Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31. Moving



Moving


Inabot din ng halos kalahating oras ang biyahe namin. Nakarating kami sa isang ekslusibong hotel resort, ang Stellar Hotel Resort&Co na pagmamay-ari niya. Kilala ang hotel na ito at isa ito sa mga naipatayo niya rito. Three years ago I re-design the hotel, and now it looks more massive and fabulous.

Abot hanggang tatlumpung palapag ang taas ng building. Maraming rooms, from standard to presidential suits. Function rooms, VIP's, pool outdoor& indoor, hall, bar&cafe, mini shops, spa & gym at restaurant. At ang pinaka-highlight ng hotel na ito ay ang roof top deck at parang doon kami patungo.

Pinindot niya ang elevator. Nakahawak pa din siya sa baywang ko. Sanay na akong paliging ganito si Sebastian. Sa lahat ng mga manliligaw ko, siya lang naman ang kakaiba at siya lang din ang magpa hanggang ngayon ay ayaw tumangap ng pagkatalo. He never stop until he gets what he wants!

Tumunog ang bell ng elevator at nagsalita ito na nasa rooftop na kami.

"Come here," medyo excited ang boses niya. Pero iba ang nararamdaman ko at kinakabahan ako.

Bumugad sa harap ko ang dose-dosenang bulaklak na nakaarko ang hugis. At sa bawat gilid ay nakahelera ang dalawang klaseng kulay nito. Punong-puno ng dilaw na rosas ang boung paligid. Yellow is really my favourite colour and on the side the mixture of peach and white is an addition too.

"Ang ganda..." manghang tugon ko at ngiti na.

Naiwan akong tulala at nang lumingon ako sa likod hindi ko na siya makita. Natawa na ako. Para akong kiniliti sa loob ng puso ko, si Sebastian talaga puno ng sorpresa. Ano na namang gimik 'to? Isip ko.

I walk in the path of yellow roses beside me. And then I saw him standing there... Ang mukong na 'to! Isip kong nakangiti sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang banner sa likod niya .

Isabella Love Mendoza, please be my girlfriend. Ito ang nakasulat at napatakip bibig akong nakangiti sa kanya. Siguro pulang-pula na ang mukha ko ngayon. Humakbang siya palapit at mariin na hinawakan ang kamay ko.

"Ano 'to?" Natatawang tanong ko habang seryoso ang mga titig niya sa akin.

"Isabella Love, please... Please be my girl. Please let me in into your life and give a me a chance please?"

Hawak niyang mahigpit sa kamay ko at natawa na ako. Hanggang sa tumunog na ang bandang na nasa harap ng maliit na stage. Nakangiti ko silang pinagmasdan. Ang mga kabanda niya noon, kompleto sila. Nandito silang lahat. Sina Adam, Renan at Vince.

Pinaupo niya ako sa gitnang silya na nakaharap sa kanila. Mas lumawak ang ngiti ni Sebastian at kinindatan na ako. Natawa pa ako dahil ang totoo kinikilig nga naman ako sa ginagawa niya ngayon. Umakyat agad siya sa stage a hinawakan na ang mikrophono. Tumugtug na sila.

I came along
I wrote a song for you
And all the things you do
And it was called yellow
So then I took my turn
Oh what a thing to have done
And it was all yellow
Your skin
Oh yeah, your skin and bones
Turn into something beautiful
You know, you know I love you so
You know I love you so...

Bumaba ulit siya at humawak sa kamay ko. Nagsayaw na kami habang nakatugtug ang banda. Were dancing sweetly and there's no words in between us. Purong ngiti lang at titig ang ginawad ko sa kanya. Iba nga naman ang nagagawa ng isang Sebastian. Nasa puso niya ang musika at pati na ang negosyong hinahawana niya.

"Isabella..." tugon niya at napatitig agad ako ng husto sa mga mata niya. Nakangiti ako ng sobra, pakiramdam ko kasi nagbibiro lang siya ngayon. Pero alam kong totoo na ito, dahil bakas na ito sa mukha niya.

"Please... Can we try? Let's work this out. Can you give me a second chance," titig niya.

Napahinto na ako. Nahinto kami sa pagsayaw at bumuntong hininga siya. Kinakabahan ako at ayaw kong magkamali sa decisyon ko.

"Bigyan mo ako ng pag-asa, Isabella. Let's work this out... Alam mo na mahal kita. Sana subukan mo akong mahalin kahit konti lang... Kong kaya mo, masaya ako. Kung hindi-- ay pakakawalan kita ng buo sa puso."

Ramdaman ko ang kaba sa dibdib niya at ang bilis ng paghinga nito. Alam kong mahal na mahal niya ako. Kung bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masubukan ang bagay na ito sa kanya. Panahon na siguro para piliin ko naman ang sarili ko. Hindi naman mahirap mahalin si Sebastian at matututunan ko rin ito. I think it's about time...

Pumikit ako at bumuntung hiningang tumango sa kanya. Tama ba ito? Tama kaya ang decisyon na ito? Tanong ng isip ko.

"Oo? Oo na?" siglang tugon ng boses niya.

Napamulat na ako at mas ngumiti na sa kanya. Tumango ako sa pangalawang pagkakataon. Oo, sinasagot na kita...

"Yes!" Lundag niya at napaikot pa siya. Umaliwalas ang mukha at agad akong kinarga sa bisig niya. Nabigla ako at napahawak ako ng husto sa leeg ni Sebastian ngayon.

"I love you, Isabella!" Sabay baba niya sa akin at halik sa noo ko. Yumakap na ulit siya nang mas mahigpit pa.

Natapos ang tugtug ng mga kabanda niya at bumaba silang lahat at tinipik ang balikat ni Sebastian. They greet him happily and me too.

"Congratulations, bro!" saad ni Adam kay Sebastian.

"Nagbunga na rin sa wakas ang matagal mong panliligaw kay Isabella. Huwag mo na kaming inisin okay?" Halakhak namang tawa ni Renan.

"Ang swerte mo bro kay Isabella," ngiting biro ni Vince.

"Be good to her or else alam mo na. Marami ang nag-aabang diyaan. Nakapila pa!" pagpatuloy niyang inis kay Sebastian na siya namang pagsuntok nito nang biro sa balikat niya.

"Not a freaking chance!" Sebastian smirked and I shook my head.

Naghiyawan sila, ang saya nilang tingnan at pakingan. Gumagaan ang loob ko kapag nakikita silang reunited ng ganito. Matagal-tagal na din na hindi sila naging completo.

Limang taon ang agwat namin ni Sebastian, apat nga lang sana pero kaka-birthday lang niya kaya naging lima. He's more mature and organise in everything. A good looking gentlemen and financially stable. Soaring up so high in every aspect when it comes to his business.

Marami rin ang mga babae ang nagkakarandapa sa kanya. At kung bakit ako pa ang nagugustuhan niya ay hindi ko alam. May mali 'ata sa puso niya? O baka sadyang baliw nga lang ba? O, baka naman ako ang tanga!

Masaya kaming kumain lahat sa nakahanda sa mesa na kasama ang mga kabanda niya. Ang laki na rin ng pinagbago nila. Themselves have their own families too except for Renan. Wala pa siguro siyang natitipuan na babae.

Nang maihatid niya ako ay si daddy agad ang sumalubong sa amin. Kinamusta agad ni daddy si Sebastian. Napangiwi ako dahil mukhang kasali si daddy sa plano. I should be home now in my own condo but dad rang me earlier. Wanted to see me and Sebastian. Mukhang alam nila ang nangyari kanina.

"So? Welcome to the family, hijo," tugon ni daddy kay Sebastian at napailing na ako.

"I have prepared some tea drink and snacks. Join us, hijo," si mommy kay Sebastian.

"Thank you, tita. I will."

Bumuntong hininga na ako at napailing na lang din. Mukhang nakalimutan ako ng dalawang mga magulang ko at si Sebastian na ang inaatupag nila ngayon. Humakbang silang nauna at pinagmamasdan ko lang sila. Napalingon si Sebastian sa akin na nakangiti na.

"Magpalit lang ako, Ma!" tugon ko at mabilis akong umakyat sa luma kong kwarto.

Kagaya ng nakaraan ay wala pa rin nagbago sa kwarto ko. Kada linggo ako rito sa bahay. I spend my Saturday and Sundays with mom and dad. Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. Dito na rin ako matutulog ngayon dahil Sabado naman bukas.

Napauko ako sa maliit na dressing table ko at nakaharap sa salaman habang sinusuklang ang buhok ko. When I accidentally open the drawer down the very bottom I saw the old white little box. Kumunot pa ang noo ko habang tinititigan ito. Hindi ko na kasi maalala kong kanino ito. Hanggang sa binuksan ko.

I pressed my lips together when I saw the old Pandora bracelet that Charles gave me when I was only seventeen. I took a deep breath and shut it back again. Binalik ko ito sa ilalim na drawer at mas pinailalim ko pa ng husto.

Sumikip and dibdib ko at hindi ko alam kong bakit. Tinitigan ko na ang mukha sa salimin. Dapat sana masaya ako dahil kami na ni Sebastian ngayon. Pero bakit parang hinihila pababa ang puso ko... Ang sakit pa din nito.



❤️❤️❤️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro