Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3

KABANATA 3

Mabilis pang pinatakbo ni Bella ang kabayong si Victoria. Mula sa kanilang hacienda hanggang sa Polo ay aabutin ng isa't kalahating oras kung sakay siya ng kabayo at kung kotse naman ay aabutin ng trenta minutos lamang ayon sa ilang tauhan nila sa hacienda. Dagdag pa sa kanyang pananaliksik na maraming tauhan ang mga Montero kumpara sa kanila na may mahigit isang daang katao lamang.

Huminto si Bella sa isang malaking trangkahan na gawa sa buo ngunit tuyong kawayan. Mula sa kinatatayuan niya ay natatanaw nito ang nakasulat doon, MONTERO RANCH at may nakalagay pa na NO TRESPASSING. Ngumiti si Bella at mas lalong lumapit roon. Nang makalapit ay agad na pinag-aralan kung paano makakapasok.

"Wala namang tao rito ah," Pagtataka ni Bella.

Muling lumayo si Bella sa trangkahan. Lumipas ang bente minutos na pagiisip ay agad na pinatakbo ni Bella ang kabayo nito at saka pinatalon sa mababang bahagi niyon. Nakapasok siya ng walang kasablay sablay.

"Good job! Victoria!" Sigaw ni Bella ng huminto ito. Ngayon ay nasa loob na siya ng Polo.

"Hindi naman pala mahirap pasukin ang lupain na ito," ngumisi siya, "masyadong takot lamang ang mga tao." Muling pinatakbo nito si Victoria ngunit ng bilang may sumigaw sa dulong bahagi ng trangkahang kahoy ay napalingon siya at dahan dahang bumilis ang pagtibok ng puso niya dahil sa gulat.

"Mahigpit pong ipinagbabawal ang pumasok d'yan, Ma'am!" Sigaw ng isang gwardiya na tumatakbo upang pigilan siya.

Tumigil si Bella sa di kalayuan at humarap dito. "Mabilis lang po ako, Manong! Promise!" Kumaway pa ito at ngumiti.

Muli niyang pinagpatuloy ang pag-papatakbo sa kanyang kabayo. Namatahan parin nitong may humahabol sa kanya kaya't lalo pa niyang pinabilis ang paghampas sa kabayo upang makalayo pa siya sa mga humahabol sa kanya.

Masayang nilibot ni Bella ang kalawakan ng rancho na pagmamay-ari ng isang misteryosong lalaki, ayon sa kanyang ama ay anak ito ng isang mayamang negosyante na mas pinukol ang sarili sa pagrarancho. Nagmistulan naman siyang isang bata na tuwang tuwa habang sakay sa kanyang kabayo. Napakasarap ng simoy ng hangin sa lugar na iyon. Malalagong damo, ang haplos ng hangin ay kay lamig sa balat kahit tirik na tirik pa ang sikat ng araw. Lubhang nasiyahan ang dalaga sa kanyang pamamasyal sa loob ng rancho na noon pa'y plano na niyang pasukin.

Dahil sa kasabikang mapagmasdan ang tinatagong ganda nito ay binalak niya itong pasukin ng walang pahintulot. Kahit ang kanyang ama ay pinagbawalan siyang pumasok sa lugar na iyon. Lubhang mapanganib raw ang pumasok sa nasabing rancho.

Para sa kanya ay walang mapanganib. Lumaki itong matibay ang loob dahil siguro sa isa siyang mahusay na Horse Rider. Mula edad dise y otso ay lumalahok na ito sa iba't ibang karera, mapa-kabayo man o kahit sasakyang pang lupa. Kaya para sa kanya ay madali lamang iyon. Bagamat bente y dos anyos na siya kaya't mas binigyan niyang pansin ang pagiging mahusay na negosyante tulad ng kanyang ama.

Nilibot niyang muli ang rancho at ng mapagod ay bumaba sa kanyang kabayo. Malayo layo na siya sa bungad at aliw na aliw naman siya sa iba't ibang uri ng kabayo roon. Mukhang walang tao rito, aniya sa isip habang naglalakad palapit sa mga kabayo.

Palibhasa'y mahilig sa iba't ibang uri ng kabayo kaya't halos takbuhin na niya iyon makalapit lamang sa kalawakan ng kulungan ng mga ito. Mayroong Morgan, Warmbloods, at Gaited Breeds mga uri ng kabayo na minsan mo lang makikita sa bansa.

Nasa gitna siya nang pagmamasid ng biglang may kumaluskos sa gilid ng malalagong damo. Napaangat siya at napatuwid sa kinatatayuan. Isang lalaking may matitipunong katawan na may malalagong buhok ang palapit sa kanya. Nakaramdam siya ng takot dahil wala siyang ideya kung sino ito. Limang dipa na lamang ang layo nito sa kanya ng tumitig ito sa dalaga. Wari niya'y tinakasan siya ng dugo dahil sa sobrang takot. Takot na baka masamang tao ito kahit pa sa tansya niya'y maganda ang hugis ng mukha ng lalaki.

"Anong karapatang mong pumasok sa lugar na ito ng walang pahintulot?" Matapang na boses nito.

"Sino ka? Wag kang lalapit!" Takot na sagot ni Bella at bahagyang umurong ito upang hindi makalapit ang lalaki.

"Ako pa ang tinanong mo?" Nag-ngalit ang bagang nito sa galit. Ang mapupunay na mata ay nagmistulang amoy na nagliliyab.

"N-nali-naligaw lamang ako at dito a-ako napadpad," Halos maputol ang hininga nito sa sobrang kaba.

"Naligaw? Walang sino man ang maaaring maligaw sa lugar na ito." Galit paring tungon ng lalaki.

"To-totoo iyon!" Agad naman nitong hinawakan ang tali ng kanyang kabayo na kanina'y itinali niya sa punong kahoy.

"Sinungaling!" At tuluyan na itong lumapit kay Bella. Napalingon naman si Bella sa kanang bahagi ng rancho ng marinig nito ang iilang yabag ng kabayo.

"Hayun!" Sigaw ng isa sa apat na mga gwardiya na kanina'y pilit siyang hinahabol.

Patay na!

"Sir Nicollo!" Agad na bungad ng mga gwardiya na halos maputulan na ng hininga dahil sa sobrang hingal.

"Ipagpaumanhin po ninyo't nakapasok siya dito. Pilit namin siyang hinabol ngunit napakabilis nito kaya't nawala siya sa aming paningin..." Paliwanag ng isang gwardiya sa lalaking tinawag nitong 'Sir Nicollo' habang nakayuko at nakahawak sa dalawang tuhod dahil sa hingal na hingal parin ito. Maging ang mga kasamahan ay ganoon rin.

"Hi-hindi totoo yan!" Sigaw ni Bella na nakahawak parin sa tali ng kabayo nito.

Kailangan kong matakas dito!

"Sinungaling!" Sabay lapit ng lalaking may malagong buhok. Akmang sasakay si Bella sa kanyang kabayo ng biglang hatakin ito ng lalaki sa damit at walang palanseng nalulok sa lalaki.

"And where do you think you going?"

"Ah, home?" Sagot ni Bella at bahagyang kinagat ang ibabang labi.

"Hindi!" Sigaw nito, "Dalhin ang kabayo sa koral at ikulong!" Utos ng lalaki, "Sumama ka sakin!" Hinila muli nito si Bella sa kanyang damit. Kung hindi sana mamahalin ang kanyang damit marahil ay napunit na ito sa tindi ng pagkakahila ng binata.

"No! Wait! No! no! no! Bitiwan mo 'ko! Ouch! Please!" Ngiwing sabi Bella.

"Ohh shut the fvck up!" Sabay turo sa mukha nito.

"Please! Sorry! Gusto ko lamang pagmasdan ang kagandahan ng rancho kaya't pumarito ako." Pagmamakaawa ni Bella sa lalaki.

Lumuwag naman ang pagkakahawak nito sa kanyang damit at tumitig sa mapupungay niya'y mga mata. Nagkaroon siya ng pag-asa na makawala sa pagkakahawak nito at ng akma muling tatakbo ay biglang hinapit ang kanyang bewang at saka binuhat. Ang kanyang mga tuhod ay nasa matitipunong dibdib nito at ang kanyang ulo na nakalaylay sa likod ng lalaki. Para siyang sako ng bigas na basta na lamang binuhat.

"Let me down! Let me down!" Pagsusumigaw ni Bella.

Hindi sumagot ang lalaki at nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa nakarating sila sa malaki at medyo may kalumaang bahay na napapaliputan ng mga matataas na puno. Bigla siyang binaba nito at walang balanseng nasubsob siya sa lupa.

"How dare you?" Sigaw nito sa lalaki ng makatayo. Nagkagalos siya sa tuhod dahil sa pagkakaupo, masyadong manipis ang balat ni Bella kaya't agad iyong namula.

Bastardo!

"Don't fucking dare me, Aragon." Sagot ng lalaki sa kanya. Napanganga naman siya sa sinabi nito.

Aragon? Kilala ba siya ng lalaking ito?

"Oh please, just let me go home," Pormal na sagot nito at inayos ang nagusot na damit.

"No, you stay here and I'll call your father now!" Galit paring sagot ng lalaki.

"No! No! No!" Awat nito sa lalaki at humawak sa mga bisig. Hindi pwedeng malaman ng kanyang ama na nasa polo siya. Siguradong magagalit ito sa kanya.

"Sir Nico, ito na po ang telepono." Agaw pansin ng matandang kasambahay nito. Napatingin naman ang matandang babae sa kanya ng iabot nito ang telepono.

Nico?

Tumingin ito kay Bella, "Good Morning, can I speak to Garry Aragon?" Galit ang tono nito. Naulinigan naman agad niyang sumagot ang ama sa kabilang linya.

"Yes? Speaking," tugon ng lalaki sa kabilang linya.

"By the way, this is Nicollo from Montero Ranch," Pakilala ng lalaki sa kausap at bago muling tinitigan ang balisang si Bella. Napangisi si Nicollo ng mapansin ang takot sa mukha nito.

"Oh, What can I do for you, Nico?" Takang tanong naman ni Garry sa binata.

"Anyway, your daughter is here and she's trespassing, Aragon." Kalmado ngunit may riing tugon ni Nicollo sa kausap.

"W-what? Can I talk to her?" Gulat na sagot ni Garry. Papaanong mapapadpad si Bella sa Montero Ranch gayong alam nitong mariin siyang pinagbawalang magawi roon, noon pa man.

Agad namang inabot nito ang telepono sa dalaga. Nang mailapit sa tainga ay agad na nagsalita ang ama,

"Bella? Are you okay?" Pagaalala nito sa anak.

"Yes, Dad." Napatingin sa tuhod na dumurugo na likha ng walang balanseng pagkakaupo.

"Ano bang pumasok sa kokote mo't pumariyan ka? Hindi ba't sinabi ko na sayo noon pa na huwag kang mangangahas na pumasok sa rancho ng mga Montero." Mariing tono ni Garry sa anak.

"Dad," Napabuga ito ng hangin, "I– I just roaming around—"

Nagulat siya ng biglang agawin ni Nico ang telepono sa kamay ni Bella.

"You know my policy, Garry Aragon." Sabat ni Nico, "Alam na alam mo iyon," Halos manindig ang balahibo ni Bella ng makita niyang ngumiti ito habang nakatitig sa kanya. Kinikilabutan siya dahil kakaiba ang ngiting iyon. Nakakatakot.

"Huwag mong sasaktan ang anak ko, Montero." Pagaalala ni Garry.

Natawa si Nicollo, "Of course not,"

Hindi na binigyan pa ni Nicollo ng pagkakataong sumagot ang kausap sa kabilang linya ng mabilis nitong binaba ang teleponong hawak.

"Policy?" Mahina ngunit sapat na upang marinig ni Nicollo, "you kidding me, right?"

Hindi sumagot si Nicollo. Matapang nitong nilabanan ang matatalim na titig ni Bella. Nagpakawala ng mahaba at nakakapagod na paghinga si Bella bago sumuko sa titigan nilang dalawa. Wala na siyang magagawa pa, kasalanan niya at walang ibang dapat sisihin kundi ang katigasan ng ulo ni Bella. Kung bakit ba naman nagtagal pa siya kanina. Dapat ay hindi nalang siya bumaba sa kabayo.

Nagsisising humalukipkip bago muling sinulyapan ang lalaking kaharap.

Mahahabang pilik ng mata't berdeng kulay nito. Isa siyang Montero!

X

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro