Chapter 43. Surprise
Surprise
"For you, Love, hija. Me and your mum are making the impossible things possible for you. Kaya sana pagbutihin mo ang pag-aaral mo. Study hard, set your goals and priorities," tugon ni daddy at ngumiti na ako. Tagos sa puso ang mga sinabi niya at totoo naman talaga.
"I'll promise to finish, dad. And soar high like you. I will become an Engineer and then I will marry the man in my dreams," bahagyang tawa ko. Natawa na rin si daddy ko. Napailing na siya. May mali ba sa sinabi ko? Wala naman 'ata!
"I'm not against Charles, Isabella. Pero mga bata pa kayong dalawa at alam kong matalino ka," ngiti niyang tugon.
Napayuko ako. For some reason I felt guilty. Naalala ko kasi ang nangyari sa amin noon ni Charles, noong prom namin. Pero hindi na mangyayari iyon. Sisiguraduhin ko na mas gagamitin ko ang utak ko bago ang puso.
"I know, dad. I love you dad and thank you," sabay yakap ko sa kanya.
Sumunod naman ang kapatid kong si Xeejay na kasayaw ko.
"Hindi ka na baby, ate. So mag-ipon ka na para makabukod!" bahagyang tawa niya at binatukan ko na ang ulo nito. Tumaas pa ang kilay ko.
"Ikaw rin malapit ka na sa boundary. Magkano na ba ang ipon mo?" paninira kong biro.
Ang alam ko kasi mas marami pang pera ang mukong na ito, dahil sa mga sideline projects. Sinasama kasi siya ni daddy at nagkakapera rin siya kahit papaano.
"I have one hundred thousand in my bank account, ate," sabay pakita niya nang dila sa akin. Iniinis niya ako talaga!
"So, anong gift mo sa akin?" taas kilay ko.
"You don't need one. Meron ka na bigay ni mommy at daddy. Kasali na ako roon," halakhak niya.
Binatukan ko na naman siya at napansin ng iba ito. Natawa na sila. Mabuti pa itong kapatid ko mas malaki pa ang sariling savings kaysa sa akin.
"Mukhang hindi sisipot ang Prince Charming mo ah." At talagang hindi pa siya tapos!
"Okay lang. Ano ka ba! Abala iyon sa trabaho at naiintindihan ko. Sinabi ko na naman sa kanya na okay lang," kibit-balikat ko.
"Pero ang totoo umasa ka? Tsk!" ngiti niya.
"Umalis ka na nga. Iniinis mo lang ako e!" Babatukan ko na sana, pero agad na bumitaw na siya at tawang-tawa pa. Kapatid ko ba talaga ang baliw na ito? Kainis ah! Isip ko.
Sumunod na ang iba pang lalaki na nagsayaw sa akin. Wala akong masyadong inimbitahan sa mga kaklase ko. Medyo pribado rin kasi ang birthday ko. Halos lahat ng bisita mga kasamahan ni mommy at daddy sa trabaho. Kung meron man na akin ay ang mga kaklase ko lang na malapit sa puso ko. Pero nabibilang lang din sila.
Patapos na ang lahat ng 18th roses ko, isa na lang na dapat sana ay si Charles ito. Pero hindi na ako umasa at si Karl na ang pinalit sa kanya.
"And to complete our 18th roses, here he is!" tugon ng emcee.
Hindi pa sinabi ng emcee ang pangalan niya. Naglakad siyang palapit pero tinakpan ang mukha sa bulaklak na dala niya. Ang kapal ng bulaklak nito at halos hindi ko na makita ang kabuuan nang ulo niya. Suot ang tuxedo suit na kulay grey at naka black pants pa. Pormal siya, pormal na pormal ang baklang Karl sa paningin ko. Napangiti pa ako, dahil ang daming drama ng mukong na 'to.
Ibang klase din itong si Karl magpakwela ah! Showbiz nga naman siya.
Nang inabot niya sa akin ang mga rosas ay nakangiti kong tinangap ito. Mas una kong tinitigan ang mga rosas na bigay niya kaysa sa mukha niya.
"Ang dami naman nito, Karl," saad kong nakayuko.
Napako ang tingin ko sa mgaang mga magagandang rosas na bigay niya. Mas napangiti ako. Pero napaawang ang labi ko at nahinto ang mundo nang makita ang kabuuang mukha ni Charles sa harap ko.
"Charles!" lawak na ngiti ko.
I looked at him from head to toe. He's so tall now and to describe him. Bloody handsome! Hindi ako makapaniwala na siya ang nasa harapan ko. Niyakap niya agad ako nang mahigpit. Kasabay nang pag anonsyo ng emcee sa pangalan niya.
"Happy birthday, babe," mahinang bulong niya sa akin habang yakap ako.
Ang bilis ng tibok ng puso ko na parang hindi na ako makahinga. Nanghina na tuloy ang tuhod ko, at parang nakalutang ako sa langit ngayon. Ang mga ngiti kong abot hanggang tainga, at hindi ko alam kong saan aabot saya saloob ko. Siya lang naman ang nagbibigay ng ganitong pakiramdam sa akin. Siya lang ang kumompleto sa gabi ko.
Tiningnan niya muna akong mabuti mula ulo hanggang paa. Katulad ko rin, hindi siya makapaniwala. Kinuha niya ang mga rosas na hawak ko at binigay pansamantala sa emcee ito.
"Can I have this dance?" Sabay lahad nang kamay niya at inabot ko naman.
We dance in the music of love. Na parang kami lang dalawa sa buong paligid. Wala kaming pakialam sa kanila. Rinig ko ang palakpak ng lahat pero hindi ko sila tinitigan man lang, dahil ang mga mata ay nakatitig kay Charles ngagyon. Rinig ko pa ang sigaw hiyawan nila lalo na ang boses ng kapatid ko. Ang ingay niya!
"Akala ko hindi ka na makakarating."
"Pwede ba iyon? I won't missed this special day of yours. I promised you right? I am here, Isabella. Tutuparin ko ang pangako ko sa'yo," lambing na tugon niya. Halos magdikit na ang ilong namin dalawa.
"Alam ko at masaya ako. Pero isipin mo palagi na maiintindiha ko , Charles," ngiti ko at tumango na siya.
"Isabella, pagdating sa'yo ikaw ang prioridad ko. Kaya maghintay sila," bahagyang tawa niya.
"Kaya pala hindi kita makontak kanina," ngiwi ko.
"I was on the plane to get here, babe. To be here with you..." bulong ulit niya. Kiniliti na tuloy ako at mas napangiti pa.
Natapos ang musika at natapos din ang sayaw namin ni Charles. Nagpatuloy ang program at ang kainan. Natapos din ito at nagsimula na ang chismisan at sayawan.
"Charles, hijo! How are you, son?" saad ni daddy sa kanya. Tinipik pa ni daddy ang balikat niya.
Nasa sa malaking patio ng grand hall kami ni Charles. Lumabas muna kami mula sa loob. May malaking balkonahe kasi rito sa labas na matatanaw mo ang kabuuan ng syudad.
"I'm good, Sir. Thank you."
"You're doing so good hijo at your young age. I'm impress!" saad ni daddy na siya namang ngiti ni Charles. Hindi siya umimik at natahimik lang din.
"How's your, dad?" tanong ni daddy sa kanya.
"I haven't seen him yet, Sir. Hindi kasi kami madalas nagkikita. Pero baka bukas makikita ko siya. May board meeting na magaganap sa mga susunod na araw at kailangan ko rin na bumalik agad," saad ni Charles na siya namang pagkabigla ko.
Ang bilis naman? Don't tell me birthday ko lang talaga ang pinunta niya? Isip ko.
"That's so quick of you. Well, I'll leave you two behind and you take care, son." Tinipik ulit ni daddy ang balikat ni Charles bago kami iniwan. Alam kong boto si daddy kay Charles. Makikita naman ito sa kilos niya.
"Kinabahan ako sa daddy mo."
"E talaga? Boto nga siya sa'yo," ngiti ko
Hinawakan na niya ang dalawang kamay ko, at sabay namin na tinanaw sa mga ilaw na makikita mula rito. Bumuntong hininga ako. Pakiramdam ko puputok na ang puso ko sa sobrang saya.
"Ang lamig ng mga kamay mo," sabay titig sa akin at pisil ng kamay ko. Napangiti na ako.
Umayos siya nang tayo at hinarap akong mabuti. Nakatingala akong nakatitig sa mga mata niya. Ang tangkad na siya. Tumangad nga siyang lalo ngayon.
Inilagay niya ang mga kamay ko sa magkabilang bulsa niya at mas ngumiti na. Maingat na idinikit ang mukha ko sa dibdib niya. Rinig ko pa ang lakas na tibok ng puso niya. Napapikit mata ako at mas inamoy ang bango niya. Nabaliw na talaga, Isabella! Isip ko.
Kumalabog tuloy ang puso ko ng bongang-bonga. Ngumiti na siya ng palihim. Akala niya siguro hindi ko nakita, pero nakikita ko ito dahil tumingala ako. Ang gwapo na ni Charles, sobrang gwapo na ang mahal ko
"I miss you," bulong niya sabay yakap sa akin ng mahigpit pa.
"I can't believe I'm holding my dream in my arms now," he sensually whispered.
"Me too, Charles. I can't believe that I'm hugging the man in my dreams."
Ito na siguro ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Sa loob ng labing isang buwan bilang magkasintahan ay ngayon lang din kami nagkita ulit, pero palagi naman kami online.
Kagaya ko mabilis din ang kalabog ng puso niya at rinig ko ito. I have never imagine this scene for us. I have never imagine him here with me. I smile widely but my smile started to fade when I realised that soon he will left me... Naalala ko babalik din pala siya agad sa Amerika pagkatapos nito.
"Babalik ka agad?"
"Oo, board presentation sa susunod na araw. I have to be there," titig niya.
"God you're so beautiful, Isabella," titig niya sa mga mata ko at napakurap na ako. Magkayapa pa rin kaming dalawa.
Muntik na akong 'di makahinga sa sinabi niya at nalunod nang husto ang puso ko sa kaba at saya. Iba rin pala ang epekto niya sa akin. Para akong na statuwa sa harap niya. Ramdam ko agad init ng hininga. Ngumiti siya at kinagat ang pang-ibabang labi niya, dahilan para mapagtitig ako ng husto rito.
"Don't tease me, everyone is watching us, babe," saad niya at napalunok na ako.
"Did I? Hindi kaya," ngiti ko at kinagat ko na ang pang-ibabang labi ko.
Nilingon ko ang grand hallway. Tama nga naman siya. Nakatingin nga halos silang lahat sa amin. Mga chismosa talaga!
"Come here." Hinila na niya ang kamay ko at natawa na ako. Nasa bandang sulok na kami sa gilid ng balkonahe.
"Ano 'to magtatago tayo?" ngiti ko.
Napatitig ako sa kanya. Magsasalita pa sana ako pero agad siyang humalik sa labi ko. Nabigla ako, pero kalaunan ay pumikit na din at mas tinangap ang halik niya. Mas yumakap na ako sa leeg niya at magnaghalikan na kaming dalawa.
This is what happen to me and I always forget everything under Charles kisses and spell. Nakakalimutan ko ang lahat at ang halik lang niya ang naiisip ko. Nahinto na siya at nakapikit mata pa rin ako.
"I'm sorry, babe. I can't help myself. I just miss you," sabay halik ulit niya sa labi ko. At mariin ko namang tinangap ang bawat halik niya. Parang naglipana ang libo-libong paru-paru sa tiyan ko at dumaloy ang kakaibang init sa pagkababae ko.
"I love you, Isabella Love," titig niya sa akin.
I stared at him and we stared. Alam kong gusto pa niya ng halik at ako rin. Pero magtataka na 'ata sina Mommy at Daddy nito. Kaya nagsalita na ako.
"Balik na nga tayo. Baka ano pang iisipin nila," mahinang tawa ko.
"Hindi mo pa ako sinasagot. Gusto mo halikan kita ulit?" panunukso niya at yakap sa katawan ko. Napatingala lang din ako.
"Ano? Ikaw ha," nguso ko.
"Ang sabi ko. Mahal kitam Isabella. I love you," sa seryosong titig niya.
Ang totoo ngayon ko lang maririnig ito ng personal. Palagi naman sa videocall, pero ngayon lang din sa totoo. Iba pala kapag nakaharap mo na ang taong magsasabi ng mga katagang ito. Nag marathon ang puso ko at nanghihina ang tuhod ko at hindi ko matanggal ang mga titig ko sa kanya.
"Isabella?"
"Oo na, Mahal din kita, Charles. Mahal na mahal."
Umaliwalas ang mukha niya sa ngiti at siniil na naman ako ng halik. Sa pangatlong pagkakataon naglapat ang mga labi namin sa isat-isa. Mas dinama ko na ang halik niya at mas yumakap na ako sa kanya. Hanggang sa natawa na kaming pinakawalan ang mga labi namin at bumalik na kami sa loob.
Salamat much 😘
❤️❤️❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro