Bullet 25
The views and opinions expressed by the author do not reflect any situation. Ano mang pagkakatulad nito ay hindi sinasadya at nag kataon lamang. This story is based on the imagination of the author
PLAGIARISM IS A CRIME
Pag pasensyahan niyo na kung may mga typo sa chapter na ito bangag na si author nang matapos ko ito
Jeybi's pov
Dahil kilala naman ako ng mga kaibigan ko na laging late. Syempre pinalitan ko muna yung kahit papaano. Maaga ako nagising kasi maaga din ako natulog kagabi.
Naunahan ko pang tumunog yung alarm clock na senet ko na 3 am. Yes, 3am talaga kasi ayokong malate.
Pag patay ko ng alarm ay bumangon na ako para mag luto ng babaonin ko. Dahil weekends ngayon ay tulog pa si ate na laging nagluluto ng almusal namin kapag may pasok.
Dumiretso muna ako sa C.R para mag hilamos tanggalin ang mga muta at panis na laway na namuo habang tulog ako. Pag katapos nun ay pumunta na ako ng kusina para mag saing.
Kinuha ko yung malinis naming kaldero at nag takal ng dalawang basong bigas. Hinugasan ko muna ito bago nilagay sa rice cooker at lutuin. Syempre I make sure na napindot ko. Baka mamaya tapos na ako lahat lahat hindi pa pala luto yung kanin ko.
Pag katapos nun ay kumuha ako ng pwede kong lutuin sa ref na pagkain. Nakita ko na may tocino dito at itlog. Naisipan ko na mag sangag ng kanin na natira kagabi para may makain ako mamaya pag katapos ko maligo.
Syempre inuna ko muna lutuin yung tatlong itlog na nakuha ko sa ref kanina. I made it scramble para masaya syempre nilagyan ko din ng magic sarap para naman magkalasa. Pag katapos maluto ng itlog ay sinunod ko na yung tocino.
Mas masaya pag sunog pero sympre its bad for our health also kaya medyo toasted lang ang ginawa ko. After that nag hintay pa ako ng half an hour bago tuloyang naluto ang tocino.
Then I set aside next ay dinurog ko yung kanin na nasa plato. After that ay nilagay ko na ito sa pinag pritohan ng tocino para yung mga natirang mantika ng tocino ay maging sarsa. Sympre nilagyan ko din ng mga seasoning para mukhang sinangag talaga ang pagkain ko.
Halo dito halo doon halo-halo everywhere. Habang ginagawa ko yun ay sinasabayan ko pa ng dance step para naman hindi masyadong boring. Pero hindi ko naman namalayan na may mga natatapunan na pala na kanin kaya tinigil ko na ang kabaliwan na ginagawa ko.
Ganto talaga pag bagong gising ka wala ka pang masyado sa tamang pag iisip. Pag katapos niya maluto ay nilagay ko na ito sa isang malaking bowl at doon ay isinalin ko na ang kanin na niluto ko.
Nang matapos na ang lahat ay nilagay ko na ito sa lamesa tsaka tinakpan at maliligo muna ako para naman after ko kumain ay gorabels na ako.
Madaming nag tatanong sa akin kung gay ba ako. Pero sympre lagi ko lang sila sinasagot ng tawa or kaya chinachange topic ko na kaagad. Wala lang kasi feeling ko kapag gender ko na yung usapan na aakwardan na ako.
Pero I know to myself kung ano ako. In fact my crush nga akong babae. Pero sympre secret na muna kung sino yun. Soon malalaman niyo din. Madaming nang jujudge sa akin kasi dahil sa kilos ko,dahil sa pananalita ko etc.
Pero I don't care. Ano naman pakealam ko sa kanila. Buhay ko ito kaya wala silang karapatan kung anong gusto kong gawin sa sarili ko. Bakit pinapakealaman ko ba sila. Hindi naman diba.
Na hihigh blood tuloy ako ang aga aga. Dumiretso na lang ako sa CR para mahimasmasan na ang aking katawan. Sympre nag dala ako ng phone para magpatugtog.
Baka kasi mamaya biglang lumitaw si sadako. Pero wala naman kaming bath tub kaya baka sa bintana ng CR namin siya dumaan. Alam mo naman yun para-paraan para makapanakot lang ng tao.
Nag patugtog ako ng mga pop song para lively yung mood ko sa loob ng banyo nakasanayan ko na ito tuwing naliligo. Kasi ginagawa ko ito para maingayan yung multo dito. Para hindi na siya makapanakot.
Ginagawa ko ito kasi nakakapag pa energize ito ng mood ko. Tsaka maganda na din simulan ang araw ng masaya para yung buong araw mo ay good vibes lang. Say no to negativity tayo mga momshie.
Nag hubad ako ng damit at dahan dahan ito nilagay sa labahan namin. Nakita ko na naman na dabundok na yung mga labahin namin. Makapag laba na nga bukas.
Sympre masipag akong bata kaya masanay na kayo sa akin. Sa sobrang sipag ko nga ay gusto ko ng mag apply bilang maid dito sa bahay namin. Para kahit papaano naman ay napag peperaha ko yung kasipagan taglay na meron ako.
Siguro kung sa bawat kasipagan na gagawin ko katumbas ng piso. Napaka dami ko ng pera ngayon. Kaso wala hanggang imagination ko na lang muna yun.
Pero soon mag a-apply ako kasambahay. Para may use naman itong God given Talent ko. Bibihira lang kaya mga taong mabiyayaan ng mga ganitong blessing. Kaya dapat gamitin natin sa maayos at tama ng mag bunga sa bandang huli.
Sa sobrang daldal ko hindi ko namalayan na mahigit twenty minutes na pala akong nakatayo dito sa harap ng balde habang pinapanood yung pag patak ng tubig galing sa gripo.
Hindi pa kasi ako handa. Sinawsaw ko muna yung kamay ko sa tubig para pakiramdaman kung malamig pa ba ito or hindi na. Nakalimutan ko kasing mag init ng tubig kanina kaya hindi maligamgam yung papaligo ko ngayon.
Tinignan ko din yung lagayan namin ng mainit na tubig pero wala ding laman. Sa sobrang bangag ko nakalimutan ko mag pakulo. Pag gising ko pa naman yun yung unang pumasok sa utak ko.
Pag katapos ng matinding pagtatalo ng aking isip na pag desisyonan ko na mabilis na pagsandok ng tubig ang gagawin ko at hindi dahan dahan na pag buhos.
Kinuha ko ang tabo tsaka dahan dahan ko itong inagat sa aking ulo. Tsaka binuhos ng mabilis, nang maramdam ko ang mabilis na daloy ng tubig ay mabilis din akong nag salok muli ng tubig para ibuhos ulit ito sa aking katawan.
Hanggang sa tuloyan ng masanay ang aking katawan. Pagkatapos nun ay tumalon talon muna ako para mawala yung lamig sa katawan ko. Sunod nun ay nag sabon na ako. Kinuha ko yung sabon ko na color green.
Tsaka yung pang scrub sa katawan nilagyan ko ito ng sabon tsaka dahan dahan ipinahid sa aking katawan. Siniguro ko na walang kahit maliit na parte ng katawan ko ang malalagpasan ng sabon.
Syempre kailangan natin maging malinis sa katawan para lagi tayong good vibes. Pag katapos ay naglagay naman na ako ng shampoo sa buhok. Kinuskos ko ito ng maigi para walang kuto na makakalusot. Ayoko kaya mag kaalaga. Nang ma satisfied na ako sa sarili ko ay kinuha ko na muli ang tabo at binuhos ito sa akin katawan.
Next kong ginawa ay kinuha ko na ang aking twulya na nakasabit sa may pintuan at pinunasan ko na ang aking sarili. Nang matuyo na ako ay tinapis ko na ang towel ko sa aking beywang at lumabas ng CR para mag bihis.
Dumiretso ako sa kwarto ko kung saan ay nandoon na ang aking mga susuotin. Tumingin muna ako sa Relo na nakasabit sa pader ko. Nakita ko na 4:30 na pala. Mahigit isang oras pala ako nasa CR. Buti na lang talaga maaga ako nagising kasi kung sinunod ko yung routine ko pag may pasok. For sure kakagising ko pa lang sa mga oras na ito.
Hindi ko alam para sa akin kasi mabilis naman ako kumilos pero sadyang mabilis talaga ang oras at hindi ko ito napapansin.
Pag tapos ko mag lagay ng kung ano anu sa katawan ko ay nag suot na ako ng damit. More than 10 minutes din ako sa loob ng kwarto. Sunod kong ginawa ay pumunta na ako sa kusina para kumain na ng almusal.
Pag dating ko ng kusina doon ko lang naalala yung kanin na niluluto ko sa rice cooker. Buti na lang talaga doon ako nag saing kasi kung sa kalan for sure lahat ng tao ngayon sa bahay na ito ay gising na dahil sunog na ang niluluto kong kanin.
Pumunta ako sa saksakan tsaka binunot ko na ito. Tinigna ko din muna yung loob ng rice cooker baka kasi mamaya hindi pala talaga naluto yung kanin. Ayoko naman mag baon ng sinagag kasi bago mag tanghalian panis na ito.
Ending wala akong nakain. Nang masiguro ko na luto na talaga siya ay bumalik na ako sa lamesa para kumain. Dala ang aking plato at kutsara't tinidor ay sinalinan ko na ng kanin ang plato.
Tsaka nag lagay ng isang itlog at iilang hiwa ng tocino. Pero sympre bago ako kumain nag pray muna ako.
"Lord thank you po sa food na nasa harapan ko ngayon. Nawa'y ay magsilbi po itong kalakasan ko sa buong araw na lilipas. Amen"
pag katapos nun ay sumubo na ako ng kanin. Bago pala ako pumunta dito ay dala dala ko yung cellphone ko na dala ko kanina nung nasa CR ako. Mag scroll scroll lang muna ako saglit sa social media ko habang nakain.
This past few week din kasi masyadong hindi na din ako active kasi nga busy for the contest. Kaya ngayon na lang ata ako nakapag scroll ng matagal dito.
"Hala! Buntis na pala si Janella salvador"
bigla kong nakita yung isang article sa Facebook na naglalaman ng details about kay janella. Grabe naman hindi ko inexpect ito. Hindi ko nga alam na may jowa na pala ito sa janella.
Ang bilis talaga lumipas ng oras.tignan mo nga naman. Magiging mommy na si Janella. So happy for her. Parang nung unang nakita ko siya kumakanta lang siya ng:
"Hindi pwede kay nanay, hindi pwede kay tatay"
"Ayaw ni tito at tita"
"Strikto si lola pati na din si lola"
"Mag aral daw muna o mas bigyan ng oras ang pamilya"
"Pero mo ito mahal na mahal kita"
naalala ko pa tuloy kung paano araw -araw kong pinapatugtog yan kasi na LSS ako sa kanta niya. Tapos ngayon ito siya soon to be Mommy janella na.
Sakto pag katapos ko din basahin ang balita tungkol sa kaniya ay naubos ko na ang aking pagkain.
Tinignan ko ulit ang oras sa Cellphone ko. Mahigit 15 minutes din pala ako kumain. Medyo mabilis na yun. Kasi kadalasan kapag regular days lang mga nasa 20 to 25 minutes ako kumakain.
Buti ngayon nabawasan ng 10 minutes. Niligpit ko na ang aking pinagkainan tapos ay dinala ko na ito sa lababo para hugasan. Tapos ay nag toothbrush na din ako.
After that ay kumuha ako ng tuppeware para doon ilagay ang baon ko. Sumandok ako sa rice cooker tsaka nilagay ito sa lagayan. Nang matantsa ko na ang dami ay tinabi ko na ito sa gilid. Tapos ay pinatongan ko ito ng ulam ko dito. Tsaka tinakpan ko na at nilagay sa lunch box ko. Pinatong ko ito sa taas ng lamesa para hindi ko makalimutan mamaya.
Tinakpan ko na din yung almusal na kinain ko mamaya para paggising nila ay may pagkain silang kakainin. Madami pa naman yung natira kaya kasya naman na sa kanila yun. Plus yung sinaing ko pa na kanin kanina.
Hindi naman matatakaw yung mga tao dito sa bahay. Minsan lang pag sinumpong.nang settled na lahat ng gagawin ko sa kusina ay bumalik muli ako sa kwarto ko para kunin na yung uniform ko tsaka gamit ko. Sinuot ko na muna ito bago binitbit ang aking bag papuntang kusina muli para kunin yung baon ko.
Bago ko pala makalimutan kailangan ko ng tubig. Kaya pumunta ako sa lagayan ng mga tumbler namin tas kinuha ko yung medyo malaki dito. Pero yung sakto lang sa bag ko.
Pinuno ko ito ng hindi malamig na tubig dahil bawal sa amin ang mga malalamig na pagkain. Mahigit isang buwan kami pinagbawalan na uminom o kumain ng mga makakasama sa boses namin.
Laking sacrifice nun. Lalo na kapag bumibili sila ate ng ice cream or kaya kumakain sila ng halo-halo. Hindi ako makahingi kasi bawal sa akin yun. Kaya tamang iyak na lang ako sa gilid.
Wala naman na ako gagawin sa kusina kaya pinatay ko na yung ilaw dito at nag tungo na ako sa sala para mag suot ng sapatos. After that ay ready to go na ako.
Dahil weekends ngayon ay wala yung service ko kaya commute is real ako mga sizt. Naghintay ako ng jeep here na dadaan sa school namin. Habang nag hihintay ay nag chat muna ako sa group chat.
"Guys! Hintayin niyo ko sa may convenient store malapit sa school"
tapos ay pinindot ko na ang send button. Sakto naman na may dumaan na jeep kaya sumakay na ako. Nag bayad na ako kaagad tapos ay naghintay na lang ako dito sa loob na makadating kami sa destination ko.
Buti na lang talaga ay hindi traffic ngayon umaga kaya mabilis lang kami nakarating sa aking pupuntahan. Pag baba ko ay nag hintay ako dito sa may labas ng store. Pero ilang minuto ay may nareceive akong message galing sa group chat namin.
"Pumunta ka na dito. Wag ka na mag hintay diyan nandito na kami"-Milanie.
Dahil doon ay wala akong choice kaya pumunta na ako sa school grounds. Pag dating ko doon ay sila gueneth at milanie pala ang natagpuan ko dito.
"Woii nandito lang pala kayo ikot ako ng ikot"
"Hindi ka naman kasi nagtatanong tapos mag rereklamo ka"Saad ni Milanie sa akin.
"aga mo naman ata jeybingot? Ano nangyari?" tanong ni Gueneth pandak.
"Syempre ako pa ba"
"Lah! napaka yabang porket maaga lang"
"SI richi noo nasaan na?"
"Ayun sympre ano pa bang aasahan mo late na naman yun siya pa ba" sagot ni sarah na kakarating lang din.
Hindi din naman nagtagal ang pag hihintay namin dahil pinaakyat na kami ng bus. Bali magkatabi si Milanie at gueneth samantala ako ito katabi ko ngayon yung technical namin.
Nag hintay pa kami ng mga ilang minuto ng umakyat na si Richi at ayun napagalitan pa nga ng coach niya. Paano late na naman. Kahit may pasok laging late siya. Bakit hindi niya ako gayahin pag contest lang maaga.
Pag dating namin dito sa school na paglalabanan namin ay dumiretso na kami sa court. Kasi doon ang venue namin. Kaya nauna na ako sa kanila. Hindi naman ganun kahirap mahanap yung court kasi pag pasok mo pa lang ng gate yun na agad yung sasalubong sayo.
Pag pasok namin dito ay wala pang masyadong mga tao. Mukhang napaaga pa ata kami ng dating pero ok na din yung kasi kahit papaano ay makakapag chillax pa kami dito.
Tsaka makaka tulog pa ako saglit. Kasi sa bus hindi ko nagawa. Hindi kasi ako sanay na matulog sa biyahe. Depende na lang kung pagod na pagod ako.
Dahil nakalimutan ko mag pa load kanina ay wala akong data ngayon. Which is nakakairita kasi wala akong magawa ngayon. Naka Free data lang tuloy ako. hindi ko tuloy makita yung mga picture nila.
Habang nag scro-scroll ako ay bigla akong tinawag ni Milanie kaya napalingon ako sa kaniya. Sakto naman na napa hikab ako dahil inaantok na ako ngayon.
"napaka lagi ng butas ng ilong mo jeybi!"
"Huh?! may sakit si Gueneth?"
nababangag na ako at this moment. Kasi naman kaya ako masyadong nagigising ng maaga kasi ganito nangyayari sa akin. Wish me luck na hindi makatulog mamayang hapon. Kasi ngayon pa lang inaantok na ako. Tsaka nasanay ako na kapag maaga ako nagigising ay natutulog ako ng hapon.
Grabe gaano ka tagal ako mag titiis ng ganito. Para sa medalya at sertipiko na makukuha ko ngayon araw. Dahil doon ay bigla akong nagising at bumalik na sa katinuan ang aking pag iisip.
Pag dating ng proctor namin ay umakyat na siya sa taas ng stage at nag simula na siyang mag lecture sa amin. Inuna niyang diniscuss ay yung about sa history ng broadcasting. Kung paano,bakit,kailan,saan nangyari ang kauna unahang broadcasting dito sa ating bansa.
Hindi pala ako nainform History subject pala namin itong pinuntahan ko. Hindi journalism. Pag tapos ng lecture ay para na akong lumulutang. Tingin ko mukha na ako nakasinghot ng rugby sa itsura ko.
Nahihilo ako na parang something basta hindi ko maexplain kung anong nararamdaman ko. Para mawala ito ay pumunta ako ng CR para mag hilamos.
Dahil may mga tao dito syempre kailangan ko pumila. Nang turn ko na ay dahan dahan ako pumasok sa banyo. Sympre I'm maarte in terms of my cleanliness kaya hindi ko hinawakan yung doorknob ng kamay ko. Buti na lang talaga may dala akong tissue palagi.
Pumunit ako ng kaunti at yun yung pinang ikot ko sa doorknob. Sympre delikado na hindi natin alam kung sino-sinu yung mga humahawak diyan. kaya kailangan natin maging maingat. Ang germs nasa paligid lang.
Pag pasok ko dito ay medyo napatakip pa ako ng ilong kasi baka mamaya ay mabaho. Pero ng wala naman akong naamoy ay medyo nakahinga ako ng maluwag. Pinaka ayaw ko pa naman sa CR na pinapasokan ko is mabaho. Kasi nakaka diri talaga. Napaka daming bacteria.
Pag ganun yung CR hindi na ako pumapasok sa loob. Tinitiis ko na lang yung ihi ko or kaya hahanap ako ng mas malinis na banyo.
Nang masecure ko na malinis naman at hindi mabaho yung CR ay umihi na ako. Kaya ayoko umiinom ng madaming tubig kapag wala ako sa bahay kasi mapili talaga ako ng banyo.
After that ay binuksan ko na yung gripo para mabuhosan ko yung inidor. I make sure na walang ihi ko ang matitira sa loob ng bowl. Nang matapos ko ito ay pumunta na ako sa faucet para mag hugas ng kamay at maghilamos na din.
Kumuha muna ulit ako ng tissue kasi kinakalawang na yung gripo nila. Nang pumatak ang tubig dito ay sinalod ko ang aking kamay.
Pero I make sure na hindi ito didikit sa lababo or kaya sa gripo. Prevention is better than cure nga ika nila. Pake niyo ba kung masyado akong maarte sa katawan. Akin naman ito kaya I can do where even I want to do.
Pag tapos ko ay sinarado ko na muli ito at dumiretso na sa pinto para lumabas. Nang makalabas ako ay kinuha ko sa bulsa ang aking color blue na panyo at ito ang pinangtuyo ko sa aking kamay.
Bumalik na ko sa aking upuan para makinig na sa discussion. As the time goes by ay hindi ko namalayan na natapos na pala. Kasi pakiramdam ko nakatulog na ako pero dilat ang aking mga mata. Kasi naman sinong hindi aantokin kung ganun klaseng tao ang mag tuturo sa sayo.
I bet kumusta kaya yung mga estudyante na tinuturuan nito. Kawawa naman sila. Dahil lutang ako sa buong lecture hindi ko alam kung anong gagawin. Kaya nung nagtanong si Milanie ay hindi ko nasagot yung tanong niya.
Kasi kung hindi nakakaantok yung boses ng proctor ay kinakain naman niya yung mga salita niya. Kaya siguro sobrang lusog niya. Kasi parang every word na lalabas sa bibig niya. Baka nga hindi pa lumalabas ng bibig niya. Kinakain na niya agad.
Grabe parang mas bet ko pa yung last year kumpara ngayon. Kahit na hindi kami nanalo nun pero kasi ibang iba yung turo doon. Dalawang proctor yung nagturo sa amin. At yung lalaking proctor ang nagustohan ko.
Kasi every details na lumalabas sa bibig niya may natutunan ka talaga. Unlike dito parang trying hard siya na ipakita yung totoong meaning ng pagiging broadcaster.
Kaya hindi nakakapag taka kung wala ka talagang matutunan sa mga sinasabi niya. Pinaggawa na kami ng balita. Hindi ko alam kung seseryosohin ko ba ito or hindi.
Kasi hindi ko maintindihan kung dalawang balita ba gagawin namin or isa lang. So ayun napag decide ko na galingan ko na dito. But not the best as what they expect. Kasi mamaya kung sakaling pagawain ulit kami. Wala na akong best na mailalabas.
I get a pad then a ballpen and start to write everything na papasok sa utak. Saglit lang naman ako nagawa kasi hindi ko din alam. basta alam ko nagawa ako.
Binasa ko ito ulit para tignan kung may mga dapat pa ba akong bagohin. Ekis dito,cross out doon, palit na word dito. Ayun naubos yung ginawa ko. Pinunit ko ito at nag simulang gumawa ng bago.
Sulat ulit. Hanggang sa matapos ko ito. Tapos critic ko ulit sarili kong gawa. Hanggang sa maubos lahat ng word na nakasulat sa aking papel. So kailangan ko na naman muli mag simula.
Hindi ko namalayan na naka sampung ulit na ako bago ko nakuha ang nais kong balita. Grabe hindi pa ito yung best ko pero nakailangan ulit na ako. Paano pa kaya mamaya kapag totoo na talaga.
Bago ko ito ipasa ay binasa ko muli. Sinubokan kong pigilan ang sarili ko na hindi na magka roon ng cross out or kaya ekis na mark sa aking papel. Kasi tuloy-tuloy na ito hanggang sa maubos na naman yung mga nakasulat dito.
Pinasa ko na ito kay Joseph, ang aming script writer. Buti na lang talaga ay wala na akong nakitang mali. Pag lapit ko sa kaniya ay nakita ko siyang nakasalampak sa sahig habang busy na busy sa pag tytype ng aming script.
Dahil tapos na ako ay tinulungan ko siya na tignan kung may mali pa ba sa mga ginagawa niya. Kailangan namin maiwasan ang mga typo's,grammatical errors etc. Kasi kahit yung script na ipapasa namin ay may puntos.
Nakita ko na tintype na niya yung info namin. Kaya hindi ko na muna siya pinakealaman. Nag hintay pa ako ng ilang minuto. Habang nag hihintay ay nag pra-practice na ako. Ginamit ko itong draft na gawa ko para mag silbing script ko. Medyo hininaan ko lang kasi sympre baka marinig ng kalaban at baka ma copy paste ang aming gawa.
Nang mag sawa na ako kakapractice ay naisipan ko na muli lapitan si Joseph para tignan kung tapos na ba siya. Sakto naman na kakatapos niya lang mag type kaya binigay ko na sa kaniya ang aking gawa para itype na din niya ang aking balita.
Mabilis siyang mag type kaya siya ang napiling script writer ng team namin. Isa pa ay kaya niyang mag type sa board ng hindi niya tinitignan yung mga letters sa keyboard. Which is isa sa mga bagay kaya mabilis niyang natatapos ang kaniyang mga ginagawa.
Hindi naman kasi ako mahilig gumamit ng mga laptop or computer. Mas bet ko pag sa Cellphone lang kasi mas maliit at hindi ganun ka-hassle dalhin.
Kaya pag pinag type mo ko sa keyboard abutin tayo ng siyam-siyam bago mo ako makitang matapos. Kaya nga pag dating sa school pag may mga power point or kaya mga pinapatype sa amin.
Inaabot ako ng ilang oras sa com-lab namin. Meron pa nga pinagawa kami ng reflection letter sa papel. Tapos sabi nung teacher namin gusto niya ng printed. Kasi hindi niya daw maintindihan yung mga sulat ng iba namin kaklase. Diba napaka gulo ni sir.
sakto ng sabihin niya yun ay tapos ko na isulat sa isang malinis na yellow pad yung sagot. Tapos back to back pa yun. Pinuno ko talaga. Nang malaman ko yung biglaan announcement niya kaagad ako tumakbo sa com-lab para mag type.
Nakita ko din naman doon yung mga iba kong kaklase kaya may karamay ako. Nag start na ako mag sulat tapos inabot ako ng mahigit 4 hours doon bago ko siya natapos. Hindi ko nga namalayan na gabi na. Kung hindi pa ako sinuway ng guard doon.
Kaya simula nun sinumpa ko na yung keyboard na yun. Never na ulit ako gagamit. Pero mukhang trip ako pag laruan ni tadhana kasi ito ako ngayon nasa harapan ng laptop. Tapos na kasi yung script writer namin kaya pina check niya sa akin kung tama ba yung mga pinaggagawa niya sa script.
Bagohan lang kasi siya. Yung dating scriptwriter namin ay hindi na sumali. Kasi napapagod na daw siya. Kaya ayun no choice yung coach namin na kumuha ulit ng bago.
Kaya ito ako ngayon nakaupo sa harap nito at aayusin ko. Nag simula na akong sa pag aayos.
"ayan typo's"
"Mali yung margin niya"
"bakit naka bold"
"Hindi tama yung font size niya"
"bakit walang punctuation marks"
"hindi dapat ito naka italic"
pag katapos ko ma stress sa pag check ay nakabusangot ko itong binalik sa kaniya. Sa sobrang inis ko nga muntik ko na madelete lahat. Tapos pa type ko na lang ulit sa kaniya.
Kasi ang dami niyang mali. Dahil sa kaniya na break ko yung sumpa ko sa keyboard na yan. Sympre ng matapos niya ulit ito I-save ay pina print na namin .
May sariling printer ang school na dala kaya wala na kaming problema. Pero kasi imagine ilang groups ang meron sa FIlipino at english tapos dagdag mo pa yung Publishing group.
Tapos isa lang yung printer namin. Sympre paunahan kami. Nakita ko din kasi na mag papa-print din sila richi kaya inunahan ko siyang tumakbo papunta sa gilid kung saan nandoon yung printer na dala namin.
"Ooops ako nauna Richi!"Tapos ay inaasar ko siya ng bata.
"Tsee! Sorry pero ako yung nauna Bleeeh!!!" maarte niyang sagot sa akin
"Sinong lokohin mo NOO! Ako kaya ang nauna"
"Wow hiyang hiya naman ako sa ilong mong naka dapa. Member ba yan ng military"
"AY BAHALA KA DIYAN BASTA AKO NAUNA" dinampot ko na yung cord ng printer para isaksak ito sa laptop namin ng biglang agawin ito ni Richi.
"HINDI AKO PAPAYAG AKO YUNG NA UNA"tapos ay bigla niyang hinila yung cord sa laptop na hawak ko.
Ang ending nag agawan na lang kami ng cord dito sa gilid. Hindi namin pinansin yung mga nakatingin sa amin mga tao. Ang mahalaga sa amin ay kung sino ang mauunang mag print ng kaniyang script.
Walang gusto pumigil sa amin. Siguro ay natatakot din sila na mahampas ng cord na hawak namin ngayon. Pero kaagad din kami napatigil ng may biglang nag salita sa gitna namin.
"Excuse me. Kami na ang mauuna may kailangan pa kaming ipasang news paper kaya chupe" tapos ay biglang inagawa ni maricar yung cord na hawak namin tapos ay smooth niya itong nilagay sa kaniyang laptop na hawak.
Isa siya sa mga bumubuo ng publishing group. Ang editor nila ng dyaryo. Wala kaming nagawa ng makita namin na dahan dahan lumalabas sa printer yung mga bond paper na ginawa nila.
Ito tuloy kaming dalawa sa gilid mukhang mga pulubi na nanlilimos sa kalsada.
"IKAW KASI KUNG PINAUNA MO NA LANG AKO. SANA NGAYON TAPOS NA TAYO"Sisi sa akin ni richi
"WOW KASALANAN KO PA PALA!" bwelta ko sa kaniya.
"Manahimik nga kayong dalawa diyan. Hindi ako makapag concentrate dito sa ginagawa ko"
napa tikom bibig na lang kami ng bigla na naman kaming sawayin ni Maricar.
Nang matapos siyang mag print ay mabilis ko naman kinuha yung cord at hindi ko na hinayaan na makuha ito ni richi hanggang sa matapos ako mag print.
Pag katapos nun ay kinuha ko na ang aming script tsaka pumunta na sa upuan para I-check muli kung may kulang ba ang na print ko.
Tinarayan lang ako ni Richi ng lagpasan ko siya. Natawa na lang tuloy ako sa sarili ko. Sorry na ganito kasi talaga ako ayoko nag papatalo. Lalo na kapag alam ko naman sa sarili ko na kaya ko naman manalo.
Pag katapos kung ma check ay kinuha ko na din yung bag ko. Tsaka inaya na sila Milanie na kumain na sa Cafeteria. Sabi kasi nung proctor after namin mag pasa ng script ay pwede na kami kumain ng lunch and bumalik ng 1 pm for the contest proper.
Pag lapit namin nakita ko si Milanie na parang may tinitignan na something kaya napatingin din ako sa tinigtignan niya. Doon nakita ko na binabasa niya yung pangalan ng Facilitator in charge sa amin.
Napa angat ako ng tingin sa kaniya para makita ko kung sino ba ito. Doon ko lang nakita na gwapo pala si kuya. Kaya naman pala.
Dahil masyado na ang pag nanasa ni Milanie ay hinila ko na siya papuntang Cafeteria.
"Napaka landi naman Milanie!"
"Lah? Anong landi sinasabi mo diyan. Wala naman akong ginagawa. Masyado ka. Kaya bagay na bagay kayo ni Gueneth"
"Yuck! No way thanks for the offer. Pero hindi ko magugustohan yang si Gueneth"
"Wow naman. Kahit din naman ako ayoko din naman sa bansot na yan" sagot sa akin ni Gueneth
say no to Gueneth tayo. Madaming gusto kaming I-ship pero hindi ayoko talaga sa mukhang monggoloid na nilalang. Ganda ganda ng lahi ko tapos mukhang aso lang yung I-papartner nila sa akin.
Sympre gusto ko yung maganda din yung lahi. Hindi yung mga so-so lang diyan sa tabi-tabi.
Pag dating namin yung aso este si Gueneth umandar na naman pagiging competitive. Nakipag unahan sa mga hindi namin kakilala na esutdyante.
"Para kang timang Gueneth. Bakit kailangan mo pa makipag unahan para lang sa lamesa na ito. May prize ba kapag nauna tayo dito?"
"Bakit ba. Nakakatamad na kasi mag ikot. Tsaka tignan mo naman yung paligid. Mukhang may makikita ka pa ba na bakanteng upuan?"
Dami talaga pinag lalaban nitong bubwit na ito. Hindi ko na siya pinansin kinuha ko na lang yung baonan ko tsaka yung tumbler. Pero sympre bago ako kumain nag spray muna ako ng alcohol.
we need to sanitize our hands to avoid spreading germs. Madami akong hinawakan na kung ano-anu kanina kaya kailangan ko mag hugas ng kamay.
Nakita naman ito ni Guenenth kaya nainggit na naman ang isip bata naming kaibigan.
"Jeybi Alcohol ba yan?"
"Hindi tubig lang. Galing inidoro kanina nag refill ako"
"Yuck kadiri. May pagkain sa lamesa. Pahingi ako alcohol dumi din kasi kamay ko." tapos ay nag puppy eyes siya na mukhang timang naman.
"Ayoko nga. Hindi ka nag dala nang sariling mo"
"Bilis na napaka damot mo naman. Kaunting spray lang."
"EHHH! Ayoko ko. Sarili kong hygiene kit ito. I don't share my own things."
"Di wag isang spray lang naman kala mo ikakamatay"
Hindi na niya ako kinulit. Nakita ko na nagbukas na lang siya ng baon niya. Ako naman ay binalik ko na muli sa aking bag ang aking alcohol tsaka nag pray muna bago kumain.
"Amen!"
"Weehh! Banal-banalan hindi naman bagay"
"Weehh! hindi lang binigyan ng alcohol nag ta-trantums na bigla"
Hindi na niya ako pinansin. Ako naman ay nag start na din kumain. Habang kumakain ay napansin ko si Milanie na parang nag papabebe.
Tinignan ko yung gilid namin parehas para tignan kung ano bang ginagawa niya. Doon nakita ko na naman yung gwapong si kuya Facilitator. Kaya na naman pala.
"Hoy! Kumain ka nga ng maayos Milanie. Para kang sira ulo diyan. Nag susubo kutsara wala namang pagkain. Tignan mo nga yang kanin mo tapon tapon na sayang kamo."
"Eh di kainin mo kung sayang pala"
"Ewan ko sayo!"
ang dapat masaya na lunch namin nauwi sa mapayapang pagkain. Wala nag salita hanggang sa lahat kami ay tuloyan ng matapos kumain. Sakto naman na biglang umulan ng malakas.
"Hala! Paano yan umulan ng malakas. For sure baha nito sa court"
"Oo nga buti na lang talaga dinala natin yung bag natin" buti naman bumalik na sa katinuan si Milanie.
"Paano tayo mag peperform niyan?" tanong ng inosenteng si Gueneth.
"May naisip ako. Kasi baka may chance na sa room tayo mag perform. Pero"
"Pero ano?" tanong muli ni milanie.
"Pero hindi natin maririnig yung ibang Group pag nag perform sila"
"Pero may advantage naman tayo" Singit ni Gueneth
"Yes, tama ka diyan kasi pag nasa room tayo.kulob which mean mas maganda yung quality ng boses natin"
"tsaka Hindi tayo kakabahan masyado kasi judges lang yung manonood sa atin" dagdag ni Milanie.
Hindi din naman nagtagal yung ulan dahil tumila din naman ito. Mukhang saglit lang. Kasi sobrang init kanina. Buti nga ay umulan dahil kahit papaano ay nabawasan yung init.
Habang nag hihintay kami na lumipas ang oras ay biglang naisipan ni Gueneth na mag laro. Sympre alam niyo naman kapag walang masyadong inisiip ang daming pumapasok na kalokohan sa utak.
wala naman na akong choice ay sumali na ako. Ano pa ba aasahan natin kay Gueneth ako pa tuloy yung naging taya. Dapat siya. Kaso sabi niya pag bigyan ang mga babae.
Sino nag sabing mga babae kayo?. mga mukhang mas lalake pa nga kayo kaysa sa akin. Ito tuloy ako mag isa na ngayon sa lamesa. Nag hihintay akong lumipas ang isang minuto bago ako tumayo dito sa inuupuan ko.
Hindi ko alam kung saan sila hahanapin kasi hindi ko naman kabisado itong school na ito. Ang alam ko lang dito ay yung court tsaka itong cafeteria.
Pag labas ko ay sumalubong sa akin ang basang sahig kaya maingat ako naglakad kasi baka madulas ako. Nakakahiya naman diba tapos sa gitna pa ng madaming tao.
Hindi din ako dumaan sa mga bahang parte tsaka iniwasan ko na din. Kasi baka mamaya may biglang tumakbo tapos bigla akong matalsikan. Wala pa naman akong pamalit na damit na dala.
Nakakainis nga kasi sa diname rame na pwede ko maiwan yun pang pamalit ko ng damit. Pero keri lang hindi pa naman ako ganun kalagkit kaya laban pa tayo.
Dahil may isang clue lang ako para mahanap sila ay ginamit ko na ito. Kaysa naman mag libot libot ako dito hindi ko naman alam kung saan ako dadalhin.
Una kong chinat si Milanie. Kasi alam ko naman na madali lang siya hanapin. Tsaka may hula na din ako kung saan siya magtatago kailangan ko lang makuha yung confirmation.
Nandito ako ngayon sa may building two sa tapat ng isang room. Hindi ko alam kung ano ito pero ang nakasulat sa labas ng pinto ay copy reading Filipino.
Pag kakuha ko ng clue kay Milanie ay kaagad ako pumunta sa kung saan siya. Senned niya kasi sa akin ay Contest Proper. Nagka idea ako na nasa court lang siya.
Pag dating ko dito ay hindi nga ako nag kamali kasi nandito siya. Nakaupo sa pwesto niya. Habang busy kakakulikot ng kaniyang cellphone.
Kaagad ko siyang nilapitan para matulongan na niya ko mahanap si Gueneth. May deal kami na kapag 12;50 hindi ko sila nahanap lilibre ko sila ng kahit anong gusto nila.
Tinignan ko relo ng cellphone ko nakita ko na 12:30 na may 20 minutes na lang ako para hanapin ang bubwit na yun. Pero bago kami makalabas ng court ay bigla na lang tinawag yung group namin.
Parehas kami ni Milanie nag katinginan. Mukhang nagka sundo ang aming tingin. Bakit napa aga naman. Akala ko ba 1pm pa start. Hindi na kami nakapag talo pa ni Milanie dahil sumunod na kami sa Facilitator.
Buti na lang talaga ay nandito lang yung mga kasama ko maliban kay Gueneth. Taranta na tuloy si Milanie at ako. Kaya chinat na namin ito para papuntahin. Mabilis lang lumipas ang oras. Dumating si Gueneth na hingal na hingal at pawisan.
Kahit papaano naawa din naman ako sa kaniya. Kasi sakiting nilalang yang babaetang yan. Kaya kailangan ingatan. Tapos ngayon pinatakbo pa namin ng napaka layo. Bakit naman kasi sa sulok sulok talaga ito nag tago.
Daga ba siya? May asthma pa naman ito. Sana lang talaga ay wag siyang atakehin mamaya habang nag pre-present kami kasi patay tayo niyan.
Makalipas ang mahigit limang minuto ay natapos na ang mahigit isang buwan namin sakripisyo. Makakain na muli kami ng lahat ng gusto namin. Grabe paguwi ko talaga bibili ako isang gallon na ice cream.
Tapos hindi ko bibigyan yung mga ate ko na nang iinggit sa akin. Habang pabalik na kami ng court nakita ko si Milanie na nag dadamoves sa faci na kasama namin.
Ito talaga sarap ingod-ngod yung mukha kay kuya. Patay na patay ang ate mong girl. Pustahan tayo mamaya sa bus bukang bibig nito itong si kuya.
Sa sobrang kalandian niya ayun hindi niya namalayan na nabunggo na pala siya sa likod at tumama pa nga ang kaniyang noo. Mukhang nanigas na si Milanie sa kinakatayuan niya kaya naman hinila ko na siya palayo doon.
Kasi anytime soon feeling ko hihimatayin na ito. Mukhang siya pa yung hihimatayin kaysa kay Gueneth na sumuka kanina sa daanan habang pabalik kami. Buti na lang talaga suka lang kasi kapag may iba pang nangyari sa kaniya. Patay na naman siya sa parents niya.
After a minutes of waiting this is it. Ito na yung mahigit one month namin hinihintay.
Mabilis ang mga pangyayari mukhang hindi pa nga totally nag sink in sa utak ko yung mga nangyari. Natalo kami.
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. As in ginawa ko naman lahat ng makakabuti sa team namin. Mapaganda lang yung presentation namin pero ito nasawi na naman kami sa pangatlong pagkakataon.
Kahit na gaano ka pa kabusisi sa mga detalye ng group mo may mas ma detalye pa din talaga na ibang group. Sabi ko na nga ba may mga disadvantage talaga.
Pakiramdam ko sabotage yung contest. Kasi first yung sa script sabi dalawa ang gagawin. Pero yung unang gawa lang namin yung ginamit namin kanina sa pag present. Tapos ang sabi pa 1pm ang start bakit 12:30 pa lang tinawag na kami kaagad.
Haist ang hirap talaga kapag hindi ka masyadong concentrate sa contest. Still nasayang lang lahat ng effort namin dito.
Malungkot akong umalis ng court kasabay sila Milanie at Gueneth. Hindi ko na naisipan pang lingonin yung court na pinaggalingan ko. Kasi maaalala ko lang lahat ng nangyari.
"Don't always look at the details but look for the bigger picture of it"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro