Chapter 26 : I Love You, Goodbye
Araw ng linggo, bumisita ang mga matatalik na kaibigan ni Nicollo mula pa sa pagkabata. Unang una na roon si Jacob na ngayon ay nagtatago dahil sa patung-patong na babae ang pinangakuan ng kasal.
Si Marcos, ang pinaka-tahimik sa kanilang lima pero matinik sa chicks. Nagpasya na si Marcos na dumito muna sa Polo.
Si Keir na kadarating lamang galing sa American na talagang sinadya lamang umuwi dahil sa kagustuhan ni Nicollo.
At si Doc Alvin. Ang batikang doktor sa bayan ng Magdelana na kasalukuyang may tatlong anak sa pinakamahusay na doktor sa bayan nila na ngayon ay katrabaho ni Ynah sa Magdalena Hospital.
"I heard that Bella's going back to Italy this coming friday...If I'm not!" Anang si Doc Alvin habang may hawak na tasa ng kape.
"Yep! Narinig ko na din yan. But guess what? Uuwi si Carmella." Bawi ni Keir. "Actually, tinawagan ko na sya..."
"Good." Tipid na sagot ni Nicollo.
"So, how? Tuloy na ba? Totoo na ba ito?" Jacob said, "pare, baka naman nabulag ka lang sa ganda ni Bella ngayon at sa anak mo."
"Sira ulo!" Sigaw ni Marcos kay Jacob. "Wag mo ngang itulad sayo 'tong si Nicollo!"
"Hey! Parang hindi ka babaero!" Sagot ni Jacob sa katabing si Marcos.
"Kailangan ko ang tulong nyo." Nicollo said.
"What was that?" Sunod sunod na tanong ng mga kaibigan.
"Pero bago ang lahat, may gusto muna akong kausapin..."
Tumango-tango sila bago sabay sabay humigop ng kape. Nasa hardin sila ng mga Montero upang magbakasyon. Tutal iyun ang huling paki-usap ni Nicollo sa kanila.
Mula sa mansyon ay nag-drive si Nicollo patungo sa bayan ng Magdalena kahit pa hirap na hirap siya sanhi ng tuhod nito na nagkakomplikado mula ng maaksidente siya. Maingat niyang binaybay ang kalsada papasok ng Magdalena Cementery.
Bumaba siya na may dala dalang mga bulaklak. Marami iyun at napakaganda. Dahan dahang umupo sa damuhan at tumingin sa lapida ni Angela.
"Gela..." Ibinaba ang sunglass na suot at ipinatulong ang sariwang bulaklak. Sinindihan ang mamahaling kandila mula pa sa America na pinasadya pa niyang ipa-bili sa kaibigang si Keir.
"I hate goodbyes, you know that..." Panimula nito. "Pero kailangan ko itong gawin. Para sa kalayaan nating dalawa."
Ngumiti si Nicollo at tumingin sa langit.
"Naalala mo ba nuong unang araw na pumasok ako sa bahay ng bestfriend mo, si Carmella..." Tumawa ito ng mahina, "nagselos ka kasi titig na titig ako sa batang musmos na masayang naglalaro ng barbie doll. Sabi ko pa sayo noon, hindi ako magmamahal ng mayaman. Kaya swerte ako sayo at lalo ka na, sa akin!" Tumawa ulit siya na parang nakikipag-usap sa buhay na tao gayong puntod ng patay ang kausap nito.
"Masaya ako, Angela. Sobra. Akala ko hindi na matatapos lahat ng sakit dito..." Hinawakan ang bahagi ng puso. "At sana masaya ka sa magiging desisyon ko."
"Masakit, masakit na dapat ikaw ang kasama ko sa hirap at ginhawa pero heto...mag-isa lang ako. Hindi ko alam kung mahal ba ako ng taong mahal na mahal ko." Noon namuo ang butil ng luha.
"I love you, goodbye..." Isinuot ang sunglass at tumalikod sa puntod ni Angela.
Ngayon ay magagawa na niya ang mga plano niya para sa kanila ni Bella kahit pa nauubusan na siya ng pag-asa kung mahal pa din ba siya ng ina ng kanyang anak. Ikamamatay siguro nito kung hindi ang sagot ni Bella sa tanong na dapat ay oo.
"O dumating ka pala kuya Lucas!" Bungad ni Nicollo ng magkabalik sa mansyon.
"Yes. Yung pinatrabaho mo sa akin...okay na!" Ngumiti ang kapatid.
"Salamat, kuya."
Nagtuloy tuloy ito sa paglalakad hanggang sa mabungaran niya ang mga kaibigang masayang nagiinuman sa mini bar nila. Bigla'y naalala niya si Bella noon. Ang lasing na lasing na si Bella. Napangiti si Nicollo.
"Mukang masaya ka?" Biro ni Jacob.
"Cheer tayo d'yan!" Sigawan nila.
"CHEEEEERS!"
Dalawang araw na lamang at babalik na ng Italia si Bella at ang anak nito ng makatanggap siya ng tawag mula sa kapatid na si Carmella na nakiusap na ikansela ang pag-alis nila dahil sa uuwi raw ang kapatid.
"Bakit naman biglaan ang uwi mo?" Boses ni Bella sa telepono na takang taka, "akala ko ba'y busy ka? Hmmmm?"
"Bakit? Ayaw mo ba akong makasama d'yan with Mama..." Pagkuway sagot ni Carmella.
"Hindi naman. Medyo nagulat lang ako." Ngumiti siya.
"Okay okay. See yah later sister!" Dali daling ibinaba ni Carmella ang telepono dahil sa kailangan na niyang pumasok sa eroplano.
"Si Ate talaga..." Bulong ni Bella.
"Bella..." Tawag ni Mariel ng makita nito ang anak.
"Yes, Ma?"
"May bisita ka sa baba?"
"Bisita?" Tumingin ito sa orasan, 9 o'clock ng gabi? May bisita ako? Ng ganitong oras?
"Bella..."
"Huh? Oh? Ah...okay Ma! Susunod na ako." Sagot na lamang niya na hindi na naisipang itanong kung sino ang bisita niya ng ganitong oras.
Marahan niyang kinumutan ang himbing na himbing na si Nicole bago tuluyang bumaba upang alamin kung sino ba ang tinutukoy ng kanyang ina.
Napahawak siya sa dibdib ng mabungaran niya ang iba't ibang kulay ng rosas.
"Ma..." Luminga linga pa siya.
"Bella." At nuon pumasok sa loob si Nicollo na may hawak hawak na kumpol ng rosas.
"Nicollo?" Bumilis ang tibok ng puso niya. Ngayon na lamang niya muli ito naramdaman.
"For you." Para siyang nahipnotismo at awtomatikong kinuha ang inabot na bulaklak.
"What are doing here---" napahinto siya ng makarinig siya ng makalumang musika. "Ano bang nangyayari?" Luminga siya sa ina na noon ay katabi si Ynah na nakayapos sa inang si Bebeng habang naluluha.
"Bella, alam kong higit pa sa pagkatao mo ang galit na namuo sa puso mo dahil sa pagiging gahaman ko. Walang araw na hindi ako nagsisi mula ng binalewa ko ang pagmamahal mo. Lumipas ang dalawang taon at nawalan na ako ng pag-asa na baka hindi na ako yung taong mahal mo. But please, give me one more chance para patunayan na mahal na mahal kita at ng anak natin. Hindi ko kakayanin ang mabuhay kung iiwan mo ako at tatakasan ulit. Alam ko na hindi mo ako mapapatawad sa ngayon. Pero hihintayin ko ang araw na yun. Sa ngayon isa lang ang masasabi ko..." May dinukot sa bulsa at dagli'y lumuhod sa karapan ng lahat ng mga tao doon.
"Gabriella Maris, WILL YOU MARRY ME?"
Parang may fiesta sa loob ng dibdib ni Bella dahil lahat ng musikero ay tumutugtog sa lakas ng pagtambol ng puso niya. Napanganga siya sa gulat at hindi malaman ang isasagot sa lalaking nag-iintay ng kasagutan niya.
Namuo ang luha sa mata ni Bella at muling inalala ang nakaraan.
"I don't know what to say..." Naiyak siya at inalalayan si Nicollo para tumayo, halos makuryente siya ng hawakan niya ito sa bisig.
"Be my wife, Bella."
Hindi parin niya magawang sumagot.
Nawala ang ngiti ni Nicollo sa labi at napalitan ng lungkot. Marahan niyang ibinaba ang hawak ng kahon na may singsing.
"Pasensya na, Bella. Nagulat ata kita." Pinilit nitong ngumiti kahit ang totoo ay gusto na niya umalis dahil sa kahihiyan.
Ngumiti si Bella, "2 years ago." Panimula ni Bella. "Nabuntis ako ng taong ni minsan ay hindi nagparamdam ng kahit kaonting pagmamahal. Babae lang ako, nagmahal. Pero napakagaling ng panginoon. Na kahit hindi ako kayang mahalin ng taong mahal na mahal ko, binigyan naman niya ako ng isang anghel at doon ko nalaman ang kahalagahan ng buhay. Nariyan si Mama, Nanay Bebeng, si Ynah at si Ate Carmella na mahal na mahal ako pero bakit kulang parin." Tumawa siya bahagya upang palakasin ang loob, "mahirap. Sobrang hirap pala talaga ang magmahal. Nasa gitna na ako ng pagsuko at paglaban. Pero lumipas ang panahon na mahal ko parin ang taong yun. Halos hindi ko na malaman kung galit ba ako o hindi." Ngumiti siya ag tumulo ang luha. "Napakaswete ko. Nawala man lahat ng pangarap ko pero heto, nariyan sa taas, mahimbing na natutulog yung totoong kayamanan ko."
"Bella..." Bulong ni Nicollo.
"Mahirap magpatawad. Pero sa nararamdaman ko ngayon? Mas mahirap tumanggi sa alok mo!" Ngumiti siya.
"Yes! I will marry you, Nico!" Sagot niya at muling tinawag niya ito sa pangalang NICO.
Tumulo ang luha ni Nicollo habang isinusuot ang isang mamahaling singsing sa kutis porselanang kamay ni Bella.
Niyapos ni Nicollo si Bella. Mahigpit.
"Thank you!" Ani Nicollo.
"For what?" Kunot nuong tanong niya.
"For the love. Endless love!"
"Whatever!"
"I love you, Bella."
"I love you too, Nico."
-
Ano pong masasabi nyo sa chapter na ito? Please comment lamang po. 2 chapters to go!
Please vote, comment, & follow me for more kilig story!
MARAMING SALAMAT PO! MAGANDANG HAPON! Love, Suzmethazaaane
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro