Chapter 17. Karl is a secret~
Karl is a- secret!
Mas binilisan ko na ang hakbang dahil naiihi na ako. Malaki ang toilet dito at magkatabi lang ang pambabae at ang panlalaki. Walang tao sa mga oras na ito. Wala kasi masyado gumagamit ng oval kaya tahimik ang bahaging gusaling ito.
Palapit na sana ako sa pambabae na toilet ng may narinig akong boses. Boses ng dalawang lalaki, galing sa kabilang silid, sa panlalaki na toilet. Nahinto ako.
"Ano ba, intindihin mo naman," tugon ng isang boses na lalaki.
"Hindi nga pwede. Kapag nalaman ni daddy ang tungkol sa atin baka mapatay niya ako. Or worst, I'll be ended up in States at ayaw ko iyong mangyari," saad ng isang pamilyar na boses.
Kinabahan na ako at parang napako ako sa kinatatayuan ko. Pamilyar kasi ang boses ng isa sa kanila sa akin ngayon.
"So ano na? Paano na tayo? Alam mo naman na mahal kita 'di ba? Matagal na tayong ganito. Ayaw kong magtatago tayo palagi," tugon ng isang boses.
"Alam na ni mommy okay. Kaya nga siya ang gumagawa ng paraan. Pero ayaw pa ni mommy na tangapin akong ganito. Pero naiintindihan niya tayo. Si daddy lang ang inaalala niya at ang mga tao," tugon ng isang boses na pamilyar sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ko na ang tainga ko. Hindi dapat ako nakikinig sa mga ganito. Ano ba, Isabella! Sigaw ng isip ko.
Tahimik akong humakbang patungo sa kabilang pinto, sa pambabaeng toilet. Pero nahinto ulit dahil biglang bumukas ang pinto ng panlalaking toilet at lumabas ang isa sa mga lalaki rito. Napaawang ang labi ko na parang nahulog ito sa sahig, at sadyang hindi ko na mapulot ulit ito.
"K-Karl?" tulalang tugon ko sa kanya. Namilog agad ang mga mata niya ng magtagpo ang titig naming dalawa.
Mabilis siyang napatakip sa bibig niya. Kagaya ko rin, hindi ako halos makapaniwala. Natahimik kami ng iilang segundo at napayuko agad siya at tulala pa rin ako.
What the-- Si K-Karl? B-Bakit?
Hindi tuloy ma proseso ng utak ko ito, at parang bumagsak na ang balikat ko. Teka lang, kailangan ko pa lang umihi muna! Kaya humakbang akong mabilis patungo sana sa pambabae na toilet. Humawak agad si Karl sa braso ko at nahinto na ako.
"Isabella teka lang!" sa hawak niya.
"K-Karl iihi muna ako okay. W-Wait lang. Hintay ka lang. Huwag ka munang umalis!" at mabilis na akong tumakbo papasok sa loob ng pambabaeng toilet.
Nakahinga ako ng malalim at napaisip ako sa sarili ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Rinig na rinig ko sila kanina at alam kong mag namamagitan sa kanilang dalawa... Okay, inhale, exhale... Bakit na ako ang natataranta? Ano ba 'to? Okay let's face it, Isabella! Let's support Karl. Pero naman bakit si Karl pa? Ang daming lalaki na pwede maging ano--ano--bakit ang isang Karl pa? Naguguluhan ako!
Lumabas na ako at nakita ko siyang naghihintay sa labas ng hallway. Wala na yata ang isang lalaki. Kasi wala na akong ibang nakita maliban sa kanya.
"Let me explain, Isabella. Ganito kasi-" pagsisimula niya.
"No need Karl. I understand," hindi ko siya pinatapos magsalita.
Napayuko na lang siya at walang imik. Napanguso ako habang pinagmamasdan siya. Ramdam kong nahihirap si Karl ng sobra... Ang hirap siguro nito para sa kanya. Nag-iisang lalaki at mataas ang expektsyon ng lahat ng tao sa paligid niya. Tapos isa pala siyang-- hay naku, 'di bali na nga!
Mas lumapit na ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. Pakiramdam ko babagsak na ang puso ko. Pero ano pa nga ba ang mas masakit? Ang puso niya o ang puso ko? Mas masakit 'ata ang sa kanya, dahil may minamahal na siya.
"I won't tell anyone promise," ngiti kong sabi sa kanya.
Mas humigpit lang din ang hawak niya sa kamay ko at pinisil-pisil na ito.
"Salamat... Alam kong mapagkakatiwalaan kita, Isabella. Even if I won't ask you I know you won't tell anyone," sabay yuko niya at pisil pa din sa kamay ko, "and I'm sorry-- I know you like me a lot. Alam ko iyon, ramdam ko ito. Hindi naman ako bulag, Isabella. Pero kasi--"
"It's okay, Karl. Naiintindihan kita," sa maluhaluhang tugon ko sa kanya. Hindi ko siya pinatapos magsalita dahil lugmok na ang mukha niya.
"I'm sorry, Isabella... I just can't like you back. Gusto kita bilang isang babae at kaibigan. Pero iba kasi ako--iba nag puso ko..."
Pumatak na ang luha niya pero agad niyang pinunasan ito. My mouth twisted and my eyes sting for a reason. Gusto ko rin maiyak dahil nagwawala ang puso ko. Naawa ako sa kanya at 'di na bali ang nararamdaman ko.
Oo, crush ko siya at hinahangan ko si Karl ng bonga. Pero nahabag ang puso ko at naawa ako sa kanya. Yumakap na ako kay Karl at yumakap na din siya nang mahigpit sa akin. Naging ganito ang posisyon namin dalawa ng iilang segundo.
"Tama na nga. Okay ka na ba?" tipik ko sa likod niya at bahagya na siyang natawa.
Nahagip ang tingin niya sa mga kamay ko na kong saan ito nasugatan kanina. Nakalimutan ko ang kirot ng mga sugat ko. Naisip ko na mas masakit ang sugat na nararamdaman ng puso niya, kaysa sa mga sugat sa balat ko.
"What happen to you? To this?" sabay hawak at tingin niya sa mga palad ko.
"Ah, ito? Wala lang nadapa lang ako kanina sa P.E," sagot ko.
"Hinagip lang naman ni Miranda, Karl!"
Ang boses agad ni Mia ang pumukaw sa dibdib ko. Malayo pa siya pero ang laki nga naman ng tainga niya, dahil rinig na rinig niya ang pag-uusap naming dalawa. Humakbang si Mia palapit sa amin ni Karl. Mukhang hindi naman niya alam ang secreto namin kasi kararating niya lang din.
"Kanina ka lang?" tanong ko.
"Ako? Now lang. Oi ang sweet niyo ha," ngiti nya. "Hinanap ka na ni Charles. Nasa labas naghihinaty," pagpatuloy ni Mia.
Oo nga pala! Kamuntik ko ng makalimutan si Charles. Ang dami kasing nangyayari at naguguluhan na ang utak ko. Nakakawindang ang ganito. Isip ko.
"Wait? Did you say Miranda did this, Mia?" sa iritadong tanong ni Karl sa kanya. Lalaking lalaki pa talaga ang boses niya. Tumango lang din si Mia sa kanya.
"I'll give her a damn earful!"
Napanganga na ako dahil sa bilis nang hakbang ni Karl palayo sa amin. Hinabol pa siya ni Mia.
"Wait lang Karl! H- Huwag na--"
Patakbo akong sumunod sa kanila. Nahinto agad ako sa paanan ng gusali dahil tumambad na sa labas namin ang mukha ni Miranda at kasama si Charles dito. Kinabahan naako. Ayaw ko ng gulo. Magulo na nga okay, magulong- magulo na!
Alam niyo ba na kapag ang isang lalaki ay 'di lalaki? Mas tactful sila kaysa sa mga babae. OMG! Ayaw ko ng ganoon. Please naman Karl...pag-iisip ko.
"Miranda! What the hell did you do that for? Ilang beses ko nang sinabi sa'yo na huwag na huwag galawin si Isabella. May kasunduan na tayo 'di ba!?" sa buong boses ni Karl sa kanya.
Namilog ang mga mat ako. Anong deal? Ang palaka nga naman oh! May pa-deal deal pa itong dalawang 'to! Napako na tuloy ang paningin ko kay Miranda at mukhang maluha-luha na ito.
"I-I'm sorry na Isabella... Sorry na, hindi ko sinadya-"
"Enough, Miranda! So much of your excuses!" dagundong na boses ni Karl.
Napalunok ako at napatitig ako ng husto kay Karl ngayon. Natahimik lang din kaming tatlo rito. Namangha ako kay Karl, dahil sa lalaking-lalaki siyang buo sa mga mata ko. Kung hindi lang sana siya isang ano--mas lalo siguro akong ma-iinlove sa kanya. Pero hindi kasi, ano kasi siya... Ewan ko ba!
"It's okay. I'm okay..." kalamadong tingin ko kay Karl. Kinuha niya agad ang kamay ko at hinila ako.
"Let's go. Ihahatid na kita."
"H-Ha? H-Hindi na Karl," sabay hila ko ng kamay ko pabalik sa akin.
Napatingin ako kay Charles na tahimik lang din. Bitbit niya ang bag at iilang gamit ko. Nakatitig lang din siya sa akin ng husto.
"Karl, I'm okay. Nasa parke na si Manong, naghihintay sa akin," tugon ko sa kanya bumitaw rin agad siya sa kamay ko. Tumango siya at lumapit na si Mia sa kanya.
"Ako na lang kaya ihatid mo, Karl?" ngiting-ngiti ni Mia.
Lumapit na ako kay Charles at kinuha ang mga gamit ko na hawak niya. Binigay naman niya sa akin ito, at nilagay rin siya sa kamay ko, ointment ito para sa sugat. Tinitigan ko lang siya at hindi na ako makagpasalita. Napayuko na ako.
"S-Salamat, Charles," sabay yuko ko.
Tinalikuran ko na siya at sumabay na ako nang hakbang na kasama sina Karl at Mia. Nang makalayo nang konti ay nilingon ko ulit si Charles. Nakatayo pa rin siya at nakatingin pa din sa akin. Samantalang si Miranda ay naglakad na palayo sa kanya.
Nilingon kong balik si Mia na ngayon ay nakahawak na sa braso ni Karl. Iniinis niya si Karl at dinadaan sa biruan at tawa. Umepekto naman ito kay Karl, dahil ngayon ay nakangiti na ito. Bumuntong hininga na ako. Ang daming nangyari sa araw na ito. May isang secreto akong nalaman sa buhay ng isang tao na kailanman ay kailangan kong ibaon sa limut para sa katahimikan ng lahat.
Napatingin ako sa mga sugat kong maliliit na namumula sa palad ko. Naisip ko si Charles at bahagyang kumalabog ang puso ko nang maalala ko ang pag ihip niya sa mga sugat kong ito. Tumalab na ba ang kamandag ng charisma niya sa akin? Dios ko po! Huwag naman sana. Isip ko.
❤️❤️❤️
always vote for support salamat 😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro