Chapter 23. Prom night
Prom night
Ngayon ang Prom Night namin. Nakahelera na sa kama ang damit na susuotin ko. It was exclusively delivered with matching heels lace and jewellery.
Inaayos na ni Chelsea bakla ang buhok ko. Yes he's a she and she does magic on her work, na parang work of art. Kilala ko na siya. I read and heard a lot about her work. I never thought siya ang mag-aayos sa akin. Pakiramdam ko tuloy parang kasal ang event na ito. E, prom night lang naman!
Malapit ng matapos ang pag-aayos niya sa akin. May hair is jet black and curly on the bottom. Ginawa niyang parang princess look na naka-wavy ang buhok sa baba. Super full na wavy at malinis tingnan. Nilagyan din niya ng jewellery clip with matching flower at silver dust naman.
I was so amazed when I saw my whole image in the huge mirror. I never thought I could this be beautiful. Parang si Cinderalla na naging magandang prinsesa lang dahil sa magic ng fairy God mother niya.
My dress is made by one of the most famous fashion designer in the country. I don't know how much does it cost. Who knows? Libre naman ito lahat ni Charles.
It's a sexy silky sky blue off the shoulder long evening gown dress. With glimmering sparkling beads na parang art ang dating. I looked at myself in the mirror again. Kitang kita ko ang hulma ng katawan ko aat ang bukas na likod pababa sa pwet ko.
The sexy cleavage embedded with beautiful sparking beads down to my shoulders. So lucky at least I'm gifted with my boobs! Mabuti na lang... And the long slit? Makikita ang isang legs ko, at kung maglalakad ako ang daring ng dating.
"Wow! You look like a lady to me and not a seventeen girl," ngiting abot panga ni Chelsea.
Sinuot ko ang heel shoes na kulay ginto. Dumating na si mommy dala niya ang designer sling bag niya na channel. So classical and so sophisticated ng dating ng bag na ito.
"Darling Love, you look so fabulous, hija! Dalagang dalaga na ang anak ko. Oh, I want my baby back." Sabay yakap ni Mommy sa akin nang mahigpit.
"Mommy ang OA mo. Hindi ko debut ito. Prom lang ano!" pang-iinis ko kasi parang iiyak na siya.
"Sunduin ka ba ni Charles ?"
Tumango lang din ako. Tumunog na ang cellphone ko at kinuha ko ito sa gilid at sinagot na.
"Hello Isabella speaking."
"Hi, love. It's me... I'll wait outside," boses ni Charles ito.
Kinilabutan ako nang maibaba ang tawag. Tumikhim at huminga ako ng malalim. Kung ano man itong nararamdaman ko ngayon ay kakaiba. I feel excited to see him. Para akong naiihi na iwan. Pero iba ang tuno ng boses niya. Halatang mababa ito at hindi masigla.
Hay, naku! Guni-guni ko lang 'ata. Inayos ko ng muli ang sarili at mabilis akong nagpaalam kina Mommy at Chelsea. Wala si daddy out of town, at si bunso ang kasama niya. Hinatid ako ni Mommy sa gate, sa labas.
"Charles, hijo," ngiti ni Mommy sabay beso kay Charles.
His wearing a Giovanni Bresciani Tuxedo na kulay dark navy, white insert at black na tie. So manly indeed, lalaking-lalaki. In a glance I got attracted. Gosh I hate this feeling! Isip ko.
I looked at his car, a bmw? Bago ba niya o sa daddy niya ito? Humalik na kao kay Mommy at kumindat naman siya sa akin. Napangiwi ako at mas lumawak ang ngiti ni Mommy ngayon. Nakatitig siya kay na imbes sa akin.
Nang makapasok sa sasakyan ay seryoso ang mukha niya habang umiidlip ako nang tingin sa kanya. Something is not right and I can sense it. Ramdam ko na may kakaiba sa kanya. Ano kaya?
Napalunok na ako. Gusto kong magtanong pero parang ayaw ko.
"Did you borrow this car from your, dad?"
Hindi siya nagsalita. Tumiim-bagang lang at napalunok din siyang bahagya. Kasamang gumalaw ang adams apple niya.
"Okay lang... You don't need to say anything to me," sa pilit na ngiti ko.
I think somehow I understand him. Family issue? Ganoon naman talaga. Hindi na bago ito sa isang katulad niya.
"It's mine," ikling sagot niya at seryoso pa rin ang mukha habang nagmamaneho.
Umikot kami sa carpark. Inihinto niya ang sasakyan sa may nakasulat na reserve area. Lumapit ang isang private security guard sa tingin ko. Binuksan at lumabas siya sabay bigay ng susi sa guard at binuksan na ang side ko.
He offer his hand ang I grabbed it. Malamig ang mga kamay ko at tensyonado ako. It's always like this if I feel nervous. Simpli siyang ngumiti sa akin at gumaan agad ang loob ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tinitigan ito. Napatitig na tuloy ako sa kanya. Nakatingala pa.
Maingat niyang pinisil ang kamay ko, sabay ihip nang mainit na hangin galing sa bibig niya. Pinagtagpo ang dalawang kamay ko at kamay niya. Umakyat ang kaba ko at parang lutaw ang isip ko ngayon.
"Ang laming ng kamay mo. Ganito ka ba talaga?" tanong niya na patuloy pa rin sa ginagawa.
Nawala ako sa isip ko. Ganitong-ganito ang mga eksena sa mga k-drama at telenobela. Iyong ang lalaki hahawakan ang kamay at pinapainit ito. Ang cute pala kapag nangyari ng totoo sa'yo. Nakakataba ng puso. Pakiramdam ko tuloy ako si Cinderella at siya ang Prince Charming ko. Nakakatawa. Nabaliw ka na talaga, Isabella!
Ngayon ko lang din namalayan na ang tangkad na pala ni Charles. Lagpas balikat lang ako sa kanya kahit na naka-heels na ako. Siguro kong walang heels ay tiyak ang mga mata ko ay sa labi niya.
Nakatitig pa din ako sa ginagawa niya sa kamay ko. Hanggang sa napako ang paningin ko sa mga mata niya. Ang gwapo niya talaga... My goodness me, Isabella!
Kinabahan ako nang bigla at binawi ko na ang kamay ko sa kanya.
"Okay na. S-Salamat." Sabay ayos ko sa sarili ko. Tumikhim na siya.
"You look perfect tonight, Isabella. Shall we?" Sabay lagay sa posisyun ng braso niya.
"Salamat sa'yo" ngiti ko at sabay na nilagay ko ang kamay ko sa braso niya.
Naglakad kami papasok sa isang malaking hotel. It was the most famous hotel in town at sa grand hall magaganap ang event ng school namin.
Malaki at elegante ang hotel na parang pang Paris ang pagkaka architecture sa loob. Namangha ako sa desenyo na bumugad sa amin. Nakangiti ang nasa front desk na mga empleyado sa kanya. Anim sila rito na nagbigay galang kay Charles.
Iginaya naman ng isang security guard kami sa isang pribadong elevator sa kabila. Nagtaka ako kung bakit dito? Pwede naman sa kabila lang? Kasi nakikita ko naman ang iba na ginagamit ito.
Nang pumasok kami sa loob kami lang din ang nandito sa elevator. Natahimik na ako at kitang-kita ko ang mukha niya sa repleksyon ng salamin sa harapa naming dalawa. Ang gwapo talaga ni Charles, isip ko. Tuminog ang bell hudyat na nakarating na kami sa hall ng hotel at lumabas na kami rito.
Nagsimula na din pala ang event at saktong-sakto lang ang dating namin ni Charles. Parang kami lang din ang hinihintay at nagsimula ito. Nagsitinginan naman ang lahat sa amin. O baka kay Charles lang din at hindi sa akin! Ewan, bahala na nga sila!
Nakita ko agad si Mia na papalapit sa amin ngayon. Ka partner niya si Justin na kilalang sikat din sa school campus namin.
"Wow, Isay! Ang ganda mo super!"
"Ikaw rin kaya," ngiti ko.
Mag best friend nga naman talaga kami. Naka-designate ang mga upuan at lamesa kung saan dapat maupo. Mabuti na lang at katabi namin sa mesa sina Mia at Justin, good for 4 ang bawat mesa.
Iginaya ako ni Charles sa upuan at nagsimula na rin ang event. Iilang program muna at pagkatapos ay ang kainan na. Wala masyadong ganap. May iilang sayaw na na-e-presenta. Hindi ako sumali sa ragidon. Kaya nakatitig lang din kami sa kanila. Kasama sina Miranda at Karl dito. Nang matapos ay ang sayawan na at bahala na ang lahat sa gagawin nila.
Napatingin ako sa bawat mesa. Sa kabilang banda ay sina Miranda at Karl ang nandito. Napangiti ako kay Karl at kumayaw na siya. Napako ang tingin ko kay Miranda at nakatitig lang ito sa akin ng husto. Nabaling ang tingin ko pabalik kay Charles dahil nakahawak ang kamay niya sa hita ko.
"Do you want something else to eat?" tanong niya.
"Ha? Hindi na busog na ako."
Nagsimula na ang sayawan nang lahat. Walang live band pero may rap dj sa gitna. Magandang musika ang pinatugtug niya. Tumayo na ako at nagpaalam kay Charles na magbabanyo na muna ako.
"Ang gwapo ni Charles, as usual Delavega nga naman," sabi ng isang boses na babae.
Heto ako nakaupo at umiihi habang nakikinig sa chismisan nila.
"I've heard sa kanila itong Hotel na ito," tugon ng isa pang boses.
"Really? Wow, I wonder gaano ba talaga kayaman ang pamilya nila?" sabi pa ng isa.
"I've heard super billionaire sila Charles. Sabi nga ni Miranda minsan nasasakal na raw si Charles sa daddy niya," saad ng isang boses.
"Talaga? Pero ano namang magagawa niya 'di ba? Uniko hijo siya at nag-iisa. Syempere kahit ang babae na pipiliin ng pamilya niya ay wala siyang magagawa 'di ba?" tugon ng isang boses.
"Have you seen Isabella? She's so stunning right? Ang ganda niya," saad ng isang boses. Napangiti agad ako ng tahimik.
"They look good together."
"Well, a Delavega treat their woman like a queen ika nga."
"Charles have to. Halata naman na gusto niya si Isabella. Kung ako ang nasa kalagayan ni Charles. I will enjoy my teenage love. Alam naman natin na iba siya. When it comes on choosing a woman for him he's got no freedom because it's provided by his parents."
"Ay, ang hirap ng ganoon ano. Pero okay lang! Experience na rin," tawa ng isa sa kanila.
Natawa na sila at natahimik na ako. Tinakpan ko na ang tainga ko para wala na akong marining mula rito. Nang tumahimik ang paligid ay saka lang din ako tumayo.
❤️❤️❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro