
Bullet 7
The views and opinions expressed by the author do not reflect any situation. Ano mang pagkakatulad nito ay hindi sinasadya at nag kataon lamang. This story is based on the imagination of the author
PLAGIARISM IS A CRIME
Pag pasensyahan niyo na kung may mga typo sa chapter na ito bangag na si author nang matapos ko ito.
Eco's POV
Kinabukasan ay maaga akong nagising para magprepare, dahil ngayon ang opening for campus journalism. Maaga akong aalis ngayon para hindi ako magmamadali mamaya. Dahil sabado ngayon, walang pasok ang mga kapatid ko kaya hindi ko na sila ginising. Iniwan ko na lang sila ng almusal para paggising nila ay may makain sila.
Pagdating ko sa school ay medyo madami-dami na ang mga tao dito. Hinanap ko ang mga kaibigan ko kung nandito din ba sila. Sabi kasi nila sa akin ay sasali din sila pero sa ibang category naman.
"ECO!!!" tiningnan ko kung sino ang tumawag sa akin.
"Sarah! Nandito ka na pala. Ang aga mo naman masyado."
"Syempre, ako pa? Hindi ka na nasanay?"
"Teka, nasaan sila Jeybi?"
"Wala, nasa bahay pa. Kakagising lang daw."
"Nako, ang babagal talaga magsikilos ng mga taong yun. Nahanap mo na ba kung saan room mo?" pag-iiba ko ng tanong.
"Ah oo, ngayon-ngayon lang din. Halika, samahan na kita hanapin natin yung room mo."
Dumaan muna kami sa registration para mag palista at kumuha ng name tag. As you all know, photojournalism ang sasalihan ko. Ever since ay ito na talaga ang hilig ko. Samantala si Sarah ay isang sportwriter naman. Nakakainggit nga siya dahil simula elementary pa lang ay journalist na siya. Ang pinaka-kinaiingitan ko sa kaniya ay lagi siyang napipili to compete outside the school. Ang malala pa ay lagi din siyang nanalo. Diba lupet niya.
Sinubukan kong i-try ang sportswriting, pero hiindi talaga para sa akin ang pagsusulat. Kaya naghanap ako ng category na magagamit ko ang hobby ko. At dito ako dinala ng aking mga paa.
"Eco, tara tignan natin sa listahan kung saan ang room mo."
Lumapit kami sa may bulletin board kung saan nakapaskil ang mga room at proctor na makakasama namin sa buong araw. Oo, buong araw ang contest na ito. Dahil magkakaroon din ng mga seminar tungkol sa sinalihan namin. Which is good dahil incase na mapili ka man ay alam mo na ang mangyayari kapag lumaban ka outside the school.
"Eco, sa Romulo Hallway ang room niyo. Sa building 4" sabi sa akin ni Sarah nang makita niya. "Medyo malayo-layo tayo."
"Bakit saan ba room niyo?"
"Sa may Quezon Hall, doon malapit sa library which is located sa building 1" ang layo nga dahil nasa magkabilang dulo iyon ng school.
"Wag mo na ako ihatid. Bumalik ka na sa room niyo baka mamaya ay mag-start na kayo."
"Hindi, ok lang. Mamaya-maya pa naman kami mag-iistart sabi ng protoctor namin."
"Ok."
Ngayon ay papunta na kami sa room na naka-assign para sa akin. Binilisan na lang namin ang lakad para makarating sa room. Minuto lang ang lumipas tsaka kami nakarating sa hall. Sumilip muna ako sa bintana kung madami na bang tao. Pero medyo nawala ang kaba ko nang makita ko na iilan-ilan pa lang naman at wala pa ang proctor namin. Hindi ko alam bakit kinakabhana pa din ako eh mahigit 3 years naman na akong journalist. Kaso hanggang school based nga lang. Hindi naman masakit yung diba?!
"Sige, balik na ako sa room ko. Good luck sayo, see you later!!" pagpapaalam sa akin ni Sarah.
"Sayo din, good luck!!"
Kumatok muna ako bago pumasok. Ang lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin pero binigyan ko lang sila ng blangkong mukha. Dumiretso ako sa pinaka likod para walang tumabi sa akin. Napansin ko na ang ibang estudyante dito ay mga nakalaban ko na din for the past year samantala ang iba ay mukhang mga bago lamang. Lumipas pa ang mga minuto ay pumasok na din ang proctor namin.
"Good morning, photojournalists! And welcome to our School-Based Press Conference Competition. So before we start, let seperate you into two groups."
"For the English category, please go in the right side. While the Filipino category, go to the left."
Sinunod namin ang utos ng proctor. Dahil nasa left side naman na ako na bahagi ay hindi na ako lumipat at nanatili na lang ako dito sa pwesto ko.
"So let's begin. This is a whole-day competition. This whole morning, we will have a seminar about photojournalism. I will talk about the techniques, the do's and don't's of being a photojournalist. Our competition starts in the afternoon. "
"We will choose two partcipants from each category who will represent our School in the DSPC or District School Press Conference. So good luck."
In-explain pa ng protoctor namin ang mga rules and regulations niya dito sa room habang nagkakaroon ng seminar. Hindi na ako masyadong nakinig dahil familiar na ako sa iba.
"So, is there anyone who can tell me about photojournalism?" pagtatanong niya sa klase pero walang nagtangkang sumagot.
"Photojournalism is a kind of journalism that uses photos to tell us a news story. Photojournalists captures pictures that contribute to the news, media, and help communities to connect with one another."
"Sa Photojournalism may dalawang uri: the photo and the caption."
"Let's begin in the photos. Ito ang pinaka importante dahil 70% of your score are based on the picture, while the 30% is about captioning.
"In taking photos, ofcourse you must have a camera. Hindi mo matatawag ang isang photojournalist kung wala itong sariling kamera."
"Pagdating naman sa kamera, syempre meron din tayong characteristics nito. Dahil pagdating sa proper contest ay chinecheck ang mga kamera niyo. Tinitingnan kung ilan ang megapixels. Ang required na megapixels ng isang kamera ay dapat nasa 16 megapixels up to 21 megapixels."
"Ang gamit niyo lang dapat ay digital camera. Dahil dinidisqualified namin ang gagamit ng DSLR. Kaya kung ayun ang dala niyo ngayon, pwede na kayong lumabas." masyado namang strikto ito.
Nakita ko ang iba kung mga kasama na medyo nagulat sa sinabi ng proctor namin kaya bigla nilang tinago ang mga dala nilang DSLR na camera. Napailing na lang ako.
"Dahil hindi namin tinotolarate ang mga journalist na hindi marunong sumunod at ayaw namin sa mga mandurogas."
"Pagdating naman sa pagkuha ng litrato ay may mga rules and regulations din tayo."
"First, dapat tao ang kinukuhaan niyo dahil malaki ang impact nito sa mga judges. Hindi matatawag na news yan kapag walang tao na makikita sa larawan. Dahil sila ang magiging subject ng picture mo."
"Iwasan kumuha ng mga inanimate things tulad ng mga dahon, bulaklak etc. Dahil ito ang magiging dahilan ng pagkatalo niyo. Pagkukuha kayo sa crowded place, maximum person lang na makikita sa picture niyo ay 2 to 3. Dahil kapag masyadong mdaming tao, mahirap na maidentify ang tinutukoy mo"
"Second is, know your purpose. Always ask yourself, 'why am I taking these photos?' Isa ito sa mga secret ng photojournalist, kapag hindi mo alam ang ginagawa mo ay nagrereflect ito sa kakalabasan ng kuha mo."
"Third, always capture the emotions dahil isa ito sa magpapaangat ng picture niyo. Isa din ito sa mga tinitignan ng mga judges kapag nag-compete kayo outside the school"
"Kailangan mo ding maging creative. Dahil isa ito sa magpapaganda ng mga photos mo, ang creativity. Iwasan niyo din kumuha ng mga scripted dahil madali ito malalaman sa photos mo. Mas better kung mga candid shot ang mga kuha niyo para hindi maakward yung subject mo"
"Fourth, is know the rule of thirds. Ito ang tutulong sa inyo para mabalance niyo ang mga object sa picture niyo."
"And last, is know your camera. This is also one of the important things. Kailangan mong kabisadohin ang mga parts nito. Tulad na lang kung paano iaadjust ang exposure."
"Bago natin ituloy ito ay I will give you 10 minutes breaktime" rinig kong sabi ni Sir.
Tumayo na ang iba kong mga kasamahan. Kita ko ang pangangalay sa kanila. Dahil ang iba ay nag-uunat.
Lumabas ako ng room para makalanghap ako ng hangin. Medyo naboboring ako sa discussion. Actually ayaw ko nga umattend ng seminar eh kaso hindi ka makakasali kapag hindi ka dumaan sa seminar. Kaya no-choice ako.
Nandito ako ngayon sa may corridor, pinapanood ko ang mga estudyante na naglalakad sa field. Habang nandito ako ay nagiisip na ako ng mga possibility na mga pwede ko kuhan at ano ang magiging topic.
Habang nagiisip-isip ako may nahagip ang mata ko. Nakita ko si Cae. Nandito din pala siya. Ano kaya sinalihan niya? Balak ko sana siya lapitan pero hindi ko na tinuloy. Kailangan ko muna magconcentrate ngayon. Tsaka na pag tapos na ito. Tingnan ko ang kaniyang paa. Medyo nakakalakad na siya, mukhang magaling na.
Natapos na ang 10 minutes na binigay sa amin ni Sir kaya pumasok na ako at dumiretso na ulit sa upuan ko.
"Let's continue our discussion." pagsisimula niya na ulit.
Gumagamit siya ng powerpoint para ipakita sa amin ang mga ilang samples na photos. Napansin ko ay ito ang mga last year photos na sinumbit namin nung contest din dito sa school.
"Pag-usapan naman natin ang katangian ng isang Photojournalist. Tulad ng sinabi ko kanina, kayo ay isang Photojournalist, ang pinakapagod tuwing darating ang presscon dahil ang laban niyo nasa labas ng classroom na ito."
"Sa gitna ng tirik na araw at sa mausok, madumi at madaming tao, doon kayo nabibilang."
"Isa sa dapat niyong malaman na ang isang Photojournalist ay handang gawin ang lahat makuha lang ang magandang angulo. Kung kailangan mong dumapa, lumabitin, tumakbo ay gagawin mo para lamang sa isang larawan. Kaya minsan ang tawag sa atin ay 'do-or-die journalists'"
"Syempre, pagdating naman sa kasuotan, you must always wear comfortable clothes, para pag pinagshoot kayo ay hindi kayo mahirapan sa mga suot niyo. Always wear black or dark colored clothting para incase na gumapang man kayo, mabuhosan man kayo ng kung anu-ano, ay hindi mahahalata."
"Kanina ay napag-usapan natin ang about sa photos, ngayon ay pupunta naman tayo sa captioning."
"Bakit nga ba kailangan pa ng caption, eh kung kaya naman na ng picture na magsabi ng balita? Dahil ang caption, is the supporting detail of photos"
"Ano nga ba ang nilalaman ng caption? Ang caption ay merong headline. This is the summary of the whole caption: in captioning you must always start with a verb and start with the present tense. Dahil hindi natin alam kung kailan ito mababasa ng mga tao kaya kahit na nakalipas na ito, kailangan ay parang ngayong araw pa din ito nangyari."
"Always use 4w's and 1 h's. Dapat, pag nagsulat kayo ng caption makikita ang what,where,when,why and how. The caption must consist of 3 to 4 sentences."
"Dahil tulad nga ng sinabi ko ay let the picture tell the story. And minsan isa din sa kailang mong gawin bilang Photojournalist ay dapat makapal ang mukha mo. Dahil minsan kailangan mong interviehin ang subject mo para ilagay sa caption mo."
Tuloy-tuloy lang si sir sa pagdidiscuss. Habang patagal nang patagal ay mas lalo akong naboboring.
"Ahm, excuse me Mr. Eco? Why are you yawning? Nakakaantok ba itong discussion ko?" biglang saway niya sa akin. Akala ko naman mabait ito, hindi naman pala. Sa umpisa lang.
"Tsk."
"Alam ko na po kasi yang mga tinuturo niyo. Wala na bang bago? Every year pare-parehas lang yung tinuturo niyo." pang-paprangka ko sa kaniya.
"How dare you to talk to me like that?" biglang nag-iba ang reaksyon ng kaniyang mukha.
"I'm just telling the truth, Sir. Why? Is there something wrong? I just want to say that being a journalist, your news must be contain truth and efficient details. Because once you spread fake news, don't you ever, call yourself as a journalist." pagdagdag ko sa kaniyang tinuturo.
Sakto ay tumunog na ang bell na ibig sabihin ay tapos na ang seminar. Kaya kinuha ko na ang bag ko at dumiretso na ako lumabas ng classroom pero bago yun.
"See you later, Sir." pang-aasar ko sa kaniya.
"Tss" natawa na lang ako sa naging reaction niya.
Paglabas ko ay pinuntahan ko na ang room ni Sarah. Habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako ng tao. Ano na naman bang meron sa akin?
"Rinig mo na ba ang usapan sa nangyari kagabi?"
"Ah oo nga, sila na daw nila Cae."
"May nakakita daw sa kanila sa second floor na magkayakap at parang may ginagawang malaswa."
Here we go again, dealing with fake news. They are not good to me. It's nonsense. Sumali pa sila dito sa journalism kung magkakalat lang naman sila ng mga fake news. Haist, what a toxic world.
Pagdating ko sa room nila Sarah ay nakasarado pa ito. Mukhang hindi pa sila tapos. Hindi ko din alam kay Sarah eh. Parang mas madami pa nga ata siyang alam kaysa sa proctor niya eh. Pero umaattend pa din siya sa seminar. Which sa tingin ko ay napipilitan lang din siya dahil tulad ko, wala din siyang choice eh.
"Oh, Ano? Tapos na kayo?" biglang lumabas si Sarah sa room nila.
"Oo eh, at sasabihin ko sayo, na sobrang boring!" see, sabi sa inyo.
"Kamusta naman ang training mo?" tanong ko sa kaniya.
"Syempre yun pa din naman tinuturo nila and nakakainis kasi mali-mali yung tinuturo ng proctor namin kaya ang seminar namin nauwi sa sagutan."
"Tara na."
Hinanap na lang namin ang mga room nila. Masyadong magkakalayo ang mga room na naka-assign sa mga kaibigan ko kaya pagod na pagod kami ni Sarah kakahanap sa kanila. Tapos sabayan mo pa ng sobrang madaming tao at ang ibang daanan ay siksikan.
"Oh, kumusta ang training mga tropapits?" energetic na naman itong si Jeybi.
"Ok lang."
"Nako, mukhang stress na stress kayo ha! Tara, kumain na lang tayo." yaya sa amin ni Richi.
"Sus, umandar na naman ang pagiging patay-gutom mo eh." asar ni Gueneth kay Richi.
"Tse! Manahimik ka nga diyan, flat!" balik na asar ni Richi kay Gueneth.
Habang papunta kami sa cafeteria ay nabuo ng asaran at pikon. Na muntik ng umabot sa pag-aaway.
"Tsk" magagaling mang-asar, mga pikon naman.
"Masyadong madaming tao dito kaya mukhang wala nang upuan." sabi ni Milanie sa amin.
"Tara, doon na lang tayo sa garden para mahangin." pagyaya ni Sarah.
"Timang ka ba? Baka gusto mo maglinis ng school ng isang buwan? Kita mong bawal kumain doon eh." pagsaway ko sa kaniya.
"Tara, doon na lang tayo sa mini playground. For sure walang tao doon." naalala ko bigla ang nangyari doon.
"Eh! Ayaw ko doon. Masyadong malayo, lalo akong magugutom." reklamo ni Richi.
"Eh di wag. Wala naman pumipilit sayo. Diyan ka kumain mag-isa" biglang nagalit si Guenenth. Hay naku, ang mga babae nga naman.
"Ito na nga eh, hindi mabiro. Tara na! Ano pang hinhintay niyo diyan?" napailing na lang ako.
Nandito na kami ngayon sa mini playground at tama nga sila, walang katao-tao dito. Dahil sa sobrang layo, wala nang masyadong dumadayo dito. Maliban na lang kapag may kailangan kang gawin dito. Dito kasi naka locate ang science and computer laboratory. At mga lumang classroom.
"Teka nga, nasaan si Claudette?" tanong ko.
"Hindi pumunta. Tinatamad daw siya." sagot ni Milanie sa akin.
Kahit kailan talaga sobrang tamad nung tababoy na yun. Kaya nagkakasakit eh. Hindi marunong gumalaw-galaw.
"Nako, hindi ka pa nasanay. For sure nanonood na naman yun ng Taylor Swift." panglalait ni Jeybi.
"Kamusta seminar niyo guys?" tanong ni Sarah.
Hanggang matapos ang lunch ay yun ang pinag-uusapan nila. Reklamo dito, reklamo doon. Ratatatat- boom! Parang may giyera. Mga may pinaglalaban. Haist kaya hindi naunlad yung school na ito eh, napakadaming kulang. Sa sobrang yaman ng school na ito nakakalimutan na nila bigyan ng pansin ang mga maliliit na mga bagay.
"Tara na guys, balik na tayo doon. Malapit na mag-start ang contest. Bawal pa naman ma-late, disqualified agad." pagpapaalala sa amin ni Sarah.
Oo nga pala, lalo na ako, bawal ako malate. Pagkatapos ko pa naman awayin yung proctor namin, for sure galit yun sa akin. Sana lang hindi niya ako bawian sa performance ko, kasi kung mangyare man yun, sinasabi ko talaga sa kaniya, isusumpa niya na nakilala niya pa ako.
Tatayo na ako sana pero bigla akong napatumba. Tingnan ko kung bakit nakatali pala ang strap ng bag ko dito sa poste na malapit sa inupuan namin. Nakita ko na tumakbo na sila paalis sa akin.
"Good luck Eco babyeee!!!!" sabay-sabay nilang sigaw tsaka umalis na.
Mga hayop talaga yun! Kaya pala gusto nila dito kumain. Dahil may plano pala sila sa akin. Kaagad ko tinanggal sa balikat ko ang bag ko at mabilis ko na tinggal ang tali. Medyo mahirap dahil dinugtongan nila ng mga tali para humaba. Mga baliw talaga sila.
Kumuha ako ng gunting sa bag ko. At isa-isa ko ginupit ang mga tali para mapabilis ang pagtatanggal. Hindi din nagtagal ay kaagad ko ring natanggal ito. Tumingin ako sa relo ko para malaman kung anong oras na.
"Tsk. 10 minutes na lang, mag-iistart na ang contest."
Mabilis akong tumakbo pabalik sa room ko. Hindi kakayanin ng sampung minuto para makarating ako doon. Kaya mas lalo ko pang binilisan, kahit na medyo pagod na ako ay hindi pa din ako tumigil.
Nakarating din ako sa wakas sa room. Kaagad ako pumasok dito. Salamat na lang ay wala pa si sir kaya dumiretso na ulit ako sa upuan ko. Hingal na hingal at pawis na pawis. Maya-maya ay pumasok na si sir.
"Welcome back, photojournalist! I would like to remind you that this is the main contest."
"Ang topic niyo for this event is: Outside the campus."
Medyo malawak ang binigay niyang topic pero medyo nasiyahan ako nang may mga naisip na ako na ideas na kukuhanan ko.
"I will give you 1 hour to shoot outside the school and 30 minutes for captioning. Submit me 3 photos with captions."
"GOOD LUCK TO ALL OF YOU!" kita ko na sa akin siya tumingin na parang pinagbabantaan niya ako.
Ang lahat ng kasama ko ay lumabas na kaya sumunod na din ako. Naisipan ko na magpalit muna ng damit dahil pawis na pawis ako galing sa pagtakbo kanina. Kaya dumaan muna ako sa CR. Mabilis lang ang pagkilos ko dahil ayoko magsayang ng oras.
Nandito na ako sa labas at nakikita ko ang mga kalaban ko na nagsisimula na sa pagkuha ng litrato. Ang iba ay nakikita ko na pinipicturan ang mga tumatawid. Ang iba naman ay kinukuhaan naman ang mga sumasakay ng sasakyan, mga bumibili sa tindahan.
Medyo lumayo layo ako sa school para humanap ng subject na pwede ko kuhaan. Isa sa magpapanalo sayo na technique ay dapat unique ang mga litrato mo at walang katulad. Dahil kapag nakita ng judge na pare-parehas lang kayo ng kuha, iisipin nila na hindi mo nilagyan ng effort.
Umikot ako sa likod ng school kung saan ko nakita ang pasok sa tema na binigay niya. Nilabas ko na ang aking kamera at nagsimula na akong kumuha ng mga litrato. Pasimple lang ako kumuha dahil baka sitahin ako ng mga tao.
Isa din sa dapat iwasan ay mahalata ka ng kinukuha mo. Dahil pag nalaman nila ay pwede silang maakwardan na magrereflect sa picture. Dinamihan ko ang pagkuha ko para marami akong choices.
Mahigit 30 minutes na ang lumipas. Tingnan ko ang mga kuha ko. Maayos naman sila pero hindi pa din ako nasasatisfied kaya kumuha pa ako ng marami pa. 10 minuto na lang ang natitira kaya bumalik na ako sa school para mapilian ko na ang mga picture.
"Oh, nandito na pala si Mr. Truth." salubong sa akin ni Sir.
Pero hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na ako sa pag-upo. Sinimulan ko na ang pagpili ko. Tiningnan ko muna ang lahat ng litrato at isa isa ko denelete ang sa tingin ko ay hindi maganda.
"Mukhang wala kang mapili, Mr. Eco." pang-aasar ni Sir sa akin.
"Sir, please mind your own bussiness." tsaka ko siya binigyan ng blangkong mukha.
"Ok, goodluck na lang sayo. Tignan na lang natin ang yabang mo. Sisiguraduhin ko na hindi ka mapipili." pananakot sa akin ni Sir as if naman natakot ako sa kaniya. Bumalik na lang ako sa ginawa ko.
Pag-alis niya ay bumalik na ulit ako sa pagpili. Medyo nawala ako sa pagcoconcentrate dahil sa panggugulo ng proctor na yun.
"Ok tapos na ang 1 hour niyo. I'll give you 30 minutes to caption your photos. You may now begin."
Medyo nataranta ako ng unti dahil hindi pa ako nakakapili ng top 3 best photos ko.
"Ok, last 20 minutes."
Sa wakas ay nakapili na ako ng tatlo kung photos na sisiguradohin ko na sure-win ako dito. Nagsimula na akong magsulat ng caption.Kinuha ko ang bond paper na binigay sa amin at binuksan ko ang bag ko para kumuha ng ballpen.
Ang unang picture na napili ko ay isang bata na pulubi habang kumain ng tinapay. Ang pangalawa naman ay isang matanda na nagtitinda ng prutas sa bangketa at ang last ay picture na mga batang masayang naglalaro sa kalsada.
Nahirapan ako kunin ang last photo dahil gumagalaw sila. Pero nairaos ko naman dahil nakuha ko din ang perfect angle para maganda ang kalabasan sa picture.
Habang pabalik ako dito ay may mga hindi ka talaga inaasahan na mangyayari tulad na lang ng bigla akong ipahabol sa aso ng isang kuya habang kinukuhaan ko siya. Meron naman ay yung sigang lalake na muntik na akong masuntok pero nakaalis din ako bigla.
Nagsimula na akong magsulat ng headline. Kaso walang pumapasok sa utak ko. Naiinis ako sa sarili ko pero pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko.
"Last 10 minutes." sigaw niya sa loob ng room.
Ngayon ay medyo pressured na ako pero pinilit ko magconcetrate. Mabilis kong sinulat sa malinis na papel ang mga words na pumapasok sa utak ko.
"Last 5 minutes."
May dalawa pa akong picture na kailangan pa lagyan. Tumingin-tingin ako sa paligid para humanap ng inspiration.
"Last 1 minute."
Tumutulo na ang pawis ko at nagpapawis na ang palad ko kahit na naka aircon kami. Dahil sa kaba na nararamdaman ko Isang picture na lang ang kailangan ko para matapos na ako.
"Last 30 seconds."
Tumingin ako sa labas ng bintana para kumuha ng idea. Nakikita ko ang mga ibon na lumilipad at ang unti-unting pag baba ng araw.
"10,"
"9,"
"8,"
"7,"
"6,"
Wait lang! Nanginginig na ang aking kamay kaya hinawakan ko ito para kumalma.
"5,"
"4,"
"3,"
Bigla akong nataranta ng biglang mawalan ng tinta ang ballpen ko kaya kinuha ko ang bag ko at naghanap ng ballpen na extra.
"2,"
"1!"
Buti ay may extra pa ako na ballpen kaya kinuha ko na ito at hindi na ako nagsayang ng segundo . mabilis ko sinulat ang mga huling salita para mabuo ko ang caption ko.
"Ok! Time's up! Submit your photos one by one with your paper."
Nakahinga ako nang maluwag nang nairaos ako ang pinaka mahirap na part ng contest. Isa-isa na niya kami tinawag para ipasa ang mga photos namin.
"Mr. Eco Lizarondo?" tawag niya sa akin.
Tumayo na ako habang dala-dala ko ang SD card ng kamera ko at ang isang piraso na papel na naglalaman ng caption ko. Kinopy niya ang mga photos ko. Pag tapos nun ay kinuha na niya ang papel ko at tumawag na ulit ng kasunod ko. Tinignan niya lang ako sa mata na parang sinasabi niya na hindi ako mananalo.
"Job well done to all of you. We will post the result on Monday, so just stand by. That all for today. See you on the next round and congrats to all of you." masayang bati niya sa amin.
Lumabas na ako ng kwarto. Hanggang ngayon ay kabado pa din ako dahil hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa dalawang araw na lilipas. Hindi ko na nareview pa ang mga sinulat ko doon dahil ubos na ang oras. Hinayaan ko na lang iyon at aabangan ko na lang ang resulta sa Monday.
Ngayon ang tangi ko na lang gagawin ay uuwi at magpapahinga buong araw bukas. Dahil sobrang pagod ako ngayon.
Cae's POV
Uwian na namin. Nandito pa sa room ang grupo nila Eco. At naalala ko na mga officer din pala sila. Kaya naisipan ko na sumabay sa kanila. Dahil medyo mag gagabi na din, nakakatakot maglakad sa hallway ng ganitong oras.
May mga naririnig ako sabi nila ay may nagpapakita daw na multo sa second floor. Eh nandoon pa naman ang faculty. Pumayag naman sila kaya nakarelax na ako medyo. At least, may kasama na ako.
Nagtaka ako sa mga kaibigan ni Eco. Bakit sila bigla nagsialisan? Naiwan tuloy kami ni Eco. Medyo akward. Walang nagsasalita sa amin. Gusto ko siyang kausapin para malibang naman ako, dahil natatakot ako ngayon. Pababa na kami ng hagdan and medyo madilim dito kaya hindi ko makita ang dinadaanan namin.
Bigla akong na-out-of-balance. Kaya ayun natapilok ako dahil mukhang napasobra ang paghakbang ko. Mukhang nabali ata ang paa ko. Omygash! Paano ako maglalakad nito? Ayoko ko naman magpabuhat kay Eco noh! No way! Over my dead body!
Sinubukan kong tumayo pero masakit ang paa ko. Wala na akong choice nang bigla akong alalayan ni Eco. Kinuha niya ang bag ko at inilagay niya ang kamay ko sa balikat niya samantala ang isa niyang kamay ay nakahawak sa bewang ko para alalayan ako.
Medyo nakaramdam ako ng kiliti pero hindi ko pinahalata iyon. Mamaya sabihin niya maharot ako.Habang naglalakad kami ay na aamoy ko ang pabango niya na sobrang bango. Hindi siya masyadong matapang kaya masarap siyang singhut-singhutin. Bago kami dumaan sa faculty ay dinaan niya muna ako sa clinic para ipagamot ang namamaga kung paa.
Pumasok na ang nurse dala-dala ang mga bandage. Nilagyan niya muna ito ng yelo para medyo mawala ang pamamaga nito.
"Ouch!" reklamo ko nang bigla niyang nilagay sa ibabaw ng paa ko ang sobrang lamig na yelo.
Pag katapos, ay nilagay niya na din ang bandage. Dahan-dahan niya nilalagay ito sa paa ako pero bigla niyang hinigpitan.
"Ouch! Dahan-dahan naman oh?! Kita mong masakit diba?"
"Ay sorry, hindi ko sinasadya." medyo sarcastic niyang sabi.
"Aray naman! Pangalawa na yan ha? Gusto mo ba matanggal sa trabaho?" pagtatakot ko sa kaniya.
"Anong meron senyo ng bebe Eco ko?" tanong niya sa akin.
"What did you say? Bebe mo? Yuck! It's disgusting."
"Sabihin mo, anong meron senyo?"
"Ano ba? Walang kami!" sabi ko sa kaniya pero bigla niya ulit hinigpitan "Dahan nga sa paglagay! Masakit kasi diba?"
"Anong wala? Eh bakit ka niya buhat-buhat at ang sweet-sweet niyo pa sa isa't isa? Nagseselos ako."
"Hello girl! Wake up. Tinulungan niya lang ako. Kita mo naman diba sitwasyon ko?" pagpapranka ko sa kaniya.
"Siguraduhin mo lang, dahil walang pwedeng mag may-ari sa bebe Eco ko, kundi ako." tapos lalong hinigpitan ang pagtali na nagdulot sa akin ng sobrang sakit.
"Ouccchh!!!!!!!!!!!" sigaw ko.
Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Eco na parang takot na takot.
"Anong nangyari? Ok ka lang ba cae?" tanong sa akin ni Eco.
"Oo, ok lang siya, bebe- este Eco. Medyo malala lang kasi yung bali niya" pagpapcute ng nurse na ito.
Yuck! Nandidiri ako sa kaniya. Sa dami-dami pa naman na pwedeng magkagusto ka Eco, itong pangit na nurse pa? Sabagay, mukhang mababa lang naman ang standards ng nurse na ito. Hindi na nakakapagtaka.
Inalalayan na ulit ako ni Eco palabas ng clinic at kita ko ang tingin ng nurse sa akin na parang gusto na niya akong tagain ng itak sa ulo. Pero tinarayan ko na lang siya. I'm just wasting my time for nonsense. Medyo malapit lang ang clinic sa faculty kaya mabilis lang din kami nakadating.
Pag pasok ko, kita ko ang mga reaction ng mukha ng mga kaklase ko. Para silang nakakita ng multo, kaya tumingin ako sa paligid. Mamaya meron nga silang nakikita delikado na.
Natapos ang meeting namin nang maayos pero hindi pa doon natatapos dahil itutuloy pa namin ito sa Monday dahil gabi na din.
Umalis na ang lahat pati ang teacher namin kaya kami na lang ulit ni Eco ang magkasama dito. Kinuha ko na ang cellphone ko para I-text ang driver ko na sunduin ako dito sa faculty. Hindi na ako magpapatulong kay Eco. Ayaw ko magka utang na loob sa kaniya. Mamaya humingi pa ng kapalit eh. Nakakatakot na. Hindi natin masasabi ang pwedeng mangyari.
"Sige na, ok na ako dito. Mauna ka na."
"Sana wag kang pumayag."
"Hindi, malapit naman na yung driver ko kaya o-k lang talaga ko."
"Hindi ako ok please wag mo ko iwan."
Nagpaalam sa akin si Eco na may pupuntahan daw siya saglit. Kaya naiwan ako dito sa table. Masyadong malaki ang faculty, ang ibang bahagi nito ay patay na ang ilaw kaya nakakatakot. Meron kasi akong phobia sa dilim-- nyctophobia.
Hindi ko kayang magtagal sa isang madilim na lugar. Dahil pwede ako mamatay sa sobrang takot. Ilang minuto na ang lumipas, nanginginig na ang mga kamay at tuhod ko. Grabe din ang kabog ng dibdib ko para akong hindi makahinga.
Buti na lang ay dumating din si Eco kaya nawala ang kaba ko. Tulad ng sinabi niya sa akin ay hindi niya nga ako iniwan dahil sinamahan niya ako palabas.
Nasa hallway kami at grabe ang kalabog ng puso ko nang wala akong liwanag na makita. Parang kabayo na walang humapay sa pag takbo ang tibok ng puso ko ngayon. Nagsimula na kaming humakbang at ilang hakbang pa lang ang ginagawa namin ay bigla nanikip ang dibdib ko.
Tinatanong ako ni Eco pero hindi ko siya masagot dahil para akong naninigas sa kinakatayuan ko. Ilang segundo pa ang lumipas ay hindi ko na pigilan na yakapin siya.
Sa pagyakap ko sa kaniya ay iba ang naramdaman ko. Ramdam ko ang tibok ng puso niya na sobrang bilis din. At parang may kuryente na dumaloy sa akin katawan na galing sa kaniya. Dahil doon ay medyo kumalma ang sarili ko.
Sinunod ko ang sinabi sa akin ni eco na ipinikit ko ang aking mga mata. Sinabi niya sa akin ang direksyon hanggang sa hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa baba. Dahan-dahan niya ako sinakay sa loob ng kotse.
Nakaalis na ang kotse tsaka lang ako nakabalik ng maayos sa katinuan ko. Nakalimutan ko magpasalamat sa kaniya at nakakahiya yun.
Pag-uwi ko sa bahay ay nakita ako nila yaya kaya inalalayan nila ako paakyat.
"Ate MJ, may tanong ako."
"Ano 'yun?"
"May friend kasi ako, gusto niya bigyan ng thank you gift yung friend niya na tumulong sa kaniya. Ano kaya pwede ibigay?" pagtatakip ko sa sarili ko.
"Sabihin mo sa friend mo na ang gift na dapat ibigay niya ay galing sa puso. Yung binigyan ng effort. Mas maappriciate kasi ng taong pagbibigyan mo kapag ganun" suggestion ni ate MJ.
Bigla akong napaisip kung anong pwede kong ibigay sa kaniya. Hindi ko naman alam kung anong gusto niya eh. Hindi ko na muna inisip yun at nagpahinga na lang muna ako. Ipapahinga ko na din itong namamaga kong paa para bukas ay magaling na siya. Kailangan ko makasali bukas sa contest, sayang din yung opportunity. Humiga na ako at sinimula ko ng ipikit ang mga mata ko. Masyadong nakakapagod ang araw na ito.
~SHAMELESS PLUG! ~
FOLLOW ME ON TWITTER FOR MORE KALOKOHAN!
:https://twitter.com/JpegPixelated
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro