Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

E P I L O G U E



It's been a long journey, and we're finally here! Thank you all for being so dedicated to this story of mine. To all my readers out there, thank you so much po. Doon po sa nangbash ng story ko at minura pa ako hehe, thank you parin po. Happy Mother's Day po sa lahat ng Nanay d'yan! Please vote & comment to this last chapter of, 







B E L L A







Dahan-dahang iminulat ni Bella ang kanyang mga mata. Alam nitong nasa loob siya ng cottage ni Nicollo. Hindi na siya nakaalis kagabi dahil lumakas ang ulan o dahil sa halik ni Nicollo na nasundan ng kakaibang bugso ng damdamin.




Luminga siya sa kanang bahagi ng malambot na kama. Ngumiti siya ng makitang mahimbing parin ang tulog na tulog na si Nicollo. Hinigit niya ang bahagi ng kanyang kumot upang mataklubang ang walang saplot niyang katawan.




"I love you so much, Nicollo." Bulong niya rito at kinintilan ng halik sa ilong bago umalis ng kama ng biglang may humawak na kamay niya kaya't naudlot ang pagtayo nito na dapat ay lalabas na ng silid ng lalaki. Siguradong kagabi pa siya hinahanap ni Nicole dahil hindi siya nagpa-alam sa anak maging sa kanyang ina.




"Where are you going?" Tanong ni Nicollo ngunit nakapikit parin ito. Parang namutla ata si Bella. Gising na sya? Napangiti si Bella. "Ahh...9 na ng umaga. Baka kasi ano...baka kasi..."



"Kasi ano?" Nakapikit parin ito.



"Ahh...baka hinahanap na ako ni Nicole, nila Mama..."



"Stay here."



"Pero kasi ano eh..."



"Ano?" Nagmulat ito ng mata. Isang dangkal lamang ang layo sa mukha ni Bella.



"Can I get my clothes?" Napapikit ito dahil sa hiya.



Ngumiti si Nicollo. "Why?" Lumapit muli ang mukha nito kay Bella. Ngayon ay halos maglapat na ang kanilang mga labi.



"Eh kasi ano..."



"Ano?" Ngumiti ito.



Hindi na siya nakasagot ng halikan muli siya ni Nicollo sa labi. Maalab at mapusok.



Malakas na katok mula sa pinto ang nagpahinto sa kanilang dalawa.



"Nicollo!"



"Nicollo!"



"Sir Nicollo!"



Iba-ibang boses ang tumatawag sa kanya mula sa labas ng pinto kaya't napabalikwas ito kahit hubad at dali daling tumayo. Ganoon din ang ginawa ni Bella kahit pa nahihiya siya dahil sa pinapanood ito ni Nicollo.



"Beautiful..." Bulong pa ni Nicollo bago binuksan ang pinto.



"Nawawala si Bella! Mula pa kagabi! Hindi namin sya makita at---" anang si Ynah.



"Bella?" Sigaw ni Ynah ng mapansin itong lumapit sa pinto.



"Good morning?" Agad na bati nito sa kaibigan kahit nahihiya at pilit ngumiti.



Binigyan siya ni Ynah ng isang makahulugang ngiti. Mula ulo hanggang paa ay pinagmasdan siya ni Ynah dahil sa gulo ang buhok nito at halatang nagmamadaling nagbihis dahil sa mali mali ang pagbobotones ng damit nito.




"Okay, Guys! Back to the beach!" Sigaw niya sa mga kasama habang natatawa. "Mag-usap tayo mamaya..." Ani Ynah na tiningnan pa si Nicollo na humihikab.



"Oo na!" Tumawa rin ito.




Limang minuto na ngunit nakatayo parin sila ni Nicollo at pawang nag-iintay kung sinong mauunang magsalita.



"Gutom ka na b---"



"Gutom ka na b---"



Sabay nilang tanong. Ngumiti si Nicollo, "ladies first."



"Yes. I'm hungry!" Aminado siya.



"So, let's eat first? Pinagod mo ako kagabi." Biro ni Nicollo.



"What? Ang yabang mo!" Tumawa si Bella at hinampas niya ito sa braso.



"It's true! Kaya kumain ka ng marami, ikaw naman ang papagudin ko!" Ani Nicollo habang natatawa.



"Hey! Baka may makarinig sayo! Nakakahiya!" Saway ni Bella.



Tumawa si Nicollo ng malakas. "You're the cutest, Bella ko."



Bella ko? Tumaas ang kanang kilay.



"Let's eat first & we need to talk?" Biglang sumeryoso ang mukha tulad ng mukha nito nuong una niya itong nakita sa Polo.



Bumilis ang tibok ng puso niya. Magdamag niyang nakalimutan ang lahat kahit pa nasa bisig siya ni Nicollo kagabi. Nakalimutan niyang galit nga pala siya sa lalaki pero paano niya iyun maiiwas kung ang puso nito mismo ang kusang naglalapit sa kanila.




Pagkatapos kumain ay naghiwalay sila. Naligo muna si Bella bago muling lumabas para sa tanghalian.



Wala ng tao sa venue na inukupado nila. Marahil ay tapos na ang mga ito. Tumingin si Bella sa suot na relo. "Ala una na pala..." Bulong niya. Muling isinuot ang sunglass at naglakad palapit doon.



"Bakit walang tao?" Tanong sa kanyang sarili.



Habang papalapit ay hindi niya mapigilang kabahan. Ganon na lamang kabilis ang pintig ng puso niya ng makitang buhat ni Nicollo ang anak na si Nicole habang may hawak hawak na pulang rosas, ang paborito niyang bulaklak.




At ngayon, isang dipa na lamang ang layo niya sa kanyang mag-ama. Hindi matawaran ang ngiting ibinungad sa kanya ni Nicollo.



"What's going on?" Lilinga linga pa siya.




Naglapitan ang mga tao. Naroon sila Inday at lahat ng katulong nila sa bahay. Si Mrs. Mariel Aragon at si Ynah na nakayapos sa inang si Bebeng at amang Pedring. Sila Maj ang dating Manager ng Hotel at si Greg pati ang asawa nito at anak? Anong nangyayari? Kunot nuong tanong ng isip niya. Hindi rin nakalampas sa paningin nito si Lucas Montero habang nakaakbay kay Lea na nakangiti pa sa dako niya habang naiiyak si Lea at tumango pa sa kanya.




"An---anong meron?" Ulit muli niya.



Hindi sumagot si Nicollo.



Nakita niyang nagsilapitan ang lahat ng lumabas ang isang matandang lalaki.



"Oh ayan na pala si Pader." Ani Marcos na siyang nasa likod ni Nicollo na katabi naman sila Keir, Jacob, at si Doc Alvin habang nakaakbay sa asawa nito.




Father? Huh?



"Wait! Wait! Ano bang nangyayari?" Awat niya.




"Bella." Panimula ni Nicollo, "hindi ko na patatagalin pa ito. Naiinisp na rin kasi ako!" Ngumiti si Nicollo, "will you marry me?" Seryosong tanong nito, "again?" Tumawa siya.



"What? Are you crazy?" Hindi niya napigilang sabihin dahil sa gulat. Ganon ganon na lang ba?




"Yes, i'm crazy! Crazy for you!" Nagsigawan ang mga tao.




"Come on, Mommy! Daddy's waiting to your answer!" Sigaw ni Nicole na humahagikhik ng tawa.




Napaluha siya. "If you say yes then we do it now!" Ani Nicollo. "Hindi na ko makapaghintay pa na bumalik ng Manila!"




"If no..."




"Mommy?" Naiinis na sabad ni Nicole na kanina pang naiinip. "Say yes, please." Pinaglapat pa ni Nicole ang mga kamay para mag-sign ng "please" ngumiti siya sa anak.




"Nicollo..."



"Yes, Bella. I'm here, waiting to you...to say yes."



"I don't what say, but..." Napapikit siya.



"Y E S! I will marry you now!" Ngumiti siya at magpalakpakan ang mga tao.




"Ayos!" Sigaw ni Keir, "okay na po Pader! Umpisahan na po natin ang seremonya! Baka umatras na naman 'tong kaibigan namin!" Tinapik ni Keir ang balikat ni Nicollo.




"Tumahimik ka nga!" Sabad ni Jacob na hindi mapigilang hindi mapatitig kay Ynah. She's beautiful. Bulong ng bahagi ng isip ni Jacob.




"Wait!" Sigaw ni Bella at tumingin sa suot nitong short at hanging shirt.



Lumapit si Lea at inilagay ang belo sa kanyang buhok. "This is for you, dear!"




"Thank you, Lea." Yumapos pa ito.




"Bella..." Lumapit si Ynah at pinasuot sa kanya ang isang beach dress para matakluban ang suot nito.




"Thanks." Tuloy tuloy parin ang pag-iyak niya.



"At last!" Bulong ni Ynah.



Tumighim ang pari na kaninang pang naiinip.




"Pwede mo ng halikan ang iyong asawa." Anang pari ng matapos ang seremonya.



Nagsigawan ang lahat na animo'y nanonood ng football.



"I love you for the rest of my life." Ani Nicollo.



"I love you too, mula dito hanggang sa kalawakan ng mundo." Sagot ni Bella at naglapat ang kanilang mga labi.




Hinawakan ni Nicollo ang kamay ni Bella at dali daling hinigit palayo sa mga tao roon na masayang kumakain.



"Hey! Saan ba tayo pupunta?"



"Basta! Come on!"



"Waaaait!"



Nagkarating sila sa tabing dagat. Halos masilaw si Bella sa init dahil alas dos pa lamang ng hapon.



"Let's go!" Binuhat ni Nicollo si Bella.



"Hey! Ano ba? Baka may makakita satin eh!"



"You're now Mrs. Montero. So, anong nakakahiya don?"



Nakalimutan ata ni Bella na kinasal nga pala siya kanina lamang.



Binaba ni Nicollo si Bella, "saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong niya habang titig na titig sa yate na nagiintay sa pagsampa nila.



"Honeymoon." Sagot agad ni Nicollo.




"Honeymoon?" Ngangang sagot nito.



"Yep. So, let's go?" Hinawakan ulit nito ang kamay ng asawa.



"Nicollo..."



"Hmmmm?"



"Mahal mo ba talaga ako?"



Napatigil si Nicollo sa pag-akyat sa yate, "Halika sa loob. Dito ko ipapaliwanag kung gaano kita kamahal." Kinindatan pa siya ng asawa.




Namuo ang tawa sa mukha ni Bella dahil alam niya kung anong ibig nitong sabihin. Siguradong papagudin siya nito gaya ng sinabi ni Nicollo sa kanya kanina.




Muli siyang binuhat ng asawa at pumasok sa mamahaling sasakyang pang-dagat. Noon ay sinimulan ni Nicollo ang ibig niyang sabihin sa asawa.






W A K A S

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro