Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

8


KABANATA 8







Trenta minutos na ang nakakaraan ngunit wala paring balak bumaba ng sasakyan si Bella.




Kanina lamang siya nakatanggap ng mensahe mula sa tiyuhing si Mr. Diaz na darating umano ang bagong Director Manager na papalit dito. Ito rin ang taong bumili ng shares nito. Hindi naman nagkamali ang dalaga na si Nicollo Montero ang tinutukoy ng tiyuhin. Ano ba talagang binabalak mo, Nicollo? Nasa isip nito.




Kadarating lamang niya mula sa airport kung saan ay inihatid ng pamilya nito ang kapatid na si Carmella na nagpasyang mababakasyon muna sa Italia. Lubhang naapektuhan ang pag-iisip nito at kailangan munang mamahinga na payo naman ng kanilang family doctor.




Alam nitong maraming tao sa loob na nagiintay sa kanya.




Malamang ay maraming reporters sa loob. Siguradong pagpipiestahan na naman nila ako. Aniya sa kanyang isip.




Inayos ang sarili at marahang binuksan ang pinto ng sasakyan at nagpasyang maglakad papasok ng hotel kung saan ay dinig nito ang kasiyahan.





Nasa entrada pa lamang siya ng hotel ng mamatahan na nag-uusap ang kanyang tiyuhin na si Miguel Diaz at isang lalaki na hindi nito kilala.




"Gabriella," agad na bati nito, "buti't dumating ka na." Anang sabi nito sa kanya.




"Ah, ye-yes, Tito. Ngayon ngayon lang po." Sabay beso nito at noon naman nagsilapitan ang mga reporter na inaasahan na niya talaga.




"Ah s'yanga pala, si Jacob Gonzaga." Pagpapakilala nito sa kanya.




"Ah, hello." Naglahad ng kamay at pinukulang ng isang matamis na ngiti.




"Napakaganda mo pala talaga sa malapitan." Pambobola nito sabay halik sa kanyang kamay na akala nito at pipisilin lamang.




Namula bahagya ang kutis porselana niyang pisngi, "aba! Syempre! Mana sa mga Diaz!" Sabat naman agad ni Mr. Diaz.




"Ms. Aragon, anong masasabi mo sa bagong Shareholder at Director Manager ng MMH&R?" Agad na tanong ng isang reporter na ikinagulat nito.




Ngumiti muna ito bago sumagot, "actually, uhm... I think okay naman po lahat." Yun lamang ang sinabi nito dahil wala naman siyang alam sa mga nangyayari. Masyadong lutang ang utak niya dahil sa kapatid na si Carmella.




"Ah, Ms. Aragon, may pusibilidad bang ipagbenta din ang buong MMH&R sa mga Montero?" Tanong ng isa pang reporter habang kumikislap ang mga camera.




"No, no." Mabilis na sagot nito. "Imposibleng mangyari yun."




Dahil sa kinuyog na ito ng mga reporter ay agad namang sumegunda ang mga gwardiya ng Hotel upang mailabas ang mga ito dahil nakakaabala sa mga tao roon.




"Oh! Nicollo!" Tawag ni Mr. Diaz ng makaalis ang mga reporter.




Mula sa likuran nito ay ramdam niya ang yabag ng mga paa nito. Para siyang sinasakal sa tindi ng pagpipigil nito ng kanyang hinga. Hindi niya magawang kumilos o kumarap manlang dito. Bumilis ang pintig ng puso niya. Bakit ganito?




Agad namang hinawakan ni Mr. Diaz ang kanyang mga balikan at marahang iniharap sa lalaking kanina pang nagiintay sa atensyon niya.



"Mr. Montero," agad na sabi ni Mr. Diaz, "this is Gabriella Maris, the young & owner of Marie Maris Hotel & Restaurant." Pagpapakilala nito sa kanya. Nakaramdam ng kasiyahan ang dalaga dahil sa tinuran ng tiyuhin.




"Nice to meet you, Ms. Aragon. I'm Nicollo Montero." Inilahad ang kamay.




Nice to meet you? Anong sinasabi ng tipaklong na 'to?!




Nagisip ang dalaga kung paano nito aasarin ang binata ng hindi mahahalata ng karamihan.




"Oh, it's nice to see you again?" at diniinan nito ang huling salita, "Mr. Montero." Nilaksan ang boses upang makaagaw ng pansin sa mga tao roon na nagiintay ng kanyang pagdating, "so, how's the Polo Ranch?" Dagdag pa nito at hindi pinansin ang inilahad na kamay.




Hindi naman siya nabigo at nakita nito ang galit sa mga mata ng binata na marahang ibinaba ang kamay ng makaramdam na walang balak ang dalaga na tugunin iyon. Ngumiti si Bella sa paraang ikagaganda pa niya.




Hindi nakabawi si Nicollo sa pagkakagulat dahil sa dalaga.




DAMN! DAMN! Pagwawala nito sa kanyang isip.




"Magkakilala na pala kayo?" Gulat na tanong ni Mr. Diaz.




"Yes, a few days ago, tito. Namasyal ako sa polo." Agad nitong sagot. "Hindi ba, Nicollo." Ngumiti muli ito.




"Huh?" Nagulat ito. "Akala ko ba ay bawal na ang pumasok sa Polo?" Tanong pa nito.




Ngumiti lang ang dalaga.




"Kung ganon ay hindi na kayo mahihirapang magtrabaho sa isa't isa." Nasabi na lamang ni Mr. Diaz ng walang naisagot ang dalaga sa tanong nito.




"Mukhang hindi nga." Sabat ni Jacob na tumatawa ng mahina.



Mula sa kinatatayuan nila ay matatanawan nito ang mga masisipag na staff niya na kung ituring ay mga kaibigan na rin.




Napansin pa nitong kumaway si Greg ang mahusay niyang chef na kung ituring nito ay matandang kapatid na lalaki.




Mula sa kinatatayuan ay ngumiti rin ang dalaga at kumaway sa mga tauhan. Lagi niya itong ginagawa upang ipagbigay alam na dumating na siya.




"So, let's eat, lalamig ang pagkain." Pagiiba ni Jacob ng mahalatang nagiba ang ekspresyon ng kaibigan. Hindi umiimik si Nicollo, puro galit sa mukha ang makikita sa ekspresyon nito.




"Sure." Mr. Diaz said.




"Excuse us," agad na sabi ni Bella.



"Hija, saan ka pupunta?" Anang tanong ni Mr. Diaz.



"Sa office, may tatapusin lang ako, tito."



"Talagang masipag ang batang yan," natatawang sabi ni Mr. Diaz, "sabayan mo muna kaming kumain." Pamimilit naman nito.



"No, thanks. Busog pa ako tito," tumayo ito at kinuha ang handbag, "enjoy guys." At humarap kay Nicollo na galit na galit.



Boom! Mukhang naasar nga ito.



Derederetso ito pumasok sa office niya. Nakakatawa yung reaction nya! Natatawang sabi ng isip nito.



Mahinang katok ang pumawi ng ngiti niya at bumalik ito sa pagiging pormal.



"Yes, come in!"



"Ma'am Bella, nasa labas lang po ako, anything just call me nalang po." Bungad ni Maj.



"Okay, Maj. Thanks."




Isasara na sana ni Maj ang pinto ng muling magsalita ang dalaga, "ah, maj! Can you get some drinks for me?" Ngumiti ito na parang bata.



"Oo naman po!" Sagot agad nito, "water, orange juice, or Milk tea?" Lahat ng binanggit nito ay ang mga kalimitan niyang inumin.




"I want the hard one." Sagot nito habang nagaayos ng mga papers sa table niya.




"Ah..." Medyo nagulat na sabi nito.



"Tequilla with lemon & salt." Humarap ito at ngumiti.



"Sure ka ma'am?" Nagtataka paring tanong nito.



"Yes, tsaka maraming ice!" Natatawang sagot nito.



"O--okay ma'am." At tuluyan na itong lumabas sa kanyang opisina.



Nang makalabas si Maj ay agad kinuha ang kanyang cellphone at isinalpak ang earphone sa kanyang tainga.



Now playing : Iris, Goo goo dolls. Pumikit pa ito upang damhin ang bawat lyrics ng kanta.



Limang minuto ng magbalik si Maj.



"Pakilagay nalang dyan sa centre table Maj. Thanks." Ngumiti ito.



Napangiti nalang din ito sa kanya na hindi umaalis ang pagtataka sa mukha.



"Tagay para sa lahat ng problema ko." Tinungga ang alak sabay sipsip ng lemon.



"Tagay para sa ate ko!" At muling sumipsip ng lemon, nangilid ang luha ng maalala ang sinapit ng kapatid.



Muling may kumatok, umayos ito sa pagkakaupo, "pa--pasooookk." Sabi niya habang nagsasalin ng ikatlong tagay.



"Oh, Mr. Montero? Do you need anything?" Tanong nito habang nakatingin sa alak.



"Ganito pala ang ginagawa ng isang young & owner of Marie Maris Hotel & Restaurant." At tuluyang lumapit sa kanya ang binata.



"What do you mean?" Sabay inom sa alak. Pumikit pa ito bahagya at muling sumipsip ng lemon. Ang asim!



"Ang uminom ng alak sa loob ng sariling opisina habang nasa labas ang daan daang guest at mga busy'ng staff."



"So, anong problema dun?" Ngumiti ito.



"Paano kung magkaproblema at hanapin ka? Haharap ka ba ng lasing sa mga tao? Nakakahiya hindi ba?" Pormal paring sabi nito.



Tumawa ito at muling uminom ng alak, "kaya nga nandito ka, di ba? Mr. Director Manager?" Tumawa ulit ito, "eh di ikaw ang humarap sa kung sinong maghahanap sa akin."



Kanila lamang din nito nalaman na si Nicollo Montero ang papalit sa kanyang tiyunhin bilang Director Manager. Ang pagkakaalam nito ay isang lamang si Nicollo sa  mga Shareholder nila ngunit hindi pala.



"Masyado kang mayabang, Ms. Aragon. Gaya ang magaling mong kapatid!" Nasa tono ang galit.



"Wag na wag mong idadamay ang Ate ko, Mr. Montero!" Aniya na may kalakasan ang boses, "ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro." Dagdag pa nito, "May kailangan ka pa ba?"



Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.



"Kung wala na'y nariyan ang pinto." Ngumiti ang dalaga ngunit nasa mga mata ang lungkot. Ganito rin ang ginawa mo sakin noon, hindi ba? Ngitngit ng kanyang puso.



Marahang naglakad palabas ang binata dala dala ang inis na kanina pang gustong sumabog. Masaya ka ngayon, bukas ako naman. Galit na sabi nito sa isip.



Halos masira ang pinto ng isara ni Nicollo iyun. May araw ka din!



Nagdiwang ang puso ni Bella sa naging reaksyon ng binata sa kanya. Muling nagsalin ng alak at ininum iyon lahat.



"Maj, may problema ba?" Tanong ni Greg ang matandang kusinero.



"Naninibago ako kay Ma'am Bella," panimula nito, "aba'y humingi ng alak!"



"Tsaka parang ang lungkot nya!" Singit naman ni Totie, isang waiter.



"Sinabi mo pa!" Segunda ni Balong, isa ding waiter.



"Wala ba syang naulit sainyo?" Tanong pa ni Greg.



"Wala naman." Ika ni Maj.



Nasa gitna sila ng paguusap ng biglang lumapit si Nicollo sa mga ito,



"Nasa oras kayo ng trabaho, pero nagtsitsismisan kayo?" Sita nito ngunit nasa mababang kabosesan.



"Nako, pasensya na, Sir Nicollo." Bawi agad ni Maj.



"You're the Manager pero bakit ikaw pa ang nagdadala ng tsismis?!"



Narinig ng ibang staff ang sinabi nito kaya't nakaramdam ng hiya si Maj.



"Pasensya na Sir." Sabi din ni Greg.



"Isa ka pa." Sagot ni Nicollo sa matanda.



Napahiya ang matanda sa ginawa ni Nicollo, "Oh? Ano pang tinitingin-tingin nyo?"



Agad namang nagsigalawan ang mga ito at bumalik sa kani-kanilang trabaho.



Huy Nicollo, kebago-bago mo lang dito ang sungit sungit mo! Sigaw sa bahagi ng isip ng binata.



Umaga, nakakasilaw na sikat ng araw ang gumising kay Bella.



"Gabriella Maris! wake up!"



"Uhmmmmm." Napabalikwas ito ng bangon.



"Ynah??"



"Yes! Sino pa ba?"



"Anong ginagawa mo dito? Tsaka..." Napahawak sa ulo, "Hung over! Sh*t!"



"Bakit ba kasi naginom ka tapos hindi mo naman pala kaya! Buti nalang tinawagan ako ni Ate Maj. Almost 2 am ka na natapos kalalaklak ng alak! Buti gising pa ko at nasundo kita sa Hotel!" Sita ni Ynah.



"S--sorry."



"Okay lang. Ano ba kasing problema?" Litong tanong nito.




"Nothing." And she lay down again.



"Get up!"




"Antok pa ko Ynah, please! 10 minutes more, darling."



"I said, get up kung ayaw mong hilahin kita sa paa!"



"Fine!" At tumayo ang dalaga.



"Magshower ka na, go!"



"Are you sure?"



"Oo. Para mahimasmasan ka!"



"Fine!"



Pritong itlog, tuyong isda, sinangag, at mainit na sabay ang inihain ni Ynah para sa kaibigan ng matapos itong magshower.



"Wow!" Bungad nito. "Pagkaing bukid! Namiss ko 'to!"



"Ubusin mo yan." Sabi ng kaibigan habang nililinis ng mga kalat sa condo nito.



"Thanks Ynah." At nagsimula na itong kumain, ninamnam ang sarap.



"Wag kang magpasalamat sakin," humarap ito sa kaibigan kaya nagtaka naman si Bella, "kay Nicollo Montero ka magpasalamat." At muling humarap sa linisin.



"What?" Sabay bitaw sa kutsara.



"Sya ang nagpadala nyan kanina habang naliligo ka at para sabihin ko sayo sya din ang naghatid sa atin kagabi." Sabi pa nito, "wala namang akong magawa, hindi naman ako marunong magdrive!"



"Are you serious?" Halos lumuwa ang mata nito sa gulat.



"Ay hindi! Joke lang 'to bestie?"




"Ynah?!"




"Bakit ba kasi naginom ka pa! Nakakahiya dun sa tao!" Himutok ng kaibigan, "Tapos sinukahan mo pa!"



"What the f*ck! Seriously?" Nakangiwing sabi nito.



"Ayaw mong maniwala?" Tanong ni Ynah, "eh di puntahan mo sa Hotel at tanungin mo. Nakakahiya kaya!" Sabay tawa ni Ynah. "Sabi mo pa sa kanya kagabi habang buhat buhat ka nya, "napakagwapo mo Nico." Tapos may pahalos halos ka pa sa muka nya!" At tumawa muli ito ng malakas.



"No, no! Hindi totoo yan!"



"Eh di tanungin mo sya!" Tumatawang sagot nito.




Halos hindi maipinta ang mukha ni Bella dahil sa kahihiyang ginawa nito kagabi. Ano ba kasing nangyari? Nakakainis, wala akong maalala. Pagmamaktol nito.










***

"Tsk! Tsk! Pasaway na Bella. Ano kayang panibagong away ang mabubuo sa pagitan nila? Hmm. Can't wait."








Hello my lovely readers. 2 update po ako today kasi may mga comments po na parang ang rude ng dating sakin. Pasensya na po kung natagalan. Busy lang po sa work. Ayoko naman na pumangit yung daloy ng story ko dahil sa pagmamadali. He-he-he! Salamat po. Vote lang po ng vote.❤️ 


Hugs & kisses.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro