Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7


KABANATA 7






KINAHAPUNAN,


"Bella, anak. Anong ginagawa mo rito?" Gulat na gulat na tanong ni Nanay Bebeng ng mapansing may tao pa sa kubo, ang pahingahan ng mga tauhan nila.




"Wala naman po, nay." Sagot nito habang tahimik na nakamasid sa palubog na araw. Lumipas na naman ang araw na hindi niya nakikita ang mga magulang at kapatid.





"Kumusta na, anak?" Tanong nito.




"Okay naman po ako, nay."



"Talaga?" Halatang hindi kumbinsido.



"Ang totoo po ay hindi." Napayuko.



"Sinasabi na nga ba."



"Ang gulo gulo po ng isip ko, nay?"



"Hayaan mo't matatapos din lahat ng pinoproblema mo, anak." Sagot nito habang nagbubukas ng mga ilaw sa bawat poste ng kural.



"Aba'y kailan nga pala ang luwas mo sa maynila? Mukang napapatagal ang bakasyon mo rito?" Pagiiba ng ginang.



"Ah, sa sunod na araw na po. Tumawag na din po kasi si Mama na kailangan ko ng bumalik sa manila. Marami na po kasing naghahanap sa akin doon." Ngumiti ito.




"Mag-iingat ka palagi doon." Pagaalala ng ginang.



"Oo naman po. Tsaka pupuntahan ko na din po si Ynah." Sabay yapos sa matanda.



Niyakap din ito ng matanda at kinintilan ng halik sa buhok. Alam nito na nahihirapan ang dalaga sa sitwasyon ng kanyang pamilya.



"Ikaw, Nanay Bebeng, wala po ba kayong alam sa lahat? Sa lahat ng nangyari noon?" Bigla'y tanong nito.



"Wa-wala." Pagsisinungaling nito.



"Ganon po ba..." Humimig ng kalungkutan.



"May tamang panahon para sa lahat ng iyong kasagutan." Ngumiti ito.



"Sana nga po."



"Tayo na sa mansyon, gumagabi na." Anang ginang sa dalaga. Tumango lamang ito at nagsimula ng maglakad pabalik ng mansyon.



Malalim na ang gabi ngunit nikarampot na antok ay walang dumalaw kay Bella.



Paano nalang kung buksan muli ng mga Montero ang kaso ng ate niya? Paano kung kumalat ulit ang balitang iyun. Paano kung maapektuhan ang nesgosyong pinundar nito. Baka hindi niya kayanin yun. Hindi sapat ang mga sinabi ni Carmella sa kasagutang gusto niya. Marahil ay si Nicollo ang makakasagot sa lahat ng ito.



Pasado alas 'dos na ng madaling araw ng tuluyang dinapuan ng antok ang maaamong mata ni Bella.



Hirap na hirap na ako.
Ikaw lang ba? Pati rin kami ni Heart, nahihirapan na.




UMAGA,



"Good Morning Sir Jacob!" Bati ni Joanne habang kinikilig pa.




Jacob Gonzaga is a CEO and the only son of Mr. Lito and Mrs. Wenna Gonzaga the owner of G Riding Corp. kung saan dinaraos ang malakihang karera ng mga kabayo.



"Morning, Jo! Where is Nico?"



"Nasa office na Sir, waiting for you." Nakangiti paring sabi nito.




Agad namang naglakad at derederetsong pumasok sa opisina ng binata.



"Hey Pare!"



"Jacob, napaaga ka ata?" Takang tanong nito.



"Hindi ko na kasi mapigilan ang good news ko sayo!" Halatang atat na atat sa sasabihin.



"So what's the good news? Na bibilihin mo lahat ng kabayo ko?" Natawa ito bahagya.



"No! No!" Tumawa din ito, "Did you know that the famous Hotel and Restaurant in Rockwell Manila is belong to Aragon Sister! I mean, Bella."



"No." Sagot nito habang nakatingin sa mga papeles na kanyang pinag-aaralan.



"I saw her, ang maganda at seksing si Bella." Ngumiti ngiti ito.



"And so?"



"Ano ka ba, pare! Malapit mo ng mapabagsak si Carmella." At ngumiti ito, "yun ay kung bibilihin mo ang shares ng Hotel nila. Balita ko gusto ng ipagbili ang shares ni Mr. Diaz which is Tiyuhin nila. Babalik umano ang pamilya Diaz sa America." Seryosong sabi nito.



"Do you think it's a good idea?" Tumigil ito sa kanyang ginagawa.



"Yes. I think it'll be work. Mas masasaktan si Carmella kung si Bella ang gagamitin mo." At tumawa bahagya, "pero ingat ka Pare..." Dagdag pa nito.



"What do you mean?" Pinagkrus ang mga braso.



"Masyado syang maganda at bata pa! Baka makalimutan mong galit ka pala!" Sabay tawa ng malakas.




"Shut up!"



"Basta balitaan mo nalang ako pag-inlove ka na! Siguro naman ay okay lang din kay Gela na magmahal ka ulit." Ang tinutukoy nito ay ang yumaong nobya niya.




Marahil nga siguro'y masyadong nasaktan si Nicollo kaya't hanggang ngayon ay hindi nito matanggap na tapos na ang lahat.



"Tigilan mo ako, Jacob." Asar na sagot nito.



"Just deal with it, pare!" Sa kinindatan nito ang kaibigan.



"Pag-iisipan ko."



"Pare, di ba ito ang gusto mo? Ang mahirapan si Carmella. So, Ito na yun! Kaso..."



"Kaso..."




"Kaso madadamay ang kapatid nya sa mga balak mo at pati nesgosyo ni Bella." Sumeryoso ang binata, "siguradong mahihirapan sila."



"Mas mabuti yun para maramdaman nila ang sakit ng mawalan ng taong minamahal at gumapang sa hirap." Humimig ng galit.




"Relax, pare!" Tumawa ito.




"Yes, of course! About dun sa shares na sinasabi mo," Pagiiba nito, "sige, bibilhin ko." Walang kagatul-gatol at alinlangang sagot ng binata.




"Oh, yes yes! Actually isa rin yan sa ipinunta ko dito. Talagang sayo ko inalok 'to! Don't worry, pare! Ako ng bahala dito." At ngumiti ito na may halong kayabangan.




"Thanks, pare."




"Siguradong magiging laman ka din ng media tulad ni Kuya Lucas."



"I don't think so."



"So, paano? Mauuna na ko?" Ngumiti ito, "ingat ka pare!" Tumawa ito.




"Get out!"



"Sige!" Tipid na sagot habang tumatawa ng malakas.






Marie Maris Hotel & Restaurant. Manila, Philippines.





"Good Morning Ma'am Bella. Welcome back po!" Sabay sabay na bati ng mga tauhan ng Marie Maris Hotel & Restaurant.




"Morning." Ngumiti ito at ibinaba ang suot na sunglass kung saan ay itunatago ang kanyang mga eyebags. Hindi ito nakatulog ng ayos nitong mga nakaraang gabi.




"Ma'am, dumating na po si Ma'am Carmella kanina pa.



"Okay."



"May meeting po kayo with her." Sabi ulit ng General Manager ng Hotel.



"Meeting? Okay. Thank you, Maj."



Pumasok ito sa kanyang office na isang modern design na gawa sa tempered glass mula sa Italia. Masyadong napahaba ang bakasyon nya sa nayon kaya't namiss niyo ang kanyang opisina. Ang malinis, mabango, at tahimik.



"Good Morning Ate!" Agad nitong bati ng mapasukan ang kapatid. Hinamig ang sarili upang hindi mailang. Kinintilan ng halik ang kapatid.




"Good Morning."




"Anong meeting ang sinasabi ni Maj?" Takang tanong nito na hindi tumitingin sa nakatitig na kapatid. Nararamdaman parin nito ang sakit nitong nakaraang araw nilang alitan.




"Pumunta ka na naman ng Polo! Hindi ka talaga marunong makinig?!" Sigaw nito sa kapatid. Nagulat naman si Bella sa tinuran nito.




"Lower your voice. We're not living in the mountain." Kalmadong sagot nito.



"Anong gusto mong gawin ko, Bella?"



"Relaxin', Chillin', Go somewhere, or stay at home? You can do whatever you want, ate."



"Wag mong pairalin yang tigas ng ulo mo! Gabriella Maris!" Galit na sigaw nito, "hindi ka na marunong makinig at dinadaan mo sa pagiging pasaway mo!" Alam nitong galit talaga ang kanyang ate dahil sa pagbanggit ng buo nitong pangalan.




"Ate, tama na. Masyado ka ng nag-iisip ng kung ano-ano! you know?"




"Sana nga matapos na lahat ng to! Lahat ng kinatatakutan ko. Kung hindi ka titigil sa kalalapit sa Nicollo na yun, baka isang araw pag-gising mo wala na lahat ng ito!" Tumingin sa paligid upang tukuyin ang nais ipahatid at tuluyan na itong lumabas ng kanyang opisina.



Naiwang tulala si Bella, Hindi yun mangyayari, Ate.



Marahang iniangat ang kanyang ulo at binuksan ang kanyang laptop.




Nasa gitna siya ng pagchecheck ng lahat ng emails ng hotel ng biglang may kumatok sa kanyang silid,



"Come in..." She said.



"Ma'am Bella," bungad agad ni Greg isa sa mga staff niya. "Pasensya na po sa abala..."



"No, it's okay. Ano yun? Tumingin sa lalaki.



"Kase po nanganak na si Nelia, yung asawa ko." Ngumiti bahagya na may halos hiya.



"Talaga po? Nako Kuya Greg, Congrats!" Masayang sabi ni Bella.



"Salamat po."



"So anong maitutulong ko?" Hindi parin maalis ang ngiti sa labi ng dalaga.



"Mag-kacash advance po sana ako, ma'am. Kinulang kasi yung ipon ko."



"Walang problema, kuya Greg," kinuha ang wallet nito, "oh ito, bigay ko na yan sayo at sa baby nyo! Wag ka ng mag-cash advance para may sweldo ka this month. Bigay ko na yan sayo." At iniabot ang 5 thousand pesos sa matandang trabahador.



"Nako! Salamat po ma'am! Kukunin ko din sana kayong ninang." Nahihiyang sabi pa nito.



"Nako, sure po! You are most welcome, kuya Greg. Mas nagpapasalamat ako sa naitulong mo sa hotel ko."



"Nako pagpalain pa sana kayo ng nasa itaas"



Ngumiti lang ang dalaga, sana nga po.



Lumabas ng kanyang office si Greg ng masayang masaya.



Ngi-ngiti ngiti naman si Bella na nagbalik ang tingin sa kanyang ginagawa.





HAPON,



"Maj," tawag ni Bella.



"Yes, ma'am?" Napatigil sa ginagawa si Maj.



"Congrats!" Napayapos ang dalaga.



"Po? Bakit po?" Gulat na gulat naman ito.



"Lampas na tayo sa target natin! And tuloy tuloy parin ang pagdami ng income ng hotel!"



"Talaga po?" Gulat na sagot nito.



"Oo naman! Syempre magaling ata manager ko!" Nakangiting sagot ni Bella.



"Hindi naman po masyado. Mahuhusay lang talaga ang mga tauhan natin." At tumingin sa mga staff nila.



"Salamat, Maj!"



"Salamat din po ma'am! Kung hindi dahil sainyo baka palaboy lang kami sa kalsada."



"Move on, Maj!" At tumawa ito ng malakas.



"I can't."



"Hay nako! Okay okay! Oh ikaw na bahala dito, may date pa ako ngayon."



"May date ka ma'am? With who? Grabe si Ma'am hindi pinakilala sa'tin kung sino yung luckiest guy na ito!" Pang-aasar ng mga staff ng hotel.



Napahinto sa paglalakad ang dalaga, "date with bestfriend, Ynah!" Sabay tawa ng malakas.



"Ah bestfriend naman pala." At tumawa din ang mga ito.



"Tigilan n'yo ko kung ayaw nyong mawalan ng bonus." At tumawa ulit si Bella.



Bigla'y tumahimik ang mga ito at pinigil ang tawanan.



"Good. Nasaan nga pala si Ma'am Carmella nyo?" Tanong nito.



"Nako, nagpaalam po kanina na aalis." Sagot agad ni Maj.



"Saan daw pupunta?" Pagtataka nito.



"Meeting daw po ma'am with Sir Diaz."



Miguel Diaz is a brother of Mariel Diaz Aragon, the mother of Aragon sister.



Ang matandang tiyuhin na kasyoso sa Hotel and restaurant na patuloy na yumayabong.



"Ohhh, okay! Sige, aalis na ako. Baka nagiintay na si Ynah." At diniinan nito ang pagbigkas ng pangalan ng kaibigan kung kaya't tumawa ng malakas ang mga staff niya.



Binabay-bay ni Bella ang Edsa road ng mapatigil ito dahil sa mahabang pila ng mga sasakayan.



"Walang pagbabago." Mahinang sabi nito.



Hinagip ang bag at kinapa sa loob ang phone nito,





Ringing,
Ynah



"Answer my call..." Sabi nito habang nagriring ang phone sa kabilang linya.



"Hello." Sagot ni Ynah sa kabilang linya.



"I'm on my way."



"Alright. Nasa byahe na din ako. See you nalang sa Zandolie Bar."



"Dun parin? Ang aga aga bar agad?" Takang tanong ni Bella.



"Yes. Hindi naman tayo iinom. Magsesenti lang tayo!" Natatawang sagot ni Ynah.



"Nakakasawa!" Bulyaw ni Bella.



"Bestfriend, relax! Papangit ka nyan." Tumawa si Ynah.



"Tigilan mo'ko Yuann!"



"Bye!" Sabay patay nito sa kabilang linya.



Tumatawa si Bella ng malakas habang nagmamaneho. Hindi nito mapigilang matawa tuwing naiisip nito kung paano maasar ang kaibigan.



Trenta minutos ng makarating si Bella sa isang may kalumaang Bar. Agad naman nitong namatahan si Ynah na pababa ng taxi.



"Ynah!" Sigaw agad nito.



"Let's go?"



"No choice naman eh!" Sabay hawak sa braso ni Ynah at pumasok sa loob.


Tumawa ng malakas si Ynah dahil sa tinuran ng kaibigan.





Zandolie Bar. Manila, Philippines.




HAPON,



"Ang awiting ito ay para sa lahat ng maagang dumating," tumawa bahagya ang vocalist ng banda. "Habang iniintay natin ang pagdilim! Enjoy everyone!" At sinimulan na ang tugtugan.



"IRIS" Goo goo dolls
(Acoustic Version)

And I'd give up forever to touch you
'Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be
And I don't wanna go home right now






"Oh my god." Mahinang bulong ni Bella habang nakahalumbaba at tahimik na nakikinig sa awitin.






And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
When sooner or later it's over
I just don't wanna miss you tonight

And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am

And you can't fight the tears that ain't coming
Or the moment of truth in your lies
When everything feels like the movies
Yeah, you bleed just to know you're alive

And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am

And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am

And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am

I just want you to know who I am
I just want you to know who I am
I just want you to know who I am.






Isang malakas na palakpakan para sa vocalist ng Zandolie Bar.




"Napakahusay nya!" Bulong ni Bella. "I think favorite ko na yung song! Hoooooooo!" Napasigaw na din ito.




"I told yah so! Maganda dito!" Ika ni Ynah.




"Oo na." Habang pumapalakpak.



Om-order sila ng buffalo at milk tea. Hindi naman sila yung uri ng babae na lasenggera. Inaya lamang ni Ynah si Bella sa Zandole Bar upang mabawasan ang iniisip ng kaibigan. At mukhang nagtagumpay naman ito dahil sa saya na nakikita ni Ynah sa mukha ng kaibigan.




"Bella, kumusta na nga pala si Ate Carmella?" Hindi nakatiis na itanong.




"Hindi parin okay, HB lagi. Parang takot na takot."




"Intindihin nalang natin."




"Ano pa nga ba?!"



"Kaya ikaw, wag ka ng lalapit ulit sa Nicollo na yun!"




"Opo, Doc!"



"Hay nako! Ang sarap maging bata. Yung gaya natin dati. Masaya lang." At hinilig ang ulo sa kaibigan.



"Oo nga." Lumungkot ang boses ni Bella.



"Tama na nga ang drama!" At tumawa sila.



Lumipas ang dalawang oras na masaya lamang sila.



"Let's go home? Napagod na ata ako kasisigaw." Aya ni Bella.



"Sure. May klase pa ko ng 9 pm eh."



"What? Tapos niyaya mo ko dito!" Sita ng kaibigan.



Tumawa ito, "nag-enjoy naman tayo."



"Ihahatid na kita sa apartment mo bago ako umuwi sa condo. Mahirap na baka makipagdate ka pa." Habang tumatawa.



"Baliw!" Marahang hinampas ang kaibigan.




HATING-GABI,


Pabagsak na humiga si Bella sa isang quenn size bed. Marahang ipinikit ang mata.


Napagod ata ako maghapon.



Muling nagmulat ng mata at agad tumayo. Ganitong oras siya laging nagiisip ng kung ano ano.



Isang bagong condo unit itong naisipan nyang upahan upang sa ganon ay makapagpahinga siya ng ayos kung tinatamad siyang umuwi sa kanilang mansyon.



Sa edad bente y dos ay marami na siyang napatunayan sa buhay. May sariling negosyo na yumayabong at ilang properties na nabili sa Batangas at Palawan. Mula ng tumigil siya sa pagiging rider ay nagpasya itong magnegosyo na lang tulad ng ama.



Minsan na siyang lumabas sa telebisyon at hinangaan ng marami dahil sa sipag at tiyaga. Marami itong natulungang tao nung mga panahon namamayagpag pa siya sa larangan ng karera. Lahat ng napapanalunan nito ay kalahati ang napupunta sa mga piling bahay-ampunan at ang iba ay sa mga taong lumapit sa kanya upang makapag-aral.



Nag-aagaw ang antok at pagiisip, napagod ako ng husto. Mahinang tinig sa kanyang isip at tuluyang pumikit ang maamong mga mata dala ng antok.




Maagang nagising si Bella kinaumagahan. Masaya itong inaayos ang sarili at pagkatapos ay agad nagmaneho patungo sa Hotel.



"Ma'am, Bella!" Tawag agad ng humihingal na si Maj.



"A-anong nangyari dito?" Gulat na tanong ng dalaga.



"Si ma'am Carmella po..."



"What?" Agad na sumunod kay Maj.



"Kanina pa po syang nag-wawala sa office nyo. Tinatawag ko po kayo pero hindi po kayo sumasagot."



"Sige! Iwan nyo na kami!" At agad isinara ang pintong bubug.



Agad na tumakbo sa kinatatayuan ng kapatid at niyapos ito.



"A-ate, what happened?"



"Be-bella..." Walang tigil ang pagkagulhul.



"Ate."



"Pagod na pagod na ko."



"Sssshhh. Don't cry, okay?"



"Si-si Tito Miguel," tuloy parin sa pagiyak, "binenta na nya lahat ng shares nya sa Hotel." Dagdag pa nito.



"Yes, I know. Kasi lilipat na sila ng America this week and pumayag ako dun kasi sabi nya okay naman daw yung bumili." Aniya.



Bahagyang kumalma si Carmella at umayos sa pagkakaupo.



"Bella," halos hindi na marinig ang boses nito, "Si Nicollo Montero ang bumili ng shares ni Tito." Nakatitig sa kawalan.



"What?" Sigaw ni Bella. Halos mabasag ang tempered glass na office nito sa lakas niyun.

"Yes."



"Hindi maaari!"



"But Nicollo's signed already."



"How come?"



"Tito Miguel said."



"No way!"



"Ito na yung kinatatakutan ko, Bella." Tumulo ulit ang mga luha nito, "kung hindi mo lang sana pinasok ang Polo at kinausap ang Nicollo na yun marahil ay tahimik ang mundo natin, lalo ka na."



"A-ate."



"Kung nakinig ka lang sana kay Daddy." Pinahid ang luha.



Noon lang napansin ni Bella na tumutulo na rin ang luha niya.



"So-sorry, ate."



"Now sorry?" Humarap ito kay Bella, "don't be sorry. Alam ko na darating ang araw na to, na gagamitin ka nya para pasakitan ako, na gagantihan nya ako!"



"Ssssshh. Enough." Bulong ni Bella at muling niyapos ang kapatid.




"Halos atakihin sa puso si Dad, nung binalita ni Tito Miguel kila Mama."



"A-ate."



"Pagod na pagod na yung isip ko."



"Sssshhhhhh." Pang-aalo nito kay Carmella, "Everything will be fine, soon." Kasabay ang pagtulo muli ng luha. Hindi niya maaatim na makitang nagkakaganito ang kapatid dahil sa isang kasalanang hindi naman nito sinadya.




Pinapaikot-ikot ni Nicollo ang ballpen sa kanyang daliri ng pumasok si Lucas roon.



"So, tuloy na tuloy na pala ang mga plano mo?"



"Yes. At sigurado akong nagkakagulo na ang mga Aragon ngayon."



"Paano gagaling yang sugat sa puso mo kung mananakit ka ng iba?"



"Wow!" Tumawa ito, "Nagsalita ang magaling! Alam mo Kuya, ayusin mo muna yang sarili mo tsaka mo sabihin yan!" Sigaw ni Nicollo.



"Maiintindihan mo rin ako." Sagot ng kapatid, "soon." At lumabas na ito. Wala siyang balak makipagtalo sa kapatid.










***

"Maging handa kaya si Bella sa muling pagkikita nila ni Nicollo? Saan kaya hahantong ang sakit na nararamdaman ni Bella para sa kapatid na si Carmella? Magsakripisyo din kaya ito gaya ng saktipisyo ni Carmella noon?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro