Bullet 6
The views and opinions expressed by the author do not reflect any situation. Ano mang pagkakatulad nito ay hindi sinasadya at nag kataon lamang. This story is based on the imagination of the author
PLAGIARISM IS A CRIME
Pag pasensyahan niyo na kung may mga typo sa chapter na ito bangag na si author nang matapos ko ito.
C
ae's POV
Uwian na naman. Palabas na ako ng school ng mahagip ko si Eco kaya nilapitan ko siya. Inalok ko siya na sumabay sa akin pero tinanggihan na naman niya ako. Ano ba meron dito sa lalake na toh? Ikaw na nga nagmamagandang loob eh. Mukha bang akong kidnapper? Hello? Sa ganda kong toh? Kidnapper? No! No! No! Ang ganda ko namang kidnapper kung ganun.
Pero hindi ko din alam sa sarili ko bakit ganito ako. Ano bang nakain ko at nang-aaya na lang ako ng ganito sa sasakyan ko? Ang malala pa ay hindi ko naman siya kilala at kaaway ko pa. Dahil kaya sa kaniya napahiya ako. Akala niya ba nakalimutan ko na yun? Pwes, hahanap ako ng paraan para makaganti sa kaniya, madungisan man ang pangalan ko.
Bigla na siyang umalis. Napakabastos talaga nito. Next time nga, hindi ko na siya aayain pa. Sumakay na ako sa sasakyan nang dumating iyon. Habang pinagmamasdan ko ang paligid sa hindi kalayuan ay nakita ko si Eco. Pasakay siya ng jeep. Saan naman kaya siya pupunta?
Hindi ko na siya pinasin pa, bahala siya sa buhay niya. Bumilis na ang takbo ng sasakyan kaya tinuon ko na lang ang sarili ko sa cellphone ko. Nakakainis naman kahit sa cellphone, hindi pa din ako nilubayan ni Eco. Ano ba ito!. Nakikita ko ang mga post ng mga kaibigan ni Eco.
"HAHAHHAHAAHAHA!" malakas na halakhak ko.
"Mam, ok lang po ba kayo?"
"Ahh, o-op-o ku-kuya HAHAHAHAH!"
Natawa ako nang makita ko ang mga epic face ni Eco. Mga litraro niya habang tulog. Sa sobrang tawa ko ay sobrang sakit na ng tiyan ko at hindi na ako makahinga. Tawa ko ng tawa hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa bahay.
"Mam, dito na po tayo."
"Ay, nandito po pala tayo. Sige po."
Hanggang makapasok ako ng bahay ay hindi ko pa din mapigilan ang sarili kosa kakatawa habang nakatingin sa cellphone ko.
"Nandito ka na pala Cae." salubong sa akin ni Aling Fe.
"Hi Manang!"
"Dumiretso ka na sa kusina at kumain ka na."
"Sige po, Manang."
Umakyat muna ako sa kwarto ko, tsaka ko nilapag ang mga gamit ko at nagpalit ng damit. Pagtapos ay bumaba na din ako para kumain. Nagulat ako nang makita ko ang parents ko na nakaupo doon.
"Oh, yan ka na pala Cae. Halika na, kumain na tayo."
Umupo ako sa kabilang upuan kung saan katapat ko si mommy.
"Anak, kamusta ka naman lately?" tanong ni mom.
"Ok lang naman po ako. Medyo busy lang."
"Eh ang school mo naman? Kamusta?" pagtatanong naman ni dad.
"Medyo madami din po kaming ginagawa sa school."
"Kwentuhan mo naman kami." sabi ni dad.
"Sige po."
Medyo masaya ako ngayon dahil nakasabay ko muli kumain ang parents ko. Naalala ko ang huli naming kain ng sabay ay nung mga nakaraang buwan. Medyo naninibago din ako. Ok na ba sila ni mom? Gusto ko sana itanong yun pero hindi ko na sinubukan baka mamaya ay hindi pa maganda ang kakalabasan.
"Anak, paabot naman ng kanin." pagsuyo ni mom.
"Ito po." pag-abot ko sa kaniya ng bowl na puno ng kanin.
"Guess what mom?" pagsisimula ko.
"Ano yun anak?"
"Na-elect po ako as muse sa classroom namin."
"Wow!! Congrats hija, you deserve it." tuwang-tuwa si mom.
"And sabi din po ng teacher namin na kami po ng escort ang magrerepresent ng section namin everytime na may mga pageant na event sa school"
"That's nice. Don't worry Cae, kami na bahala diyan, basta sabihan mo lang kami." response ni dad.
"By the way anak, anong pangalan ng partner mo?" tanong ni dad.
"Eco po dad" sagot ko sa kanila.
"Wow, pangalan pa lang mukhang may dting na. Invite mo naman siya dito one day para makilala namin." nagulat ako sa sinabi ni mommy.
"Wait mom, seryoso kayo?"
"Of course anak, mukha ba akong nagjojoke? Bakit? May problema ba?"
"Wala naman po. Nagulat lang ako."
Kwinento ko din sa kanila ang tungkol kay Eco nung first day. Nakita ko na medyo nainis sila.
"Anak bakit ngayon mo lang sinabi ito?" tanong ni dad.
"Kasi ngayon lang naman po kayo nagtanong." gusto ko sana yang sabihin sa kanila pero hindi ko na lang tinuloy.
"Cae, dapat ang mga ganyan ay sinasabi mo agad sa amin. Pinahiya ka niya sa madaming tao." kita ko na medyo nainis si mom.
"Bukas na bukas, pupunta ako sa school para kausapin yang Eco na yan." nagulat ako kay mom.
"Mom!! Wag na, nakakahiya. Tsaka ok naman na kami. Naayos ko na, actually. Friends na kami" pagsisinungaling ko.
"Then that's good. Basta pag may ginawa ulit siya sayo, sabihin mo agad ha? Nang maturuan natin ng leksyon."
"Yes mom."
Natapos na kami mag dinner kaya umakyat na ako sa kwarto ko para gawin ang mga homeworks na ibinigay sa amin. Habang ginagawa ko ay medyo hindi ako makapag-concentrate dahil naalala ko ang epic pictures ni Eco. Kinuha ko ulit ang phone ko tsaka ako pumunta sa gallery ko. Yes, sinave ko siya. Hindi ko alam bakit ko ginawa yun, pero basta nakasave na siya sa cellphone ko. Wala naman meaning ito eh. Pampa-good vibes lang.
"HAHAHAHAHAHAHAHHHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHHAHAAHAHAAHHAHAHAAHHAHHAHAAH!"
Napatigil ako sa paghalakhak nang biglang may kumatok sa pinto at bumakas ito. Nakita ko na pumasok si ate MJ na may dalang baso ng gatas para sa akin.
"Mukhang masaya ka ata ngayon Cae? Rinig na rinig ko ang tawa mo sa labas eh. Anong meron?"
"Ahh ate, wala. Natatawa lang ako."
"Ano ba yan? Patingin nga ako." tsaka ko pinakita sa kaniya ang picture.
"HAHAHA Sino naman iyan Cae? At bakit nasa cellphone mo?"
"Wala ate, kaibigan ko lang." tsaka ko kinuha ang cellphone.
"Kaibigan? Parang ngayon ko lang narinig yan sayo ha?" tiningnan ako ni ate MJ ng may panghihinala.
"Ate ano ba naman yang tingin mo, para mo akong kakatayin eh." pag -ilag ko sa kaniya.
"Wait, anong pangalan ng kaibigan mo na yan?" may pagdiin si ate MJ na tanong.
"Eco, ate. Ano ba ate? wala lang ito. Pampa-good vibes lang."
"Umamin ka nga sa akin. May gusto ka ba diyan kay Eco?" bigla akong nabilaukan.
"Ano ba namang klaseng tanong yan ate." pinunasan ko ang kunting gatas na natapon.
"Nako, Cae. Umamin ka!"
"Ate wala." habang mabilis ko na iniiling ang ulo ko " Tsaka hindi ko magugustohan yan! No way!!!." kiniklabutan ako sa sinasabi ni ate "Ang yabang-yabang kaya niya tas kung akala mo kung sinong umasta eh. Nakakainis kaya siya ate. Ang hangin niya pa." pagdepensa ko sa sarili ko.
"Bakit ganyan ka maka-react? Tinatanong ko lang naman eh." natatawa si ate MJ sa reaction ko. "teka! Tsaka ano yung mahangin?"medyo nagugulahang tanong niya "Bakit may electric fan ba siya?"
"Kasi naman ate, para kang FBI magtanong eh."pagrarason ko sa kaniya "Tsaka ate anong electric fan pinagsasabi mo diyan." Tapos bigla ko siyang hinampas sa balikat. "Ang ibig kung sabihin ng presko ay napakayabang niya"
"Lah! Eh ang tinanong ko lang naman sayo kung may gusto ka doon eh." parang timang na tanong ni ate "Ahh sorry hindi ko kasi alam mga ganyang term eh" napakamot na lang siya sa kaniyang ulo.
"Pero ate may tanong ako sayo. Ikaw ba, na-inlove ka na din ba?"
"Ako? Oo naman, syempre. Pero isang beses lang."
"Anong pakiramdam ng ma-inlove?"
"Saglit lang naman yun, hindi din nagtagal. Sa buong buhay mo ang pinaka masarap na parte nito ay ang ma-inlove. Dahil sa sobrang sarap sa pakiramdam hindi mo na ma-explain."
"Eh bakit hindi natuloy?"
"Pumunta na ako dito sa Maynila para magtrabaho kaya naputol na."
"Eh may balita ka pa ba sa kaniya ate?"
"Ang huli kong balita ay may nobya na siya."
Ang sakit naman nun. Malaman mo na may iba ng gusto yung gusto mo. Pero ang masakit doon ay may kinakasama na siya. Ang lungkot naman ng love story ni ate MJ.
"Eh bakit mo ba kasi natanong? Bakit? Gusto mo na din bang mag-boyfriend? Nako, Cae. Sinasabi ko sayo, mag-aral ka na lang muna, tsaka na yang pag bo-boy friend-boyfriend na yan. Masisira lang buhay mo diyan, tsaka na pag matanda ka na."
"Grabe naman ate, hindi pa naman noh! Study-first lang itong alaga mo."
"Very good!!"
"Pero ate may tanong ako, paano mo malalaman kung inlove ka na sa isang tao?"
"Marami eh."
"Tulad ng?"
"Lagi ko siyang iniisip like kahit anong ginagawa ko, nadidistract ako pag bigla ko siyang naiisip. Hindi ako mapakali pag nandiyan na siya, yung tipong, bumibilis yung tibok ng puso ko. Lagi niya akong napapatawa kahit wala siyang gawin. At lagi akong naiinis sa kaniya kahit na anong gawin niya, kahit pinaka maliit na pagkilos niya binibigyan ko ng meaning kahit wala naman. Hay nako, tama na. Aalis na ako, ituloy mo na yang ginagawa mo diyan at matulog ka na pag natapos mo na. Ubosin mo na yang gatas mo."
Inubos ko na ang gatas tsaka ko inabot sa kaniya ito. Nagpaalam na siya sa akin. Bumalik na ulit ako sa pagsagot ng mga homeworks ko. Pero hindi nagana ang utak ko. Naalala ko ang mga sinabi ni ate sa akin.
No, hindi pwede mangyari yun. Hindi ko siya magugustuhan. Kahit sino, wag lang sa kaniya. Hindi totoo yung mga sinabi ni ate, wala lang iyon. Nakikipagbiruan lang siya sa akin.
"Arrrrrggghhhh!!!!!!" sigaw ko habang nagpapagulong-gulong ako dito sa kama ko.
Mukha tuloy akong sira dito dahil magulo ang buhok ko. Nagulat ako nang may biglang kumatok kaya nalaglag ako sa kama.
"Ouch!!" mahina kong salita. Baka marinig.
"Ano yun anak? Anong nagyari sayo?" nagulat ako nang biglang pumasok si mommy at daddy sa kwarto ko.
Tumayo ako tsaka ko sila hinarap.
"Ahh, mommy, daddy, wala lang po iyon."
"Bakit gulo-gulo yang buhok mo at mukhang nahulog ka pa nga ata sa kama?" may question mark sa mga mukha nila.
"Ahh, nagpa-practice po kasi ako. May role-play po kasi kami sa school." sabay kamot ko sa ulo.
"Ito po script namin." sabay tumakbo ako papunta sa study table ko at pinakita sa kanila yung papel na sinasagutan ko.
"Ok, ok. Kala ko naman kung ano na nangyari sayo. Be careful." pagpapaala ni mommy.
"Good night darling. Matulog ka na, may bukas pa" pagsaway sa akin ni daddy.
"Yes po, good night!!"
Nakahinga na ako ng maluwang nang isara na nila ang pintuan. Kinuha ko ang suklay ko sa table at sinuklay ko ang buhok ko. Bumalik na ako sa pagsasagot. Mabilis ko lang naman siyang natapos dahil madali lang naman. Niligpit ko na ang mga gamit ko, pagtapos nun ay dumiretso muna ako sa CR para gawin ang skin care routine ko, dahil mahalagang sa akin ang pag aalaga ng sarili ko. Naghilamos muna ako bago ko nilagay sa mukha ko ang mga product na ginagamit ko.
Pag tapos ay sinunod ko ang pagtotoothbrush. Nang matapos na ako ay pinunasan ko ng malinis na towel ang mukha ko tsaka ako dumiretso sa kama. Paghiga ko ay ramdam ko ang lambot ng kama ko na sobrang sarap sa pakiramdam.
Sinimulan ko na ipikit ang mata ko. Pero ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa din ako makatulog. Sinubokan ko ulit na pumikit pero hindi pa din ako dinadala ng antok
"Argghhhh!!!!"
Bumangon ako tsaka naglakad ako pababa ng hagdan papunta ng kusina. Nagsalin ulit ako ng isang basong gatas. Mabilis ko itong ininom. Pagtapos ay umakyat na ulit ako at dumiretso sa kama. Pinilit ko ulit ipikit ang mata ko, pero wala effect pa din sa akin.
Kinuha ko ang earphones ko at cellphone tsaka ko nilagay sa tenga ko at nagpatugtog ako. Kaso ilang minuto na lang ulit ang lumipas ay hind pa din ako tinatablan ng antok. Kaya kinuha ko ang cellphone ko at nagsearch ako sa internet.
"How to sleep?" pag-type ko sa search bar.
Madaming lumabas na mga articles. Binasa ko ang iba. Sinubukan ko ang ibang mga tips pero wala pa din. Tiningnan ko ang orasan at nagulat ako.
"Omygassshh! 2 AM na!"
Binuksan ko na lang ulit ang phone ko at nag browse na lang ako ng nagbrowse hanggang sa dalawin na ako ng antok.
*Kinabukasan*
"Cae, gising na! Malelate ka na!" nararadaman ko na parang may gumagalaw.
"Cae, gising na! Anong oras na?"
"Five minutes pa please" reklamo ko sa kaniya
"Anong five minutes ka diyan? 6:30 na."
Bigla akong napabangon ng wala sa oras. Tiningnan ko ang oras. Omygash, malelate na ako. 7 am ang class ko today and hindi ako pwede malate.
"Ate, bakit ngayon mo lang ako ginising?"
"Anong ngayon lang? Kanina pa kaya, puro ka five minutes eh. Anong oras ka ba kasi natulog?"
Hindi ko na siya pinansin pa at dumiretso na ako sa CR para maligo. Humarap ko sa salamin para magtoothbrush.
"Waaaahhhhh!"ang laki ng eyebags ko.
Omygasshhh! Paano ko ito itatago? Hala, ang pangit ng mukha ko! Para akong nabugbog.
Eco's POV
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa study table ko sa sobrang pagod ko. Niligpit ko na ang mga gamit ko at nilagay ko na ito sa bag ko. Tiningnan ko ang relo, 5:30 palang ng umaga. Ganitong oras na ako nagigising ngayon simula nang ma-ospital si mama, dahil naghahanda ako ng almusal ng mga kapatid ko.
Lumabas na ako ng kwarto ko para ayusin ang almusal nila. Tumingin ako sa ref. Wala nang lamang ito kundi mga pitchel na lang na may lamang tubig. Tingnan ko din ang kabinet namin pero wala na din pala kaming stock. Naubos na pala nung nakaraan araw pa at hindi pa kami nakakapagrocery.
Kadalasan ay si mama ang nagrogrocery pero dahil wala siya ay wala din gumagawa nun. Hindi ko din naman kasi alam ang mga binibili niya kaya hindi din ako makabili. Bumalik ulit ako ng kwarto para kumuha ng pera sa ipon ko.
Naisipan ko na bumili na lang ng itlog dahil yun lang naman ang kasya sa pera na meron ako. Pag-uwi ko ay nagsaing na din ako pero naaalala ko na huli na pala yung sinaing ko kagabi. Kaya pumunta na lang ako sa bakery at bumili na lang ako ng pandesal.
Niluto ko na din agad yung itlog at pinagtimpla ko sila ng gatas. Tsaka ko sila ginising. Same routine lang ang ginawa namin, naligo sila at nag-almusal. Pagtapos nila ay ako naman ang nag-ayos. Sumabay na ako sa kanila para hindi na ako pabalik-balik.
Pagdating ko sa school ay napadaan ako sa bulletin baoard. Naalala ko bukas na pala ang opening ng journalism. Tignan ko kung sino ang in-charge sa photojournalism category.
"Mr. Jake Rodriguez." mahina na basa ko.
Medyo hindi ako familiar sa pangalan niya. Siguro ay bagong teacher lang iyon. Dadaan na lang ako mamaya sa faculty para hanapin siya. Dumiretso na ako sa classroom.
"Bakit kaya naka sunglasses si Cae?"
"Bagay naman sa kaniya eh."
"Hindi kaya may sakit siya?"
Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa mga nakakasabay ko na estudyante dito paakyat ng hagdan. Ano naman meron sa kaniya? Usap-usapan na naman siya ngayon dito sa school. Sabagay, sikat nga pala siya, hindi na nakakapagtaka.
Pag dating ko ng room, nakita ko na may pinagkakaguluhan sila. Tingnan ko kung ano yun.
"Tignan mo si Cae, naka-sunglasses sa loob ng claassroom, eh wala namang araw."
"Oo nga, mukhang na-e-excite na siya magbakasyon."
"Beach na beach ka na ba miss Cae?" at sabay-sabay silang naghalakhakan.
Umupo na ako sa upuan ko at kinuha ko ang mga homework ko na hindi ko natapos sagutan. Habang nagsasagot ako dito ay patuloy pa din ang pang-aasar nila kay Cae. Napakaingay nila, hindi ako makapag-concentrate sa pagsasagot ko.
"Hoy! Magsitigil nga kayo diyan! Ang ingay-ingay niyo eh. Wag kayong mangealam ng may buhay. Problemahin niyo ang sarili niyo na kulang sa pansin." inis na sermon ko sa kanila.
Mabuti naman ay tumigil na sila. Mukhang natakot ata. Bumalik na ako sa pagsasagot ko. Medyo maaga-aga pa, kaya wala pa ang first subject namin. Sakto nang matapos ko ang pagsasagot ay dumating din ang teacher namin. Kaya nagsimula na ang klase.
"Good morning class!! By the way, to all newly-elected officers, I would like to talk to you later. Come to the faculty before you go home." maikling anunsyo ni Mam C.
Naalala ko na naman na officer pala ako. Kakausapin ko nga pala si mam mamaya regarding sa pagkaka-elect ko. Ayaw ko maging escort, lalo na ngayon sa sitwasyon namin. Magbaback-out na lang ako. Sa tingin ko ay hindi ko kakayanin ang mga responsibilidad na nakapatong sa balikat ko.
Mabilis lumipas ang oras at breaktime na namin. Naalala ko ang nangyari sa akin kahapon. Kaya ngayong araw ay naisipan ko na gantihan sila.
"Tara guys, baba na tayo. Sagot ko na ang lunch niyo."
"Talaga ba Eco?" tanong ni Jeybi.
"Seryoso ka ba diyan?" may pagdududa na tanong ni Sarah.
"Oo nga! Ayaw niyo ba? Sige wag na lang."
"Ito naman, hindi mabiro eh. Tara na nga eh." tsaka ako biglang hinila ni Claudette.
Pagbaba namin sa cafeteria ay dumiretso na kami sa palagi naming kinakainan na table.
"Eco, ano ba yang ipapakain mo sa amin?" tanong ni Milanie.
"Ahh guys, dahil sa pagkakapanalo natin as officer, gusto ko mag celebrate tayo kaya pinagluto ko kayo."
"Woaah himala ata! Kala ko ba ayaw mo sa posisyon mo." sabi ni Gueneth.
"Napag-isip-isip ko din naman kasi yung privilege na binigay sa akin, kaya nagbago na ang isip ko."
Nilabas ko na ang niluto ko para sa kanila na ulam.
"Hmm... ang bango naman niya. Mukhang masarap" habang inaamoy-amoy niya
"Guys, hindi na ako nakapag dala ng kanin eh. Bili na lang kayo diyan sa counter." sabi ko sa kanila.
"Sige sige, hintayin mo kami Eco ha! Wag kang magmamadali." pinakita sa akin ni Jeybi ang kamao niya na parang susuntukin niya ako.
By the way, pinagluto ko sila ng isa sa mga specialty ko, adobong manok. Nakita ko na nakapila sila ngayon. Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para makaganti ako sa kanila. Kinuha ko ang mga platito dito na nakalagay sa mesa namin at nilagayan ko sila isa isa.
Binilisan ko ang paglagay para hindi nila ako mahuli. Pagtapos ko silang ipagsandok ay nag hiwa ako ng siling labuyo na binili ko nang mapadaan ako kanina sa palengke. Dinamihan ko ang paglagay para tiyak na liliyab talaga sila sa anghang.
Isa isa ko nilagay. Pagtapos ay kinuha ko din ang hot sauce sa tabi ng platito tsaka ko binuhosan din ito. Nakita ko na pabalik na sila kaya nilinis ko na agad ang mga kalat para hindi nila mahalata.
"Guys, pinagsandok ko na kayo." habang nakangiti sa kanila.
"Wow! Ang sweet mo naman ata ngayon Eco?" kita ko ang amazement sa mukha ni Sarah.
"Oo nga Eco. Ano bang nakain mo? Una pinagluto mo kami, na isang beses mo palang ginawa sa amin." sabi ni Claudette.
"Wala nga, masaya lang ako. Hindi ba pwede yun?"
"Napakabait mo talaga Eco, kaya love ka namin eh." biglang yakap sa akin ni Guenenth.
"Ano ba, tama na ang drama. Lalamig na yung pagkain. Tara na! Kain na tayo" pag-aaya ko sa kanila.
Sa loob-loob ko nae-excite na ako sa mga magiging reaction nila. Pero pinakalma ko lang ang sarili ko para hindi nila mapansin ang masama kung hinala.
"Oo nga guys, tara na! Kain na tayo, gutom na gutom na ako eh." matakaw talaga itong si Richie. Tignan lang natin pag natikman mo na yan.
Nagsimula na silang kumain. Habang pinapanood ko silang kumain ay napapangiti ako ng malawak.
"Hmm.... medyo matamis-tamis siya ha." komento ni Milanie.
"Oh, bakit hindi ka pa kumakain Eco?" tanong sa akin ni Jeybi.
"Hindi pa naman ako gutom, tsaka ang saya niyo kasing panoorin."
Actually, hindi ko naman niluto yun. Binigay lang ng kapitbahay namin kanina bago kami pumunta sa school. Napansin ko na medyo mapapanis na din kung iuuwi ko pa sa bahay kaya naisipan ko na lang na dalhin dito sa school at ibigay sa kanila.
"Medyo maanghang Eco ha, pero masarap pa din" nagsisimula na silang maanghangan.
"Oh punasan niyo ang mga pawis niyo. Pinagpapawisan kayo eh. Naka-aircon itong cafeteria natin."
"Eco ang anghang!!!!!" rinig ko na reklamo ni Richie.
"Kuhaan niyo ko tubig!" sigaw ni Claudette.
"Eco, ano itong pinakain mo sa amin?" reklamo si Sarah.
"Wait, napasobra ata ang paglagay ko ng sili." Tsaka ko nilabas sa lunch bag ko ang plastik ng siling labuyo.
"Hayop ka talaga Eco!" natatawa ako kay Jeybi na mababa ang tolerance sa spicy foods.
Dinamihan ko ang paglagay ko ng sili sa kaniya kumpara sa iba. Dahil siya ang pasimuno ng lahat ng nangyari kahapon.
"Wait!! Sorry guys, kukuha ko kayo ng tubig."
Pumunta ako sa malapit na dispenser dito at kumuha ako ng tubig. Sa tabi nito nalagay ang mga sauce tulad ng toyo,suka,patis at kung ano ano pa. Kinuha ko ang ang suka at toyo tsaka ko sinalin sa mga baso nila. Bumalik na ako sa table at kita ko sa kanila ang anghang.
"Guys, ito na oh. Binili ko kayo ng softdrinks, pampabawi lang." isa-isa kong inabot sa kanila ang baso.
Nakita ko na mabilis sabay-sabay nilang ininum iyon at natawa ako sa mga reaction nila ng ibuga nila iyon sa sahig.
"HAHAHAHA Sorry guys, sabi ko naman sainyo ay gaganti ako diba?"
Kinuha ko na ang tupperware tsaka ko nilagay sa bag at mabilis ako umalis sa kanila. Baka mamaya ibuhos pa nila sa akin yung pinainom ko sa kanila, delikado na.
"HAHAHAHAHA Sa wakas! Nakaganti din ako sa kanila." bulong ko sa sarili ko.
Pag pasok ko ng classroom, kita ko ang mga kaibigan ko na hanggang ngayon ay hindi pa din nakakarecover. Buti nga sa inyo, bagay lang yan. Uwian na pero hindi pa kami pwede umuwi dahil kakausapin pa kami ng adviser namin. Kaya pumunta na ako doon kasama ang mga kaibigan ko na kapwa officer ko. Palabas na kami ng classroom ng bigla akong tawagin ni Cae.
"Eco! Pupunta na ba kayo sa faculty?" tanong niya sa akin.
Hindi lang pinahalata ang pagkagulat ko. Napapansin ko lang ng mga nakalipas na araw napapadalas ang pag-uusap namin ni Cae. Hindi ko alam, pero nakakaramdam ako ng awkwardness sa tuwing kakausapin niya ako.
"Ah, oo. Ikaw ba?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya.
Pero ang mata ko ay hindi makatingin ng maigi sa kaniya. Ewan ko kung bakit.
"Oo eh, pwede ba ako sumabay sa inyo?" tanong niya sa amin.
"Hin-"
"Oo naman, pwedeng-pwede. Actually nga, ikaw talaga yung hinihintay namin." biglang sumikit si Jeybi.
Kahit kailan talaga, pa-epal talaga itong mga ito.
"Ay talaga ba? Na-touch naman ako doon." tas nagpuppy-eyes siya.
"Tss." kadiri. Hindi naman bagay sa kaniya. Mukha siyang timang sa ginagawa niya.
Hindi ko na sila hinintay pa. Nauna na ako sa kanila.
"Ahmm guys, nasi-CR ako, pwede mauna na kayo? Pasabi na lang kay Mam." biglang intriga ni Richie.
Nakita ko na sinesenyasan niya din ang iba na sumunod sa kaniya.
"Ay sige, sama din ako. Kanina pa ako hindi nakakaihi eh." palusot ni Claudette.
"Go!!! Eczlane!!!!" biglang mahinang pagchi-cheer sa akin ni Jeybi bago sila umalis.
Inilingan ko na lang siya ng ulo. Nakita ko na ang mabilis nilang pagtakbo. Mga palusot nila na bulok. Pasalamat sila nakaganti na ako sa kanila pero hindi pa tapos yun.
Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Cae ang magkasama. Walang nagsasalita sa amin habang naglalakad kami. Ako ay nakatingin lang ng diretso sa dinadaanan ko. Medyo tumitingin din ako pa minsan-minsan sa gilid ko pero hindi ko siya nililingon.
"Omygash, ouch!" nagulat ako nang biglang natumba si Cae.
"Anong nangyari sayo?" bigla kong lapit sa kaniya.
"Na-sprain ata ng paa ko, ouch! Ang sakit!!"
Tingnan ko ang kaniyang paa. Medyo namamaga.
"Kaya mo bang maglakad?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi eh. Hindi ko magalaw ang paa ko, sumasakit siya."
"Wait, sige. Alalayan kita, akin na yung bag mo." kinuha ko ang bag niya at sinabit ko sa kabilang braso ko.
"O-k, dahan-dahan tayo, hahawak ka sa balikat ko. Alalayan kita."
"O-k One..."
"Two..."
"Three.."
Ngayon ay dahan-dahan kaming naglakad pababa ng hagdan. Medyo mahirap dahil sa bag na dala ko. Pero kailangan kong tiisin.
"Daan muna kita sa clinic para malagyan ng bandage yan."
Habang pababa kami ay nakikita ko ang mga estudyante na nakakasalubong namin.
"Omygassh totoo nga! Sila na!"
"Sabi ko sainyo eh, tama ako eh."
Haist! Binibigyan ng meaning ang wala naman kwentang bagay. Madali talagang gumawa ng istorya lalo na pag wala kang alam sa tunay na nangyari. Hindi ko na lang sila pinansin. Pinagpatuloy na lang namin ang paglalakad.
Pag dating namin sa clinic ay kaagad ko siyang diretso sa kama. Tsaka ko pinuntahan ang nurse.
"Anong nangayri sa kaniya pogi?" naalala ko ito na naman yung nurse na nagpapa-cute sa akin nung mapunta ako dito.
"Natapilok siya sa hagdan habang pababa kami. Tingin ko ay nagka-sprain siya." pag-eexplain ko sa kaniya.
Pinuntahan na siya ng nurse at ako naman ay nanatili na lang dito sa labas habang hinihintay si Cae na malagyan ng bandage.
Kinuha ko ang cellphone ko tsaka ko tenext ang mga kaibigan na para sabihin na nasa clinic ako ngayon, na malelate kami sa meeting.
"Ouccch!!!!"
Naririnig ko na sigaw ni Cae sa loob. Kaya pinuntahan ko siya para tignan kung anong nangyayari sa kaniya. Pagpasok ko ay nakita ko na nilalagyan na ng nurse ng bandage ang kaniyang paa.
"Mag stay muna siya dito ng mga ilang minuto. Pagkatapos ay pwede na siya umalis." sabi ng nurse.
"Ano? O-k ka na ba?"
"Medyo nawala na ng unti yung sakit pero hindi ko pa din kaya maglakad."
Lumipas ang oras at pinayagan na kami ng nurse na umalis. Kaya tulad kanina ay nakaalalay pa din ako sa kaniya. Kaagad na kaming pumunta sa faculty para tignan kung makakaabot pa ba kami sa meeting. Kumatok muna ako sa pintuan bago kami pumasok.
"Mam, nandiyan na po sila Eco at Cae."
"Oh Cae, anong nangyari sa paa mo?" tanong ni Mam C sa kaniya.
"O-k naman na po ako Mam, na-sprain lang po."
"Dapat hindi ka na pumunta dito."
"Hindi, o-k lang po yun mam. Tapos na po ba ang meeting?" tanong niya.
"Hindi pa naman, halika, ka umupo ka na. Baka nangangalay ka na."
Umupo na kami ngayon sa bakanteng upuan na meron dito sa faculty. Inupo ko muna siya bago ako umupo.
"Ayieee!! Eczlane!!!!" pang-aasar sa akin ng mga kaibigan ko.
"Kasalanan niyo ito eh, kung hindi niyo ko iniwan, eh di hindi ito mangyayari." pabulong lang kami nag-uusap. Dahil mamaya ay baka marinig kami ni Mam.
"Ayiiiee! Eczlane! Eczlane!"
Hindi ko na sila pinansin at nakinig na lang ako sa mga sinasabi ni Mam. Medyo napatagal ang meeting dahil sa mga diskusyon na naganap. Masyadong madaming Ideas ang mga naiisip ng mga kaklase ko na gusto nilang gawin sa room. Pero tinapos na din ito ni mam dahil masyado na ding gabi.
"Ohh guys, una na ako sa inyo ha. Hinahanap na ako ng magulang ko eh." paalam nila Claudith at Richie.
"Sabay na ako sainyo. Takot ako medyo, madilim na sa labas." sabi ni Jeybi.
Isa-isa na nagpaalam ang mga kaklase ko hanggang sa kami na lang ni Cae kasama ang teacher namin ang natira.
"Paano ba yan Eco? Ikaw na bahala kay Cae ha. Tutal, partner naman kayo eh." paghabilin sa akin ni Mam.
Akala ko naman tapos na ang pagiging rescuer ko, hindi pa pala.
"Sige Eco, wag mo na ako alalayan. Hihintayin ko na lang ang driver ko dito. Pwede ka na umuwi." pagpapaalis niya sa akin.
"Hindi kita pwede iwan dito, baka mamaya may mangyari pang masama sayo. Ako pa sisihin nila."
"Hindi, o-k na. Wag kang mag alala, kaya ko naman na sarili ko."
"Saglit lang, hintayin mo ko diyan. May pupuntahan lang ako" pagpapaalam ko sa kaniya.
Dahil nandito na din naman ako sa faculty ay hinanap ko muna si Sir Jake, para itanong kung paano ang mangyayari bukas sa opening ng journalism.
"Ahm, excuse me ho. Kayo po ba si Sir Jake?" tanong ko sa isang teacher dito.
"Ah yes, bakit?"
"Tatanong ko lang po kasi, paano po ba ako makakasali sa photojournalism?"
"Pumunta ka bukas for registration, and then bring your camera, of course, then tomorrow ko ie-explain ang lahat." pagpapaliwanag niya sa akin.
"Ok Sir, thank you po." tsaka ko ako bumalik kay Cae.
"Oh, anong nangyare sayo?" tanong ko nang makita ko na medyo nanginginig siya.
"Ah, medyo malamig lang dito sa faculty. Saan ka nanggaling?"
"Diyan lang, may mga tinanong lang ako. Ano? Tara na?"
"Sige, tinext ko na din yung driver ko. Ang sabi niya ay nandiyan na siya sa baba."
Inilalayan ko na siya para makatayo at lumabas na kami ng faculty. Nasa second floor ang office ng principal, clinic at faculty. Kaya kailangan ulit namin bumaba sa hagdan. Medyo nasa dulo ang mga offices kaya kailangan pa namin maglakad ng unti bago makarating sa hagdanan. Medyo madilim na ngayon pero dahil sa mga ilaw na nakapalibot ay may medyo maliwanag pa.
"Ano, masakit pa ba ang paa mo?" tanong ko sa kaniya.
Pero hindi siya sumasagot sa akin kaya tiningnan ko siya. Nakikita ko na natatakot siya.
"Bakit? Ano nangyari sayo? Masakit ba ang paa mo? Or may iba ka pa bang nararamdaman?"
"Wa-wa-wala."
"Bakit ka nanginginig?" nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
"Bakit, anong nangyari sayo?"
"Na-ta-takot ako Eco." naririnig ko na medyo humihikbi siya.
"Sssh-shh. Wag kang mag-alala, nandito lang ako." pagpapakalma ko sa kaniya. "Halika na, medyo malapit na tayo. Ganito, ipikit mo na lang ang mata mo para mawala ang takot mo. Wag kang mag-aalala, alalayan kita."
Pinikit niya nga ang kaniyang mata. Nagsimula na ulit kami maglakad hanggang sa makarating kami sa baba. Sakto ay nakita ko kaagad ang driver niya kaya dumiretso na kami doon.
"Cae, dilat ka na. Nandito na tayo sa baba?"
"Mam Cae, ayus lang po ba kayo?" tsaka kinuha na ng driver niya si cae at inalalayan pasakay ng kotse.
"Kuya, ito na po yung gamit niya." tsaka ko inabot sa kaniya ang bag ni Cae.
"Salamat, hijo."
"Walang anuman po iyon."
Hinintay ko na lang na umalis ang sasakyan bago ako nagsimulang maglakad pauwi.
~SHAMELESS PLUG! ~
FOLLOW ME ON TWITTER FOR MORE KALOKOHAN!
:https://twitter.com/JpegPixelated
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro