninyo, ngiti ni Cath sa kanya.

"I'm so happy that Charles put you here from New York base," tugon ni Avon kay Cath.

"Uh... pinilit ko po si Sir Charles, Ma'am Avon. Gusto ko na rin kasi umuwi rito. Kaysa naman mag resign ako e nagpalipat na lang ako rito. Mabuti na lang at sumang-ayon siya," tugon niya.

.

Napayuko na ako. Why the hell I'm listening to all their conversation? Kahit tinatakpan ko na ang mukha ko sa magazine ay wala naman akong binabasa at nakikinig lang ako sa kanila.

.

So she's Avon, and she's pregnant. Great! Napamura ako sa sarili.

.

Pinikit ko na ang mga mata ko at pilit na kinalma ang sarili. Rinig ko lang ang lakas na pintig ng puso ko at hindi ko maintindihan ito. Tulala ako sa sarili na para bang gusto kong maiyak. Buntis siya at si Charles ang ama 'di ba? E, sino pa nga ba? Isip ko.

.

Tumikhim na ako at maingat na binaba ko ang magazine na hawak ko. Humakbang siya palapit sa akin at nakangiti pa.

.

"Excuse me," ngiti niya.

.

Kumuha siya ng isang magazine sa gilid. Nasa gilid ko lang kasi ito. Napako na tuloy ang paningin ko sa kamay niya. Napalunok ako nang makita ang kinang ng engagement ring na suot niya. Ang ganda at ang laki pa.

.

Imbes na pumasok siya ay bumalik siya ulit sa harap ni Cath at nakatayo lang din. Wala yata siyang planong pumasok sa loob ng opisina ni Charles. Nabagabag na ako at parang kinuyom na ang puso ko. Pakiramadam ko iiyak na ako ngayon dito.

.

Pigil-hininga akong nakasunod sa kanya. Nang binuksan niya ang pinto ng opisina ni Charles ay kitang-kita ko agad ang napaka organisadong mundo niya. Nilibot ko nang tingin ang buong paligid at napangiti ako sa sarili. The interior design inside was made by me. Noon kasi, noong college pa lang ako ay humingi si Charles ng opisinang desenyo, at ang desenyong it ang ginawa ko.

.

"Sa bandang kaliwa po, Maa'am Isabella," saad niya.

"Salamat," saad ko. At lumabas na siya. Naiwan na ako ngayon sa loob ng opisina niya.

.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro