Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21 : Morning Routine

Mula ng maaksidente si Nicollo ay naging routine na niya ang mag-jogging tuwing alas sais ng umaga bago sumikat ang araw. Mula noon ay mas inalagaan niya ang sarili upang makalayo sa sakit. Bibihira na siya uminom ng alak hindi tulad noong mga panahong hinahanap niya si Bella na inuumaga siya sa pag-inom nito upang makatulog at makalimot ng panandalian.

"Sir, kape o gatas?" Tanong ng bago nitong kasambahay.

"Fresk milk." Sagot nito habang nag-pupush up.

"Okay sir." Ngiti ng dalagita na medyo kinikilig pa dahil sa hubad ang amo nito. Kahit naman siguro sino ay mapapanganga sa kagandahan ng katawan nito.

Tumayo si Nicollo at kinuha ang tuwalya upang punasan ang pawis nito.

"Morning routine?" Boses ng isang babae.

"Lea?" Kunot-noong sagot nito. "Why are you here ng ganitong oras?"

"Nag-jogging ako sa Polo, so naisipan kong dumaan dito."

"Oh? I see." Sagot ni Nicollo na natataka parin.

"So..." Ngumiti si Lea na para bang nag-iintay pa na anyayahan ito na doon na mag-umagahan.

"Ah...kumain ka na ba?" Pagkuway tanong ni Nicollo na kahit napipilitan.

"Hindi pa nga eh. Medyo magugutom na din ako."

"Ah...sige, halika. Sabayan mo na ako." Sagot ni Nicollo na naglakad papunta sa hardin kung saan ay may maliit ng lamesa para sa dalawang tao.

Dinatnan nila ang pagkaing nakahain doon. Tustadong tinapay, itlog, hotdog, at sariwang gatas.

"Very nice." Ngumiti si Lea habang pinagmamasdan ang paligid.

"Thanks."

"Ngayon lang ako napasok dito. Pano naman kasi, napaka-private nitong bahay mo. Hanggang park lang at polo ako. Buti nalang pinapasok ako nung gwardiya nyo nung sinabi kong girlfriend mo ako." Ngumiti ngiti ito sa lalaking kaharap.

Nasamid si Nicollo, "sinabi mo yun?"

"Ang alin?" Kumuha ito ng hotdog bago kinagat.

"Na girlfriend kita."

"Yes." Ngumiti si Lea, "wala namang masama dun. Binata ka't dalaga ako. Parehong may sinabi sa buhay." Tanging ngiti ang sagot ni Nicollo rito.

Hindi malaman ni Nicollo kung masaya ba siya habang kausap ang babaing ito o gusto na lamang niyang tumayo at umalis dahil sa kung ano anong kayabangan ang sinasabi nito.

"Sir." Bungad ni Cris.

"Cris." Sagot ni Nicollo na siyang itinaas ng kilay ni Lea. Istorbo. Ani Lea sa kanyang isip.

Lumapit si Cris sa puno ng tainga nito at may ibinulong. Ngumiti si Nicollo. "Papasukin mo."

"Sige po." Mabilis na umalis si Cris.

"Lea?" Humarap ito kay Nicollo.

"Yes, Babe?"

"Can you stay with me?"

"My god! Sure!" Pumulupot ito sa braso ni Nicollo.

"Do you have a swim suit there?" Itinuro ang sports bag nito, "masarap magbabad sa swimming pool."

"Yes! Meron!" Masayang masaya na sabi ni Lea rito.

Naglakad sila patungo sa pool area at masayang magbabad doon habang nag-kukwentuhan. Ang malulutong na tawa ay umaabot hanggang sa veranda ng mga Montero kung saan ay may nag-iintay para makausap si Nicollo.

"Ma'am Bella, dumito muna kayo. Maya maya'y aahon na din si Sir Nicollo." Magalang na sabi ni Cris.

"Nako! Okay lang ako dito."

"Magkape muna kayo. Maaga pa't malamig ang panahon."

"Sige." Aniya.

Habang nag-iintay siya ay hindi nito mapigilang mapatingin sa dako ng pool upang usisain kung sino ang kasama nito. Halos humaba na ang leeg niya para makita kung sinong babae ang masayang nakayapos sa mga leeg ni Nicollo. Nagseselos ka? Huy! Wala kang karapatan!

"Kape po."

"Tipaklong!" Sigaw niya. "Ehhh! Sorry! Nagulat lang!"

Ngumiti si Cris, "okay lang Ma'am."

"Salamat."

"Sige po. Ako'y lalabas na muna." Tumango si Bella sa pamamaalam ni Cris.

Naubos ni Bella ang mainit na kape. Tumingin ito sa kayang relo at muling tumingin sa swimming pool. Wala ng tao roon. Marahil ay umahon na. "Salamat naman. Isang oras na akong nakaupo dito." Bulong niya.

Tulala si Bella ng marinig niya ang isang tihim ng babae, "Ahem." Ani Lea.

Napatunghay si Bella at napaayos ng upo. Nakatingin sa kanya si Lea na nakapulupot ang kamay sa braso ni Nicollo.

"Bella Aragon?" Ika ni Lea.

"Good Morning." Ani Bella na hindi makatingin ng deretso kay Nicollo.

"Morning." Sagot ni Nicollo.

"Bakit narito ka?" Tanong ni Lea.

"Nicollo, pwede ba tayong mag-usap?" At noo'y tumingin siya sa mga mata ng lalaki. Hindi nito pinansin si Lea na iritado sa kanya.

"About what?" Malamig na boses nito. "Kung tungkol sa nangyari nuong nakaraang gabi? Kalimutan mo na yun."

"Hindi mo ba nakikita? Aalis kami!" Sigaw ni Lea ng mapansing hindi sumasagot si Bella sa mga sinabi niya.

"Please." Sabi pa ni Bella sa lalaki.

"Pasensya na Ms. Aragon, may lakad pa kami ni Lea." Sabi ni Nicollo na hinapit ang baywang ni Lea at naglakad palayo sa kinatatayuan nito.

Tanging bulong nalang ang nasabi ni Bella, "I'm sorry. I love you." Tumulo ang butil ng luha niya habang nakatanaw sa mga ito na masayang tumatawa.

"Ma'am Bella?"

"Okay lang, Cris. Mauna na ako. Salamat." Nagmamadali itong umalis at hindi na hinintay pa ang mga sasabihin ni Cris.

Habang lulan sa kanyang sasakyan ay hindi niya mapigilang hindi maiyak. Isinumpa niya noon na hindi na muli pang tatapak sa Polo ngunit heto siya't parang t*nga na inuulit ang nakaraan.

Mabilis niyang ipinarada ang sasakyan sa garahe at pumasok sa loob ng mansyon.

"Mommmmmmmmmmmmmmy!" Sigaw ni Nicole kaya't nawala agad ang lungkot ng puso nito.

"Hello my loves."

"Saan ka punta?" Ani Nicolle na nauutal pa.

"Wow!" Gulat na sabi ni Bella.

"Ako magturo dyan!" Sabad ni Ynah na hindi nito napansing nakaupo sa sofa.

"Ynah?"

"Yes?" Natatawang sabi ni Ynah sa kaibigan.

"Can we talk?"

"Oo naman. Ikaw lang yung iniitay ko na kausapin ako."

"Let's go to garden?" Binuhat ang anak bago naglakad palabas ng bahay.

Umupo sila doon ng tahimik. Wari'y iniintay kung sinong unang magsasalita.

"Nakausap mo na ba sya?" Panimula ni Ynah.

"Nope."

"Why? Hindi ba't galing ka sa Polo?"

"Yes. Pero hindi nya ko binigyan ng time para kausapin sya."

"Baka hindi pa nya alam na, alam mo na ang lahat."

"Pagod na rin kasi ako Ynah."

"May napapagod ba sa pagmamahal?"

"Oo, ako."

"Hindi ka pwedeng mapagod. Kasi pag-ginawa mo yun para mo naring sinabi na hindi mo na sya mahal. At paano si Nicole?"

"Kaya kong buhayin ang anak ko."

"Yes! Ofcourse kaya mo! Pero ang pagmamahal ng ama? Kaya mo bang makitang nalulungkot ang anak mo at naghahanap ng daddy?"

"Gulong gulo na ang isip ko, Ynah."

"Kasi pinipili mong maging mahina."

"Malapit na rin naman kaming umalis ni Nicole. Doon sa Italy, makakalimot ulit ako."

"Hindi nakakalimot ang puso lalo na kung may ala-ala na kasing ganda ni Nicole." Lumapit si Ynah sa batang hawak ni Bella.

"Am I correct, Nicole?" Ngumiti lamang ang bata dahil hindi naman siya nito naiintindihan.

"Pero masaya na sya."

"Masaya?"

"Oo! With his girlfriend."

"Girlfriend?" Halos lumuwa ang mata ni Ynah.

"Yep."

"Wala naman syang nasabi na may girlfriend sya..." Bulong ni Ynah.

"Ano?"

"Sabi ko. Meron palang girlfriend?"

"Meron. Si Lea?"

"Salonga?" Tumawa si Ynah.

"Baliw! Si Lea Lim."

"I see."

Dumating ang gabi. Ito ang oras na ayaw na ayaw ni Bella. Tuwing dumilim ay bumabalot ang lungkot sa kanyang puso. Tama pa ba ang ginagawa niya?

Niyapos ang anak na mahimbing na natutulog. Kinintilan ng halik sa hibla ng buhok at muling ipinikit ang mata na malapit ng tumulo ang luha.

Habang pikit ang mga mata ay gumagapang ang kamay niya. "Nicole?" Napabalikwas siya ng bangon.

"Umaga na pala?" Napahawak sa kanyang ulo. Masakit iyun dala ng puyat.

Mula sa bintanang bubog ay naririnig niya ang mumunting tawanan. Kilala niya ang mga tawang yun. Kay Nicole.

Bumangon siya at nagpasyang maligo at ng matapos ay lumabas upang hanapin ang anak na kanina pang tumatawa. Nasa ika-huling baitang siya ng hagdan ng mapansin nito ang isang malaking lalaki na nakaharap sa hardin. "Tanner?" Ito ang unang lumabas sa bibig niya.

Nagmamadali siya lumapit sa kinaroroonan ng anak at ng lalaking kalaro nito.

"Tanner!" Sigaw niya.

Dahan dahang humarap ang lalaking tinawag niyang Tanner. Tumigil ang ikot ng mundo. Ang mga paa niya ay napako sa kinatatayuan. Ang tibok ng puso ay bumilis na parang gusto ng lumabas sa dibdib niya.

"NICOLLO?"

"Good Morning, Mommy!" Sigaw ng anak na masayang karga karga nito.

Napaatras siya ng maglakad ang lalaking karga si Nicole palapit sa kanya.

"Bella..." Tanging nasabi na lamang ni Nicollo ng mapansing namutla ang buong mukha nito.

Hello my lovely readers! Nagustohan nyo ba? Comment lang po at syempre vote muna! HAHA. Pasensya na po kung hindi ako nakapag-update kahapon. Sarap ng tulog ko eh.✌️ Enjoy muna po kayo sa update ko ngayon. MARAMING SALAMAT PO!❤️

PS : Huwag nyo po akong madaliin sa update. Baka pumangit yung daloy ng kwento dahil lang sa bitin kayo. Matutu po tayong mag-intay.😄

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro