Chapter 13. I'm sorry
I'm sorry
NIYAYA ako ni Mia na mag-night out Friday ng gabi. First time naming dalawa. Pero gusto ng mommy ni Mia at mommy ko na ma try namin bago kami tumuntong ng 16 na edad. Sinamahan kami ng dalawang pinsan niyang sina Chole at Sophia at ang mga pinsan niyang lalaki. Apat sila, mga tagabantay namin.
No drinks allowed, just observe and keep away from the boys. That's the rule.
"Come one girls dance!" Hataw ng pinsan ni Mia na si Chole. Hinila pa niya kami.
Nahiya pa ako, pero si Mia hindi na. Naka blue denim short at ellen denim blazer ang suot ko. Naka heel din ako para tumangkad ng konti. Hindi naman bar talaga ang pinasok namin kasi hindi naman allowed ang minors doon. Dito lang kami sa mini type, pero sosyalan din.
Tumugtog ang banda ng ibat-ibang musika. Naupo na ko at ininom ang juice ko. Nakakatawang pagmasdan si Mia na walang pakialam sa dance floor na nagsasayaw. Hindi naman siya lasing, sadyang ganyan lang talaga siya. Nasa tabi tabi naman ang mga pinsan niyang lalaki na nakabantay sa amin.
"Come here, Isabella!" tawag niya.
Sumenyas lang ako at naghihintay lang din sa bagong banda na tutugtog. Umingay ang lahat at nagsimula na silang tumugtog. Requested song ang una nilang tinugtog, 'pretty woman' ang cute naman. Hinila ako ni Mia papuntang harap na lakad ala pretty woman. Naghiyawan naman ang mga pinsan ni Mia.
Nagsayaw kami at halos pumagitna na kami sa lahat. Ang baliw ni Mia, dahil panay ang talon niya at tawang-tawa naman ako. Hanggang sa nasa gitna na kami at malapit na kami sa banda na tumutugtog. Napako ang paningin ko sa vocalist at nahinto ako sa sarili... s-si Sebastian.
Nabalot ang hiya sa katawan ko nang makita siya. He's staring at me deeply while singing 'pretty woman.
Pretty woman, stop a while.
Pretty woman, talk a while.
Pretty woman, give your smile to me.
Pretty woman, yeah, yeah, yeah.
Pretty woman, look my way.
Pretty woman, say you'll stay with me...
I swallowed hard and looked away. Umiwas na ako sa tindi ng titig ni Sebastian at napako ang paningin ko sa mga kasamahan niya sa stage. Namilog ang mga mata ko nang makita si Charles dito. Nasa drum part siya at siya ang tumutugtog nito.
"Ang galing!" saad ni Mia na sumisigaw pa.
Natapos na sila at bumaba ng stage si Charles at lumapit sa akin
"Hi Isabella. Kumusta?" sa lawak na ngiti niya.
"I'm good thanks. Tumutugtog ka pala?"
"Oo, pinsan ko ang vocalist si Sebastian," sabay lingon niyta kay Savy at lihim naman itong nakatitig sa banda namin.
"Wala kasi ang isang meyembro nila kaya ako muna," saad niya.
"Ah, ganoon ba..." sa pilit na ngiti ko.
Pilit na tinatago ko ang mukha ko dahil nahihiya ako kay Sebastian ngayon. Ganito pala ang pakiramdam. Pagkatapos ko siyang e-basted ay nahihiya na tuloy ako sa kanya.
"You look beautiful tonight," saad ni Charles sa akin.
"Bolero!" Tawa ko.
"Totoo... Anyway, I have to go back. May dalawa pa kaming tutugtugin."
"Okay, sige..." at tumango na ako sa kanya.
Bumalik na siya sa stage para sa susunod nila na tugtug. Tinitigan ko nang mariin si Charles. Hindi ko napansin na ang tangkad na pala niya. Noon kasi mag kasing tangkad lang kami, noong grade three pa lang kami. Pero ngayon ang tangkad na niya.
Ngumiti siya ulit sa akin at kumayaw na. Kumayaw na rin ako. Nabaling ang tingin ko kay Sebastian na ngayon ay sadyang nakatitig pa sa akin.
Hanggang alas dyes ang curfew namin ni Mia. Tinapos na lang namin na makinig sa kanta ng banda nila Sebastian at umuwi na kami na kasama ang mga chaperon namin.
Masayang masaya si Mia sa night out namin. Syempre masaya siya, dahil nakita niya lang naman ang paborito niyang banda at vocalist.
LUNES balik school na. As usual, lunes ang pinaka-abala sa lahat. Lunch time nang nilapitan ako ni Sebastian sa labas ng lobby. Kakaiba ang aura ng mukha niya, na parang may pinagdadaanan na kong ano man sa buhay. Ewan! Baka guni-guni ko lang. Isip ko.
Tumabi siya sa akin at may inabot na inomin. Dutchmill ito at tinangap ko.
"Salamat..." tipid na tugon ko at napayuko na ako.
Natahimik kami ng iilang segundo, hanggang sa nauna na siyang magsalita.
"How are you?" kalmadong tanong niya.
"Okay lang... Ikaw?" sabay lunok ko.
Kahit papaano ay nag-aalala rin naman ako sa kanya. Kahit pa na hindi ko siya gusto. Hindi muna umimik at natahimik lang din.
Dios ko naman oh! Ako nanaman ba 'to? Isip ko.
"I'm really trying hard, Isabella..." panimula niya. Napako na ang tingin niya sa kawalan. Tumingala na siya.
Hindi ko tuloy alam kong ano ang sasabihin ko. I don't know how to comfort him. I know myself if I like someone or not. Kapag ayaw ko ayaw ko talaga. Kung tatanungin niya ulit ako ganoon pa din ang isasagot ko sa kanya.
"I'm sorry Savy..." sabay yuko ko.
He cleared his throat and smile a bit.
"Don't be, Isabella... It's my troubled heart," sabay tingala niya sa langit.
Bumuntung hininga siya at tinitigan na ako. Seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Namuo ang luha sa gilid nito at napayuko na ulit ako. Hindi ko kayang titigan siya ng ganito. Pakiramdam ko ang sakit ng naramdaman niya at hindi ko masuklian ang gusto niya.
"Is it possible for me to have a second chance?"
Nahinto an gikot nang mundo ko at kinabahan na naman ako. Ilang beses ko ba siyang e-basted para tumigil na? Ang baliw niya talaga!
"Sebastian bata pa ako... M-Marami kapang makikila na mas maganda at mas higit sa akin. I'm sorry talaga..." mahinahon kong sagot.
Bumuntong hininga na naman siya.
"Maghihintay ako, Isabella... K-Kahit matagal," sabay lunok niya at titig sa mga mata ko.
Namula na mga mata niya at mukhang naiiyak na ito. Umiwas na ulit ako sa titig niya at napayuko na. Panay ang kusot ko sa dutchmill na binigay niya. Hindi ko ininom ito.
"Sebastian ayaw ko... W-Wala akong ipapangako sa'yo. Kaya ayaw kong maghintay ka," sagot ko na hindi tumingin sa kanya.
Natahimik kaming dalawa ng iilang segundo, hanggang sa tumayo na siya at naglakad palayo sa akin. Hindi na siya lumingon sa akin. May dinukot siya sa bulsa niya at ang panyo ito. Kitang-kita ko ang mabilis na pagpahid niya sa luha niya at mabilis na hakbang palayo sa akin...
For the second time, I feel guilty again... I just stare at him while he's walking away from me.
Iyon ang huling pagkikita namin. Pagkatapos nang pangyayaring iyon hindi ko na siya nakita. Nabalitaan ko na lang na lumipat siya ng paaralan at nagtungo sa America... And that was three years ago.
❤️❤️❤️
vote for support salamat
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro