Bullet 24
The views and opinions expressed by the author do not reflect any situation. Ano mang pagkakatulad nito ay hindi sinasadya at nag kataon lamang. This story is based on the imagination of the author
PLAGIARISM IS A CRIME
Pag pasensyahan niyo na kung may mga typo sa chapter na ito bangag na si author nang matapos ko ito.
Milanie' pov
Nandito ako ngayon sa likod ng motor ni Daddy.dahil naka angkas ako sa kaniya. Sabado ngayon kaya wala siyang pasok. Kaya naisipan niya na ihatid ako sa school. Siguro sa aming magkakaibigan pangalawa ako sa may pinaka malayong bahay papunta sa school.
Ang una ay si Richi. Pero hindi naman ganun kalayo yung difference na tinitirhan namin. Basta mas malayo pa din si Richi. Samantala si Sarah naman ang pinaka malapit sa amin na bahay.
Pero same lang din sila ni Eco kasi parehas walking distance lang ang mga bahay nila. Sana ganun din yung amin. Kaso wala eh ayaw lumipat ng parents ko.
Mabilis lang ang biyahe namin kahit na traffic. Dahil magaling ang tatay ko na magpasikot sikot. Buti nga ay hindi kami nahuli ng traffic enforcer na nakakakita sa amin eh.
Pag dating ko sa school ay natagpuan ko ang sarili ko na mag isa pa lang sa grounds. Doon ko lang na realize na napaka aga ko pa lang dumating ng School. Paano 5 am pa lang pala ng umaga.
Pero ok na yun atleast makakapag pahinga ako dito. Hanggang sa gate lang ako hinatid ni daddy kaya hindi niya alam na ako pa lang ang tao dito sa school.
As in ni isang tao wala pa akong nakikita. Siguro yung guard kanina nung pumasok ako. Pero maliban doon ay langaw o hindi kay ay tuyong dahon lang ang kasama ko.
Bigla tuloy akong natakot ng maalala ko na mag-isa lang ako dito. Matatakotin pa naman akong tao lalo na pag mag isa ako. May kumakalat kasi na rumor dito sa school.
Bago maging eskwelahan ito ay naging tambakan muna ito ng mga patay nung world war 2. pag katapos nun ay ginawa itong mental ospital. Kung saan ay madami ding namamatay na baliw. At dito sa kinalalagyan ko ang nag silbing libingan nila.
"MEOW! MEOW! MEOW!"
"ANAK NG PUTSPA NG MULTONG BINABAD SA BABY POWDER!"
napa sigaw ako ng malakas ng biglang may dumaan na isang puting pusa sa paanan ko. Kaya naramdaman ko ang kaniyang mga balahibo na dumadaplis sa aking balat. Dahil doon biglang nag sitaasan ang aking mga balahibo.
Dahil diyan ay nag earphones na lang muna ako.tsaka nanood ng mga videos sa Youtube. Dahil pinaloadan ako ni daddy kanina ay may pang data ako. Para na din tanggalin ang takot ko mas mabuti ng naka earphones ako. Atleast pag may tumawag sa akin na multo ay hindi ko maririnig.
Or kaya pag may sumitsit sa akin na patay na bangkay ay hindi ko mapapansin.
May wifi naman kami kaya hindi ako nag papaload. Tsaka pag naalis lang ako tsaka ko nagagamit yun. Kaso minsan lang din ako umalis kaya sayang pag hindi ko nagagamit. Pero ok lang hindi naman ako yung nagbabayad eh.
Nanood ako ng G-friend. Isang k-pop girl group sila. Hindi ko alam pero kasi nung nalaman ko yung group nila. Natuwa ako sa kanila. Hanggang sa maging gusto ko na sila. Tapos nun ay tuloy tuloy na ang aking panood sa mga video nila. Hanggang sa naging fan na nila ako.
Hanggang ngayon ay sinusubaybayan ko pa rin sila. Tsaka bukod sa magagaling sila sumayaw ay ang gaganda't cute nila as in. Parang tuwing nanood ako ng video nila ay malapit na ako maging tomboy dahil sa kanila .
Dahil wala naman akong kasama dito ay hindi ko namalayan na dumadami na pala yung mga tao sa paligid ko. Sa sobrang busy ko kakapanood ng mga video nila ay nagulat ako ng biglang sumulpot sa likod ko si Gueneth.
"BULAGA!!!!!!!!"
Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa gilid. Dahil doon ay napatayo ako ng wala sa oras at nahulog ko yung hawak kong cellphone.
Takteng yan pangalawa na ito. Pag may nangulat pa talaga ulit hindi ko na alam kung ano ng magagawa ko.
"HAHAHAHHAHAH!!!!" kita ko si Gueneth na tawang tawa.
"Putek ka Gueneth!" tapos ay pinalo palo ko siya.
Pag katapos ay dinampot ko yung cellphone ko na nalaglag tsaka kaagad na tinignan kung nabasag ba yung screen nito. Binuksan ko din kaagad baka kasi nasa loob yung basag eh.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko na kahit isa ay wala akong nakitang basag or sira. Kasi kung meron papalitan ko talaga sa pandak na ito yung cellphone ko. Iniingat ingatan ko nga ito. Kasi kapag nasira ito wala na akong magagamit. Kasi hindi naman ako bibilhan agad agad ng nanay at tatay ko
ang sasabihin nila sa sa akin niyan:
"Bakit hindi mo kasi iniingatan"
"Anong akala mo sa amin tinatae ang pera"
"Hindi ganun kadali maghanap ng pera"
Ratatat ratatat boom boom! Para akong nakikinig ng rap battle kapag pinapagalitan ako. Bakit kaya hindi sumali yung nanay ko sa mga rap battle for sure mananalo yun. Baka nga umabot pa siya international. Sa sobrang galing niya mag rap.
Kawawa tuloy lagi tatay ko. Kasi pag nag away sila ni mommy para lang batang nakabasag ng plato na pinapagalitan si daddy kasi nakayuko lang siya. Tapos ay walang imik. Kasi alam naman niya na pag umimik siya sa sala siya matutulog ng isang linggo.
Which is ayaw niya. Kahit na ganun na mukhang aso't pusa yung parents ko. Kitang kita mo naman na mahal na mahal nila yung isa't isa. Kasi kapag nakita mo kung gaano sila ka-sweet pati langgam hindi kakayanin yung katamisan taglay nila.
"Kasi busy na busy ka sa panonood" sagot niya sa akin "Ano ba yang pinapanood mo"
nabuhay tuloy ako sa tanong niya."Nanood ako ng G-friend alam mo ba yun?"
"Ahh yung mga mukhang Espasol sa sobrang puti"
"Hoy anong Espasol ka diyan."depensa ko sa kaniya "Hindi kaya! natural skin nila yun"
Ayun dahil dalawa lang naman kami ay nag laitan kami ng k-pop Idol. Dahil parehas kaming pikon. Sympre parehas kami nag hampasan dito. Salit salitan. Hanggang sa mapagod kami.
Dahil sa asaran namin ay hindi na tuloy natapos panoorin yung video ng G-friend ko. Mamaya na ko na lang itutuloy pag nasa bus na ako. May bago kasi silang upload.
Hindi din naman nag tagal ay mas lalo pang dumami yung mga tao dito at nag si datingan na din yung mga coaches na nakaasign sa bawat category. Inayos na nila yung mga dapat asikasohin.
Maya maya ay nakasakay na kami ng bus. Nag unahan pa nga kami ni Gueneth sa pag akyat ng bus at dahil Pandak siya ay nauna ako umakyat sa kaniya. Kaya nasa bintana ako nakaupo. Sa sobrang liit pa nga ng biyas niya ay natisod pa siya doon sa pangalawang hakba sa bus.
Maliit na nga. Lampa pa. "Hay nako Gueneth." Napa iling iling na lang tuloy ako ng ulo ko.
Nang umandar na yung bus ay pinili ko na lang muna na matulog. Hindi kasi ako sanay sa bus. Nahihilo at nasusuka ako. Kaya tuwing byahe ay mas pinipili kong matulog na lang tsaka maaga din kasi akong nagising kaninang kaya kailangan ko mag recharge. Nagsalpak ako ng earphones sa akin tenga at nakinig ng mga balita. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako ng bigla akong alog alogin ni Gueneth na akala mo ay may sunog na nangyayari.
"Milanie!!! Milanie!!!! Gising na!!!!" sigaw niya sa akin. Pero hindi ko siya masyadong marinig kasi naka earphones nga ako.
"Oo na ito na gising na ako. Chill lang"
"Ay! Sorry na excite lang ako ng kaunti"
"Kaunti ba yan? Eh parang lumalabas na yung kaluluwa ko"
Mabuti naman ay kumalma na si Gueneth. kaya inayos ko na yung sarili ko. Binulsa ko na muna ang cellphone at earphones ko tsaka sabay kami bumaba ni Gueneth ng bus. Pag baba namin ay natisod na naman siya.
"Ay nako Gueneth."napatampal noo na lang ako
"Hindi ko kasi nakita eh"
"Sabihin mo lang maliit ka lang talaga"
Matagal na akong journalist since grade 7 pa lang. Napili ko ito kasi yung boses ko ay panglalake. Ewan ko din. Hindi naman ganito boses ng nanay ko. Yung tatay ko din naman parang mas mukhang babae pa nga boses niya aysa sa akin eh.
Pero thankful naman ako sa boses na ito. Kasi kakaunti lang ang nabibigyan ng ganitong opprtunity hindi lahat may ganitong taglay ng boses. Kahit na mukha akong nakalunok ng microphone.
Kaso ang nakakainis lang kahit na bumulong ako ay rinig na rinig pa din. Kahit na hindi na ako gumamit ng mega phone rinig na rinig na ako kapag sumisigawa.
Pag dating namin sa court ay medyo tumigil muna ako saglit sa gate para tignan kung may gwapo ba akong makikita. Pero sad to say dahil wala pang masyadong tao dito sa court.
May mga tao naman kaso ang cha-chaka ng mga pagmumukha. Sorry no offense tayo doon. Kasi yun naman talaga ang totoo.
Dumiretso na muna kami sa mga upuan. Ngayon ay si Gueneth ang katabi ko kasunod ay si jeybi. Dahil wala pa naman masyadong tao dito ay nanahimik na muna kami.
Wala pa naman kaming ginagawa kaya. Yung iba kong kasama ay natulog na muna tulad ni Gueneth. Samantala ako ay nag Youtube na lang para makinig ng balita.
Nag salpak ulit ako ng earphones sa tenga. Tsaka nanood ng mga videos dito. Sympre habang nakikinig ako ay ino-observe ko yung mga techniques na ginagawa nila.
Let just say na beterano na ako dito. Pero ni minsan ay hindi pa ako nanalo which is hindi ko alam bakit. Kaya ngayon ay tutuldukan ko na ang malaking tanong na yan.
Ngayon araw na ito ay may maguuwi ako ng medalya at sertipiko na ipapakita ko sa mga magulang ko. Madami dami pa akong pinanood na mga videos about broadcasting.
Parang lahat ng video about sa pagbabalita ay napanood ko na. Tignan na lang natin kung hindi pa ako manalo ngayon. Sakto din naman na dumating na din yung facilitator kasabay ang proctor na magtuturo sa amin.
"Jeybi!" tawag ko sa kaniya.
Pero lumingon lang siya sa akin. Sabayan mo pa ng bigla siyang humikab. Kaya yung pango niyang ilong ay lumaki ang butas at ang bibig niya na kitang kita ko ang tonsils niya sa sobrang laki ng pag buka niya.
"Diba siya din yung last year proctor natin nun?" tanong ko sa kaniya.
"Huh?! Si Gueneth may sakit?"sagot niya sa akin.
"Lah?! Layo ng tanong ko Jeybi"
bangag pa ata ito si jeybi. Nalipad pa ata kaluluwa nito. Kawawa naman hindi pa bumabalik. Haist. Bakit ganun mga bangag pa yung mga tao dito. Wala bang pwede makausap dito na matino.
Sa sobrang pag da-day dreaming ko dito hindi ko nalaman na may lumapit na pala sa akin.
"Anong school niyo po?"
"Milanie Mendoza po"
Tapos ay nakita ko medyo tumawa siya. Omyaghad! Ngayon ko lang na realize kung anong nasabi ko sa kaniya.
"Ay Hala! Oxfund Academy po" pagkatapos nun ay may inabot siya sa akin na papel.
Doon ko nakita na ito yung list ng mga participants. Kaya sinulat ko na ang name naming lahat. Dahil kilala ko naman sila tsaka kung anong pangalan ng team namin.
Pagkatapos ay inabot ko na sa kaniya iyon. Tapos ay nginitian niya na lang ako pabalik.
Doon ko lang din nakita ng malinaw yung mukha niya. Shocks! Ang gwapo niya. Pag alis niya ay napalingon ako sa likod para ulit tignan siya.
"Ang gwapo ni papi!"
Sabay napa kagat labi ako. Tinignan ko yung buong physical appreance niya. Doon ay napansin ko na yummy din pala siya.kasi may mga nakita akong muscle sa kniyang braso. At tsaka makikita mo na nag gy-gym siya kasi may mga makikita kang muscle sa katawan niya. May abs din kaya siya?. Hala! Ano ba itong isip ko. Pero ilan kaya yung pandesal na tinatago niya sa likod ng damit na iyon?. Sayang naman hindi ko nakita yung pangalan niya sa suot niyang I.D.
Bakit naman kasi lutang ako kanina. Sana ngayon iniistalk ko na siya sa facebook. Baka nga nag send pa ako ng friend request sa kaniya.
Grabe ang gwapo niya talaga. Bakit kaya ngayon ko lang siya nakita. Bago lang ba siya? Kasi kung Oo. Sasali ulit ako next year para makita ko siya. Ok na sa akin makausap ko siya at makuha yung pangalan niya para maging friends kami kahit online lang kahit wag na kami mananlo. Pero Sympre joke lang yun.
Pag katapos ko pag nasa-an yung gwapo at yummy na facilitator ay bumalik na ulit ako sa realidad. Buti na lang naalala ko na contest pala ang pinunta ko dito at hindi lande.
Mamaya ko na lang siya hu-huntin-gin. Sa ngayon contest na muna tayo. Same pa din naman kung anong tinuro last year yun pa din naman ngayon. Pero kasi hindi lahat permanent kaya may mga nagbabago.
Hindi naman ganun kadami. Tsaka may mga nadagdag din sila na helpful naman kahit papano. Tuloy-tuloy ang discussion. Habang ako ay ito may isang earphone na nakasalpak sa tenga ko. Buti na lang ay hindi kami masyadong malapit sa stage. Kasi kung ganun hindi ko magagawa ito. Hikab kasi ako ng hikab dito. Kahit nga yung mga kasama ko pasimple ng natutulog.
Pero hindi ko sila ginaya. Kasi tuwing napapatingin ako sa harapan nakikita ko yung gwapong facilitator kaya yung pipikit-pikit kong mata ay biglang dumidilat ng wala sa oras. Tapos nakikita ko pa siya na tumatawa.
Hindi ko nga alam kung ako ba yung tinatawanan niya or sadyang feelingera lang talaga ako. Tumingin tingin ako sa likod para tignan kung may iba pa ba siyang tinitignan. Pero puro lalake na yung nasa likod ko.
Don't tell me na lalake pala ang nais niya. Kasi hindi ako makakapayag. Ayoko na naman malagasan ng angkan ni adan ang mundong itong.
Nakakaboring naman kasi talaga. Tapos dagdag mo pa na parang patay mag turo yung proctor. Parang kaming sanggol na henehele dito. Paano naman kasi parang nag nonovena kung mag salita.
Sakto 9am ay natapos na din ang lecture. Ngayon ay pinagawa na kami ng balita namin. Sabi ay dalawang news ang gagawin namin.
"So bali itong gagawin natin ay practice pala?"tanong ko kay jeybi ulit.
"Sabi kasi dalawang balita yung gagawin natin. Kaya siguro practice pa lang ito"
"Ano ba yan bakit kailangan pa mag Practice-practice. Sayang oras. Kung isang balita na lang kasi ipagawa nila. Hirap kaya mag piga ng utak. Lalo na kung wala ka naman mapipiga." reklamo ko sa kaniya.
"Napaka daming reklamo naman nito ni Milanie."
"Totoo naman kasi eh"
"Ok Please keep your phone. Because once na nagsimula na kayo gumawa ng balita no gadgets are allowed."
Nang marinig kung sinabi iyon ng proctor ay nagulat ako. Kahit na yung mga kasama ko dito ay hindi din nila inexpect na sasabihin iyon ng proctor. Bakit naman sila ganito. Practice pa lang naman ito. Hindi pa naman ito contest proper. Mukhang nag higpit na silang ngayong year.
"Mag iikot ang mga Facilitator once na mahuli kayo ay kukunin nila ang gadgets niyo at ibabalik after the contest."
Wala na kaming nagawa kundi ang sundin na lang ang gusto nila. Tinanggal ko na yung earphones sa tenga ko. Tsaka nilagay ko na ulit ito sa bulsa ko.
Makikinig pa naman sana ako ng tugtog para kahit paano ay may pang energize ako. Tsaka mabilis ako nakakapag isip kapag may tugtog na kasama. Mas mabilis nag re-response yung utak ko pag may mga himig akong naririnig.
Balak ko pa naman sana sa cellphone na lang ako gagawa. Nakakatamad kaya mag sulat sa papel. Lalo na ngayon na wala pang patungan. Tsaka mahirap kasi left handed ako. Dahil wala naman na akong choice kinuha ko na yung papel sa loob ng bag ko tsaka ballpen at doon nagsimula na ako magsulat.
Anchor ako ngayon. Which is first time ko lang. Nakakatuwa kasi hindi ko din inexpect na gagawin akong anchor ng coach namin. I mean kasi never pa ako naging anchor simula ng mag start ako sa Broadcasting. Which Is a blessing to me. Kasi God gave me this opportunity to step up and leave my comfort zone for a new lesson to learn
Tapos ay wala pa akong masyadong alam kung paano ba ang mga galawan bilang anchor. Kasi news presenter lang naman ako last year. Kaya wala talaga akong kaalam alam. Kaya nga todo kaba din yung nararamdaman ko ngayon kasi for a first timer like me its not easy for me to do this things.
Pero ok na din yun kasi atleast may bagong experience na naman ako. Tsaka achievement na din ito. Kasi pag pilian talaga ng anchor strict sila. Dugo't pawis talaga ang kailangan mo ialay para sa mga ganitong kalaking patimpalak. Kasi bitbit namin ang pangalan ng isa sa mga mayayman na school sa Philippines.
Kaya privilege na din para sa akin ito. Kasi doon ko nalaman na may tiwala sa akin yung coach namin. Kahit na alam niyang first timer lang ako. Alam niya na kaya ko silang buhatin.
Pero kasi nakaka pressure din kasi parang sa groupings ako yung na aasign na leader. So pag pangit ang kinalabasan kasalanan na yun ng leader. Kasi hindi niya na manage ng maayos yung mga ka-group mates niya.
Lalo na hindi pa ako pang leader thing. Kaya malaking challenge talaga para sa akin ito. Masaya naman ako. Kasi kahit papaano ay nasusubokan ako. Which means na huhulma ang aking pagkatao for the better future. Atleast kung hindi man kami manalo ngayon. I have lesson na dadalhin ko.
Ibig sabihin may gusto iparating sa akin ito. Kaya nangyari ang bagay na ito. And I'm so excited na malaman kung ano iyon.
Dahil practice pa lang ito ay hindi ko na muna seneryoso. Mamaya na ako magpipiga ng maigi kapag totoo na talaga. Sulat dito sulat doon at sulat everywhere.
Nang matapos ko na yung akin ay binigay ko na ito sa scriptwriter namin para ma type niya na. Dahil bawal pa nga mag cellphone ay tinulungan ko na lang yung mga kasama ko dito.
"Ate Milanie pwede po ba magpatulong gumawa ng infomercial?" tanong sa akin ni Mai
"Sige may nasimulan ka na ba?"
"Wala pa po. Hindi pa nga po ako nakakagawa nung pang news presenter na balita ko."
"Ay ganun ba sige akin ako na gagawa niyan. Tapos na din naman ako"
"Talaga po?! Hala! Sige ito" tsaka inabot niya sa akin yung papel niya.
May mga iilang nakasulat na dito. Mukhang sinubokan niyang gumawa. Pero wala siyang magawa. Dahil nag presenta ako na gawin ito. Ito ako ngayon na-iistress na naman.
Wala kasi akong masyadong alam sa paggawa ng infomercial. Naawa naman kasi ako sa kaniya. Dahil mukhang stress na stress na din siya. Dahil doon ay may naisip akong gawin. Kaya ginulo ko muna si Gueneth.
"Gueneth Samahan mo ko."
"Saan naman?" bigla niyang lingon sa akin.
"Sa CR na iihi na kasi ako"
Buti naman ay sinamahan niya ako sa CR. Tinabi niya muna yung ginagawa niya tsaka sabay kami pumunta sa banyo. Hindi na kami nag pakalayo. Dahil meron naman dito sa loob ng court. Nasa gilid lang siya ng stage.
Sakto naman pag dating namin dito ay wala tao. Kaya magagawa ko ng maayos ang dapat kong gawin.
"Bilisan mo!" sigaw sa akin ni Gueneth
"Oo! Maghintay ka diyan"
Pag pasok ko ay hindi talaga ako nag CR. Mabilis kong nilabas ang Cellphone ko sa bulsa tsaka nag research about sa infomercial. Meron din naman akong notes dito kaya tinignan ko na din ito.
Hindi ko naman binasa lahat kasi matatagalan ako. Ang ginawa ko ay tinandaan ko lang yung mga main point sa paggawa ng info tsaka tips. Pag katapos nun ay naghugas ako ng kamay.
Para kunwari ay umihi talaga ako. Sympre binalik ko na muna yung cellphone ko sa bulsa bago ako tuluyang lumabas. Pag labas ko sumalubong sa akin si Gueneth na nakabusangot.
"Napakal tagal mo! Ano pa bang ginawa mo sa loob?"
"Ayaw kasi maputol ng ihi ko. Malapit ko na nga mapuno yung inidoro eh"
"Yuck! Kadiri ka naman."
"Lah! Ikaw itong magtatanong. Tapos ngayon na sinabi ko na sayo nandidiri ka naman diyan. Pa inom ko sayo ihi ko eh"
"Ewan ko sayo Milanie. Halika na balik na tayo. Hindi pa ako tapos"
tapos nun ay sabay kaming bumalik sa mga upuan namin. Kinuha ko na yung papel kanina na binigay sa akin tsaka sinulat ko na doon lahat ng naalala ko.
Medyo may mga nakalimutan akong iba. Pero hindi naman ganun kadami. Mas madami pa din yung mga naalala ko kaysa sa mga nakalimutan ko. Hindi naman ganun kailangan kahaba yung info kasi nga may time limit lang kami na kailangan I-achieve. Ang kailangan kasi sa info short but meaningful.
Hindi mo kailangan maglagay ng madaming pasikot-sikot para humaba yung balita mo. Ano naman silbi ng mahaba kung wala naman doon yung gusto ng mga judges. Sayang lang effort mo kapag ganun. You need to be straight forward. Kahit na maikli lang ang magawa mo.
Nang matapos ko na gawin yung infomercial namin ay binigay ko na ulit ito kay Mai. Para macheck niya na kung may mga dapat pa bang ayusin or may mga kulang ba sa gawa ko.
"Sure ka? Wala ng kulang?"tanong ko sa kaniya
"Yes po ate! Salamat ang ganda ng ginawa niyo"
"No problem!"
Sinubmit niya na yung sa Scriptwriter namin. Sa ngayon ang hindi pa tapos ay Si jeybi,Gueneth at yung grade 10 na kasama namin.
Gusto ko pa sana tulungan si Gueneth kaso ayaw niya. Bahala siya diyan.
Reklamo ng reklamo na nahihirapan siya tapos ngayon na inaalok ko siyang tulungan ayaw naman niya. Sarap hambalusin ng monoblock sa bungo eh.
"Haist! Grabe ang hirap nito"
"Tulungan nga kita"
"Ehhh Ayoko kaya ko ito. Manahimik ka na lang diyan"
"Bahala ka diyan ayaw mo tutulungan ka na nga eh"
"Okiee lang ako. Salamat sa alok mo."
"Sige ikaw bahala."
"Shhh! Wag ka ng maingay" pagpapatahimik niya sa akin.
Bahala nga siya diyan. Walang sisihan kapag pangit kinalabasan ng kaniya. Tapos mamaya pag tapos na yung contest lalapit lapit sa akin tapos mag ra-rant ng kung ano-anu kesyo ganyan,kesyo ganto, na ginawa naman niya lahat ng best niya bakit hindi pa ba yun sapat. Sinasabi ko talaga sa kaniya hindi ko siya papasakayin ng bus kapag ganun siya.
Dahil wala akong nagawa tumingin tingin na lang ako sa paligid para tignan kung tapos na din ba yung mga ibang team. Pero halos karamihan dito nakita ko na busy pa din sa paggawa ng kani-kanilang mga balita. Paglingon ko sa harap ay nakita ko na naman si Papi facilitator na umiikot.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko magtatalon o kaya mag sisigaw sa sobrang kilig. Grabe bakit ganun yung kilig na nararamdaman ko sa kaniya. Tamang iwas ng tingin kapag bigla siyang lumingon sa pwesto ko. Pero kaagad na balik ng tingin sa kaniya kapag hindi na siya nakatingin sa akin.
Medyo nagulat ako ng bigla siyang tumigil sa group namin. Hala! Anong gagawin niya. Napansin na ba niya na kanina ko pa siya tinigtignan. Bakit naman hindi ko napansin yun. Feeling ko tuloy masungit siya. Kasi hindi ko siya makitang ngumiti lagi siyang nakabusangot.
May sama ba ito ng loob sa mundo kaya ganyan siya. Nakakaawa naman siya. Gusto ko tuloy siyang yakapin para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
"Excuse me?"
ang ganda ng boses niya. Lalaking lalake. Para siyang yung mga dj sa radio. Grabe hindi lang pala gwapo ito ang ganda din pala ng boses niya.
Bigla siyang tumigil sa harap ni kuya Mark yung grade 10 namin news presenter.
"Are you using your phone?" tanong niya ka kay kuya.
"Ahmm o-opo" mukha pati si kuya mark na gwapohan din kay Papi facilitator.
Teka! Wait anong sinabi ni kuya mark. Bakit naman siya gumagamit ng cellphone. Alam naman niya na bawal iyon. Madidisqualified na ba kami nito. Sana naman ay wag.
"Please give me your phone" utos niya kay kuya. Medyo naging seryoso siya. Pero ang astig niya tignan doon.
Wala naman ng nagawa si kuya mark kundi inabot na lang niya yung cellphone niya. Kahit siya bumigay na din kay Papi ko. Kahit sino naman kasi makakita sa kagisigan niya sinong hindi mahuhulog.
May girlfriend na kaya siya? Kasi kung meron napaka swerte naman nung girl na yun. Sana wag niya saktan ang Papi ko kasi kukunin ko talaga siya sa kaniya. Wala akong pake kung ano maging tingin nila sa akin. Tsaka feeling ko bata pa naman siya.
Siguro mga nasa 21 to 24 years old. Bakit ba age doesn't matter naman. Walang kahit anong makakahadlang kapag pagmamahal na ang naghahari sa lahat.
Pag katapos niya makuha yung cellphone ay umalis na ulit siya para magikot ikot. Itong si kuya mark naman ay kilig na kilig sa pag uusap nila. Mukhang ok lang sa kaniya na makuha yung cellphone niya kasi gwapo naman yung kumuha.
Sa sobrang pagka windang ko nakalimutan ko na naman tignan yung I.D niya. Hindi ko na naman tuloy nakita yung pangalan niya. Dahil ang tagal pa matapos ng mga kasama ko ay tinuloy ko na lang ang pag da-day dream with my papi.
Kahit paano naman ay gusto ko munang libangin yung sarili ko. Kasi mamaya ay bakbakan na. Just need an ice breaker. Kasi pag katapos nito stress to the max na ako.
Bigla ko tuloy na ilabas yung cellphone para tignan yung sarili ko kung haggard na ba ako. Doon ay nakita ko yung mga sabog sabog na buhok ko. Tsaka oily na face.
Bakit hindi ko kaagad napansin yun. Ayun ba yung dahilan kaya kanina ay tinatawanan niya ko or sadyang malikot lang talaga ang imagination ko para maisip ko ang mga bagay na yun.
Kaagad ko naman binalik yung phone ko sa bulsa ng marealize ko na bawal pa din pala mag labas ng gadgets. Pero ok lang din naman sa akin kung siya din ang kukuha kasi ibibigay ko sa kaniya lahat lahat. Kahit yung sarili ko. Handa kong ibigay sa kaniya.
May dala naman akong maliit na salamin kaya yun na lang ang nilabas ko. Para mag aayos ng sarili. Hindi naman ako masyadong maarte kaya pulbo lang ang dala ko tsaka suklay.
Hindi naman ako tulad nila richi at gueneth na napaka daming nilalagay sa mukha. Ginagawa tuloy nilang coloring book yung mukha nila. Tignan niyo ako simple lang. Naglagay lang ako pulbo tapos after nun kinalat ko ito sa mukha ko.
Pagkatapos nun ay dahan dahan kong tinaggal yung tali ng buhok ko. Para akong nasa commercial ng shampoo yung dahan dahan tinatanggal yung buhok para maipakita kung gaano kalambot at kagandah yung buhok ko.
"Hoy! Milanie anong ginagawa mo diyan mukha kang timang" singit ni gueneth
"Epal ka na naman gueneth. Taposin mo na nga yang ginagawa mo"
"Ano ba kasi yang ginagawa mo. Nadidistract ako sayo"
"Ewan ko sayo gueneth"
Napaka epal naman kasi talaga ni gueneth. Nag momoment ako dito tas makikielam siya bigla bigla. Wala na tuloy. Tuluyan ko na tinggal yung tali sa buhok ko tsaka dahan dahan itong sinuklay.
Napapa aray pa nga ako kasi may mga buhol buhol na pala akong buhok na hindi ko napapansin. Tas ang tigas na din ng buhok ko. Mukhang hindi effective yung ginagamit kong conditioner. Magpapalit na ako bukas na bukas.
Pag tapos ko magsuklay ay tinali ko na ulit ito ng pa bun. Kasi napaka init dito sa court. Tapos dagdag mo pa na napaka haba ng buhok ko. Kaya tinali ko na lang ito para hindi na magulo.
After that ay binalik ko na sa bag ko yung powder,suklay at salamin ko. Pagtapos ay umupo na ulit ako ng maayos sa upuan ko. At mag hintay na matapos kami ng makapag pasa na ng script.
Hindi din naman nagtagal ay natapos naman na sila. And pwede na kami kumain ng lunch kasi nagugutom na ako. Hindi pa naman ako nag almusal kanina.
Kasi nakakatamad lalo na pag umaga. Kaya ang kinain ko lang ay isang cupcake na biscuit tsaka juice. Yun na yung almusal ko. Dapat nga ay wala sana akong baon ngayon. Kasi yung pinadeliver ni mama na pagkain ko muntik ng maligaw. Buti na lang talaga ay naka dating.
Kasi for sure pera na naman yung baon ko. Which is maganda naman kaso kasi kapag may pera ako tinitipid ko yung sarili ko ending hindi ako nabubusog. Sabi kasi ng nanay ko na kumain kami ng kumain. Wag daw namin intindihin yung pera na ginagastos namin basta busog kami.
Pero nagagalit sila kapag hingi kami ng hingi ng pera sa kanila kasi gusto namin bumili ng pagkain. Napaka gulo nila diba. Kaya minsan nakakatamad na lang humingi sa kanila ng pera. Kasi kuda ng kuda. Hindi na lang ibigay kaagad ganun din naman yun.
Hayst! Pag katapos I-type nun writer namin yung script ay pinasa na ni jeybi yung gawa namin. Sympre sumama ako sa kaniya kasi nandoon yung facilitator. Siya kasi yung nangongolekta for the Filipino category.
Pag lapag namin ay pasimple kong sinilip yung I.D niya buti na lang talaga ay hindi ganun kalabo yung mata ko para hindi makita yung pangalan niya na pinakaitan ng size ng letter.
"Aldrin nachor" basa ko sa nakasulat sa ID niya.
"Aldrin nachor"
"Aldrin nachor"
"Aldrin nachor"
paulit ulit ko sinasabi yun sa utak ko para hindi ko makalimutan. Once in a lifetime experience lang yun. Kaya bawal ko mamiss yun. Delikado na baka hindi ko na siya mabalikan pa. Sayang naman kung hindi ko siya makilala man lang.
Pag alis namin ay kaagad kong nilabas yung cellphone ko tsaka tinype ng mabilis yung pangalan niya sa search tab. Hinitay ko mag loading yung mga lalabas na tao sa search type.
Napaka hina naman ng signal dito. Kanina pa ikot ng ikot nahihilo na ako. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago lumabas.
"Connection lost"
"ARRRRRRGGGGHHHHHH!!!" nakakainis akala ko pa naman lalabas na.
Lumabas na kami ng court nila gueneth at jeybi para pumunta ng cafeteria para doon kumain. Sabi ko nga sa court na lang kami kumain para hindi na hassle.
Pero sabi ni jeybi wag na. Kasi napaka baho at napaka gulo. Nakakawalang gana lang kumain. Which istrue naman. Kasi ang dami mong makikita na dugyot na estudyante doon. Tapos may makikita ka pa na mga basura at kung ano-anu pa.
Kaya ayun doon na lang kami kumain. Pag dating namin sa cafeteria kailangan pa namin makipag agawan base para may maupuan pa kami. Gueneth kasi masyadong pabibo akala mo endorser ng star hotdog cheesedog.
Pero thankful na din ako kasi sakto naman na sa kabilang side lang namin umupo yung dalawang facilitator. Omygahd bakit naman ganito ang tadhana masyadong mapanakit. Kainis hindi tuloy ako makakain ng maayos kasi nakikita ko sa peripheral vision ko na tumitingin siya sa akin.
Or baka naman naduduling lang ako. Ay basta kinikilig ako ngayon sa loob-loob ko. Pero kailangan ko maging kalmado sa labas kasi baka sabihin ng dalawa kong kasama mukha akong timang sa ginagawa ko. Which is totoo naman talaga.
Bakit ba minsan lang ako kiligin kaya pag bigyan niyo na ako. Kaya nga pag kinilig ako nilulubos lubos ko na kasi minsan lang naman ito mangyari sa buhay ko. Why not diba minsan lang ito dumating sa teen age life ko.
Pag tapos namin kumain ay naisipan ni gueneth na mag laro kaya sumali kami. Sympre kawawa naman siya kung siya lang maglalaro diba. Kaya ayun. Tsaka mahaba pa naman yung time namin kaya mabuti ng mag aliw aliw lang muna kami kahit saglit.
Pagkatapos ng mapag desisyonan ang mechanics ng game ay nagsimula na kami. Dahil si jeybi ang taya ay nag tago na kami ni gueneth.
Dahil hindi ko naman kabisado yung buong school. Naisipan ko na din na sa court na lang mag tago. Para hindi sayang effort ko tsaka para mas mabilis na lang yung paghahanap sa akin.
Pag dating ko dito ay umupo na ulit ako sa kanina kong upuan at mag hintay sa chat ni jeybi para sa clue. Hindi ko alam kung sinong uunahin niya pero for sure si gueneth muna.
Alam niyo naman ang pandak na yun. Ayaw mag patalo. Kaya gagawin niya lahat makapag tago lang at manalo sa game na ito.
Samantala ako ito chill chill lang habang may nakasalpak na earphones sa tenga ko at nakikinig ng kanta. Tapos ay nag scroll scroll na lang sa facebook ko.
Buti na lang talaga ay lumakas na signal dito kasi kahit papaano ay nakakapag search na ako. Kaso ang masakit lang doon ay hindi ko mahanap yung pangalan niya sa facebook.
Posible ba na iba yung pangalan niya. Triny ko baliktadin kasi baka naman ganun yung ginawa niya. Pero wala pa din lumabas. Triny ko din na pangalan lang kaso wala pa din. Nakakainis naman. Anong klaseng pangalan ba meron siya.
Dahil naiinis na ako ay tinigil ko na paghahanap. Naniniwala ako na lilitaw siya anytime sa aking suggestion friends. Kasi proven and tested talaga yun. Nangyari na kasi sa akin yun one time. May hinahanap akong gwapo. Tapos hindi ko siya mahanap then after a day bigla na lang siyang lumitaw sa suggested ko tapos ang maganda pa doon ay may mutual friends kami.
Aabangan ko siyang lumitaw sa suggested friend ko bukas. Can't wait to stalk to his account. Pero sana naman talaga lumabas siya kasi kapag hindi mababaliw talaga ako.
Maya maya ay bigla na nag chat si jeybi sinasabi ko sa kaniya na clue ay ang contest proper. Hindi ko alam kung na gets niya ba yun. Pero matalino naman yung jeybingot na yun kaya mabilis niya lang magegets yun.
Siguro nahanap na niya si gueneth kaya ako na yung next. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago dumating si jeybi. Ineexpect ko na may kasama siyang pero mukhang ako pala yung inuna niya.
"Sabi ko na nandito ka" lapit niya sa akin.
"Nasaan si Gueneth?"tanong ko sa kaniya.
"Inuna kita kasi alam ko na madali ka lang mahanap kaya tama ako"
"Halika ka na hanapin na natin si Gueneth"
Dahil nahanap na niya ako sympre tutulungan ko na siya hahanapin. Paalis na sana kami ng biglang nagsalita yung facilitator sa stage.
"DZWB bente punto trenta please proceed to the room"
Pag kasabi ng Facilitator ay bigla kaming natarant. Paano ba naman si gueneth hindi pa namin nakikita. Saan naman yung nagsisuot na bubwit na yun.
Dahil wala naman na kami nagawa ay sumunod na lang kami sa facilitator para ihatid kami papuntang room.
"Jeybi chat mo na si gueneth! Dalian mo!"
"Teka lang! Wag kang mataranta, natataranta din ako"
"Bilisan mo habang malayo pa tayo"
"Oo na nachat ko na" sabay pakita niya sa akin ng message niya
Bakit naman kasi biglaan. Akala ko ba gagawa pa kami ng panibagong script na ipang lalaban. Anong ipanglalaban namin ngayon?
"Oh no!"
Don't tell me na yung ginawa naming script kanina yun na yung ipanglalaban namin. Kasi kung yun. Wala na end game na ito,
pag dating namin dito ay naghintay pa kami dito sa labas ng room kasi hindi pa tapos yung nasa loob na team. Meron pa kaming time para mahintay pa namin si Gueneth.
"Ano ng sabi niya?"tanong ko kay jeybi.
"Wala hindi na siya nag rereply."
"Try mo tawagan dali!"
pinidot ni jeybi ang call button at nag hintay kami ng ilang ring. Pero hindi ito sinagot ni gueneth.
Punta pabalik ang ginawa ko. Kasi hindi na ako mapakali. Yung kaninang excitement na nararamdaman ko napalitan na ng kaba. Nanginginig na ang aking mga tuhod at namamawis na ang aking kamay.
"Kumalma ka lang Milanie para ka naman timang" pag cocomfort sa akin ni jeybi.
"Wow! Thank you nakatulong ng malaki" sarcastic kong sagot sa kaniya.
Maya maya ay lahat kami napatingin ng biglang may sumigaw na bubwit este na Gueneth. Kaya lahat kami ay nakahinga ng maluwag. Buti na lang talaga ay umabot siya. Muntik na yun. Inayos niya na ang sarili niya sakto naman pag tapos niya ay bumukas na din ang pinto. Lumabas doon ang kakatapos lang na group. Nang tuloyan na silang nakalabas ay kami na ang pinapasok.
Buti na lang talaga ay nilagyan ko ng kanta yung intro ko. Wala bigla ko lang naisip kanina. Pero sana maganda yung kalabasan niya ngayon. Hindi naman ako nakanta pero I will try my best para maganda ang maging result nito.
Hindi din nag tagal ay nag taas na ng flag ang facilitator hudyat na mag start na kami sa pag babalita.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ng matapos namin ang aming balita. Pag katapos nun ay hinatid na ulit kami ni Papi Facilitator sa court para tawagin na ang team na next mag pre-present.
I take this opportunity para malapitan ko yung facilitator. Dahil nasa unahan namin siya ay humakbang pa ako ng medyo malapit para maamoy ko siya.
Dahan dahan lang ako sa pag lapit sa kaniya hanggang sa tuloyan ko na siyang maamoy. Grabe ang bango niya. Kasi hindi ganun ka tapang yung perfume na gamit niya and hindi din siya masakit sa ilong. Anong klaseng pabango kaya ang gamit niya.
Gusto ko din bumili nun tulad sa kaniya. Sa sobrang pag daday dream ko na naman hindi ko namalayan na tumigil pala siya kaya nabunggo ako sa matigas niyang likod.
"Ouch!" napadaing ako ng tumama ang noo ko sa kaniya.
"Sorry" sagot niya sa akin.
Tapos biglang na pahinto ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang kaniyang mahinang tawa na nag bigay ng kuryente sa buong sistema ko.
Sa sobrang pagka windang ko hindi ko namalayan na nag katinginan na pala kami sa mata. Mabuti na lamang ay bigla akong hinila ni jeybi kasi kung hindi ay matutunaw na ako. Dahil yung mga mata niya ay parang araw na tumutunaw sa aking malamig at matigas na yelo.
Pag dating namin sa upuan namin ay napa blink of an eye muna ako saglit. Kasi hindi pa totally nag pro-process sa utak ko yung nangyari kanin. Yung kaniyang brown eyes at magandang pilik mata. Hindi pa din mawala wala sa utak ko.
Lumipas ang oras at natapos na ang paghuhukom. Nang mag announce na ng winners. I felt so sad when our team name don't call the MC kahit sa anong award ay wala kaming nakuha.
Dahan dahan tumulo yung mga luha ko sa mata. Pero kaagad ko din yung pinunasan kasi ayaw ko makita ng mga team mates ko na umiiyak ako. Ako yung leader ng group na ito kaya kailangan ko maging malakas para sa kanila.
"Ok lang guys there's always a next time and pag dumating yun we will sure na hindi natin papalagpasin yun"
pagpapalakas ko ng loob nila. After ng ceremony ay lumabas na kami ng court para bumalik na sa court ng makauwi na kami. Pero bago yun ay sinulyapan ko sa huling pag kakataon yung gwapong facilitator sa stage habang nag aayos sila.
Nang magtama ang aming mata ay hindi na ako nagtangka pang mag iwas ng tingin. Kundi ay nginitian ko siya ng malawak at ganun din ang kaniyang ginawa. Pag katapos nun ay tumuloy na ako palabas ng court.
"Ilalagay ka ng tadhana sa mga pagkakataon kung saan ay hindi ka handa para sa bagay na iyon"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro