Chapter 38. Warm
Warm
"Shit!"
Palakad lakad ako sa loob. Think Isabella, think! Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Kumalabog ng husto ang puso ko. I never thought of all the places, dito ko pa siya makikita? At talagang dito pa sa Mazara del Vallo!
Buwesit! Inis na tugon at ramdaman ko pa rin ang sakit sa puso ko.
And who's that woman? What the heck? I'm pretty sure he called him Natalie. Hindi ba dapat engaged na siya ngayon kay Avon. Iyon ang huling balita ko. Noon si Miranda, tapos si Tracy, ngayon si Avon. And the heck, meron pa pa lang Natalie. Ang gulo-gulo. Ang daming babae nalilink sa kanya. Pakialam ko ba!
Pakiramdam ko sasabog na ako pero kinakabahan pa din. Bakit? What will I do now? This is happening already. Hindi ko alam kong maiihi ba ako o magpa fiesta ba dahil sa sobrang inis at galit. Ang malas ko talaga!
Matagal ko na itong pinaghandaan. Kung sakaling mag-krus man ang landas namin ay wala na akong mararamdaman sa pa kanya. I was sure that there's nothing left beside hatred. Dapat pala pati galit kinalimutan ko na, para wala na talaga. Pero ngayon na nakita ko na siya, ay muling nabuhay lang ang nakaraan ko sa kanya.
"This is freaking hell! I hate you Charles Aragon Delavega!" sigaw ko.
Wala na akong pakialam kung marining man niya ako sa kabilang kwarto. Pero sound proof naman 'ata ito ano? Hindi naman niya siguro ako narinig. Lumapit na ako sa dingding at hinawakan ko pa ito. Inilapit ang tainga at pinatunog ang dingding. Para akong tanga! Ang gaga mo talaga Isabella!
Tiningnan ko ang orasan at alas nuebe na. Kailangan kong maghanda para sa conference. Bahala na. I will just play dead, dead-ma! Kung sakaling makikita ko man siya ulit sa labas ay hindi ko na siya papansinin pa.
I'm sure it's just nothing. Baka nagbakasyon lang siya at nagkataon lang na ngayon ito. Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili ko. I need to fix myself. I am a professional and I should deal all of this like a pro. I'm sure hindi ko na siya makikita mamaya.
Naghanda na ako. I put on a light make up and fix my hair. Simpling pormal na damit at mini skirt ang suot ko. Ayaw kong mag blazer kasi naiinitan ako. Kaya ang off shoulder ko na long sleeve type cotton ang sinuot, at may malaking ribbon ito gilid ng balikat ko. Bahagyang nakiktia ang balat ko, okay lang. May ipagmamalaki naman ako sa harap. Naka-heels na pula at itim na shirt. Tinatali na ang mahabang buhok ko.
Sa baba lang naman ang conference, sa function hall. I have had a look at it yesterday and it was big enough for the event. I took a deep breath before opening the door. Dahan-dahan pa ang pagbukas ko nito.
"I can do this!" tahimik na saad ko sa sarili.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at tiningnan ko muna ang kabuuan ng hallway. At nang mapansin na walang ibang tao ay lumabas na ako.
Maingat ko pang sinara ang pinto ng kwarto ko. I slowly walk in a tip-pi-toe. Pero rinig ko pa rin ang ingay na likha ng takong sa bawat hakbang ko, Nahinto ako at tinitigan ang paa ko. Ang baliw nito! Mura ako sa sarili. Kailangan kong tangalin ang heels na suot. Nasa harapan pa naman ako ng pinto niya.
Nang matangal ay maingat na akong humakbang dito. Para akong bata na takot na mahuli ng mga magulang niya.
"What the hell are you doing?" baritonong boses niya at nahinto agad ako.
Tumibok na naman ang walang hiyang puso at parang hindi na ako makahinga. Tumaas ang balahibo ko sa batok at mas kumalabog ang puso ko. Pati ba naman boses niya nag iba na ng konti? Naging lalaking lalaki na talaga. Tumikhim ako at inayos ang sarili ko bago ako lumingon sa kanya.
His hands are on his hips while staring at me. I'm looking at his posture and his attire. He's wearing a long sleeve white cotton polo with lines of grey and white neck tie and black pants. His manly scent dominate like a fresh shaved cream and a mix of cologne. My heart melted, and his eyes darted at my bare feet.
I looked away and hurriedly walk in a big footstep. Wala na akong pakialam sa kanya, kaya mas binilisan ko na ang hakbang ko. Ayaw kong mahuli niya ako. Pero nahuli na nga niya. Nakakaloka!
Ramdam kong nakasunod lang siya sa akin ngayon. Bwesit talaga! Mura ng isip ko. HIndi ko na 'ata tuloy mabiling kung ilang mura pa ang pinakalawalan ko.
"Isabella wait! Isabella-"
Ilang beses na niya akong tinawag pero hindi ko siya nilingon. As if wala akong narinig. Mas binilisan ko lang ang hakbang ko. Hanggang sa marating ko ang elevator. Mabilis akong pumasok at pinindot ang pangsara nito, pero nahagi nang kamay niya at bumukas ulit ito.
Ang malas ko nga naman oh! Tahimik na mura ko.
I can hear my heartbeat beating undeniably. I even pretend not to breath, but it's impossible! I kept my distance away form him. Hindi ko tiningan ang direksyon niya, pero nakikita ng mga mata ko sa salamin sa harap ang malalim na titig niya sa akin.
He loosen up his necktie a bit while facing towards me. I didn't look at him, I don't want to. I hate him to death! Sana lamunin na lang ako ng lupa para matapos na ang lahat ng ito. Panay pa ang tingin ko sa digital na numero sa itaas. Ang tagal naman nito! Hindi na kasi ako makahinga at pakiramdam ko sasabog na ang puso ko.
Iyong inakala mo na na katapusan na ay nangyari na nga. Namilog ang mga mata ko nang biglang humarap siya sa akin. I pressed my lips together while staring at him in front of me. He stared at me deeply and his eyes are weary. Kinuha niya ang sapatos na bibit ko at lumuhod siyang bahagya sa harapan ko. Nakahinga ako, akala ko kasi iba ang gagawin niya.
"Why do you always do this, Isabella?" Sabay kuha sa panyo niya sa bulsa. Hinawakan niya ang kaliwa kong paa at pinunasan ito bago ipinasuot ang heels ko.
Napalunok ako, nang maramdam ko ang init sa palad ng kamay niya. It gives me a different feeling inside me. It send shivers all over my body and it feel so warm. I felt reddish and deep inside me is shaking. Hindi ko ito naramdaman kay Sebastian, pero kay Charles... hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko. Kaya hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya.
Pagkatapos ay tumayo na siyang nakaharap pa rin sa akin. Nagtitigan kami, pero mabilis kong iniwas ang titig ko sa kanya. Insakto naman ang pagbukas ng pinto ng elevator at mabilis akong humakbang palayo sa kanya.
Hindi na ako lumingon at mabilis na akong naglakad patungong conference area. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makarating ako rito at naupo sa upuan na may pangalan ko.
I looked around. I think everyone are here as per attendance. At marami nga akong nakikitang mga kasamahang Pinoy. Pero lahat sila ay mga lalaki at nabibilang lang sa kamay ang mga babae.
"Excuse me, Miss. Hi!" ngiti niya. Mestiso ang dating at matangkad na gwapo pa.
"Kevin Wallace," sabay lahad sa kamay niya.
"Um, Isabella Mendoza," ngiti ko habang inaabot din ang kamay niya.
"Have we meet before? You look so familiar?"
Halata namang nagbibiro ito. Ito lang naman kasi ang linya ng mga babaero at mangloloko. Kilalang kilala ko ang mga ganitong istilo.
"No, I don't think so," ala fake smile ko.
"I think we've meet before, in Baguio? Or somewhere in Manila? Your family name is very familiar to me," pa cute niya.
Wala talaga akong ma-alala at ang ngiti niya ay puro pa cute lang. E, hindi siya cute!
"Um, sorry wala akong maalala eh."
"That's fine. Girls like you probably won't noticed it. Are you perhaps an Architect?"
Tumango na ako. "Yes," tipid na ngiti ko.
"See? I remember you. Do you know Karl? Do you know Karl Falcon, este Karla na nga pala," ngiting-ngiti niya.
Oo nga pala, Karla na pala si Karl. After his big revelation online his family accepted him. At his age twenty ay nabansagan na siyang 'Karla' And showbiz was open to him and very welcoming.
Since very supportive ang mommy niya, nasa showbiz na din siya na puro chismis ang dala. Siya ang sa isang night time talk show. Medyo comedy chismis nga lang ang dala niya at bagay naman ito sa personalidad niya. Na-feature na niya ako noon, noong minsan sa show niya, when I passed the board exam.
"Oh, I see. You're an acquaintance of Karla?" taas kilay ko. Ito talaga si Karl ang daming boys! Isip ko.
"Yeah sort of, but I'm straight you know," halakhak niya.
Ewan ko, pero ang naalala ko sa kanya ay para siyang k-pop na singer na parang clown ang mukha! Mukhang ewan! Isip ko.
"Wow, Isabella. I never thought I'll meet you here. Shit, you're big," sabay guhit nang kamay niya na parang hugis kabuuan ng babae na siyang ikinatawa ko.
"What? What big?" bahangyang ngiti ko. Nakakatawa nga naman siya. Cute rin at palangiti masyado. Mabait sa tingin ko hindi manyak.
"Aw sorry. I-I mean yeah, you know. You're stunning and brains!"
"Bakla ka ba? The way you talk and describe girls is you know?" tawa ko pa rin sa kanya at humalakhak na siya
"Well, no! I'm straight okay. It's just that I have a lot of gay friends and they're very dear to me including Karla.
Tumango na ako. Ang bait niya nga naman. Isip ko.
"Alam mo bihira lang ang katulad mo. Mabuti na lang at walang issue sa girlfriend mo sa'yo."
"I don't have a girlfriend. Not yet," kindat niya.
Nahinto lang ang pag-uusap namin nang magsimula na ang conference. Naupo na ako ng maayos sa silya na para sa akin. Katabi ko lang din si Kevin. Napangiti na ako nang ma-introduce ang mga main founder ng convention na ito. May papel silang binigay at tinangap ko ang para sa akin.
Nawala ang ngiti sa mukha ko nang mabasa ang malaking pangalan ni Charles Aragon Delavega. Napamura ako sa sarili. He's the silent organiser and partially one of the main founder.
Kanina nalimutan ko ang eksena naming dalawa sa elevator, dahil sa pakikipag kwentuhan ko kay Kevin. At ngayon? Bumalik na naman na mag marathon ang puso ko. I thought I won't see him again. I was wrong, becayse it is just the beginning of hell of a mess for me.
❤️❤️❤️
salamat much 😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro