5
KABANATA 5
Mula sa kinatatayuan ni Nicollo ay tanaw nito ang dalagang hirap na hirap sa pagwawalis ng mga koral. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti sa mga nakikita niya. Nararapat lamang iyon sa isang katulad nitong saksakan ng kulit, pasaway, matigas ang ulo.
Saksakan rin ng ganda, hindi ba, Nicollo?
Napapilig siya at muling pinagsugpong ang mga daliri habang tinatanaw si Bella.
Matagal na panahon ng nakasarado ang Polo para sa mga magkakasintahan at pamilya upang mamasyal doon. Nagsimula iyon ng mamatay ang kanyang pinakamamahal na nobya at nasundan ng pagkamatay din ng kanyang ama. Nabalot ng lungkot at pighati ang rancho kaya nagpasya silang magkapatid na isara na iyon upang maiwasan ang mga kwentong hindi makatutuhanan.
Dahil sa pighati ay nalulong sa kalungkutan ang binatang si Nicollo o mas kilala bilang Nico. Kinatakutan ang Polo mula noon hanggang ngayon dahil sa kalupitan niya. Mga piling tauhan lamang ang nagtatrabaho dito. Bagamat napakarami nilang tauhan, palagay naman ang loob niya sapagkat simula pa noon ay ito na ang nakakasama ng kanyang pamilya.
Mula ng mamatay ang nobya nitong si Angela, ang matalik na kaibigan ni Carmella Aragon ay nagmistulang kilabot ang Montero Ranch na noon ay isa sa pinakamagandang pasyalan sa bayan ng Magdalena.
Gusto niyang ibaon sa limot ang sakit at pighati pero kahit anong iwas at waksi niya sa mga alaala ng yumaong kasintahan ay hindi niya magawang mapatawad ang mga Aragon, lalo na si Carmella.
"Sir Nico," Pukaw ni Manong Cris, ang isa sa mga katiwala niya.
"Yes?"
"Tatawagin ko na po ba si Miss Bella para sa tanghalian?" Tanong nito sa binata, "marami rami na rin naman iyong natapos niya,"
"Hindi," tumitig ito sa matanda. "Hindi siya kakain hangga't hindi siya tapos doon." Muling bumaling ang mga mata ni Nicollo sa bahaging kinatatayuan ng dalaga.
"Pero Sir, tanghali na po. Baka naman mamaya'y kung mapaano siya," Malumanay na sagot nito.
"Cris," napangisi si Nicollo, "nararapat lamang yan sa isang Aragon na katulad niya. Nakalimutan mo na rin ba?" Ngumiti ito ng mapait, "pareho na kayo ni Kuya Lucas, masyadong maawain sa mga taong may dugong kriminal," Tuluyan na itong humarap sa matandang kausap.
"Kung iyan ang gusto n'yo, masusunod po." Yumuko ito at nagpaalam para sa tanghalian. Tumango na lamang si Nicollo.
Hindi siya umalis sa kinatatayuan para panoorin ang dalaga habang nahihirapan. Masarap sa mata ang kanyang nakikita. Lumuluwag ang dibdib niya tuwing nakikita niyang may isang Aragon ang nahihirapan sa loob ng kanyang bakuran. Matagal niya yatang hinintay na may maligaw na Aragon sa kanyang lupain.
Mainit ngunit malamig na haplos ng hangin ang yumayakap sa malaprutas na kutis ni Bella habang nagaayos ng mga damo na kanyang pinulot. Napahinto siya sa kanyang ginagawa ng biglang tumunog sa gutom ang kanyang tiyan.
"Hey! Stop it! I'm busy, you know..." Sabay hawak sa kanyang tiyan. Kahit siguro hindi siya tumingin sa salamin ay alam nitong namumutla na siya sa gutom at pagod na maging sa panaginip ay hindi niya naranasan.
Napatingala siya at napapikit. "Nagugutom na ko..." Mahinang bulong ng dalaga. Umabot pa ito ng ilan pang mga oras bago mapansing malapit na palang lumubog ang araw. Umaasa siyang susunduin siya ng kanyang ama pero mukhang malabong mangyari iyon... baka nga totoong mataas ang tingin ng mga tao sa Nicollo Montero na iyon!
"Ohh... Jesus." Muling bulong ng dalaga na naupo sa bakanting kahoy para magpahinga. Katatapos lamang niyang ayusin ang lahat ng damo at mga tuyong dahon sa bawat kural.
"Aragon!" Sigaw ng isang lalaki mula sa dulong bahagi ng mga kural.
"Yes, Montero?" Pinasigla ang kanyang pinong boses.
"Masyado mo atang ini'enjoy ang pamamahinga?" Awtomatikong nanaas ang kilay ni Nicollo.
"Why? Wala namang mali ang maupo ako at magpahinga." Takang tanong ni Bella sabay ngiti.
"Nasa bakuran kita at lahat ng sasabihin ko ang masusunod." Ngumiti din ito sabay titig ng matalim na parang bagong hasa na kutsilyo.
"Oh really?" Tumayo siya sa pagkakaupo. Nagpunas ng pawis gamit ang mga kamay at inayos ang kanyang suot. Tumalikod ito sa binata at direderetsong naglakad palayo kay Nicollo.
"Aragon! Kinakausap pa kita at-"
"I don't care!" Humarap ito sa binata tatlong dipa ang layo. Halos lamunin siya ng mga titig ni Nicollo. Nagaapoy sa galit iyon pero napakaaliwalas parin ng dating noon sa paningin niya.
Gwapo na may mapangit na ugali!
"Tapos na ako sa lahat pinaguutos mo, Mahal na Hari. Uuwi na po ako!" Sigaw ni Bella.
"Paano kung hindi ako pumayag?"Ang kulit ng isang 'to! Ngiting sagot ni Nicollo.
"Eh di," tumingin ito sa lupa "makipaghabulan ka!" Sabay takbo papasok sa mansyon.
Kailangan niyang bilisan dahil doon lamang siya makakadaan palabas. Hindi naman pwedeng sa gubatan siya tumakbo, baka lalo lamang siyang mahirap at aminado ring malawak ang bakurang ito ng mga Montero, siguradong maliligaw siya.
"Iyon ay kung makakalabas ka pa dito!" Sigaw ni Nicollo habang tumatawa ng malakas. Hindi manlang ito kumibo para habulin ang dalaga.
Kinagabihan sa Montero Ranch,
"Montero! Lumabas ka d'yan! Kung ayaw mong sirain ko tong pintuan mo!" Isang malakas na sigaw muna sa labas ng malaking pinto. Hindi pa ito nakontento kaya naman hinampas pa niya iyon at gumawa ng malakas na ingay.
"Nicollo! Lumabas ka dyan!" Paulit ulit niyang sigaw.
Pinagbukasan siya nang pinto ng isa sa mga kasambahay ng mga Montero. Hindi na niya pinansin pa iyon at dumeretso agad ito kung saan ay nakita niyang nakaupo si Nicollo. Halos sunggaban na niya ito sa sobrang galit.
"Carmella, long time no see." Tumingin lamang ito ng deretso kay Carmella na hindi manlang nagbago ang posisyon sa pagkakaupo doon. Ni hindi manlang nabahala si Nicollo sa maaaring gawin ni Carmella.
"Ilabas mo ang kapatid ko! Kung hindi ay tatawag ako ng pulis!" Galit nitong sigaw.
Napangisi si Nicollo hanggang sa matawa ito, "Go, Carmella. Tawagin mo lahat ng pwede mong tawagin. Para malaman nila kung sino ang dapat hulihin," Tumayo si Nicollo at bahagyang lumapit kay Carmella.
"Hayop ka!" Pagtitimping niyukom nito ang palad upang pigilan ang sarili.
"Coming from you huh?" Namulsa si Nicollo na bahagyang natawa.
"Please lang ilabas mo na ang kapatid ko, ayoko ng gulo."
Ngumiti lang ito kay Carmella na para bang sinasabi nitong wala naman siyang pakialam sa mga sinabi niya.
"Ate Carmella?" Patakbong yumakap si Bella sa ate niya, "anong ginagawa mo dito?"
"Bella, anong ginawa nila sayo? Napa'no 'yan?" Napansin agad nito ang galos sa tuhod ng kapatid.
"Galos lang, pero okay naman ako," Sagot ni Bella sa kapatid habang napapatingin sa binata na walang emosyon na pinapanood silang dalawa. Hindi malaman ni Bella kung natatawa ba si Nicollo sa tagpong pinapanood niya o naiirita.
"Hayop ka talaga!" Sigaw ni Carmella na handang sunggaban ang lalaki.
"Same to you," Mariing sagot ni Nicollo.
"Ate, please. Let's go," hinawakan ni Bella ang kamay ni Carmella upang pigilang makalapit kay Nicollo.
"Baka nakakalimutan mong malaki ang atraso mo sakin, Carmella." Pinagkrus ni Nicollo ang mga braso, "huwag mo akong pilitin na isa-isahin iyon,"
Hindi maiwasang hindi mapatitig ni Bella sa mga mata ni Nicollo. Totoong maganda ang mga iyon. Nakakaakit kahit pa galit ito. Hindi niya masiguro kung saan at gaano kalalim ang galit na bumabakat sa mga mata ng lalaki. Gusto niyang makialam, gusto niyang alamin pero hindi niya alam kung saan siya magsisimula.
"Tumahimik ka!" Napapitlag si Bella ng humalas ang kamay ni Carmella sa kamay niya.
"Bakit?" Sigaw nito, "Natatakot ka bang malaman ng kapatid mo ang totoo?" Natatawang sabi nito, "natatakot ka, di ba?"
"Ate, please." Hinila muli ni Bella ang kamay ng kapatid.
"Why don't you tell to her, Carmella? Para malaman n'ya kung gaano ka kasamang kapatid. Kriminal!"
Mabilis na umangat ang palad ni Carmella sa mukha ni Nicollo ngunit hindi manlang iyon lumapat para saktan ang lalaki. Agad itong nasalag ni Nicollo kaya naman dismayadong napaatras si Carmella.
Ngumiti lang si Nicollo at tumingin kay Bella, "Alis," natatawang taboy niya, "Pero hindi pa ito ang huli nating pagkikita, Aragon." Ngumisi muna siya bago tinalikuran ang magkapatid na hindi na muling lumingon pa.
Naiwan silang dalawa doon na tigalgal. Napansin naman ni Bella ang mangilan-ngilang nagbubulungan. Nayuyuko niyang hinaplos ang bisig ni Carmella. Pakiramdam ni Bella ang maling mali ang ginagawa ng ate niya.
Nakakahiya.
"Let's go home, Ate." Halos bulong na lamang iyon na saktong umabot sa puno ng tainga ni Carmella. Namumula na ang mga mata ni Carmella na handang ng maiyak.
Nang makalabas ng mansyon ay muling tiningala ni Bella ang mataas na bakod. Mula sa sedan na dala ng kanyang ate at natatanaw pa niya ang bulto ng isang lalaki. Alam ni Bella na si Nicollo iyon, alam na alam niya na si Nicollo Montero ang lalaking nakamasid sa pagalis nila. Kinabisado na niya ang hugis at bawat pagkilos ng lalaki. Ganoon niya pinag-aralang mabuti si Nicollo Montero.
Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na araw sa loob ng Montero Ranch, nasisiguro ni Bella na hindi ito ang huli nilang pagkikita.
X
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro