Chapter 52. Aftermath
Aftermath
Nagising akong masakit ang ulo. Tinanaw ko ang kisame at kumunot ang noo ko dahil kakaiba ito. Hindi ito ang kwarto ng hotel ko. Iginalaw ko ang paa, pero masakit ito ng konti. Pumikit ulit ako at napahilamos sa sarili.
Tinitigan ko ulit ang kisame at ang buong paligid. Nasaan ba ako? At kaninong kwarto ito? Parang naalimpungatan ako na parang nananaginip pa din. Ano ba kasi ang nangari sa akin? Bakit napunta ako rito?
Pinilit kong bumangon at nauipo ako nang bahagya sa gilid ng kama. Naka IV dextrose ang isa kong kamay at may nakabalot na puting bendahi sa isang paa ko. Kumunot ang noo kong nag-isip. Pilit na iniisip kong ano ang nangyari.
Tiningnan ko ang boung silid, maaliwalas at malinis. Kulay cream at gray, malaki ang silid at my maliit na opisina na puno ng libro sa gilid. Malaki ang kamang ito at panlalaki ang kulay ng bawat gamit rito.
This is a man's room. Isip ko.
Masakit pa rin ang ulo ko. Tiningnan ko ang malaking orasan sa dingding at napaawang ang labi ko. Alas singko y medya na kasi at halos hindi ako makapaniwala sa sarili. Natulog ba ako buong magdamag? Pilit kong inisip kung anong nangyari kagabi. I know I drink a few and a few means a lot. I stared at the bandage of my foot. Okay, ngayon naalala ko na. Nakaapak ako ng isang matulis na bagay kagabi at maraming dugo nito.
The heck, why so stupid, Isabella! Tugon ko sa sarili. Oo naalala ko na and lahat. Naalala ko na ang bawat eksena kagabi at pati na ang halikan naming dalawa. Bwesit! Nagmura ang isip ko. I was drunk, totaly drunk and in so much mess.
Bumukas ang pinto at nabigla ako at kinabahan. Mabilis kong inayos ang sarili ko. Alam kong kwarto ito ni Charles, at kong hindi ako nagkakamali nasa puder niya ako ngayon.
"Gising na pala kayo, Ms. Isabella," ngiti nang isang dalagita.
I think she's on her teenage like fourteen. Mahaba ang buhok at malapad ang ngiti niya. May dala siyang pagkain at kong hindi ako nagkakamali ay sopas ito. Ito kasi ang madalas lutuin ni Mommy sa tuwing may sakit ako. Kaya pamilyar sa akin ang amoy nito.
"Kumain po muna kayo habang mainit pa," nakangiting tugon niya at tipid akong ngumiti pabalik sa kanya.
"Tatawagin ko lang po si Doctor Eric."
Nilapag niya rin ang tubig sa maliit na mesa, sa gilid ng kama kung nasaan ang sopas. Binigyan ko siya nang ngiti. Kinabahan ako kanina nang pumasok siya. Akala ko kasi si Charles ito. Hindi pa naman ako handa sa kanya.
"Natulog ba ako boung magdamag?" mahinang tanong ko at napatitig siya sa akin ng husto. Parang nalilito ang mga mata niya, hanggang sa makuha na niya ang ibig sabihin ko.
"Uh... Ibig niyo pong sabihin kung natulog po kayo boung araw?"
Tumango ako.
"Ah--Oo ngayon lang po kayo nagising. Twenty four hours po ang tulog ninyo, Miss Isabella," ngiti ulit niya.
"Nag-aalala nga po si Sir sa inyo. Pero sabi naman po ni Doctor Eric normal lang daw po iyon. Tatawagin ko muna si Doctor, para malaman niya po na gising na kayo."
Hindi ako nakaimik, akalain mo twenty four hours and tinulog ko! Grabe siguro ang kalasingan ko ano? Lumabas na siya at maingat na isinara ang pinto. Napayuko na ako sa sarili at tulalang tinitigan ko ang paa na ballot sa bandage at ang kamay na kung nasaan ang IV dextrose.
Nag-angat ulit ako nang tingin nang mapansin ang pagbukas ng pinto.
"Hi, Isabella. How are you feeling?" on his baritone voice. Pormal ang tindig niya at malinis ito. Nakasuot ng salamin at may katamtaman na pangangatawan. Maamo ang mukha pero kakaiba ang titig ng mga mata niya. He's somehow mysterious but when he smile he's like an angel.
"Doctor Eric James Saavedra," lahad nang kamay niya at nakatitig ako nito ng iilang Segundo. Tinangap ko na rin ang kamay niya.
"How are you feeling?" tanong niya at tinitigan na ang dextrose na parang may binasa.
"M-Masakit lang ang ulo ko at paa," kurap ko. Pinagmamasdan ko lang siya. Tumango na siya at ngumiti ulit sa akin.
"You have a deep wound on your left foot. Medyo natamaan ang malaking ugat mo sa paa, but it's okay now. You have a few stitches, so be careful upon walking. Maingat lang na hakbang para hindi mabinat ang tahi sa sugat mo," ngiting saad niya.
Napalunok na ako. Naalala ko lang kasi ang nangyari kagabi. Ang tanga ko naman oh.
"I remember, I stepped into something sharp," tugon ko.
"Actually, I have to take out the broken bit of the material inside. Alam kong lasing ka dahil hindi mo naramdaman ito. Hindi na kita tinurukan ng anaesthesia dahil hindi mo naman mararamdaman, pero malinis na ang sugat mo."
Nakatitig ako nang husto sa kanya. I felt guilty because of my own mistake. Ang tanga ko talaga. Naglasing dahil nagselos at nagwala dahil naghalo ang lahat sa loob ko. I hate myself. Isip ko.
"Sorry..." Napayuko na ako sa hiya.
Napailing na siya at bahagyang natawa na.
"I can take off IV now if you want?"
Tumango na ako at pilit na ngumiti.
"Salamat."
Natahimik kami habang binaba at inalis niya ito sa kamay ko. Tumikhim na siya.
"Charles will be back in two days. He's on an emergency meeting. Medyo nagipit siya kaya ako muna ang nandito. Kung may kailangan ka nandiyaan si Elena. Siya na muna ang bahala sa'yo, okay," ngiti niya at tumango na ako.
"Salamat ulit, doc," tugon ko.
"Just Eric please, Isabella," ngiti niya.
Bumukas ang pinto at pumasok na si Elena na may dalang iilang pagkain pa.
"Okay maiwan ko muna kayo. Elena ikaw na muna ang bahala kay Isabella."
Tumango si Elena at tipid na ngumiti si Eric. Lumabas na din siya at naiwan na kaming dalawa ni Elena ngayon.
"Kain po muna kayo, Ms. Isabella."
"Salamat, Elena."
"Gusto niyo po ba samahan ko kayo rito habang kumakain kayo?"
Napangiti ako. Ang kwela nga naman niya at inosente ang bawat titig nang mga mata niya.
"Sige, salamat."
Naupo na siya sa harapan na bahagi ng mesa. Maliit lang naman ang mesa rito. Maingat kong tinikman ang niluto niyang sopas at ang sarap nito.
"Ang mga gamit niyo po pala nasa cabinet, sa gilid pati na rin po ang luggage niyo, Miss Isabella. Gamitin niyo po lahat ng mga gamit dito tugon ni Sir Charles po."
Tumango lang din ako habang kumakain. Tiningnan ko pang maigi ang boung kwarto at napansin kung may balkonahe rin pala rito. Hindi naman maalis ni Elena ang mga matang nakatitig sa akin.
"Ang ganda niyo po, Ms. Isabella," titig niya.
Bahagya na akong ngimiti at napailing pa. Ang totoo nakatulong yata ang mahabang tulog ko. Dahil parang nagging Isabella ako ngayon. O baka naman epekto ito ng sugat ko.
"Maganda ka rin kaya, Elena," sampling ngit ko.
"Matanong ko lang po. Ilang taon na po kayo?"
"Ako? Hmm, matanda na ako, Elena." Sabay tawa ko at natawa na rin siya.
"Twenty seven na ako," pagpapatuloy ko at panay lang din ang titig at ngiti niya sa akin. Natahimik siyang saglit, kaya ako na ulit ang nagsalita.
"Matagal mo na bang kilala si Charles?" pag-iiba ko ng tanong. Gusto ko lang naman na malaman ito. Simula kasi noong naghiwalay kami Charles ay wala na akong alam sa naging buhay niya.
"Apat na taon na po. Naglilinis po ako rito linggo-linggo."
Napatango ako at ngumiti na.
"Palagi ba siya rito?" ulit na tanong ko. Sige magtanong ka pa Isabella! Isip ko.
"Noon po madalas, minsan ka da tatlong buwan at minsan naman anim. Depende po 'ata sa kanya. Alam niyo naman po na abala si Sir Charles palagi. Mabait po si Sir Charles kaya nagpapasalamat ako. Nakakatulong po sa pag-aaral ko ang kinikita ko rito," ngiti nya.
Natahimik ulit siya at panay lang din ang subo ko.
"Girlfriend niya po ba kayo, Ms. Isabella?" biglang tanong niya. Kamuntik na tuloy akong mabilaokan sa kinain ko. E, lugaw lang naman ito!
"Hindi," diretso kong tugon.
"Uh... Akala ko po kasi girlfriend ka ni Sir Charles."
"Wala ba siyang girlfriend? Noong nakaraang lingo kasi nakita ko siya sa tabing dagat kayakap niya iyong babaeng dilaw na buhok." pag-iiba ko, gusto ko kasing malaman kahit iyon man lang.
"Ah si Natalie? Naku! Malandi na po iyon sa kanya. Pero hindi naman siya pinapansin ni Sir Charles. Hindi lang po si Natalie ang may gusto sa kanya rito. Marami po sila at panay ang pansin kay Sir. E, mga trying hard naman," ngiwi niya. Hindi ko tuloy alam kong matatawa ako o ano ba! Nakakaloka.
"Pero ikaw pa lang po ang nakapasok ng bahay niya," proud na ngiti sa akin.
"Hindi po talaga niya kayo girlfriend?" pagpatuloy niyang tanong.
Napailing ulit ako at mas tinapos ko na ang kain ko.
"Noong hindi po kayo nagising nag-alala po siya nang sobra. Siya pa po ang nag-alaga sa inyo. Tumaas po kasi ang lagnat niyo, Ms. Isabella. Madaling araw na iyon at tinawagan niya ako at inutusan na magluto at maghanda. Pero umuwi rin po ako. Kaya si Sir na nag-alaga sa inyo."
Nahinto ako sa huling subo at parang may kong anong kumalabit sa puso ko. Hindi ko man lang naisip na malala pala ang nangyari sa akin. Ang tanga ko talaga. Pero ang mas inisip ko ngayon ay kung sino ang nagpalit sa damit ko?
The heck, alanggan naman ako!
Uminit ang pisngi kong nakatitig kay Elena. Gusto ko sanang magtanong kong siya ba ang nagpalit sa damit ko habang lasing ako at wala sa utak! Kaloka. Pero sa titig niya ay parang ayaw ko nang magtanong pa. Dahil alam kong si Charles na ang gumawa.
"Hindi po siya mapakali, Ms. Isabella. Tinawagan pa po niya si Doctor Eric sa Paris. Mabuti na lang hindi pa siya nakalipad pabalik ng Amerika. Kaya siya na rin po ang gumamot niyan!" Sabay turo nang bibig niya sa paa ko.
"Kaya nakapagtataka po kung hindi ka niya girlfriend. E, ano po kayo ni Sir?" seryoso niyang tanong pero mangitingiti siyang nakatingin sa akin. Kinabahan naman ako sa tanong niya. Ang chismosa ni Elena. Isip ko.
"Kaibigan lang niya ako, Elena. Kilala ko na siya noon pa."
Natapos na akong kumain.
"Salamat, Elena naubos ko ang sarap," ngiti ko.
"Hmm, ex-girlfriend ka ni Sir Charles ano? Hay naku, sabi ko na nga ba. Ikaw siguro ang first love niya." Tumayo na agad niya at niligpit na ang plato ko. Napatitig na tuloy ako sa kanya ng husto.
"Sige po, pahinga po muna kayo, Ms. Isabella. Tawagin niyo lang po ako kung may kailangan pa po kayo," lawak na ngiti at maingat na siyang lumabas ng kwarto.
Tumayo na ako at nagtungo sa banyo. I can't walk properly because of the pain but it's bearable. Nakakalad naman ako, pero mahina nga lang. Halos lahat ng gamit sa banyo ay pang lalaki. From shampoo to shaving cream and all the things that are here.
Napangiti ako nang makita ang conditioner na pambabae. Like him, this one was my favourite too. Madalas kasi kami noon na nag-uusap sa ano mang bagay, at kahit pa sa mga paborito naming gamitin sa banyo. I know that Charles used this as he kept sending a few on me before. Napangiwi ako at nilagay na ito pabalik sa lalagyan.
Nag shower lang akong saglit at mas lalong gumaan na ang pakiramdam ko. Sinuklay ang mahabang buhok habang tinatanaw ang dagat sa balkonahe. Malaki-laki rin ang balkonahe niya. Hindi ito kalayuan sa kung nasaan ginanap ang conference.
Oh my god, ang conference? Absent na ako ng dalawang araw. Bahala na nga! Alam kong attendance rin lang naman ang iba, at malapit na itong matipos dahil nasa panghuling araw na ito bukas.
Naupo muna ako at tiningnan ang paa kong nakabandahe. Napaisip ako, malaki rin ang sugat ko at epekto ito ng katangahan ko. Hindi ako makakapagsuot ng sapatos ng iilang araw nito
Papalubog na ang araw at pinagmasdan ko ito ng boung puso. Ang ganda, pero nakakalungot. Parang may kulay sa loob ko at hindi ko maintindihan ang sarili ko. Maganda kasi nakikita mo ang huling kinang nito, pero nakakalungot dahil ang kapalit naman ay ang pagbalot ng kadiliman ng langit.
Minsan matatanaw mo ang mga bituin at minsan naman ay wala sila sa paningin mo. Hindi ko alam kung bakit lungkot ang nararamdaman ng puso ko ngayon. Naalala ko ang halik ni Charles at ang bawat salitang binitawan niya. Gusto kong maniwala at gusto kong kumapit, pero ayaw ko, dahil masakit dito sa loob ng puso.
Nagtagal ako ng isang oras sa balkonahe bago pumasok sa loob. Bumaba na ako sa patungong kusina. Ngayon ko lang nakita ang kabuuan ng bahay niya dito sa Mazaro. Malaki rin pala. Maganda ang desenyo at makikita mong pinagkakagastuhan ito. Dalawang palapag ito at malawak at malalaki ang bawat silid na makikita mo.
Namangha ako sa lounge area na kong saan matatanaw mo talaga ang infinity pool at dagat. At ang kusina ang lawak na parang chef ang nakatira. Nakita ko agad si Elena sa labas na nagliligpit at naglilinis. Madali kasi siuyang makita dahil glass ang sliding door nito at iilang dingding.
Pumasok siya nang makita niya ako.
"Misss Isabella," ngiti niya. "Magpapaalam na sana ako para maka-uwi na."
"Hindi ka rito matutulog?"
"Ah hindi po. Malapit lang po ang bahay namin dito, at nagluto na po ako. Tingnan niyo lang po kung gusto niyo. Kung hindi naman po, pwede po kayong magluto ng gusto ninyo," ngiti niya.
"Okay na, Elena. Ako nang bahala salamat ulit ha."
"Si Doc Eric po nasa labas pa po. Baka uuwi na rin iyon," saad niya.
Pagkatapos ay umalis na siya. Maingat akong humakbang patungong kusina para tingnan kung ano ang niluto niya. Napangiti ako, Aadobong manok ito.
Humakbang ako patungo sa refrigerator. Tiningnan kong ano ang laman at marami naman. Napag-isipan kong magluto ng fried rice para maiba naman ng konti. Meron din ibang sangkap kasi na pwedeng ilagay at gulay. Maaga pa naman, para na rin makasabay ko sa hapunan si Eric.
Inayos ko ang lamesa nang matipos ako. Tamang tama ang dating ni Eric dahil tapos na ako sa pagluluto.
"Kain na tayo Doc, este Eric pala," ngiti ko.
"Nagluto ka?"
"Si Elena ang nagluto ng adobo dinagdagan ko lang ng fried rice at gulay."
Umupo na siya sa kabilang silya, sa tapat ko. Malaki ang dining table ni Charles sa kusina. Kasya 'ata isang dozenang tao rito. Ewan ko ba. Pero sadyang ganito siya kahit noon pa. Gusto niya ng malaking espasyo, malaking mesa at malaking kusina.
"Bukas aalis na ako, Isabella. Kailangan ko nang bumalik sa clinic. Maraming pasyente na ang naghihintay sa pagbabalik ko," tugon ni at nagsimula na kaming kumain dalawa.
"Kung hindi lang ako kinulit ni Charles siguro kahapon pa ako nakaalis. But it's okay para ko ng nakababatang kapatid si Charles. Kung ano ang mahalaga sa kanya ay mahalagi rin sa akin," tugon niya.
TUmango na ako. "Matagal na ba kayong magkaibigan ni Charles, Eric?" Sabay lunok ko. Kahit na sa ganitong paraan ay gusto ko lang din na malaman ang nakaraan ni Charles simula ng maghiwalay kami. Hindi ko alam, pero curious ako sa kanya.
Tumango siya. "I'm a Psychiatrist and also Internal Medicine Doctor, Isabella. I happened to meet Charles during that time when he needs someone. He was at his worst and it was fate that we meet."
Napahinto ako sa pagsubo ng kanin sa bibig ko at tinitigan siya. Nakatitig siyang husto sa akin. Kinabahan na ako. Pakiramdam ko kong ano ang sakit na napagdaanan ko noon ay napagdaan din ni Charles. Pareho lang kami at kasalanan naman niya iyon.
"Are you curious, Isabella?"
Ngumiti ako. "Sort of. If not confidential," medyo ngumiti ako. Kahit papaano ay gusto kong malaman ang tungko sa kanya. Nagpatuloy ako sa pagsubo.
"He was at his worst ten years ago. He almost gave up life. Depressed, confused, broken and hurt. He needed someone but he doesn't want his family. That's why he left and choose to be on his own," panimula niya.
"I meet him in the street of New York. I would say it was fate. Agad na nakita ko sa kanya ang condisyon ng kapatid ko noon. Charles is suffering a deeper depression and he's far worst. I don't know him at that time. Hindi ko siya kilala, pero nakuha niya ang buong atensyon ko."
"He started talking, parang hinintay lang niya na may makinig sa kanya... I listened to him, and to all his worries and troubled. Then, I began to understand him. He first become my patient and then he become my brother."
"Charles got the quality emotionally like my brother... Mahina ang puso, matapang ang isip at malakas ang loob, pero basag na sarili nila. He may look to tough to you and to the people that knows him, but Charles is not that tough as what you think, Isabella."
Natahimik ako sa mga sinabi niya. Hindi ko inakala na sa mga panahong iyon ay mas masakit ang pinagdadaanan niya. Kung hindi ako nagkakamali that was the time when we broke up. Iyon ang panahon na umiwas ako sa lahat at nagpasyang pumunta ng Australia at nanatili ng isang taon.
"He was torn between saving one's company, saving one's mental emotion and saving the love of his life... Mahirap. It was tough for him. He needs to save a business firm from someone who ruined it. When he asked his parents for help, the options was given. Kasali sa kasunduan na iyon na hindi niya pwedeng sabihin ang lahat sa'yo. He needs to be away from you for a month... Isang buwan, isang buwan na akala niya ay kaya niya..."
Napalunok ako at nanlamig ang buong katawan ko. I remember that time when dad firm hit rock buttom. Iyon na ba? Sinong may kagagawan noon? Ang alam kong engaged sila ni Tracy noon. Hindi ko napakinggan ang totoong dahilan niya dahil naging bulag ako at galit ang puso ko. Hindi lang naman siya ang nasaktan at nagdusa, dahil pati rin naman ako.
Hindi ko na tuloy makain ang pagkain ko at nahinto na ako. Maingat na pinunasan ang labi ko. I'm a bit confused and I want to ask more questions, pero baka magtataka si Eric kung magtatanong ako ng mga personal na bagay tungkol kay Charles, kaya tumahimik na lang ako.
"I'm telling you this Isabella because I don't want him to go through the same stage again. He reminds me of my younger brother who died at young age because of depression."
Natulala ako nang marinig ito sa kanya. I never thought he had a scar as deep as it hurt, o baka hindi na nga matabunan ang sakit nito. Eric hooded eyes for me is already a puzzle. Parang ang hirap basahin at hindi ko kayang tapatan ang bawat titig siya. Like Charles, him also is broken. Kaya ba pinagtagpo sila ng tadhana? For Eric Charles is his younger brother and that he needed to protect him, and for Charles, Eric is a big brother.
"I failed to save my own brother, Isabella. And it's still haunting me. I know I'm not in the position to say this but please listen to him first... Pakinggan mo muna siya at ang bawat paliwanag niya. Listen to him before making your decision. Open your heart and accept the past. Move for a better purpose so that both of you will be free."
"He's a bit matured now compared before, pero ikaw to Isabella. Ikaw ang kahinaan niya noon at ikaw pa rin ang kahinaan niya hanggang ngayon," pagpapatuloy niya.
Alam niya ang lahat. Alam ni Eric ang lahat sa amin ni Charles. There's no secret that he didn't knew. I was overwhelmed and I don't know how to talk back. Kaya tumahimik na lang ako.
"I don't know your story, Isabella. Pero mag-usap kayo ni Charles. Alam kong kagaya niya ay nasaktan ka din at nagdusa. Pero matapang ka, Isabella... Malakas ang puso mo at kaya mong mabuhay na wala siya," tipid na ngiti niya at bumagsak na ang puso ko.
Kaya ko nga ba? Oo, nakayanan ko. Kayak o naman basta hindi ko lang makikita ang mukha niya at hindi ko maririnig ang pangalan niya. Pero iba na ngayon. Simula ng marinig ko ang pangalan niya ay nabaliw na naman ang puso ko. My heart throb in so much trouble and it's killing me. At ngayon na nakita ko ulit, nahagkan at nayakap mababaliw na ulit ang puso ko...
"I hope I didn't scare you, Isabella," ngiti niya habang iniinom ang tubig. Napailing na ako at napabuntong hininga na. Nawala ang ngiti sa labi at napalitan ng pag-aalala ang puso ko. Nabunutan ako ng tinik, dahil kahit papaano ay nalaman ko rason ng kahapon naming.
I felt sorry for him and like me our love was in trouble too.
"Care for dessert?" tugon niya, habang pinakita ang supot na dala niya kanina.
"Ano 'yan?" ngimiti na ako.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Doctor nga naman si Eric. May kakaibang kakayanan siya sa lahat ng pasyente niya, at sa araw na ito ay naging pasyente niya ako. Eric smile is so angelic, it's infectious.
"Buko pie at turon. Binili ko sa pinoy restaurant. Ito lang ang sinadya ko roon," ngiti niya at napalitaw ang nag-iisang dimple sa kanang bahagi ng pisngi nito. Ngayon ko lang napansin ito.
"Kaya pala nawala ka kanina? Sabi ni Elena may nilakad ka raw. E, iyan pala ang nilakad mo?" tawa ko.
"Akala ko pa naman maarte ka? Wala kasi sa hitsura mo ang kumain ng turon?" ininis ko siya habang tawa.
"Really? Why do girls find me weird? I'm very gentle kung hindi lang nila alam." His features lightened while smiling.
"Sana makahanap ka ng katapat mo," bahagyang ngiti ko at pagbibiro sa kanya.
"I hope so but look; I'm not in a hurry, Isabella. Only my Mum keeps nagging me., and arranged more blind dates which I hate."
Napailing na siya at inihanda na ang binili niya. Kumuha siya nang dalawang maliliit na plato at nilapag sa mesa ito.
"Oi, don't hate your mother Eric. Kahit siguro ako ang ina mo ay iinis kita. Bakit kasi wala kapang girlfriend, e trenta ka na! Pihikan ka siguro ano?" bahagyang tawa ko at mas natawa na siya.
He put a slice of buko pie in both plates and we ate it.
"Masarap! I know how to make buko pie at mas masarap pa rito."
Tumawa na siya. "Sige nga. Next time kapag gumawa ka I'll be your taste judge."
"Sure!"
"Baka suntukin na ako ni Charles nito. World war three ang aabutin ko sa'yo, Isabella."
Masnatawa na ako at pati na din siya. Masaya siyang ka-kwentuhan at masaya akongnakilala siya kahit papaano. Bahagi siya ng bagong buhay ni Charles at mahalagasa akin ang mga taong mahalaga sa kanya. Masaya ako dahil sa natulasan ko. Ifeel more happy and at peace inside me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro