
Bullet 21
The views and opinions expressed by the author do not reflect any situation. Ano mang pagkakatulad nito ay hindi sinasadya at nag kataon lamang. This story is based on the imagination of the author.
PLAGIARISM IS A CRIME
Pag pasensyahan niyo na kung may mga typo sa chapter na ito bangag na si author nang matapos ko ito.
Richi's POV
"Good morning!!" Malakas kong sigaw sa labas ng bintana ng bahay namin.
"Hoy! Manahimik ka nga diyan! Aga-aga ang ingay mo eh." Tinarayan ko lang siya.
Luh! Panira ng mood si kuya eh. Ganda-ganda ng umaga ko eh. Sabado ngayon and bago ko makalimutan--
"Gosshi! Ngayon pala laban namin sa journalism!"
Napatingin ako sa wall-clock namin dito sa sala. Oo, nandito ako natulog sa sala. Nakatulog na kasi ako kagabi sa sala namin. Sobrang pagod ako kahapon galing training. Last day ng training namin kahapon pero imbes na mag chill-chill na lang kami, ayun, mas lalo kami sinubsob ng impakto naming coach.
Pagtingin ko ng relo, napatakip na lang ako ng bibig ko ng marealize ko kung anong oras na.
"Goshi! 6 AM na!"
Bakit naman hindi ako ginising ng mga tao dito sa bahay? Sinabi ko naman sa kanila na ngayong araw yung laban ko. Tiningnan ko naman yung cellphone ko. Nag-alarm din naman ako, pero bakit mukhang hindi nag-alarm.
"GRRR RRR R!"
Pinagtripan na naman ako ng kapatid kong si Mathew, kasi sinilent niya yung cellphone ko. Dahil sa ginawa niya, naisipan ko din ibalik sa kaniya yung ginawa niya sa akin. Kaagad akong dumiretso sa loob ng kwarto kung saan natagpuan ko siyang nakanganga habang tulo-laway pa.
"Kadiri!" Mahinang bigkas ko.
Bilang ganti sa kaniya ay kinuha ko yung marker sa drawer niya at sinulatan ko ang kaniyang pagmumukha. Dahil may katabaan siya ay ginawa kong panda ang mukha niya.
Dahan-dahan lang ako sa pag-guhit para hindi niya ako maramdaman. Pagtapos ko siyang drawingan ay natawa ako dito sa gilid.
"HAHAHAHAHA! Buti nga sayo."
Tsaka umalis na ako ng kwarto niya. Pagkatapos ko aliwin ang sarili ko, doon ko lang narealize na may mas importante pa pala akong gagawin, kaya dali-dali akong pumunta ng kwarto. Dito ay kaagad akong nag-impake ng mga dadalhin ko.
Hindi ko na naisipan pa na ayusin, basta kung ano na lang mahablot ko ay salpak agad sa bag. Sa service ko na lang aayusin yung gamit ko.
"Gosh! Ano pa ba ang kulang??" Natatarantang isip ko.
Kabila't-kanan ako ng lakad dito sa kwarto ko. Nagsasayang lang ako ng oras ko dito, kaya lumabas na ako ng room para pumunta ng CR. Pagdating ko dito ay balak ko sana hindi na maligo kasi matagal ako maligo.
Kaso narealize ko na ang baho ko na pala. Kahapon pa ako hindi naliligo, kaya kahit ayaw ko ay naligo pa din ako. Multi-tasking na kung multi-tasking. Para lang mas mapabilis ko lang galaw ko.
Ang isa kong kamay ay nag sha-shampoo tapos yung isa kung kamay ay nag to-toothbrush. Dahil hindi ko nadala yung uniform ko nang pumunta ako ng CR ay kailangan ko na naman bumalik ng kwarto ko para kunin.
Pero napatigil ako ng maalala ko na wala na pala akong malinis na uniform.
"Omygasssh! Hala! Wala akong susuotin."
Lumabas ulit ako ng kwarto habang may towel pa din sa katawan ko. Pumunta ako ng terrace namin para tignan kung may mga nakasampay ba doon na damit. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na may bagong labang uniform doon na nakasampay.
Kaya kinuha ko yung panukit namin tsaka ko sinungit ito. Pagkatapos ay tumakbo na ulit ako papasok sa kwarto ko. Pero dahil sa sobrang pagmamadali ko, ayun, natisod pa ako at lumagapak sa sahig.
"Oucccccccccchhhhhhhhh!!!!!!!!!"
Nang makarecover na ako ay dahan-dahan ako tumayo. Grabe, nalamog yung taba ko doon. Cheneck ko muna yung tuhod ko kung may pasa at ayun nga may maliit na pasa akong nakuha. Anemic kasi akong tao kaya hindi na nakakapagtaka.
Buti nga ay maliit lang. Sana matakpan ito mamaya ng palda ko. Ayaw kong lumaban ng may pasa sa tuhod.
Pagtapos ko magbihis ay pumunta ako ng kusina namin para magprepare ng lunch ko mamaya. Pagtingin ko sa kaldero, sumalubong sa akin ang kanin kagabi. Buti na lang ay hindi pa panis.
No choice si bruha kaya kinuha ko na yun. Hindi na ako pwede mag-inarte pa dahil wala akong kakainin mamaya. Ayaw ko naman manghingi sa kanila, noh? Pagkatapos nun ay tumingin ako sa ref para tignan kung may ulam pa bang natira.
Pagsilip ko dito ay may nakita akong tupperware. Pagtingin ko ito yung adobo na ulam namin kagabi. Kaya kaagad ko na ito kinuha at nilagay sa microwave para initin.
Habang hinihintay ay hinugasan ko ang tumbler ko tsaka ko nilagyan ng mineral water. Sakto naman na tumunog ang bell ng microwave, kaya kinuha ko na ito kaagad. Sa sobrang pagmamadali ko na naman nakalimutan ko na mainit pala ito.
Kaya tamang aray-aray lang ako dito sa sulok. Pagkatapos ko mag-inarte ay kinuha ko na ulit ang tupperware pero may gamit na akong potholder. Kumuha ako ng bag dito na lagayan ng baon at doon ay nilagay ko na yung pagkain ko. Tsaka sinarado ko na ito. Paalis na ako ng kusina nang maalala ko na wala pa pala akong kutsara at tinidor.
Kaya balik na naman ako ng kusina para kumuha nito. Lakad-takbo ang ginawa ko papunta ulit ng kwarto ko para kunin yung gamit. Dahil medyo puno na ang bag ko, siniksik ko na lang yung lunch bag ko.
Kumuha ako ng medyas at nagsuot na ng sapatos. Isinabit na ang aking bag at lumabas na ng bahay. Hawak-hawak ko na ngayon ang cellphone ko. Tiningnan ko kung may messages.
Nanlaki na lang nag mata ko ng makita ko na may 50+ unread messages galing sa mga ka team mates ko. Lagot talaga ako nito kay coach. Hahanda ko na talaga sarili ko na masigawan mamaya.
Dahil wala ngayon si Dad ay walang mag hahatid sa akin ngayon sa school. Usually kasi ay sinasabay ako ni Dad pagpapasok siya ng work, ngunit dahil wala siya ngayon ay kailangan kung mag-commute.
Dahil walking-distance lang naman ang bahay namin palabas ng subdivision ay mabilis lang akong nakaalis. Dito ay nag-aabang ako ng jeep na masasakyan papuntang school.
Mukhang mabait naman ngayon si tadhana dahil hindi ako nagtagal sa paghihintay. Pagdaan ng jeep ay wala na akong pagdadalawang-isip na sumakay dito.
Dito ako umupo sa pinakaharap kung saan ay nasa likod ko ang driver. Syempre bago ako mag histerical dito ay nagbayad na muna ako ng pamasahe. Baka kasi mamaya sa sobrang dami kung iisipin ay makalimutan kong magbayad.
Eh di nag mukhang nag 1,2,3 pa ako. At worse, baka mapahiya pa ako dito sa jeep--- which is pinaka-ayaw ko mangyari noh.
"Bayad po!" Abot ko ng barya sa kaniya.
"Saan ito?" Tanong ng driver sa bente na inabot ko.
"Sa Oxfund Academy lang po! Pakibilisan." Pero hindi ko nilakasan yung last na word na sinabi ko.
Mamaya ay sabihin ni kuya 'demanding' ako. Ako na nga lang nakikisakay tapos galit pa ako. Pag-abot niya sa akin ng sukli ay kaagad ko na ito nilagay sa wallet ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ko sinimulan ang gagawin ko. Pagkatapos ay binuksan ko na agad yung cellphone ko. Para isa-isang basahin ang mga messages nila sa akin.
Dexter:
"Nasan ka na Richi?"
"Hoy! Sumagot ka, hanap ka na ni Sir Jolly."
"Patay ka talaga sa kaniya."
Xander:
"Richi?"
"Saan ka na? Dito na kami."
"Lagot ka, late ka."
"Hoy, wag kang mawawala, lagot tayo niyan."
at marami pa kong ibang nabasa. Meron pa nga ay tinadtad na nila ako ng mention sa group chat namin. Nakailang missed call na din sila sa akin. Ang nakakatawa pa nga ay may mga voice clip message pa silang senend sa akin
Puro sinasabi nila na 'bawal magkulang' 'madidisqualified tayo' 'wag ka na magpapakita kung hindi ka sisipot'. Pero para alam nila na dadating ako ay nagreply ako sa group chat ng "On the way na po me".
Pagkatapos ay tinignan ko din ang mga messages ng mga kaibigan ko sa group-chat namin. Sabi nila ay magkita daw kami sa malapit na store sa school.
Napatingin ako sa paligid para tignan kung nasaan na ba ako. Pero napatampal noo na lang ako nang makita ko na wala pa ako sa kalahati ng biyahe. Sumilip ako sa labas para tignan kung anong meron at ayun na nga, ang napaka-epal na traffic.
"Bakit ngayon pa!!!" Kamot ko sa aking ulo.
Dahil wala naman na akong choice ay kundi ang manatili na lang dito sa loob ng jeep. Nagdadasal na hindi ako iwanan ng service namin. Pero alam ko naman na hindi kami iiwan ng service, dahil hindi pwedeng umalis ang grupo hanggang may kulang na isang nilalang.
After ten minutes ay umurong na din ang sasakyan. Gusto ko nang sabihin sa driver na 'Kuya pakibilisan po! Mamaya ka na tumigil-tigil 'pag nakababa na ako'.
After 123456789 years ay tumigil na naman ang jeep sa hindi ko alam na dahilan. Sa sobrang inip ko ay bumaba na ako ng jeep at nagsimula nang tumakbo ng mablis. Salamat naman dahil hindi na ganun kalayo ang kailangan kong takbuhin.
Nandito na ako sa may store na sinasabi nila. Naghintay ako ng mga 5 minutes bago ko naisipan na ichat sila sa group chat
Richi: Nasaan na kayo mga impakto?
Jeybi: Nasaan ka na ba? Yan ang malaking tanong namin.
Richi: Nandito na ako sa store na sinasabi niyo.
Milanie: Baliw wag ka na maghintay diyan, nandito na kaming lahat hinihintay ka.
Pagkataos ko mabasa yung sinabi ni milanie ay napatakbo na ulit ako papuntang school. Dumiretso na ako sa school grounds kung saan ay may mga nakikita pa akong mga estudyante dito sa baba.
Kaagad ko hinanap sila Jeybi para tanungin kung saan ako sasakay. Nakita ko sila malapit doon sa may unang bus. Kaya kaagad ako pumunta sa kanila.
"Finally, nandito ka na din." Salubong ni Jeybi sa akin.
"Teka? Nakita niyo ba sila Xander? Yung mga ka-group ko?"
"Ahh, oo. Nandoon na sila sa loob ng nitong unang bus." Sagot ni Milanie habang busy sa cellphone niya kakadutdut.
Hindi na ako nagpaalam sa kanila at dire-diretso ako pumasok sa loob ng bus. Hindi ko alam kung sino dito ang mga tao. Pero dahil wala naman na akong pake ay pumasok pa din ako.
Napatigil ako nang makita ko kung sino ang nasa gitna at mukha nagche-check ng attendance.
"MS. VALDEZ!" Medyo may pagkamadiin niyang bangit ng apelyido ko.
"Good morning, Sir Jolly."
mabait si Sir Jollie sa amin lalo na 'pag training. Parang ngang trop- tropa lang ang turingan namin eh. Which is isa sa mga nagustuhan ng mga kasamahan ko at ako na din sympre. Pero may isa lang siyang laging sa amin sinasabi tuwing practice namin--
"Anong oras na? Ms. Valdez?"
Ang malate ka sa senet niyang calltime. Malalaman mo na sobrang galit na siya kapag hindi na first name ang tawag niya sayo at lagi niyang dinidiin ang last name mo.
May mga iilan na akong mga kasamahan ang nasubukan iyon at mukhang isa na din ako sa kanila. Napayuko na lang ako dito habang nakapikit ang aking mata.
"Diba ang sabi ko, 6 AM ang calltime? Anong oras na ba? Iba-iba yung orasan niyo sa bahay niyo or baka nasa ibang planeta yung bahay niyo nakapwesto? Sabihin mo lang sa amin para kami ang mag-adjust para sayo. Nakakahiya naman eh."
"Sorry po sir!" Yan na lang ang lumabas sa aking bibig.
"Walang maganda ngayong umaga!"
Grabe, hiyang-hiya na ako. Sana kainin na lang ako ng lupa ngayon. Sabi ko sa inyo hindi ako sanay ng napapahiya. 'Coz feeling ko naapakan yung ego ko 'pag ganun.
"Umupo ka na sa upuan mo!"
"Salamat po, sir."
Pagkatapos niya ako payagan na umupo ay dumiretso na ako dito sa upuan namin. Nandito kami sa pinakaharapan nakaupo. Dahil dito ko nakita sila Dexter kaya dito ako umupo.
Nasa tatlohan kami ngayon kaya nandito ako sa gitna nilang dalawa ni Xander at Dexter. Ayaw ko naman lumipat sa dalawahan lang dahil hindi ko naman na masyadong ka close yung iba ko pang kasama.
Sila dexter at xander kasi ay mga kaklase ko kaya kakilala ko. Ang iba ko kasing kagroup ay grade 10 at grade 7. Buti nga sila yung ka-group ko eh. Kasi kung hindi, napakalaking adjustment talaga ang gagawin ko.
Hindi naman ako mahiyain pero kasi ayaw ko ng ako yung nagfi-first move. Approachable naman ako sa mga approachable din na mga tao pero maldita din ako sa maldita sa akin. Kaya kung sakaling banggain man nila ako ay sorry, pero hindi nila ko mapapataob.
Pag-upo ko sympre kabila't-kanan ang tanong ng dalawa kong tabi sa akin.
"Bakit ka late?" Tanong ni Xander.
"Oo nga, Richi? Ano bang ginawa mo at nalate ka?" Sunod ni Dexter.
"Diba sinabi ko naman sayo kung anong oras call-time natin ngayon?"
"May nangyari ba kaya ka nalate?"
"Teka! Mamaya niyo na ako tanungin." Pagpapatigil ko sa kanila. "Kita niyo naman itsura ko diba? Mukhang pinagsakluban ng langit at langit. Mag-aayos lang ako. Saglit lang, mahina kalaban eh."
Buti naman ay tumahimik sila. Ako naman ay pinatong ko sa hita ko ang dala kong bag at binuksan ito. Isa-isa kong nilabas para makita ko kung ano ba ang mga pinagkukuha ko kanina.
Pag bukas ko syempre una kong nilabas ang aking pagkain na pakiramdam ko ay nalamog lamog na dahil siniksik ko lang ito dito. Next kung nakita ay yung yellow pad ko dito na nayupi na buti nga ay hindi nabasa ng tumbler ko eh. Nakita ko din na may newspaper akong dala. Syempre journalist ako, kaya kailangan ko ng dyaryo.
Nilabas ko din yung script namin at ballpen. Syempre ang hindi ko pwede maiwan ay ang pouch bag ko. Laman nito ay liptint, pulbo, suklay, panali, at perfume. Kailangan ko ng perfume noh? Syempre kailangan mabago ako palagi.
Alam niyo ba na nakaka dagdag ng confidence kapag mabango ka? At ang last na laman ng bag ko ay isang extra shirt. Incase of emergency, baka alam niyo na.
"Richi, ayusin mo nga yang gamit mo. Ang gulo eh." Reklamo ni Dexter.
"Teka nga! Kaya nga nilabas ko eh kasi aayusin ko. Excited much lang Dexter?"
"Sorry na nga eh!"
Natawa na lang ako kay dexter. Bangag pa ata itong lalaking ito eh. Hindi alam kung anong ginagawa sa buhay niya. Lahat ng gamit ko ay nasa hita ko ngayon. Ang iba ay nasa gilid ko, meron ding nalaglag na sa sahig.
Maayos ko itong nilagay sa bag ko. Una kong nilagay ay yung baunan ko. Sa gilid nito ay nilagay ko naman yung tumbler ko. Sa taas ng baonan ko ay pinatong ko ang colored tee na dala ko, tapos ay pinatong ko dito ang pouch kasunod ng yellow pad, script, at newspaper. Inayos ko na para hindi ito magugusot.
Sa bulsa naman ng bag ko na nasa harapan dito ko nakita yung cellphone ko kasama ang charger, earphone, school ID, wallet, at panyo.
Pagkatapos ko naman ayusin ang bag ko, ang sarili ko naman ang inayos ko. Nilabas ko ulit ang aking pouch kung saan naglalaman ng mga pampaganda ko.
Una ay sinukalayan ko muna ang sarili ko dahil sobrang gulo ito. Medyo nahirapan pa ako dahil yung ibang hibla ng buhok ko ay nagkabuhol-buhol na. Dahil siguro ito sa hangin kanina sa jeep at pagtakbo ko ng napakalayo.
Pagkatapos ko magsuklay ay nilabas ko naman ang powder ko at nagtaktak ako ng kaunti sa palad ko. Gamit ang isa kong kamay ay pinahid ko ito sa mukha ko hanggang sa malagyan ko lahat ng parte ng mukha ko.
Next ay kinuha ko ang liptint ko tsaka naglagay ako sa labi ko. Nakalimutan ko palang sabihin na lagi akong dry lips kaya hindi pwede mawalan ito sa pouch ko. Take note, hindi lang pampaganda ang purpose nito.
At ang pinakalast kong ginawa ay kinuha ko ang perfume tsaka nag-spray ako sa buong katawan ko. Inayos ko din ang uniform ko na medyo nagusot pa at pinagpag ko din ito para mawala yung ibang dumi na dumikit dito.
Dahil sa busy akong ayos ng sarili ko hindi ko namalayan na umaandar na pala ang bus na sinasakyan namin. Sa sobrang pre-occupied ko hindi ko na namamalayan nangyayari sa paligid ko.
Nang matapos ko lahat ng gagawin ko ay nirelax ko na ang sarili ko. As of the moment ay sobrang excited ako. Dahil hindi ko nasabi sa inyo na first timer lang ako tulad ni Eco.
Nakakatuwa nga kasi hindi ko inexpect na makakapasok ako eh. Sa totoo lang talaga, hindi ko naman kasi gusto sumali dito. Sadyang kinukulit lang ako ng mga kaibigan ko na sumali. Ayun, masyadong nagpahulog sa mga bola nila sa akin.
Maganda daw kasi accent ko, na magaling daw ako mag english. Mga ganyang bola. Tsaka naisip ko din na magandang opportunity din kasi ito and why not subukan ko man lang kahit isang beses? If hindi ako palarin, it means hindi para sa akin ito.
Pero ayun nga, kaya ako nandito so ibig sabihin ay para sa akin ito. Once in a lifetime experience lang ito kaya kailangan ko i- treasure ito and make it memorable. Ilang minutes ang lumipas bago kami nakarating sa mismong venue ng event. Bago kami bumaba ay nag announce muna si Sir Jollie
"O-k! Sa lahat ng radio broadcasters, both English and Filipino, please proceed to the court."
Pagkatapos niyang sabihin yun ay isa-isa na kaming bumaba ng bus. Dahil nasa unahan kami nakaupo, syempre kami ang unang bumaba. Pagbaba ko, sumalubong sa akin ang mainit na sikat ng araw, kaya sumilong muna ako dito sa may puno sa gilid.
Pagbaba ng lahat ng kasama ko ay sabay-sabay na kaming pumunta ng court. Pagpasok ko naman ng entrance, nakita na namin kaagad ang court na sinasabi ni Sir.
Kaya pumasok na kami dito and to my surprise, napakadaming tao dito. Galing sa iba't ibang klaseng school. Right now, yung excitement na nararamdaman ko ay napalitan ng kaba.
Habang dahan-dahan kaming naglalakad papunta sa mga monoblocs na naka lagay dito sa gitna ng court ay hindi ko mapigilan na lumibot ng tingin sa mga makakalaban ko. Dumiretso na kami sa mga bakanteng upuan.
Hindi namin alam kung saan ba ang English at Filipino Category kaya umupo na lang muna kami kahit saan. Tsaka tingin ko hindi pa naman start eh, kasi wala pa akong makitang tao sa harap. Kung saan ay mga isang mahabang lamesa na may limang upuan.
Tingin ko ay doon nakapwesto ang mga judges na kikilitis sa amin mamaya. Habang amazed na amazed pa ako dito sa paligid ay biglang may nagsalita sa mic na nagpatingin lahat sa harapan.
"Good morning, broadcasters. Before we start, paghihiwalayin muna natin ang Filipino and English Category." Anunsyo ng gwapong facilitator dito.
"For English category, please proceed to the right side while the FIlipino go to the left side."
Dahil na nasa kaliwa kami pumuwesto ay kailangan naming lumipat sa kabila. Nakita ko din na may mga ibang lumipat din ng pwesto nila. Dahil naglilipatan ay naisipan ko na kailangan namin mauna sa harapan para makita at marinig namin ng malinaw ang lahat ng mangyayari.
Pag-upo namin dito ay may lumapit ulit sa amin na isang facilitator. Nakita ko sa kaniya na siya ang aming facilitator sa English medium samantala yung pogi na lalaking kanina na nagsalita ay sa FIlipino. Gwapo din naman itong si kuya pero mas gwapo yung nasa kabilang category.
May inabot siya sa amin na papel, dahil kami ang nasa unahan, syempre kami ang unang lalapitan.
"Hi! Please write your name and other members of your team then the name of group."
Sabay abot niya sa akin ng isang malinis na long bond paper na may nakasulat ng kung ano ang mga sinabi niya. Dahil ako ang inabutan niya, syempre, ako ang unang nagsulat. Kaya kinuha ko yung ballpen ko sa bag at sinulat ang pangalan ko.
Pinasa ko ito sa mga katabi ko para gawin din nila ang ginawa ko. Sabi kasi ni kuya ay ipasa na lang ito hanggang sa makarating sa pinaka dulo.
Habang nagmumuni-muni ako dito ay may babaeng umakyat sa stage. Kaya yung maingay kanina na court ay nanahimik bigla.
"Good morning to all of you, broadcasters. I'm Eula, your proctor for this whole-day competition."
So siya pala si Mam Eula. Tuloy-tuloy lang siya sa pagsasalita sa harapan. Pinapaliwanag niya kung anong mangyayari sa buong contest. Sabi niya sa amin na magkakaroon lang muna ng kaunting briefing before magproceed sa mismong contest.
"Without further ado, let's start."
Ako naman ay nilabas ko na muna ang aking yellow pad para i-jot-down ang mga sinasabi niya. Dahil first timer nga lang ako ay wala akong alam dito, kaya kailangan kong makinig ng maigi dahil alam kong makakatulong ito sa akin.
Syempre ayaw ko naman na masayang lahat ng prinactice namin ng isang buwan at ayaw ko din umuwi na luha.
Isang oras na ang lumipas nang mag-start, at medyo naboboringan na din ako, at the same time ay nakakaantok na. Samahan mo pa na napakainit dito ngayon sa court. Buti na nga lang ay may mga electric fan na nakapalibot dito sa loob ng court.
Pero hindi ganun kadami, mga anim na malalaking electric fan ang nandito lang sa loob. Tatlo sa amin at tatlo sa kabilang side. Dahil sa boring na yung sinasabi ni mam ay hindi na ako nakinig.
Hindi ko gets kung anong connect ng nutrition month sa broadcasting. Dahil wala na akong nagawa ay umandar na ang pagigingsira-ulo kong tao. Habang bored na nakikinig, ay napansin ko na pinagpapawisan na si Mam Eula.
Medyo may katabaan kasi si Mam kaya nagpapawis siya ng sobra ngayon. Lalo na nasa stage siya at walang electric fan na nakatutok sa kaniya. Kita ko na parang falls ang pawis ni mam na patuloy na lumalabas sa kaniyang katawan.
Samantala ako dito ay natatawa na parang timang. Mukha kasi siyang bagong ligo dahil sa pawis niya. Kahit na medyo malayo siya dito kita ko na bumabakat na yung bra niya dahil sa sobrang basa na nung damit niya.
Kaya tinawag ko sila Dexter para sabihin sa kanila kung ano yung napansin ko kay Mam.
"Dex!!"
"Bakit?" Tanong niya.
"Tignan mo si Mam Eula, pawis na pawis. Sa sobrang pawis niya, bakat na yung bra niya."
Nakita ko na lumingon siya sa stage. "Gagi ka Richi! Oo nga noh! Kadiri naman."
Naki-intriga na din bigla si Xander sa amin. "Bakit, anong meron?"
"Tignan mo si Mam Eula pawis na pawis."
"Baliw ka talaga richi! Syempre, mainit eh." Sagot ni Xander.
"Grabe naman kasi yung pawis niya, parang Pagsanjan Falls."
"Baliw ka talaga Richi! Wag mo na nga pansinin yan. Makinig ka na lang."
Ako naman dito ay tawa nang tawa na parang ewan. Hindi ko alam kung bakit ako natatawa. Siguro natatawa ako kasi pwede na makapuno ng swimming pool yung pawis ni Mam Eula.
Habang tuwang-tuwa ako dito ay may biglang pumasok sa isip ko na kalokohan.
"Guys!" Tawag ko kala Xander at Dexter.
"May naisip na akong bagong pangalan ni Mam Eula,"
"Ano naman yun?" Curios na si Xander.
"Mam Eula-wis." Tsaka humalakhak ako dito. "Short for 'Eula' and 'pawis'."
Pero hindi ganun kalakas, baka mapansin ako dito, bigla pa akong sitahin eh.
"Sira-ulo ka talaga!"
"Ano ba? Ang unique kaya ng bago niyang nickname. Mamaya nga yun yung itatawag ko sa kaniya." Biro ko sa kanila.
"Hoy! Sira, mamaya I-disqualify pa tayo eh. " Babala sa akin ni Dex.
"So from now on, hanggang matapos ang contest, ang tawag na natin sa kaniya ay Mam Eula-wis."
Napailing na lang ang dalawa kong kasama sa mga kalokohan na naisip ko. Sorry na, ganito kasi talaga epekto sa akin kapag boredako or kaya wala akong magawa sa buhay ko.
Mabilis na tumakbo ang oras. 10AM na at natapos na din magpaliwanag si Mam Eulawis. Ngayon ay start na ng paggawa namin ng script para mamayang hapon na laban.
"Now, magsisimula na kayong gumawa ng script niyo para mamayang hapon na laban. Please pass it after lunch."
Dahil sa sinabi niya ay natense na ako bigla. Bibigyan niya lang kami ng mahigit 4 hours para gumawa ng script. Pagkatapos niya magsalita ay bumaba na siya ng stage. Kami naman ay nagusap-usap na ng gagawin namin.
Ang kaninang straight line na ayos na upuan ay ginulo namin. Inayos namin na pabilog ang aming mga upuan para magkakaharap kami. Nakita ko na yung ibang group din ay gumaya sa ayos ng upuan namin.
Tsk! Tsk! Tsk! Mga gaya-gaya, walang originality. Napailing na lang tuloy ako.
So ngayon ay kanya-kanya na kaming gawa ng script namin. Dahil na infomercial ako ay doon ako nag-focus, ang binigay na topic sa amin ay about sa quote na 'Say no to sexual harassment' which is a topic I do not know how to put into words.
Sabi ko nga sa inyo ay wala akong alam dito. Nilabas ko ang aking mga notes kanina habang nagle-lecture si mam. Sabi dito, kailangan ko gumawa ng attention-catching na headline. Kasi ito ang magiging basehan ng buong news na gagawin mo. Kailangan mo pag-isipan ng maigi ito dahil ito ang pinakaunang papansinin sa news mo. Sabi pa dito sa notes ko, kailangan ko ma-summaarize ang buong news na gagawin ko sa pamamagitan ng headline.
So ngayon, ang malaking question mark sa akin ay paano ko gagawin yun. Doon ay naalala ko ang dala kong newspaper binasa ko ang front page kung saan ay nandito nakasulat ang mga iba't-ibang headline.
Dito ay kumuha na din ako ng ideya, baka sakaling may pumasok sa utak ko. Napapatingin ako sa paligid ko para tignan kung ano mga ginagawa ng mga kasama ko. Tulad ko din ay concentrated din sila sa kani- kanilang ginagawa.
Mga ilang oras din ako nag isip bago ko natapos ang infomercial na ginagawa ko. Kaagad ko naman ito pina-check sa mga kasama ko para hingiin yung mga opinion nila sa gawa ko.
Wala namang umangal kaya ni-write ko na lang ulit ito sa isang malinis na papel tsaka ko binigay kay kuya Quiambao, siya kasi ang aming scriptwriter.
Samantala si Xander ang aming anchor. Si dexter at yung dalawang grade 7 naman ang aming news presenters, and si kuya Cyril na 10th grader ang aming technical director at last ako na infomercial.
Ang pinaka-chill lang sa amin ngayon ay si kuya Cyril dahil wala siyang ginagawa ngayon. Dahil tapos na niya gawin yung mga music na gagamitin namin mamaya sa pag bro-broadcast.
Dalawang oras pa ang lumipas at lahat kami ay tapos nasa ginagawa namin, kaya pagkatapos ay naisipan na naming mag-lunch.
Dahil nga may baon ako ay nilabas ko na ito sa aking baunan. Nakita ko din na may mga dalang baon din ang mga kasama ko. Buti naman at hindi ako nag-iisa.
Pagbukas ko ng kanin ay napaurong ako bigla. Sumingaw ang mabahong amoy dito. Kinuha ko ang kutsara ko para tignan kung panis na ba ito. Pagsandok ko ay doon nakita ko na panis na nga talaga, dahil mamasa-masa na ito.
Dahil wala na akong kanin ay binuksan ko na lang ang ulam ko na adobo. Inamoy ko din kung panis na ba ito or hindi pa. Buti hindi naman ay hindi pa kaya ito na lang ang kinain ko.
Madami-dami naman itong pagkain ko kaya nabusog naman ako. Pagkatapos ko ay uminom na ako ng tubig. Nakita ko na tapos na din ang iba ko pang kasama kaya nagpahinga na muna kami dito.
Walang nagtangkang magsalita dahil halata sa kanilang mga mukha ang pagkabusog. Maya-maya ay nakaramdam kami ng init. Kaya tinignan ko ang electric fan. Nagtataka kasi ako kung bakit walang hangin kaming nararamdaman.
Pagtingin ko nakita ko na naka-steady na ito sa likod namin na kagroup at nilalasap ang masarap at malakas na hangin na nanggaling sa electric fan. Ako naman ay biglang nagsalubong ang aking kilay. Lumipat ako ng pwesto malapit sa electric fan.
Pasimple ko itong inurong ng aking paa. I make sure na hindi sila nakatingin kapag inuurong ko. Ilang sipa-sipa lang sa stand nito at charaaan! Nakatapat na ulit sa amin ang electric fan.
Ten minutes after ay biglang tumayo yung isang lalake na ka- group nila at lakas loob na inikot ulit iyon para itapat sa kanila ang electric fan.
Ang kapal naman talaga ng mga mukha nila. Ano? Sila lang tao dito sa court? Ano, sila lang ang naiinitan? Paano naman kami dito? Goshii naiistress ako sa kanila.
Dahil sa sobrang inis ko ay lumapit ako sa may saksakan nito at dahan dahan kong binunot ito. Bumalik na ulit ako sa upuan ko para hindi nila mapansin na ako ang may gawa nun.
Nakita ko na dahan-dahang humina ang ikot ng electric fan at tumigil din ito na nagpawala ng hangin. Ngayon ay nakita ko na pinagpapawisan na din sila. Bagay lang sa kanila yun, at least ngayon damay-damay na 'di ba?
"Hoy! Electric fan naman diyan oh! Ang init eh." Rinig kong reklamo nila.
Hindi nila alam na ako yung nagbunot. Ako naman dito ay natatawa na lang gilid habang pinagmamasdan silang nagpapaypay ng papel.
Dahil siguro sa sobrang init ay pinagbigayan na din kami. Dahil biglang bumuhos ang napakalakas na ulo, kaya kami na nasa gilid ay napa-urong papuntang gitna. Nakalimutan na nga namin hilahin yung extension kaya ayun, nabasa na lang doon.
Exactly 1 PM ay bumalik ulit si Mam Eula-wis sa court. Mukhang busog na busog si Mam. Biglang lumaki yung tiyan niya eh. Dahil siguro sa kabusugan ay hindi na siya umakyat ng stage. Nahirapan ata. Kinuha na niya yung mic sa lamesa at nagsalita.
"Please submit your scripts here."
Si kuya Quiambao na ang nagpasa dahil siya na din kasi ang nagprint ng ginawa namin na script. Pumunta na siya sa harap para ipasa doon. Cheneck na niya kasama ang dalawang facilitator kung may mga hindi pa nagpasa ng script.
Pagkatapos ay nag-announce ulit siya sa mic.
"Because of the obvious bad weather, me and the other judges decided na gagagwin ang contest sa loob na lamang ng classroom at hindi na dito sa stage."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay may mga ilang bulungan akong narinig. Para sa akin ay advantage yun. Kasi kapag nasa room ay kulob, it means, mas ng mas maayos ang boses. Pero syempre ang disadvantage niya ay hindi namin maririnig yung mga kalaban at kung anong mangyayari doon sa loob ng classroom.
Isa-isa na pinatawag ang mga group. Dahil may mga elementary dito ay sila muna ang inuna. Pero hindi naman sila ganun kadami kaya mabilis lang sila natapos. Syempre pagkatapos ng elementary, high school na ang next.
Dahil kanina ay nagbunutan kung sinong mauuna. Guess what kung pang ilan kami? Kundi pangalawa. 'Di ba? ayos. Hindi na lang kami ginawang una eh. Tapos yung nasa likod namin na group sila yung una. 'Di ba, nakakatawa.
Sabi ng facilitator ay dalawa dalawang team ang pupunta sa kabilang building para mabilis. Kaya lumabas na kami dito sa loob ng court at nagtungo na sa building. Hindi naman ganun kalayuan ang building na pinagdalhan sa amin. Dahil dito lang naman sa harap ng court na building kami dinala. Pinaakyat kami ng facilitator sa third floor, pinakadulong room.
Dahil pangalawa kami, syempre nanatili muna kami dito sa labas at pinapasok yung kasama naming team, pagkatapos ay sinarado na ang pinto. Maya-maya ay narinig na namin ang nasa loob.
Dahil sa nakasarado ang mga salamin nito habang may mga harang ay hindi namin alam kung anong nangyayari sa loob. Ang alam lang namin ay nag-start na sila dahil naririnig namin ang mga iba't-ibang boses ng mga estudyante.
5 minutes lang ang exact time ng pag bro-broadcast. Kapag sumobra kayo dito ay may minus ito sa points niyo depende kung gaano kahaba yung time na na-consume niyo.
Dahil infomercial ako ay inabangan ko ang infomercial nila. Sakto na babae din ang gumanap dito. After a minute ay nag-start na ang info. Nanindig balahibo ako nang marinig ko kung gaano kagaling niya na-deliver ang part niya.
"No! Please don't touch me!" Sabay ungol.
Isa sa mga nagpaganda ng kaniyang commercial. Grabe, una pa lang yun pero makatindig-balahibo na agad. Paano pa kaya yung iba pang mga grupo? For sure napakadami pang magagaling at isa na doon si ate girl.
Bago kami pumasok ay nagtanggal muna kami ng kaba dito sa labas. Pinatong-patong namin yung kamay namin at sabay-sabay kaming sumigaw.
"1...2...3......Eula-wis!!!!!"
Tsaka sabay-sabay kaming tumawa. Sana lang ay hindi narinig sa loob nung sinabi namin kasi kung oo, patay tayo niyan. Nasa loob pa naman na si Mam Eula-wis.
Sakto naman ay ang paglabas ng unang grupo. Sumilip yung facilitator at pinapasok na kami para sabihin kami na ang susunod. Pero bago kami pumasok nakita namin yung coach namin na nagmamadaling tumakbo papunta sa amin.
"Saglit!!!!" Kaya napahinto kami bago pumasok.
"Gusto ko lang kayo paalalahanan na panalo na kayo kahit anong mangyari!"
Hindi na nadugtongan ni Sir Jollie-bee yung sasabihin niya nang papasukin na kami sa loob ng facilitator. Hindi allowed ang coach sa loob kaya sa labas na lang nag-stay si Sir.
Pagpasok namin ay nakita namin ang limang judges na nakaupo sa harapan namin kasama na doon si Ms. Eula-wis, nasa pinakadulo nakaupo si Mam. Mukha tuloy silang barbecue, nasa dulo yung taba.
Bago kami mag-start ay pinag-mic test muna para warm-up namin. Syempre ako, nagpasikat na ako.
"Mic test 1..2..3 Mic test 1...2...3." Habang may accent.
Pagkatapos namin makapag-mic test ay doon na nagsimula ang lahat. Itinaas na ng facilitator yung flag, ibig sabihin ay start na ang timer namin. Nagsimula sa isang sfx ang intro namin sabay biglang pumasok si Xander para sa intro.
Smooth ang takbo ng pagbrobroadcast namin. Nang magsimula na kami kanina ay bigla na lang nawala yung kaba ko at napalitan ito ng excitement. Masaya ako nang maayos namin ito matapos. Walang sumobra at wala ring kulang. Saktong-sakto.
Pagtaas ng flag ay hudyat na iyon na tapos na ang aming timer. Pagkatapos nun ay lumabas na kami ng room para bumalik sa court at maghintay ng awarding.
Paglabas namin, nandoon si Sir Jollie-bee, nakasandal sa may railings. Masaya niya kaming sinalubong. Kitang-kita sa kaniyang mukha ang tuwa. Mukhang na-enjoy niya at nagandahan siya sa performance namin.
"Grabe ang gagaling niyong lahat! Para talaga akong nakikinig sa isang radio station. Lalo ka na Xander, bagay na bagay talaga sayo yung anchor, buong-buo ang boses. Tamang-tama talaga ang pagpili ko sayo."
"Nako sir! Salamat po. Syempre, kayo yung coach namin eh." Medyo nahihiyang bola pa ni Xander kay Sir.
Pagkatapos namin magchikahan dito sa hallway, sinabihan na kami ng facilitator na bumulik na muna kami sa court. Sakto naman ay hindi na umuulan. Ambon-ambon na lang.
Dahil matagal pa naman ang awarding ay pumunta na muna kami ng canteen para bumili ng pagkain. Duman muna kami ng court para kunin yung pera namin.
Pagkuha ko ng pera ko ay pumunta na kami sa cafeteria nila. Medyo naligaw pa kami dahil hindi namin kabisado ang pasikot-sikot dito. Nagkandahilo-hilo muna kami bago namin nakita ang canteen nila.
"Nandito ka lang pala."
Pagpasok namin ay sumalubong sa amin ang iba't-ibang estudyante dito. May mga nakita kaming busy kakalamon. May iba naman na mukhang naghahanap lang ng gwapo. Meron din namang nagchichismisan lang.
Dahil pagpasok mo ay sasalubong sayo ang counter ay dito kami kaagad dumiretso. Sumalubong sa akin ang iba't-ibang klaseng pagkain. Bigla tuloy ako naglaway ng wala sa oras. Lalo tuloy akong nagutom ng sobra.
Habang tumitingin ako dito, kita ko na may mga ilang natirang putahe pa dito na pang tanghalian. Tapos the rest ay pang merienda na. Patuloy lang ako sa pamimili ng pagkain hanggang sa mapukaw ng atensyon ko.
"Carbonara!!!!!!""
Bigla tuloy naghugis puso ang aking mga mata sa sobrang tuwa. Favorite ko kasi ito talaga, as in, sobrang-sobra, mga 1000%, ganun ko kamahal ang carbonara. Kaya nang makapili na ako ay kaagad akong pumila para umoorder.
"What's your order, mam?" Tanong sa akin ni kuya standing behind the counter.
Dahil English ang tanong ni kuya, syempre English ko din siya sasagutin noh? Nilagyan ko pa ng accent para medyo maarte. Pake niyo ba? Minsan lang ito eh.
"Ahmm, one order please of carbonara. How much is it?"
"25 pesos, mam."
Tsaka humugot na ako ng 50 peso bill sa aking wallet at inabot ito kay kuya para magbayad. Pagkatapos niya akong suklian ay inabot na niya sa akin ang inorder ko na carbonara.
Pero bigla kong napatas ang isang kilay ko ng makita ko kung anong itsura ng carbonara na binili ko. Nakalagay ito sa maliit na paper cup habang may tinidor dito.
Ang mahal ng carbonara nila tapos isang subuan lang ang sinerve nila sa akin? Anong klaseng carbonara ito? Ginto? Dahil wala naman na kong magagawa ay kinain ko na lang ito.
Muntik na ako masuka nang malasahan ko ito. Sobrang tuyo at lasang hindi pa totally luto. Goshi! Naistress ako bigla, at the same time, nasusuka ako. Kaya ayun, ang ending hindi ko na inubos kasi ang pangit ng lasa. Nagsayang lang tuloy ako ng 25 pesos. Kung biscuit na lang sana binili, busog pa sana ako.
Dahil nawalan na ako ng gana ay inaya ko na lang ulit sila na bumalik na sa court. Pagbalik namin dito sakto naman na pumasok na yung limang judges kasama si Mam Eula-wis na nasa dulo pa din. Natatawa pa din talaga ako tuwing naalala ko na mukha talaga silang barbecue.
Maya-maya ay umakyat na si Mam Eula-wis sa stage at nagsalita na sa mic.
"Please settle down, broadcasters!" Pagpapatahimik niya sa loob ng court.
Ang lahat ng estudyante ay nandito na nakaupo, bumalik kami sa pwesto namin kanina. Sakto naman na dumating si Sir Jollie-bee.
"We will now start the awarding ceremony."
Ito na ang pinakahinihintay kong part ng contest: ang malaman kung sino ang nanalo. I'm a little bit nervous, but si Lord na bahala. Masaya na ako na makarating dito at ma-experience ito.
Pagkatapos namin mag-perform, na-realize ko na this is not just about the competition, kung gaano ka kagaling or ka-perfect. This is a lesson to learn. Dahil you are the chosen one, ika nga nga nila. I'm blessed to be here to compete and this is just a one of the more memorable days to come in my life.
Nag-focus na ako ngayon sa may stage kung saan nandoon na din yung apat pang mga judges kasama ang facilitator na may mga hawak na medal at certificate.
Una na nilang ia-announce ay sa elementary. Top 5 lang ang mananalong group then iilang mga minor awards. Tulad ng 'Best Anchor','Best News Presenter','Best in Infomercial' 'Best in Script', 'Best in Technical', etc.
After ng minors, syempre sunod na ang major. Sunod-sunod ang tawag ni mam Eulawis sa mga pangalan ng nanalo. Samantala ako, ito, nakaupo sa isang tabi at tense na tense.
Next na kami, ang high school, tulad ng elem ay inuna muna ang mga minor awards.
"For our Best Anchor goes to Xander Bag-ao from Oxfund Academy!"
Nang marinig ko na sabihin ni Mam Eula ay bigla akong napatingin kay Xander at ako itong tuwang-tuwa para sa kaniya. Sa sobrang tuwa ko pa ay nagtatalon pa ako dito na parang timang.
Nakita ko si Xander na dahan-dahang umakyat sa stage kasama ang coach namin na si Sir. Inabutan ng medal si Sir at isinabit ito kay Xander tsaka nagpapicture habang hawak ang certificate niya.
Pagkatapos nun ay bumaba na sila ng stage at bumalik dito.
"Wow!!! Xander, congrats! I'm so proud of you!" Hindi-ako-makapaniwalang-bati sa kaniya.
Dahil sa masyado akong pakilamera ay lumapit ako kay Xander para tingnan ang suot niyang medal. At ako itong amaze na amaze na parang first-time ko lang makakita ng medal.
Ginto ito at may nakaukit na pangalan ng school na pinaglabanan namin. Kinuha ko din ang certificate niya para basahin ang nakasulat. Malaking naka-bold sa gitna ang Best Anchor. Pagkatapos ay binalik ko na ulit ito sa kaniya. Baka magusot ko pa eh.
Next ay nag-announce na for the top 5 winners as team.
"For our 5th placer goes to Olshore International School!"
Pagka-announce ng pangalan ng school ay bigla kaming may narinig na sigawan sa likod. Mukhang sila ang nanalo. Kaagad silang tumakbo paakyat ng stage at isa-isang inawardan.
"For our 4th placer goes to Oxfund Academy!"
Omygash! It that real? Narinig kong in-announce ni Mam Eula-wis ang pangalan ng school namin. Kami lang naman ata ang may ganung pangalan dito 'di ba? Medyo nag-buffer pa ako bago nagsink-in sa utak ko na kami nga 'yon.
Sa sobrang tuwa ko ay napalupasay na lang ako sa sahig. Hindi ko inintindi kung sino man ang tao sa paligid ko. Basta ang mahalaga sa akin ay nanalo kami.
"Richi, tara na!" Napabalik ulit ako sa ulirat ko nang tawagin ko ni Dexter.
Tsaka sabay-sabay kaming umakyat ng stage. Ang pakiramdam ko ngayon ay sobrang overwhelmed. Parang anytime gusto kong halikan isa-isa yung mga judges dito.
Pagkatapos maisuot ang medalya at sertipiko sa amin ay masaya kaming bumaba. Pagbaba namin habang naglalakad kami ay tinitingnan ko pa din ang medal at certificate na hawak ko.
Totoo ba talaga ito?
'Yan na lang ang naitanong ko sa sarili ko. Nagpatuloy ang awarding hanggang sa matapos ito. Pagkatapos ay kaagad kami ulit umakyat ng stage para magpapicture. Pose dito, pose doon.
I want to capture every single moment of my life. Wala akong pake kung mafull-storage ang cellphone ko basta mahalaga, may remembrance ako na itatago.
After ko makaget-over ay kaagad kong minessage ang Daddy ko para sabihin sa kaniya na nanalo kami.
"Hi Daddy I just want to let you know that nanalo po kami ngayon sa contest, 4th placer out of 30 groups na sumali sa contest!"
After nun ay pinindot ko ang send button tsaka ko na ulit tinago ang cellphone ko.
After a minute, biglang nag vibrate ito sa bulsa ko kaya tinignan ko kung anong meron. Nakita ko na nagmessage si Daddy sa akin kaya kaagad ko ito binasa.
Napahagulgol na lang ako ng mabasa ko ang message niya sa akin. Hindi ko inexpect na ganito ang magiging response niya sa akin. Kilala ko si Dad, hindi siya sweet na tao. Kaya kapag nagiging sweet siya, tulad ngayon ay naiiyak talaga ako ng sobra.
After ko mabasa yung message niya ay binulsa ko na ulit ang phone ko at kinuha ko yung panyo ko sa bulsa para punasan na ang mga mata ko. After nun ay sabay-sabay na kami lumabas ng teammates ko ng court para umuwi.
Ready na ako ulit humilata sa malambot naming kama at magpahinga. Bago ako tuluyang makalabas ay napahinto ulit ako sa gate ng court at napalingon sa court, para alalahanin ang lahat ng nangyari sa loob ng court na ito.
"I will not cry because its over, I will smile because its happened."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro