Chapter 24. First kiss
First Kiss
So they own this hotel? No wonder they treat him differently before. Kaya pala... Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kakaiba ang mga tauhan makitungo rito sa kanya.
Hinugasan ko na lang din ang kamay ko. I looked at myself in the mirror and I feel so disappointed. Hindi ko alam kong bakit? At hindi ko rin alam kung alin doom ang nagbibigay bigat sa pakiramdam ko ngayon. I've heard them right! At tama nga naman sila.
Hay naku, Isabella! Mukhang hindi maganda ang mapapala ko mamahalin ko si Charles. Hindi naman ako bulag at nakikita ko naman na may damdamin siya sa akin. Ewan ka ba!
Hindi naman mahirap mahalin si Charles, at kung gugustuhin ko ay mamahalin ko siya ng buo. Pero nalilito ako. I admit it, I already liked him when were young. Nagustuhan ko rin naman siya noon, noong elementarya pa kami. Crush lang naman iyon, ano ba!
I flick some water in my face. Nabaliw na 'ata ang utak ko sa mga naririnig at naiisip ko. Inayos ko na ang sarili ko at lumabas na ako rito. Hahakbang na sana ako pabalik sa mesa namin nang may biglang humila sa braso ko. Napasigaw agad ako sa bigla.
"Shh!" Sabay takip niya sa bibig ko at natawa pa, si Charles ito.
"Bwesit ka talaga, Charles! Papatayin mo ba ako sa nerbyos?" Sapak ko sa balikat niya.
"Come here. I'll show you something."
Mabilis niyang hinila ang palapulsuhan ko at hindi na ako makapalag. Kaya nagpatianod na ako sa kagustuhan niya. Pumasok kami sa isang silid na may nakasulat na 'staff area'. Sa loob ng silid na ito ay may sekretong pintuan, at binuksan niya ito. May pinindot siyang pin code at bumakas ito. Pumasok na kami.
Nagtataka ako kung nasaan na kami ngayon. Mahigpit lang din ang hawak niya sa akin. Natahimik na ako. May isa pang pinto rito at binuksan din niya. Katulad ng isa may pin code rin ito. Pumasok ulit kami at sumakay na kami sa elevator paakyat sa itaas.
Inosente akong napatitig sa numero sa itaas na nakasulat. Kinakabahan ako pero parang na-e-excite na rin.
"Charles saan tayo papunta?"
Ang dami kasing sekreto ng hotel na ito. Sa kanila nga naman ito dahil alam niya ang lahat dito.
"Malapit na tayo," tugon niyang nakangiti habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ko.
Humawak na lang din ako sa kanya. Napatingin pa ako sa kamay naming dalawa. Pakiramdam ko parang lumulutang ako sa ere dahil hawak ko ang kamay niya.
Nang tumunog ang bell ng elevator ay lumabas na kami. Isang eleganteng pinto kami natungo at nag print sensor lang din siya. Bumukas agad ito at pumasok na kaming dalawa.
"Wow, ang ganda!"
Namangha ako nang makita ang kabuuan ng condominium. Bungad pa nga lang ito at hindi pa ang buo.
"Ang high tech ah," saad ko sa kanya.
"Ang condo ko lang ang high tech sa boung building, Isabella," ngiti niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Tama nga ako condominium niya ito. Pinailaw niya ang lahat sa loob. May pinindot siyang ano na hindi ko maintindihan. Namangha ako sa kakaibang estillo na meron dito. Ginaya ang desenyo ng isang palasyo.
"Alexa open the windows and play my music," saad ni Charles dito.
What the- Alexa? Isip ko at nganga habang nakatitig sa kanya. Pilyong siyang ngumiti sa akin at bumukas ang malalaking bintana sa harapan ko. Napaawang ang labi ko nang makita ang kabuuan ng syudad mula rito.
The lights are dancing like stars. Gabi na kasi at magandang tingin ang ilaw ng mga gusali. Lumiliit sila na parang mga bituin ng langit.
"Woah..." sa awang ng labi ko at humakbang na ako palapit dito. Nahinto lang din ako nang matitigan ang labas ng buo.
"Welcome to my world, Isabella..." he whispered.
Sabay na binigay sa akin ang orange juice. Napakunot-noo ako pero kinuha ko na rin ito sa kamay niya. Ininom ko ito at napalunok na. Kinilabutan ako dahil ramdam ko kanina ang hininga niya sa leeg ko. Umatras ako ng konti sa kanya.
"Come here, I'll show you something," sabay hila niya sa kamay ko.
Dumaan kami sa hallway na meron siya at ang iilang pinto. Sa tingin ko tatlong kwarto ang meron dito. May pinindot lang siya sa gilid at bumukas ang sliding door niya. Mas namangha ako ng makita ang mini-jungle na greenhouse niya.
"Ang ganda."
So spacious din ng greenery area niya. May malalaking glass wall windows na nagbibigay liwanag para sa mga halaman. Pero meron din naman siyang mga artificial lights sa bawat sulok. Napakaganda at sa gitna naman may isang sofa at maliit na lamesa na kulay berde.
Mala jungle ang style at ang mga halaman niya ay totoo at buhay. Possible pala ang ganito? Nakikita ko kasi ang ganito sa mga styles magazine ng mga bahay na desenyo. May maliit na pintuan dito patungo sa balkonahe niya at lumabas na ako.
Wow, pati rito ang ganda! Nakamamangha, isip ko. Nilibot ng mga mata ko ang tanaw ng boung syudad at luminghap ako ng preskong hangin.
"Ang ganda rito, Charles," nakangiti tugon ko habang abala ang mga mata ko sa kabuuan ng syudad. Kuminang kasi ang bawat ilang sa baba sa mga gusali.
Nakadama ako ng init nang biglang nilagay ni Charles ang dalawang kamay niya sa magkabilang hawakan sa rehas, sa harap ko. Napalunok ako nang maramdaman ang yakap niya mula sa likurang bahagi ko.
He hugged me from behind and rested his chin on my shoulder. Hindi na ako makagalaw at parang naging statwa na ako ngayon. Nag marathon ang puso ko na parang nagkakagulo ang tibok nito sa loob. My face heat up and I went quiet. Pinakiramdam ko lang din siya at hinayaan na.
"It's beautiful...you are beautiful, Isabella," sa mapang-akit na boses niya.
His chin still rested on my shoulder and I can hear his heavy breathing.
"C-Charles? What are you doing?" nalilitong tanong ko at nag-abot ang kaba sa loob ko ngayon. Mas yumakap na siya sa akin ng husto. P
"Kahit ngayon lang, Isabella. Hayaan mo akong yakapin ka ng ganito," buntong hininga niya.
Napakurap ako at nalusaw na ang tuhod ko. Gusto kong maupo na lang. Pero gusto ko rin naman na madamdaman siya ng ganito. Sana magunaw na ang mundo. Nang sa ganoon ay matunaw na rin ako!
"May problema ka ba?" mahinang tanong ko at tumahimik lang din siya.
Hindi siya nagsalita at niyakap niya ako ng mas mahigpit pa. Ilang segundong katahimikan at higpit sa init na yakap niya. Gusto ko siyang harapin pero ayaw kong magkamali. Alam kong bibigay ako kapag tumitig na ako sa mga mata niya.
"I'm sorry, Isabella..." Isinubsub na niya ang mukha niya sa leeg ko at napapikit na ako. Kakaibang pakiramdam kasi ito at ito lang din ang pinauna ko.
I am scared but I feel happy and excited inside me. Humawak na ako sa kamay niya na nasa harapan ko, at mariin na pinaglaruan ang daliri niya.
"F-For what? Ano bang kasalanan mo?" sabay lunok ko. Kinakabahan na kasi ako. Kakaibang klaseng kaba kasi ito.
"I'm sorry, Isabella... But I love you so much. Mahal na mahal kita."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ito mula sa kanya. Hindi ako makapagsalita at dahan-dahan akong humarap sa kanya. Lumuwag ang yakap niya at bumitaw siyang saglit sa akin. Nagtitigan kaming dalawa, pero napauyo na ako. Hindi ko 'ata kayang tapatan ang tindi ng titig niya.
"C-Charles..." titig ko.
Humawak agad siya pabalik sa rehas at napaatras na ako ng tudo. Nagtitigan kami, at iilang dangkal lang ang pagitan ng mga mata namin. I stared at his lips and he lick his. I shut my eyes and pressed my lips together. Hindi pa ako handa sa halik niya, pero gusto kong matikman ito. Pero ang baliw lang din dahil nakapikit-mata na ako.
Rinig ko agad ang bahagyang tawa niya at napamulat na ako. Kumunot ang noo ko at ngumuso sa kanya.
"Ang sama mo talaga!"
Nawala ang ngiti niya at napayuko na. Nakakainis! Handa na sana ako sa halik niya, pero parang pinagtatawanan niya lang ako! Bwesit talaga!
"Pinaglalaruan mo ba ako, Charles? Bwesit ka talaga!" inis na tugon ko at tulak sa dibdib niya. Bahagyang napaatras siya pero binalik lang din ang hawak sa rehas at wala na tuloy akong kawala ngayon. Nagtitigan na kaming dalawa at kitang-ktia ko ang pagbabago ng titig niya. Kinabahan na ako.
"Hoy Charles Aragon Delavega!"
Sapakin ko pa sana ulit kaso nahuli niya ang mga kamay ko at iginapos ito sa baywang niya. Naglapit na ang mga mata namin dalawa. Ilong na lang din at ramdam ko na na ang bigat ng hininga niya.
"I'm not joking, Isabella. Mahal kita.. I'm madly, crazy in love with you."
Kasunod ng salitang iyon ay ang paghalik niya sa labi ko. The thrust of his lips to mine is shocking, pero tinangap ko ito. Ang malambot at mainit na labi niya ay masarap at matamis para sa akin. Mas pinikit ko na ang mga mata ko at mas dinamang lalo ang halik niya.
So, ganito pala ang halik. Ganito pala ang pakiramdam... Ito ang unang halik at kakaiba ito. Para akong nakalutang sa ulap ng walang hanggan.
❤️❤️❤️
Salamat much :) always vote for support 😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro