Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Three Bullets

Nakikinig sa sigaw ng bayan. Heto ako nakatayo at pinagmamasdan ang tila walang humpay na tawanan nila. Nakakatawa silang tingnan noh? parang mga Batang nagtatampisaw sa gitna ng Malakas na ulan.

Ngunit ano na lang kaya ang gagawin niya kapag ang mga kasama niya sa gitna ng ulan ay mawala isa isa, Makakaya pa Kaya niya magpakasaya at tumawa?. Samantala ang mga kasama niya ay pinaparusahan at naghihirap sa kamay ko.

"Wag tama na wala akong ginawang masama"tugon ko sa kaniya.

Naninikip na ang aking dibdib at hindi ko na alam kung makakaligtas pa ba ako dito. Hindi ko na kaya ang ginagawa niya sa amin.

"Pakawalan mo na sila wala silang kinalaman dito ako lang ang dapat na magbayad nito"

totoo naman talaga ako lang ang may kasalanan ng lahat ng ito bakit pati sila dinadamay niya? wala talaga siyang puso mas halimaw pa siya sa halimaw.

Nandito kami ngayon sa isang lumang ospital at sa tingin ko ay ito lang ang gusali sa lugar na ito. Gabi na sa labas kaya hindi ko na masyadong maaninag ang paligid at tanging mga huni lamang ng mga ibon ang naririnig ko. Dinala niya kami sa isang  liblib  na lugar na tiyak na walang  nakakaalam ng kinaroroonan namin.

Nandito kami ngayon sa loob ng lumang operating room isa isa niya kaming tinali sa iba't ibang parte ng kwarto. Nakatali  ang aking kamay sa isang tubo at namimilipit na ako sa sakit sa pagkakahigpit nito  samantala nakakadena naman ang aking mga paa sa malapit na lamesa na nakadikit sa pader. Sa pagkakatali niya sa amin ay ayaw niya talaga kaming pakawalan. 

Nakaset up kami na may baril sa ulo na konektado sa padlock kapag bumukas ang lock ay tiyak na sasabog ang aming mga ulo.

Habang may nakatutukot na baril sa akin hindi ko alam kung paano ako makakatakas dito. Pinagplanohan niya talaga ng maigi ang lahat ng ito

Kailangan kung  makagawa ng paraan para makaligtas. Sa aming Lahat ako lang ang hindi masiyadong napuruhan hindi ko alam bakit ganun naawa ba siya sa akin? Eh Pare parehas lang naman kami ano ang pinagkaiba ko sa kanila? Para ituring niya ako ng ganito

Naiiyak ako habang pinagmamasdan ko ang mga kasamahan ko na bugbog sarado at hinang hina na nakatali tulad ko kaparehas din nila may mga Baril din na nakakatutok sa kanila. Masyado niya talaga pinaghandaan ang pagkakataon na ito Pero hindi ko hahayaan na magtagumpay siya sa plano niya.

Habang busy siya na sinasaktan ang mga kasamahan ko Unti unti kung tinatanggal ang pagkakatali ng aking kamay. kailangan ko Mag ingat dahil sa isang mali galaw ko lang mamatay kaming lahat. Masyadong mahigipit ang pagkakabuhol ng tali niya  sa aking kamay kaya tumingin ako sa paligid at sakto nahagip ng mata ko ang basag na salamin na malapit lang sa akin.

"Halimaw ka!!! Ang tulad mo ang dapat mamatay"

Natatakot ako sa kung anong pwede niyang gawin sa kaniya.

"Tama na!! nagmamakaawa ako sayo"

habang lumuluha siya ngunit hindi ganun mapapansin ang luha niya dahil sa dugo na naghahalo dito. Naawa ako sa kaniya dahil nadamay lang naman siya dito.

Naabot ko na ang basag na salamin buti na lang hindi niya napansin dahil nakatalikod siya sa akin. Dahan dahan kung kinikiskis ang lubid sa matulis na bahagi ng salamin mahirap dahil hindi ko maigalaw ng maigi ang kamay ko.

Kunti na lang ay matatagal ko na dahil nararamdaman ko na lumuluwag na ang higpit sa aking kamay kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagkiskis

Patuloy ko lang ginagawa iyun at sinisigurado ko na malinis at walang makakaalam ng ginagawa ko  ngunit  may narinig ako na sigaw na ikinagulat naming lahat na nagdulot ng pagkahiwa ng kamay ko sa basag na salamin  tiniis ko lang ang sakit na aking nararamdaman. Dahil ang nasa isip ko lang ay kailangan namin makaligtas dito. Nakita ko ang mabagal na pag agos ng dugo na galing sa kamay ko kaya dahan dahan ako umurong para matakpan ko ito ng hindi niya mapansin

"Wag!!!! Tama na hindi ko na kaya" 

Hirap na hirap siya at anumang oras ay maari na siyang bawian ng buhay nararamdaman  ko na ang panghihina niya.

"Kumapit ka lang" bulong ko sa hangin para sa kaniya

Kahit ako ay nanghihina na din dahil sa uhaw at gutom na nararamdaman ko. Mahigit isang linggo na kami dito na nakakulong.

"Ano sa tingin mo titigilan kita  eh isa ka lang naman sa dahil kung bakit nawala ang pinaka iingat ingatan ko!!" mararamdman mo ang galit sa kaniya

Para siyang sinasapian ng demonyo sa aura niya. Nakakatakot at nakakakilabot hindi ko inasahan na may makikilala ako na katulad niya sa buong buhay ko.

Sa wakas ay natanggal ko na din ang aking tali ngunit napatingin ako sa kadena at nanghina ako ng maalala ko ang baril sa aming mga ulo

Ngunit hindi ako pinanghinaan ng loob dahil kailangan ko makatakas dito at maliligtas ko sila  Ngunit paano wala akong maisip na paraan. Kailangan ko magisip.

"Isip" 

"Isip"

"Isip"

"Isip"

Sigaw ko sa aking isipin. Habang nakayuko at nakalagay  pa din ang aking kamay sa likod para isipin niya na nakatali pa din ako Nang bigla may na kita akong hairpin sa sahig agad kung inabot iyun at sinubukan kung buksan ang Padlock sa kadena. Hindi ko alam kung paano ito pero may mga napanood ako na nakakabukas daw ito

Kailangan kung bilisan baka mahuli niya ako kunti na lang  pinasok ko ang pin at dahan dahan ko inikot ikot mabubuksan ko na. Kunting tusok pa at ikot pero bigla akong nakarinig ng yapak kaya kaagad ko tinago sa likod ko ang pin

"At ikaw akala mo makakaligtas ka porket hindi kita ginagalaw. Sisiguradohin ko na lahat kayo mamatay at walang matitira ni isa  sisiuradohin ko na ikaw ang magiging Star of The Night" sabay tawa niya ng malakas at bumalik na muli siya sa aking mga kasamahan

Sinamantala ko muli ang pagkakataon na iyun para buksan ang kandado. Kalikot dito Kalikot doon parang wala namang nangyayari. Bakit sa mga napapanood ko nabubuksan nila bakit iyung sa akin hindi nagana. Ngayon napatunayan ko na hindi lahat ng nasa pelikula totoo. Pero bigla akong nanigas ng biglang narinig ko ang tunog ng pag bukas ng kandado bigla bumilis ang tibok ng aking puso.

Ngunit nakita ko na natanggal talaga ang kandado at wala akong narinig na ingay na nanggagaling sa baril. Grabe ang saya na nararamdaman ko.

Ngayon kailangan ko na silang iligtas nanghihina akong tumayo papalit sa kaniya pero bago iyun ay kinuha ko muna ang baril na nakatutok sa akin kanina buti na lang at hindi iyun pumutok. Nagpatuloy na ako. Ang plano ko ay babarilin ko siya sa bandang binti upang hindi siya makalakad.

Malapit na ako sa kaniya unti na lang......

"Wag!!!!!!!!!!"


~SHAMELESS PLUG! ~
FOLLOW ME  ON TWITTER FOR MORE KALOKOHAN!
:https://twitter.com/JpegPixelated


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro