Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Bullet 23

The views and opinions expressed by the author do not reflect any situation. Ano mang pagkakatulad nito ay hindi sinasadya at nag kataon lamang. This story is based on the imagination of the author

PLAGIARISM IS A CRIME

Pag pasensyahan niyo na kung may mga typo sa chapter na ito bangag na si author nang matapos ko ito.



Gueneth's pov

Late kami dumating sa service. Dahil sa epal si jeybingot. Papahintay hintay pa eh nandoon na pala. Pag dating ko doon ay nakita ko na nadoon na si Milanie,Jeybi,Sarah at ako.

Mukhang late si Richi at Eco. Nako yung dalawa talaga na yun kahit kailan. Buti na lang talaga ay maaga ako nagising.

Pero kasi ang nakakainis ay medyo nilalagnat pa ako ngayon. Like bakit ngayon pa. Kung kailan laban namin. Nakakainis nga eh. Kahapon naman sobrang ayos naman ng pakiramdam ko.

Then kanina ayun ng I-check ni mama yung temperature ko ay nag aalab ako sa init. Buti nga nung naligo ako ay nawala. Pero muntik na din na hindi ako pasamahin ni mama.

Sakitin kasi akong tao. Parang every month may kung ano anung dumadapo sa akin na mga sakit. Hindi ko naman alam kung saan ko nakukuhaiyon. Lagi naman malinis yung bahay namin.

Tsaka School-bahay lang naman ang lagi kong pinupuntahan. Maliban na lang kung may mga activities kami sa school na kailangan pumunta ng ibang lugar. Pero kasi madalas sa bahay namin ginagawa. Pag may mga Group project yung mga kasama ko na ang nag a-adjust para sa akin.

Let just say na protective lang talaga ang parents ko. Which is naiinintidahan ko naman. Pero kasi minsan yung pagiging protective nila sumosobra na. To the point na yung mismong kaligayahan ko naaapektohan na.

Pero never mind na muna yun ngayon. I need to clean and relax my mind kasi contest namin. Kailangan din mawala nitong ubo't sipon ko. Kasi kapag hindi baka hindi ako makapag perform mamaya. Tapos madadamay pa yung iba kong ka group. Which is ayaw ko naman mangyari.

Ang masaya lang kasi kapag contest is tuwing training ay excuse kayo. Lalo na kapag may mga may mga mahihirap kayong quizzes,assignment or seat work na pinapaggawa.

Hindi din naman ako kinakabahan sa grades ko kasi kahit na hilig ko sumali ng mga contest ay na ma-maintain ko pa din naman ito.

Kaso kasi ang hirap din. Lalo na nasa 1st section ako nakalagay. Masyadong malalakas ang mga kalaban ko. Mga kaibigan ko pa nga lang hirap na hirap na ako eh. Buong klase pa kaya.

Ito kasi yung section namin na ayaw nila magpatalo sa isa't isa. Pero in terms of contest naman pag isa sa mga kaklase namin ang nagiging representative ay todo support naman ang lahat. Pero kapag sa room lang ang usapan. Naku! Sinasabi ko talaga sa inyo. Rambulan talaga ng mga utak ang labanan.

Isa sa mga nagustuhan ko sa section namin. Kahit na may competition na nangyayari sa loob ng room sympre nagtutulungan pa din naman kami sa isa't isa.

Pag dating namin dito ay kasabay ko bumaba sila jeybi. Pagpasok namin ay sinabihan kami dumiretso sa court dahil doon ang venue ng contest namin.

Habang naglalakad ako papunta doon ay nagdadasal ako na sana ay hindi strict yung mga facilitator at judge. Kasi naman last year sobrang strict nila.

Kahit pagtae mo kailangan ka nilang samahan. Ma sure lang nila na walang pandurogas na mangyayari. Pero talo naman kami kaya sayang lang yung pag sunod sunod nila sa akin.

Pag pasok ko sa loob sumalubong sa akin ang mga taong may mga kaniya kaniyang business. Dahil wala pa naman masyadong tao sa dito ay dumiretso na kami sa mga upuan na nakapwesto sa gitna ng court.

Nasa pang apat na row kami umupo. Dahil doon naka assign ang high school sa harap namin ay may mga elementary na nakaupo. Hindi naman sila ganun ka rami.

Siguro ay mga nasa dalawa or tatlong group lang sila na may tag pito na members.

Habang naghihintay ay sinamantala ko na muna ang pagkakataon na ito na maka idlip muna ng panandalian. Dahil medyo nahihilo kasi ako. Hindi din naman nagtagal ay nakatulog ako.

"Our first place goes to--"

napalingon ako sa stage ng nagaabang ako ng announcement. Nagulat nga ako dahil ang bilis ng nangyari. Ganun ba kahaba yung tulog ko para hindi ko maalala na awarding ceremony na pala.

"DZWB bente punto trenta!"

Napatalon ako sa tuwa ng marinig ko na tawaging ng MC ang pangalan ng group namin. Finally after ng 2 years kong paghihintay ay nakakuha din ako ng award sa journalism.

Hindi ko ma-explain ngayon kung ano yung nararamdaman ko. Gusto ko umiyak,gusto ko tumawa ng malakas, gusto ko maglupasay dito. Naghahalo halo talaga yung pakiramdaman ko ngayon.

Dahil sa sobrang kasiyahan na nararamdaman ko ay ako na ang pumunta sa taas bilang representative ng group namin kasama ko ang coach namin. Nilasap ko ang mabigat na medalya sa aking leeg at ang isang malinis na certificate sa kamay ko.

Pag katapos ko mag picture taking ay bumaba na kami ng coach ko. Dahil sa medyo mataas ito ay nahirapan ako bumaba. Dahil sa maliit nga lang ang bias ko. Oo! Na pandak na ako. Anong magagawa ko. Kung ganito lang ang height na binigay sa akin.

Paghakbang ko ay hindi ko namalayan na may plastic pala doon sa unang hagdan kaya naapakan ko ito at bumagsak ako dire diretso sa sahig.

"Guenenth gising na"kaagad ako napabalikwas ng may maramdaman akong umuga sa balkat ko.

Paglingon ko sa kaliwa ko nakita ko si jeybingot na nakatingin sa akin. Inikot ko ang aking mata sa paligid para tignan kung ano ng nangyayari.

"Tapos na ba awarding ceremony?" tanong ko sa kaniya.

"Engot!"tapos ay bigla niyang tinampal ang noo ko "Anong awarding ceremony ka diyan. Eh magsisimula pa lang oh"

napatingin ako sa stage kung saan ay nakita ko na may umakyat na isang babae sa stage.

"Aray! Bakit kailangan may pag tampal ha" reklamo ko sa kaniya.

"Tulog-tulog ka pa kasi eh"

sign na ba yung panaginip ko na mananalo kami nagayon araw. Sana naman mag dilang anghel talaga yung panaginip ko.

Pag katapos ko mag unat-unat ay tinuon ko na ang atensyon ko sa taas ng stage kung saan ay umakyat na ang proctor namin.

Medyo gumaan na din ang pakiramdam ko dahil nakatulog ako kahit na saglit lang. Hindi na din ganun ka barado ang ilong ko kumpara kanina.

Nag start na ang lecture. Dahil every year ay nandito na ako ay medyo alam ko na ang kalakaran ng Radio broadcasting. Pero sympre nakinig pa din ako kasi may mga nadadagdag sila o kaya ay may binabago. 2nd year ko na ito to compete as a Radio broadcaster. Pero ni isang beses ay hindi pa ako pinapalad.

Ngayon na kahit medyo may sakit ako ay sisikapin ko pa din gawin ang makakaya ko. Sayang din naman kung uuwi na naman kaming luhaan. Pinaka ayaw ko pa naman yun maramdaman. Ang matalo.

Dahil siguro nasanay na din ako na tuwing mag co-compete ako ay lagi ako may naiiuwi na medal or certificate.

Pero kasi hindi naman palagi kailangan ganun eh. Minsan kailangan mo din tumanggap ng pagkatalo mo. Kaya pag natatalo ako ginagawa ko itong lesson then sa susunod na lalaban ako ay may baon na akong sandata.

Pag dating sa Journalism ang pinaka ayaw ko ay yung mga strict na mga judges or proctor. Hindi ko alam pero kasi kapag ganung klaseng mga tao yung mga nakakasama ko nakaka pressure.

As in para kasi bawat galaw mo ay kailangan mainggat ka. Bawal sumobra.bawal din ang kulang. Kailangan mabusisi ka sa pag kilos.

Para kasi silang mga detective kahit pinaka maliit na detalye mo ay nakikita nila. Isa din yun sa dahil bakit mas pinili ko mag Tagalog kaysa sa English eh.

Marunong naman ako mag salita ng English pero hindi ganun ka galing. Nabubulol bulol pa ako. Then hindi ko pa alam yung mga tamang pag bigkas ng mga word. Lalo na kapag hindi ako familiar.

Kaya mas pinili ko na lang Nasa Filipino category na sumali. Mahalin natin ang sariling atin. Ika nga ng mga bayani.

Medyo madami pang diniscuss si Ms.Eula tulad ng paggawa ng script. Mga technique sa pag babalita. Mga dapat alalahanin habang nag babalita. At marami pang iba.

Bago ko pala makalimutan ang kasama ko sa group ay sila milanie at jeybi ang anchor namin. Ako ,si Mai na grade eight, si kuya Mark na grade 10 ay ang mga news presenter. Samantala si Fergh na grade 8 din ang aming technical.

Maganda naman ang team namin. Kay Jeybi at Milanie pa lang sobra sobra na eh. Sadyang ako lang talaga yung pa buhat.

Pagkatapos ni Ms.Eula na mag discuss ay pinaggawa na kami ng balita. Ang topic na binigay sa amin ay SONA. Hindi ko alam pero lagi kong napapansin tuwing nalaban kami ay laging yan yung topic.

Pero ok lang iyon. Dahil prepared naman ako. Dahil nakapanood ako. Advance kasi ako mag isip. Hindi din naging madali pa sa akin yung manood ng SONA. Dahil kailangan ko talaga tumutok ng maigi.

Dahil isang information lang ang makaligtaan ko ay tiyak na mag kaka rambulan na. Lalo na Journalist ako dapat ang mga Facts na nilalagay ko ay makakatutohan at Hindi lamang gawa gawa.

Ako ang na assign sa national news. Dahil ako lang ang nakapanood ng kabuang SONA. Hindi madali yun kasi national news nga eh.

Pagkatapos namin mag usap ng kaniya kaniya namin assignment ay kaniya kaniya na din kami gawa ng balita namin. Walang pakelaman na.

Ang buong group ko ay tahimik at concentrated na nag iisip ng ilalagay nila sa kanilang mga papel.

Tulad nila ay ganun din ang ginawa ko. Naglabas ako ng pad paper kung saan ay mga mga reference na ako. Dito nakasulat ang lahat ng naganap sa SONA.

Binasa ko muna ito para mag ka idea ako. Thursday kasi ginanap ang SONA kaya medyo hindi ko na tanda ang mga napanood ko. Sa dami ba naman ng iniisip ko kada minuto. Hindi na nakakapag taka na may maalala pa ako.

Pag katapos ko mabasa ay nagsimula na ako magsulat sa papel. Pero dahil walang patungan dito ay tumayo ako tsaka ko pinatong ang bag ko sa taas ng upuan ko.

Tapos ako ay umupo sa sahig. Hindi naman madumi yung sahig kaya umupo ako. Sunod ay pinatong ko yung papel na hawak ko sa upuan at nagsimula na magsulat.

Medyo nahihirapan ako ngayon. Dahil hindi masyado nagana yung mga brain cells ko. Minsan ay nahihilo ako minsan din naman ay pakiramdam ko nasusuka ako.

Dagdag mo pa dito yung mainit at maalinsangan na paligid. Tutok lang ako sa ginagawa ko. After a minute ay natapos ko na ang gawa ko. Kaya binigay ko na ito sa scriptwriter namin.

Pag pasa ko ay nakita ko na nagpasa na din yung iba ko pang kasama. Sympre kailangan I-type na yun kaagad dahil kailangan maipasa yun kay Ms Eula.

Mabilis mag type ang scriptwriter namin kaya natapos niya ito kaagad. Nakakatawa nga kasi buti na lang cheneck ulit ito ni jeybi para tignan kung may mga typo's sa script namin. Sa sobrang pag mamadali kasi hindi na niya nalagyan ng mga punctuation marks.

Hindi din naman nagtagal ay pinapasa na ang aming script. Si jeybi na ang nagpasa total siya naman leader ng group na ito.

After nun nag announce si mam na mamayang hapon pa ang laban namin. Kaya pagbaba niya ay nag lunch na kami may baon ako ngayon dahil pinabaonan ako ng nanay ko.

Para daw hindi na ako gumastos dito. Paano naman ako gagastos ni hindi niya nga ako binigyan ng pera eh. Ano naman bibilin ko dito. Buti na lang talaga ay may ipon ako kaya kanina bago ako umalis ay dumukot muna ako doon. Pero pa sikreto lang.

Papalitan ko din naman yun after nito. Binibigyan naman ako palagi ng pera ni mama kapag may pasok kay mabilis ko lang din mababawi yung dinukot ko kanina.

Nilabas ko ang baonan ko sa aking bag. Tsaka inaya ko kumain sila jeybingot sa cafeteria.

Pag dating namin dito ay sumalubong sa amin ang napakadaming tao. Pero hindi naman ganun kasikip. Pumasok kami sa loob habang naglalakad dito sa hallway ay naghahanap kami ng bakanteng upuan.

Sakto naman ay may umalis na babae sa dinaanan namin. Kaya kagad kami tumakbo dito. Kasi may nakita din kaming group ng mga estudyante na naka tingin din sa pwesto na iyon.

Dahil medyo malapit kami sa pwesto ay kami ang nauna. Liliit kasi ng mga bias eh. Yan tuloy hanap na lang kayo ibang upuan.

"Bleeehhh!!"

dahil mahal na mahal ako ng nanay ko. Sympre ang ulam ko ngayon ay Siomai. Diba effort na effort yung pagkain ko. Isang sandok ng kanin tapos anim na piraso ng siomai na binili sa palengke.

Tinignan ko yung mga baon nila. Nainggit ako kasi ang sa sarap ng mga pagkain nila. Yung kay jeybi caldereta. Tapos yung kay milanie lechong manok.

Diba mas lalo akong natakam sa pagkain nila eh. Pero hindi ko na doon tinuon yung atensyon ko. Kinain ko na lang ito pinaboan sa akin. Wala naman akong choice kasi hindi din naman ako makakabili ng pagkain dahil wala akong dalang masyadong pera.

Yung perang dala ko lang kasi is in case of emergency lang eh. Walang extra.

Dahil mahaba naman vacant time namin ay sinulit na namin ito. Mag e-enjoy muna ako. Mamaya na ako babalik sa reality. Aaliwin ko muna ang sarili ko sa fantasy world.

Inaya ko sila jeybi na mag libot libot dito. Dahil malaki naman itong school. Ay mas naisip akong mas mabilis na paraan para malibot namin ang school. ang ginawa namin naglaro kami ng tagu-taguan.

Sympre hindi ako taya. Ayoko ko maghanap tas mukha akong ewan. Dahil ayaw ko nga maging taya ay si jeybi ang napili. Ayaw din kasi ni Milanie kaya walang choice si jeybi kaya siya yung taya.

"Game. Ganito bibilang ako ng 1 minute tas bahala na kayo kung saan niyo gusto magtago" instruction ni jeybi.

"Sige, kahit saan kami magtago?" tanong ko.

"Oo, kahit saan. Pero dapat mag online kayo."

"Teka? Bakit naman?"Tanong ni Milanie.

"Sympre mga dai. Napaka laki nitong school.Mamaya nag start na yung contest hindi ko pa kayo nahanap. Mag oonline kayo para bigyan ako ng clues kung saan ko kayo pwede hanapin."

"So bali Hide and seek ang gagawin natin?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Oo tumpak ka diyan"

"Pero ang rules bawal na kayong umalis doon sa pwesto niyo kung saan kayo."dagdag niya pa.

"Okieee deal!"sagot ni Milanie.

Pagkatapos nun ay naiwan si jeybi sa loob ng cafeteria. Tapos kami ay kaagad na tumakbo. Palayo doon. One minute lang ang binigay niya sa amin. Kaya kailangan namin makaalis.

Teka? Ano pala kapalit nito. Ano ba yan nakalimutan ko itanong kung anong prize nito. Sayang naman. Cha-chat ko na lang siya mamaya. Total mag uusap naman kami.

Sympre nagtago ako sa lugar kung saan hindi ako makikita talaga. Naisipan ko mag tago sa library nila. Dito ko naisip kasi wala na akong maisip na iba pang mapagtataguan.tsaka dito malilibang pa ako.

Habang hinihintay ko siya makakapag basa basa ako ng mga libro dito. Pwede din ako mag review mamaya ng script. Kaso paano pala ako mag rereview kung wala naman akong copy.

Hindi ko nga pala nakuhaan ng litrato. Di bale na lilibangin ko na lang yung sarili ko. Hindi ko alam kung saan banda yung library kaya kailangan ko pa itong hanapin.

Tapos na ang 1 minute kaya for sure naghahanap na si jeybi ngayon. At ako ito naghahagilap pa ng library. Si Milanie kaya saan kaya siya nag tago.

Pag labas kasi namin ng Cafeteria ay naghiwalay na kaming dalawa. Kaya hindi ko alam kung saan siya nag tago.

Ilang minutes pa ako nag-ikot dito sa school. Bago ko nakita yung napaka laki nilang library. Pag pasok ko kasi sumalubong sa akin ang mga nagtataasan nilang shelves.

Hala! Sana all. Paano naman ako kukuha ng libro. Kung napaka taas ng mga shelves nila.

Hindi na ako nag effort na mag punta pa sa pinaka dulong parte ng library. Ok na ako dito sa may harapan ng librarian. Pumunta ako sa isa sa mga table dito. Tapos ay pinatong ko muna ang aking bag sa upuan.

Pag katapos nun ay pumunta na ako sa isa sa mga shelves dito. Hindi na ako nag pakalayo. Dahil saglit lang naman ako dito. Nagtagpuan ko yung sarili ko na nasa Science section.

Pag kuha ko ng isang encyclopedia ay dinala ko na ito sa lamesa ko. Nilabas ko yung cellphone ko tsaka ko binuksan yung data nito. Hihintayin ko yung message ni jeybingot sa akin.

Binuklat ko muna ito. Grabe ang ganda ng book na ito. Saan kaya ito gawa. Kasi compare sa encyclopedia doon sa school namin. Pag binuksan mo uuboin ka eh. Mahirap na gumamit ng mga libro ang mga may Asthma kasi uubohin ka talaga sa mga alikabok nito.

Tsaka mukha ng mga matatagal yung mga libro doon. Kasi yung mga front page ay sira sira na or kaya luma na. Samantala dito kanina habang nag hahanap ako. Parang bagong tanggal lang sa mga balot yung mga libro.

Haist! Swerte ng mga nagaaral dito. Gaano kaya kadaming estudyante yung laging napunta dito. Kasi bukod sa mga bagong libro ay may free wifi sila.

Nagana lang siya kapag nasa loob ka. Kaya kapag nasa labas ka hindi ka makaka sagap ng wifi. Paano kaya nila nagagawa yun.

Habang busy ako dito ay biglang sunod sunod tumunog yung cellphone ko. Tinignan ko baka kasi si jeybingot na itong nagchat.

Pag bukas ko ng cellphone si jeybi nga itong nag chat. Kaya kinuha ko kaagad yung phone ko para tignan yung mga chat niya sa akin.

Jeybi: nasaan ka na gueneth nandito na kami sa court.

:Hoy halika ka na mag iistart na yung contest

:Bumalik ka na dito.

Nataranta ako sa sinabi ni jeybingot. Ano all this time pinagtritripan lang nila ako. Humanda talaga sa akin pandak na yun.

" GRRR RRR R R R R RR"

nakakainis siya ng sobra. Kaagad ako tumayo tsaka ko kinuha yung mabigat na encyclopedia pero iningatan ko din kasi feeling ko mahal ito. Baka mamaya masira ko pa wala pa naman akong pambayad ngayon.

Dahan dahan lang ang lakad ko. Dahil medyo mabigat nga ito ay nahirapan ako buhatin.

Pag tapos ko ito ipatong ng maingat sa shelf ay kaagad ako tumakbo papunta court. Mag babayad talaga sa akin yung jeybi na yun.

Pag dating ko ay kaagad hinanap ng mata ko si jeybi. Pero nakakapag taka kasi hindi ko siya makita.

Kaya hinanap ko din yung mga ka group ko. Pero maging sila ay hindi ko na din mahanap. Hala! nasaan sila? Kaagad ako lumapit kala richi na nasa kabilang side lang ng court para tanongin siya kung nakita niya ba sila jeybingot.

"Nakita mo sila Jeybi, Richi?"

"Goshi ka Gueneth tinawag na yung group niyo bakit ka pa nandito"

"Ano? Tinawag na? Nasaan na sila ngayon" natataranta kong tanong sa kaniya.

"Pumunta ka na doon sa unang building sa second floor baka nandoon na sila"

pagkatapos ng aming pag uusap ni richi ay kaagad ulit ako tumakbo papunta doon. Hindi pa nga ako nakakahinga kanina sa pag takbo ko. Tapos ngayon tatakbo na naman ako.

Sinunod ko yung sinabi ni richi sa akin. At ito nga nandito sila sa labas ng room at mga balisa.

"Hoy jeybingot"Sabay sabay silang lumingon sa pwesto ko.

"Saan ka ba nanggalin Gueneth?" tanong niya sa akin.

"Ay Wow ako pa talaga sinisi mo! Sino kaya nag ayang mag laro ng tago taguan" tapos ay pinag hahamapas ko siya.

"Aray ko! Tama na!" pero hindi pa din ako tumigil sa pag hampas sa kaniya.

Natigil lang ako sa pag hamapas niya ng lumabas na yung Facilitator sa loob ng room.

Nakakainis talaga siya. Mamaya ko na siya aawayin. Ngayon ay nag focus na muna ako sa contest. Dahil nga hiningal ako kakatakbo ay uminom muna ako tubig. Medyo na dry na din kasi yung lalamunan ko eh.

Pagkatapos ko mag ayos ay sakto naman na pinapasok na kami sa loob ng room. Ngayon yung inis na nararamdaman ko ay napalitan na ng kaba. Ito na naman ako. Ang malakas na kalabog ng aking puso at nanginginig na tuhod.

5-minutes lang time na binigay sa amin. Kaya dahil diyan may tag 30 seconds lang kami para mag balita individually. Nag start na si jeybi sa kaniyang intro at sinabayan ito ng kapartner niyang anchor na si Milanie.

Tuloy tuloy ang aming balita hanggang sa matapos namin ito. Maganda para sa akin ang ginawa namin. Pero hindi ko alam kung anong reaction ng mga judges. Pag katapos ay lumabas na kami ng room para bumalik sa court.

Pero habang pabalik kami ay bigla akong nasuka. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumuka dito sa daan.

"Gueneth Ok ka lang ba?" tanong sa akin ni Milanie,

habang hinihimas ang aking likod. Samantala ako ay tuloy tuloy lang ako sa pag suka ko. Parang halos lahat ng kinain ko kanina ay naisuka ko.

Pag katapos nun ay binuksan ko ang aking bag tsaka uminom ng tubig. Nang medyo nahimasmasan na ako ay naglakad na ulit kami pabalik sa court.

Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang panyo na nasa bulsa ko. Tsaka binalik ko ulit sa aking bag ang tubigan ko.

Pag dating namin dito ay umupo ako kasi medyo nahihilo na naman ako. Buti na lang ay may dala akong pang pahid.

Pagkatapos ko magpahinga ay bumuti na din ang aking pakiramdam. Sabi nga nila ay pumunta kami ng clinic pero ayaw ko kasi malayo. Tsaka sumuka lang naman ko. Dahil na din siguro kasi tumakbo ako kanina pag katapos ko kumain. Kasi naman eh may pa tago-taguan pang nalaman epal ni jeybingot na yun.

Dahil mahaba ulit vacant namin. Kasi madaming ang team sa Filipino ay matagal tagal na naman kami maghihintay dito. And sobrang boring yun. Kaya nun nag aya na pumunta ng mall ay sumama ulit ako.

"Teka, Ayos na ba pakiramdam mo?" tanong sa akin ni jeybi.

"Oo ayos na ako. Dami mo kasing alam eh"

"Sorry na nga eh. Hindi ko naman kasi alam eh. Kahit ako din naman nagulat eh.

"Tse! Bahala ka diyan. Kausapin mo sarili mo"

"Lah! Hindi bagay sayo wag kang ano diyan"

"Pake mo? Hindi tayo bati kaya wag mo ko kausapin"

hindi ko talaga siya kinausap. Dahil sa kaniya muntik na ako mamatay. Alam naman niya na may asthma. Tapos papatakbohin niya ako ng napakalayo. Sana naman kasi kung malapit lang yung tinaguan ko. Eh nasa pang limang building yung library nila.

Tapos nasa unang building yung room na tinakbohan ko. Imagine mo na lang kung gaano kalayo yung tinakbo ko. Tapos napaka dami pang tao sa paligid. Sabay mo pa yung tirik na araw. Buti na lang talaga hindi ako hinimatay kanina kasi talagang patay ako sa nanay ko.

Dahil vacant namin. Nag aya yung kabilang group na pumunta muna ng mall para makagala. Dahil kilala ko naman yung mga nasa group ay hindi na ako nahiyang sumama.

Pero hindi naman lahat sumama kaya may mga naiwan sa court. Atleast kahit papano may mga mag sasabi sa amin pag awarding na.

Dahil hindi kami bati ni jeybi ay hindi siya sumama. Buti naman kasi kung sumama siya baka mapatay ko na siya habang papunta kami sa mall. Pati din si Milanie ay nag paiwan na din. Dahil tinatamad daw siya maglakad.

Sus! Sabihin niya busy siya sa Jowa niya. Kahit hindi niya sabihin alam ko naman. Ang hindi ko lang alam ay kung alam din ba ng iba naming kaibigan.

Pag labas namin ng court ay dumiretso na kami ng sa main gate para pumunta na sa mall. Pero pag labas namin ay hindi kami pinayagan ng guard.

"Saan kayo pupunta?" tanong sa amin ng security

sumagot naman si martha "Lalabas lang po may bibilhin lang kami"

"Hindi pwede. Tawagin niyo yung teacher niyo para payagan ko kayo"

Lahat kami ay napaatras ng marinig namin yung sinabi ng guard. Ano ba naman yan. Napaka epal naman nung guard.

Bumalik kami dito sa labas ng court. Nag aabangan na may dumaan na teacher namin. Para makapagpaalam kami at payagan kami makalabas.

Nagsasayang lang kami ng oras dito sa harap ng court. Nagpapabilad sa araw. Dahil doon ay may naisip akong gawin.

"Hoy tara! Takasan natin yung guard" suggest ko sa kanila.

"Huh?! Paano naman yun?" sagot ni pau.

"Ako bahala basta sunod lang kayo sa akin"

at ayun sumunod nga sila sa akin. Actually wala talaga akong naisip na gagawin. Naiinip na kasi ako dito. Pag dating namin dito ay nakita ko na nandoon pa din yung guard nakabantay.

"Ano na Guenenth?" tanong ulit ni Pau

"Teka lang!"

Sakto naman na busy yung guard kaya nakaisip na ako ng gagawin. Pag talikod ng niya ay kaaagad ako tumakbo palabas ng gate at sumigaw ako.

"TAKBO!!!!!!!"

lahat sila ay napatakbo na lang din ng sumigaw ako. Dire diretso lang kami tumakbo hanggang sa makalayo kami sa gate ng school at tuloyan ng makalabas ng school.

"HOY MAG SI BALIK KAYO!!" rinig kong sigaw ng guard.

Pero wala ni isa sa amin ang lumingon sa kaniya. Napatigil na lang kami ng takbo ng makalayo na kami ng sobra. Tumigil muna kami saglit para huminga. Nandito na din naman kami malapit sa entrance ng mall.

Pag dating naman namin dito ay isa na naman pagsubok ang kailangan namin lutasin. Ano ito video game bawat level may iba't ibang challenges. Pero dahil mauutak naman kami ay nalusotan na naman namin yung guard sa entrance.

Ngayon ay nandito na kami sa loob ng mall. Nilalasap ang malamig na hangin na nanggagaling sa aircon. Grabe ang sarap sa pakiramdam. Dahil wala naman akong pera Window shopping lang ang ginawa ko. Tingin tingin kunwari interested.
Mag try ng mga nag papa-free taste na mga shop. Sympre sayang naman yun. Bakit hindi tsaka libre naman kaya lubos lubosin na natin. Minsan lang ako makakita ng mga shop na may pa free taste.

Mukhang kakabukas lang ata ng store na ito. Isang french fries house. Kasi may mga pa balloon sa sa gilid nito at malakas na tugtog na nanggagaling sa speaker.

Pag tapos namin lagpasan yun ay medyo na busog ako. Medyo madami din ako nakain doon. Dami kasi nilang mga flavors. Naglibot pa kami baka kasi may makita kaming nag papa-free taste na juice or kaya shake.

Sad to say ay wala kaming nakita sayang naman wala tuloy panulak. Tuloy tuloy lang kami nag iikot dumadaan sa mga stall. Nag I-ispray ng mga pabango. Nag rerefill ng alcohol sa mga drug store na matatadaan namin.

Tas nakiki free wifi na din kami. Buti pa dito mabilis yung wifi. Ngayon ay nandito na kami sa may play station house. Dahil wala akong pera ay sila lang yung mga naglaro. Pag binigyan nila ako token lalaro ako pero pag hindi kinukulit ko pa din sila hanggang bigyan nila ako.

Pag naubos minsan tamang tingin tingin sa mga lagayan. Baka mamaya may mga naiwan na token sa machine. Minsan ay sumisilip ako sa ilalim kasi may mga gumugulong na token na nahuhulog.

Naka limang token din yung nakuha ko. Hindi ko lang sinasabi sa mga kasama ko kasi mamaya manghingi sila eh. Ayaw ko nga bahala sila diyan. May mga pera naman sila.

Nag enjoy naman ako dito kahit papaano kasi parang halos lahat ng machine dito ay nalaro ko.

"Hoy balik na tayo. Start na daw awarding" sabi sa amin ni pau.

Sympre kaagad naman na kaming umalis ng arcade house at dumiretso sa exit. Pero bago kami lumabas ay tamang takip lang ng mukha ang ginawa namin. Baka kasi makilala kami ng guard na naloko namin kanina eh.

Maayos naman kami nakalabas. Walang bahid ng kahit ano kaming nakuha. Ang bilis lang lumipas ng oras dahil pag tingin ko ng relo ay 5pm na pala ng hapon.

Buti na lang ay hindi na masyadong mainit kaya hindi na ako naglabas pa ng payong. Pag dating namin ay tama nga si pau dahil nag start na ang awarding ceremony.

Inuna ang announcement ng English category kung saan ay nanalo ang team nila richi as 4th placer. Nilingon ko ang reaction ni richi. Ayun nag tatalon sa tuwa. Para siyang biik na malapit na lechonin.

Pag katapos nung kanila ay next na ang aming Category. Lahat ng tao dito sa court ay nag aabang. May mga pumapasok na din sa loob ng court para maki nood ng ceremony.

May mga nakita din kasi ako na may mga suot ng medal at hawak ng certificate galing ibang category. Sympre inuna na nila yung elementary which is nanalo ulit yung school namin as second place.

Pag katapos ng elem sympre kami na ang next. Tinawag ang mga special awards. At ni isa doon ay walang nakuha ang school namin. Pag katapos ay nag announce na din ng top 5 winners.

Ako na nakaupo ngayon sa upuan inaalala yung nangyari sa panaginip ko at nanalangin ako na sana ay magkatotoo iyon. Hindi na nagpaligoy ligoy pa ang MC at mabilis niya tinawag ang mga pangalan ng winners.

Ganun na lang ang lungkot ko ng hindi ko narinig ang pangalan ng group namin na tinawag sa mga nanalo. Ayun na nga pagkatapos ng masasayang minuto ko kanina ay napalitan na ito ng lungkot ngayon.

Nakakalungkot kasi nasayanag na naman yung year ko as a Journalist. But still thankful kasi another lesson na naman ang nakuha ko. Pero still hindi pa din kami nanalo yun yung masakit para sa akin.

Pag katapos ng ceremony ay lumabas na kami ng court para bumalik na sa bus at umuwi. Pag dating namin dito ay halos karamihan sa amin ay tahimik. Dahil na din siguro sa hindi pa nag sisink in sa amin yung mga nanagyari kanina. Umupo ako sa tabi ng bintana at tahimik na naghintay na umandar na ang sasakyan.

Pag andar ay muli kong sinulyapan ang 'BMA' para alalahanin ang nangyari sa loob ng school na iyan.

Nang lubosan ng mawala sa aking paningin ang school ay dahan dahan ko sinandal ang aking ulo sa bintana at unti unting hinayaan na antokin na ako.


"It's never too late to start, but you have to learn through experience"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro