Chapter 22 : Daddy
Hello po. Unang-una po sa lahat ay nagpapasalamat ako dun sa mga talagang nag-aabang at nagpupuyat para lang masubaybayan si Bella. Pasensya na po kung laging medyo bitin. Hehe.😅 So, heto po ulit yung update ko today. Makabawi manlang sa mga naiinis na sakin dyan.😊 Please Vote! Vote! Vote!❤️
Dun po sa nagagalit na at gusto na daw delete'n yung story ko at ayaw ng basahin, okay lang po. Alam ko na mas marami ang nag-aabang. Nakakahiya lang po dun sa taong basta nalang maka-comment pero hindi muna mag-vote! Char!😂😘✌️
~~
"Come on, Nicole!" Kinuha nito ang anak sa bisig ni Nicollo.
"Mommmmmy!" Nagulat ang bata sa ginawa ng ina, "careful! You hurting me."
"Sorry, Baby."
"Bella..."
"Shut up!" Tinitigan nito ng masama si Nicollo. Akala ata ng lalaki ay nakalimutan na niya ang ginawa nitong pangbabalewala sa kanya kahapon sa Polo at pagkatapos ay maririto ito na parang walang nangyari?
"Papaanong nakapasok ka rito?" Bulyaw nito kay Nicollo.
"Si Tita Mariel..."
"Ang kapal ng mu..."
"Nicollo!" Sigaw ni Mariel sa likuran nila. "Halina't kakain na tayo!"
"Ma?" Gulat na gulat si Bella sa tinuran ng ina. "What are you doing? Nag-iisip ka pa ba?"
"Bella..." Bulong ng ina.
"Please, huwag sa harapan ng bata." Ani Nicollo ng makitang galit na galit si Bella.
"How dare you!" Isang malakas na sampal ang iginawad nito sa mukha ni Nicollo. Halos mabali ang leeg niya sa lakas niyun.
"Mommmmmmmmmmmmmy!" Sigaw ni Nicole na takot na takot. "Dadddddddddddy!" Binitawan ni Bella ang bata at tumakbo sa ama. "Are you okay, Daddy?" Hinahaplos ang mukha ng ama.
"I'm always okay, Sweetie." Ngumiti si Nicollo dahil sa tuwa. Tuwa ng marinig nitong tinawag siya ni Nicole na "Daddy".
"Nicole! Come over here! Come on!" Sita ng ina.
"No!" Sigaw ng bata sa kanya.
"Nicole!"
"Bella, anak. Please, natatakot na ang bata sa kasisigaw mo." Umalalay si Mariel sa anak.
"Don't touch me." Hindi ito pinansin ni Bella. Agad na tumalikod doon at tatakbong umalis sa harapan ng mga ito.
Habang mabilis na naglalakad si Bella ay hindi niya mapigilan maiyak. Bakit parang pinag-tutulunga siya ng mga tao? Bakit ang dali dali lang sa kanila na makalimot at hayaan nalang gayong hindi naman sila ang ang nasaktan at nagsakripisyo noon. Bakit ang hirap hirap makalimot ng sakit?
Tumuloy siya sa kanyang kwarto at ini-lock iyon upang walang makapasok na sino man. Sa ngayon ay wala siyang ibang gagawing kundi umiyak. Umiyak ng umiyak. Pagod na rin siya na lumaban na kahit minsan ay hindi ginawa mg ibang tao para sa kanya.
"Tita Mariel."
"Okay ka lang ba, Nicollo?"
"Opo." Ngumiti ito kahit namumula ang mukha dahil sa sampal na ginawa ni Bella. "Salamat, Tita." Maluha-luhang sabi pa nito.
"Para sa apo ko, Nicollo."
Tumango na lamang si Nicollo sa tinuran ni Mariel.
"Pwede ko ba syang ipasyal sa Polo kahit ngayon lang bago sila umalis?" Anang si Nicollo na buhay parin ang anak.
"Kung hindi makakaabala sayo... Bakit hindi?"
"Paano si Bella?" Nag-aalangan ito.
"Go on. Ako na ang bahala sa kanya. At sana, bago sila umalis ay makausap mo na ng maayos ang anak ko. Alam ko, nararamdaman ko na mahal mo ang anak ko."
"Thank you, Tita." Ngumiti siya kay Mariel at humigpit ang yapos sa anak nito na ayaw bumitaw sa pagkakayapos sa kanyang leeg.
Masayang pinaandar ni Nicollo ang sports car niya palabas ng mansyon ng mga Aragon na sakay ang anak na tuwang tuwa rin.
"Nicole."
"Yes, Daddy?"
"Do you like me as your Dad?"
"Of course! Lola says, you are my father."
"I love you, Anak."
"I love you too, Dadddyyyy!" Tuwang tuwa ang walang isip pang bata na animo'y sabik sa ama.
Kahit gulat na gulat ang mga tao sa Polo ay walang sawang ipinasyal ang anak sa buong kalawakan nito. Ang ligaya ay umaabot sa langit. Ang tawanan at harutan ay parang bulaklak na hindi malalanta dahil sa buhay na buhay.
Hinapon na sila ng makapasok sa mansyon ng Montero. Ang pawis na pawis na si Nicole ay walang kapaguran sa pagtakbo at pakikipag-kulitan sa mga tauhan niya.
"Mukang masaya ka?" Bungad ni Lucas.
"Kuya Lucas? Come on! May sorpresa ako sayo."
Sorpresa?
Kunot-nuong lumapit sa kinatatayuan niya. Humawak aa balikat ng kapatid at itinuro ang batang tumatalon sa katatawa.
"Kailan mo pa nahiligan ang mga alaga ng bata?"
"Kuya." Tumingin ito sa kapatid na nag-iintay pa sa mga sasabihin nito.
"Wag mong sabihing..."
Tumango lamang si Nicollo sa ngumiti sa kapatid.
"What the!" Napahilamos ang kamay sa mukha at naglakad palapit sa bata.
"Hello, Nicole?" Nag-aalangang sabi nito.
Tumigil si Nicole sa paglalaro at tumingin sa mukha na kaharap nito na wari ay sinusuri. Marahil ay nagtataka ang batang si Nicole kung bakit kaparehas ng mata niyang berde ang mata na nakatitig sa kanya.
"I'm your Tito Lucas." Ngumiti si Lucas dahil sa galak.
Nakatingin lang ang bata bago biglang lumapit sa ama na katabi ni Lucas. Binuhat ito ni Nicollo. "Natakot ata sayo, Kuya."
"Bakit? Eh mas gwapo nga ako sayo oh!"
"Luko! Oh, dito ka muna't ihahatid ko ang anak ko sa mga Aragon."
"Wow bro! Tatay ka na talaga!"
"Well..." Pagmamayabang nito sa kapatid at tumuloy sa veranda.
"Nakausap mo na ba ang ina nyan?" Pag-iiba ni Lucas na nakasunod sa kanya.
"Yan nga ang iniisip ko eh. Paano ko kakausapin ang taong ayaw namang makipag-usap."
"I know na kaya mo ng i-handle ang lahat ng mga balak mo. Pero sana, tama na lahat."
Tumango na lamang si Nicollo. Bago niya tuluyang ini-uwi ang bata ay nagpasya itong paliguan muna dahil sa malagkit na balat nito dulot ng sikat mg araw maghapon.
Nakarating sila ng anak sa tapat ng magarang gate ng mga Aragon. Huminga muna ng malalim si Nicollo bago binuhat ang anak at pumasok sa loob. Nadatnan niya si Mariel na nag-aabang sa veranda.
"Tita, pasensya na po at ginabi na kami. Luhbang natuwa si Nicole sa Polo."
"Okay lang, Nicollo." Ngumiti ang Ginang. "Kumain ka na ba? Dito ka maghapunan."
"Gustuhin ko man po pero..."
"Kung si Bella ang iniisip mo'y nakausap ko na siya. Na huwag ipakita sa bata ang mga problema ninyo."
"Sana nga po, Tita." Ngumiti bahagya ito, "at gusto ko na rin po sanang makausap siya tungkol sa mga bagay bagay na luhbang nagdala ng sakit sa puso niya at lalo na po ang nakaraan namin."
"Salamat, Hijo." Kinuha nito ang bata at inalalayan niya ito papasok sa loob upang makasalo sa gabihan.
Tahimik ang hapag-kainan ng bumaba si Bella mula sa hagdan. Alam nitong nasa ibaba si Nicollo. Ang balak sana niyang magkulong nalang sa kwarto ay nagbago dahil sa inang nakiusap na makiharap sa lalaki alang alang sa anak nila.
Marahan niyang hinila ang silya, napatingin ang mga tao sa kanya. "Mabuti't bumaba ka na, Bella."
"Of course Ma, bahay ko ito! Natin!" Mahina pero may diin.
"Bella..."
"So how's your day, my Nicole?" Ngumiti ito sa bata na nakakalong kay Mariel. "Come to Mommy." Sumama naman si Nicole sa ina at yumapos.
"I'm tired Mommy, but I really enjoyed there! So many animals, they have fish! A gold fish, mommy! Horses! Very nice! Right? Daddy?" Tumingin sa ama.
"Yes."
"Can I stay with you forever, Daddy?"
"No, Nicole." Bawi agad ni Bella.
"Bella..." Bulong ni Mariel.
"Yes, you can stay in Polo, forever my sweetie." Sagot ni Nicollo na naiilang tumingin sa dako ng anak dahil alam nitong sasalubungin siya ng maiinit na titig ni Bella.
"Let's eat, okay?"
"Okay, Mommy!" Masayang sabi ni Nicole sa ina.
Paminsan minsan pa'y nagtatama ang mga mata nila ni Nicollo at sa tuwing nangyayari yun ay bumibilis ang tibok ng puso niya. Bakot ganito? Bakit?
"Bella." Pukaw ng ina.
"Ha...huh?" Pinilig ang sarili. "Yes, Ma?"
"Hindi mo ginagalaw ang pag-kain mo."
"Hmm, busog pa ko. Aakyat na muna ako sa taas..." Tumayo ito at ini-abot si Nicole sa ina, "pagkatapos ay paki-akyat nalang sa kwarto si Nicole, Ma." Tumalikod ito.
"Si--sige."
Alas onse na ng gabi ngunit hindi parin siya dinadalaw ng antok. "Nasaan na ba si Nicole?" Bulong nito kasabay ang mahihinang katok sa labas ng pinto.
"Sandali lang." Aniya at sinuot ang kanyang robe dahil wala siyang suot na bra at tanging pantulog lamang.
"Nico--nicollo?" Pagbukas nito ng pinto ay nasa tapat niya ang lalaki na buhat buhat ang tulog na tulog na si Nicole.
"Can I get in?"
"Ahh... Su--sure?"
Ibinaba ni Nicollo ang anak sa kama. "She so heavy!"
"I know." Sagot niya, "anak ko sya, so alam ko!" Mahina pero naroon ang inis. "Makakalabas ka na..." Lumapit si Bella sa pinto at binuksan iyun.
Naglakad naman si Nicollo hanggang sa tapat ng pinto at inagaw ang tangkahan sa kamay niya at isinara ito bago ini-lock.
"Mag-usap muna tayo?"
"Ano bang ginagawa mo? Lumabas ka na!"
"Please?"
"Please? At ngayon nagmamakaawa ka na kausapin kita? Bakit hindi nalang si Lea ang kausapin mo?" Namay-awang ito na akala mo ay isang asawa na sinesermonan si Nicollo.
Awtomatikong tumaas ang kilay ni Nicollo, "Nagseselos ka ba?"
Nagseselos ka ba?
~~
PS : Kung may wrong spelling po, later ko nalang aayusin. Please, VOTE! MARAMING SALAMAT PO!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro