
Bullet 20
The views and opinions expressed by the author do not reflect any situation. Ano mang pagkakatulad nito ay hindi sinasadya at nag kataon lamang. This story is based on the imagination of the author
PLAGIARISM IS A CRIME
Pag pasensyahan niyo na kung may mga typo sa chapter na ito bangag na si author nang matapos ko ito.
Eco's POV
"Eco,"
Bigla na lang siya nawalan ng malay. Nilapag ko siya ng dahan-dahan sa sahig para tingnan kung ayos lang ba siya. Wala akong alam sa meds or first aid, kaya hindi ko alam ang gagawin ko.
Paglapag ko sa kaniya ay tumingin ako sa paligid para tignan kung may pwede ba akong magamit dito or kahit ano na makakatulong sa akin. Sakto naman na may nakita akong plywood. Kaagad ko ito pinaypay sa paligid para mawala ang makapal na usok.
Hindi ko alam kung saan ito nanggaling dahil na din sa madilim. Ang tangi ko lang kayang gawin ay itaboy ito. Mabuti naman ay nakiayon din sa akin ang kalikasan. Dahil humangin ng napakalakas at natanggal unti-unti ang makapal na usok.
Pagkatapos ay binalikan ko muli si Cae para tignan ang kaniyang lagay. Hinawakan ko ang kaniya leeg para tignan kung may pulso pa siya. And thank God, meron pa.
Gamit ang hawak kung plywood ay pinaypayan ko siya para mahanginan.
"Cae!" Yugyog ko sa kaniya.
"Cae, gumising ka! Nandito ako!" Pagtawag ko sa kaniya.
Naramdam ko na bigla niyang ginalaw ang kaniyang kamay. Dahan-dahan niya itong inihawak sa aking mga braso ngayon dahil nakapatong ang kaniyang katawan sa aking katawan habang nakaupo ako sa sahig.
"Cae, ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Sabihin mo lang."
"Hm-mm."
Hindi ko na alam ang gagagwin ko. Kapag nagtagal pa kami dito ay baka mawalan na siya ng hangin or worse, baka mamatay pa siya dito. Bakit ba kasi ito nangyayari? Humingi na akong ng tulong.
"TULONG!!!! TULUNGAN NIYO KAMI!!!"
Malakas na sigaw ko alam ko hindi ganun kalaki ang chance na may makakarinig sa amin ngayon- unless may guard na nagiikot. Tama yung guard.
"GUARD TULONG!!!"
Panigurado ako na nag-iikot na ang guard. Malakas naman ang boses ko kaya for sure maririnig niya ako kahit na nasa kabilang building pa siya. Tsaka tahimik naman na sa paligid kaya mag e-echo ang boses ko.
"TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI!!"
Hindi ko na kayang sumigaw. Dahil baka maubusan ako ng boses and besides na nunuyo na din ang aking labi. Nauuhaw na ako. Kailangan ko ng tubig.
Hindi ko pwedeng iwan dito si Cae dahil delikado, baka mamaya ay bumalik pa yung may gawa nito sa kaniya. Kaso, wala naman akong magawa dahil wala akong alam para matulungan siya.
Habang nag-iisip ng kung anong pwedeng gawin ay may biglang gumulong na isang tubo ng bakal. Kinuha ko ito para gumawa ng ingay. Pinukpok ko ito sa katabing sirang bakal na upuan.
Patuloy lang ang isa kong kamay sa pagpukpok sa upuan habang ang isa ay hawak-hawak ko ang kaniyang katawan para suportahan. Sinamahan ko na din ng pagdadasal. Habang tumatagal ay nanghihina na din ako.
Bago ako mapapikit ay may narinig akong mga yabag na papunta sa pwesto namin. Doon nakita ko ang isang lalaki.
Paggising ko, nakita ko ang sarili ko sa isang malambot na kama. Bigla tuloy ako nataranta ng maalala ko ulit kanina kung anong nangyari sa akin. Nilibot ko ang aking mata. Baka mamaya ay nasa clinic pa din ako at panaginip lang ang lahat ng nangyari.
Pagbangon ko, nakita ko na may mga kurtina sa paligid ko. Hindi ko makita kung anong meron sa labas. Pero kaagad akong nakahinga nang may biglang pumasok na nurse. Totoong nasa ospital nga ako at hindi ito panaginip.
"Miss," Tawag ko sa kaniya.
"Yes po sir?"
"Nasaan po yung kasama kong babae?"
"Nasa kabilang kama lang, nagpapahinga tulad mo."
"Kumusta po siya?"
"Stable naman siya. Buti na lang ay wala siyang matinding sinapit."
"Sige po, salamat."
Pagkatapos niya kong i-check ay umalis na siya. Tinignan ko ang sarili ko kung may masakit ba sa akin. Sa sobrang pag-aalala ko sa iba nakalimutan ko ng alalahanin yung sarili ko.
Wala namang masakit sa akin. Maliban na lamang ang aking likod. Dahil siguro ito sa pagkalaglag ko kanina. Teka! Sino yung lalaking nakita ko kanina? Siya ba yung tumulong sa amin.
Hindi ko kasi nakita ang kaniyang itsura dahil ng mga oras na yun ay nahihilo na ako at medyo hindi na ayos ang aking paningin. Bago ko pa maituloy ang aking pag isip sa lalaking tumulong sa amin ay pumasok si Mam C.
"Eco, gising ka na sabi ng nurse?"
"Opo, Mam."
"Kumusta ka na? May masakit ba sayo? Sabihin mo lang para mapatingnan natin sa doktor."
"Ayus na po ako, wag na po kayong mag-alala."
"Eco, may tanong ako sayo," Biglang sumeryoso si Mam.
"Ano po iyon, Mam?" Medyo kinabahan ako sa inaasta ni Mam.
Nalaman na ba nila na sinira ko lahat ng kumot at sapin ng clinic? Baka may nakakita sa akin na tumalon ako sa second floor ng building gamit ang bed sheet. Nakita na ba nila yung mga ginamit ko na tinapon ko sa garbage bag.
Anong gagawin ko? Suspended ba ako ng isang linggo? Or dahil hindi pag-aari iyon ng Oxfund ay baka mas malaki pa ang damage na nagawa ko? Expelled na ba ako? Hindi na ba ako makakapag-aral buong buhay ko dahil nakablacklist na sa lahat ng school ang pangalan ko?.
Hindi pwede! Madami pa akong gustong gawin. May mga pangarap pa ko sa buhay. Kailangan ko pang bilhin ng malaking bahay ang mga magulang ko. Kailangan ko pa mapagtapos ang mga kapatid ko.
"Mam, kung ang tinutukoy niyo po ay yung mga ginamit ko na kumot at---" Napatigil ako sa sinabi ni Mam.
"Gusto kong itanong kung anong nangyari sa inyo ni Cae."
Napatingin ako kay Mam sa tanong niya. Napa-blink ako ng dalawang beses para sure ako na hindi ako nag ha-hallucinate dito.
"Po? Ano po ulit yung tanong niyo?" Medyo nabingi ako sa part na yun.
"Ang tanong ko, bakit kayo napunta sa abandoned building ni Cae? At tsaka ano ba yung sinasabi mong kumot?" Medyo naguguluhang tanong ni mam "May ginawa ka bang hindi ko alam, Eco?"
"P-po!" Umiling-iling ako "Wala po, Mam. Ano po, ahmm, yung sa amin ni Cae po yung tinutukoy ko." Pagdadahilan ko.
"Ano po kasi, kailangan ko po ng kumot dahil nilalamig po ako ngayon. Tama! Kailangan ko ng kumot." Tsaka ko hinila ang kumot sa aking bewang at tinaas ito.
"Okay, so balik tayo doon sa tanong ko sayo kanina."
Napatigil ako saglit para alalahanin ang lahat ng nangyari. "Galing po akong CR nun. Tapos po, habang pabalik po ako may naririnig po akong humihingi ng tulong."
Kwenento ko sa kaniya ang mga nangyari sa amin ni Cae. Maliban na lamang yung nangyari sa akin. Ayaw ko malaman ni Mam ang nangyari sa akin. Buhay naman ako at walang galos kaya mabuting sa akin na lang muna.
Tsaka ko na ikwekwento kapag lumipas na o kaya ay nakalimutan na ng tadhana. Delikado pa ngayon dahil madami pang nangyayari.
Pagkatapos ko sa kaniya ikwento ang lahat ng nangyari kahit siya ay hindi makapaniwala sa sinabi ko. Kahit ako din naman, hindi ako makapaniwala na mangyayari sa amin yun.
Siguro ganun talaga pag first-timer ka, after ng saya, may lungkot na kapalit. Masyadong mapanakit si tadhana eh.
"Teka? May tanong ako, Eco."
"Yes po, Mam?"
"Ang sabi mo ay may narinig kang sumigaw, kaya pumunta ka doon sa abandonadong building. Ang tanong ko, paano mo narinig yung ganon kalayo?"
Bigla akong pinagpawisan. "Ahmm, ano po kasi, Mam---"
Kailangan ko ulit makapag isip ng bagong alibi. Hindi ko pwede ikwento sa kaniya na may nagtangka din sa buhay ko dahil hindi ko alam ang pwedeng mangyari. Natatakot ako.
"Eco? Eco?"
"Ahm Mam, medyo sumasakit na po yung ulo ko." Tsaka hinawakan ko ang aking ulo at kunwari ay sumasakit ito.
"Ahh ganun ba? Sige, mag pahinga ka na muna."
Pag katapos nun ay humiga na muli ako at pumikit na, pero hindi totally na pikit. Hinintay ko na muna umalis si mam bago ko ulit idilat ang aking mata at umupo muli sa kama.
Pag alis niya ay huminga ako ng malalim para ilabas ang tensyong nararamdaman ko.
"Haist!"
Dahil malakas naman na ako at sabi din ng nurse kanina ay pwede na ako umalis dito kahit anong oras, tumayo ako at naisipan kong puntahan si Cae sa kabilang kama. Dahan-dahan ako tumayo at tsaka sinuot ko ang sapatos ko na nasa tabi lang ng kama.
Pagkatapos ay sumilip muna ako sa labas para tignan kung may teacher ba na nakabantay o kaya kakilala ko. Nang wala naman ako napansin ay lumabas na ako tsaka pumunta sa kabilang kama.
Sinilip ko muna ito kung ito ba talaga ang kama ni Cae. Baka kasi mamaya pagpasok ko ibang tao ito. Eh di napahiya pa ako. Hindi ko naman kasi alam kung saan tinutukoy ng nurse na kabila eh. Malay ko bang kung nasa left ba siya or right?
Sabi ko nga, mabuti ng naninigurado. Pagsilip ko, nakita ko ang isang babaeng nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog. Nang masigurado ko na si Cae nga ito ay dahan-dahan ako pumasok sa loob at umupo sa monobloc na nasa tabi nito.
Pag-upo ko ay humarap ako sa kaniya para makita ko ang kaniyang itsura. Matagal kong pinagmasdan ang kaniyang napakagandang mukha. Nakakainis, bakit ganun? Kahit na tulog siya ang ganda niya pa rin? Mas lalo pa nga siyang gumaganda eh.
Nakita ko na siya nasa ganitong position dati. Nung nasa bahay nila kami at inatake siya ng kaniyang phobia. Habang tumatagal, mas paganda siya nang paganda.
Habang dahan-dahan ko siyang pinagmamasdan ay may biglang pumasok sa loob ng kurtina. Kaya mabilis ako umupo at lumihis ng tingin. Paglingon ko, doon ko lang nalaman na si Jacob pala ito habang may dala dalang paper bag.
"Hi! Bro, gising ka na pala?"
Humarap ako sa kaniya para hindi naman mukhang bastos "Hi! Oo, kanina lang."
"Kumusta ka na? Maayos na ba ang pakiramdaman mo?"
"Oo, wala naman akong masyadong tinamo. Teka! May tanong nga pala ako," Nakalimutan ko kasi itanong kay Mam C.
Tutal, nandito din naman siya. Baka sakaling alam niyang kung anong nangyari. Dahil nandito siya, ibig sabihin ay may alam siya.
"Ano ba yun?"
"Alam mo ba kung sino nakakita sa amin sa abandonandong building?"
"Ah! Ako yung tumulong sa inyo makaalis doon."
Teka, siya? Ano naman ang ginagawa niya doon? Teka, baka kasabwat siya nung babaeng nagpadapa sa akin? Para hindi siya mapagkamalaman na kasabwat ay kailangan niyang umakto na sa amin siya.
Hindi! Ano ba itong inisip ko. May sira na ba ako sa utak? Bakit ko naman paghihinalaan ang taong tumulong sa amin para ma-rescue?
"Hello, Eco! O-k ka lang ba?"
Bumalik ako sa katinuan ko nang tawagin niya ako. "Ahh! Oo, ayos lang ako. May iniisip lang"
"Ako naman ay may tanong sa iyo, Eco."
"Spill it."
"Anong ginagawa mo sa lumang building at bakit kayo magkasama ni Cae?"
"Nako Its a long story, baka hindi mo gugustohin na marinig iyon. Kahit nga ako ay hindi ko gustong marinig ang sarili kong kwento."
"It's o-k, I'm ready to listen."
"Ahmm sige---"
Naputol ang pag sasalita ko nang makita namin na dahan-dahang gumalaw si Cae.
"Cae!"
"Cae!" Nakita ko na biglang lumapit kaagad si Jacob sa kaniya para tingnan siya.
"Ayos ka lang ba?"
Haist, kunwari concern pero hindi naman talaga. Pa-cool kid, hindi naman bagay. Ako naman, ito, naka-upo habang pinapanood si Jacob na makipag-flirt kay Cae. Akala mo kung sinong walang girlfriend eh.
Tsk! Tsk! Babaero si papi Jacob. Nako, maling gawain yan. Dahil medyo sumasakit na ang mata ko sa panonood sa kanila ay umeksena na ako.
"Cae! Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Hinawakan ko ang kaniyang mukha para kunwari tignan kung may sugat ba siya.
"Ayos lang ako, Eco."
Maya-maya ay bigla siyang nanghingi ng makakain. Sakto naman ay may nakita ako dito sa taas ng lamesa na pagkain. Hindi ko alam kung kanino galing ito pero kinuha ko na lang. Hindi ako papatalo sa kaniya.
Siya naman ay humugot sa loob ng paper bag at doon ay nilabas niya ang bottled juice. Sabay namin inabot iyon sa kaniya. Nakita ko na nagdalawang isip pa si Cae kung anong kukunin niya. Natuwa ako nang bigla niyang kinuha ang tubig na hawak ko.
Yes! masaya kong sigaw sa loob ko.
Pero kaagad din iyong putol nang bigla niya ring kunin ang juice na hawak ni Jacob. Hindi ko inexpect na gagawin niya yun. O-k lang, atleast yung sa akin yung una niyang kinuha at binuksan.
Pagkatapos naman ng maiinom ay biglang nag-offer ng pagkain si Jacob. Ako naman ay kaagad kung nilingon ang lamesa kung saan may mga pagkain. Nakita ko na puro junk food lang ang nandito.
Sino ba bumili nito? Bakit naman junk foods yun binili niya? Kung sino man bumili nito naiinis ako sa kaniya.
Dahil doon ay natalo ako, mas inuna kunin ni Cae yung mamon na hawak ni Jacob kaysa akin. Yun din ang una niyang kinain samantala yung akin ay tinabi niya lang sa kaniya. Sabi niya pa ay busog na 'daw' siya kaya mamaya na lang niya kakainin iyon.
O-k lang, hindi naman masakit. Pagkatapos niya uminom ay may nakita akong natirang pagkain sa kaniyang bibig kaya kaaagad ako humanap ng pamunas. Kinapa ko muna ang aking bulsa pero doon ko lang na realize na nasa bag ko pa lang yung mga gamit ko.
Humarap ulit ako sa lamesa para tignan kung may tissue ba dito. Buti naman ay meron, kaya inabot ko kaagad ito kay Cae. Nakita ko na nag-abot din si Jacob ng panyo.
Dito natin malalaman kung sino ba ang nagwagi sa contest na ito. Parang bumagal ang ikot ng mundo. Ang lahat ay naka-abang sa kung ano ang kukunin ni Cae.
Medyo nangangalay na ako dito. Hindi ako sanay sa ganito katagal na lagay. Naramdaman ko ang tensyon sa loob na apat na sulok ng kwartong ito. Nakikita ko din si Jacob na kinakabahan kung anong kukunin ni Cae na pamunas.
Parehas kami na dissapoint ni Jacob nang wala siyang kinuha ni isa sa mga inalok namin.
"Thank you!"
Samantala si Jacob ay ibinalik na lang ang kaniyang panyo sa kaniyang bulsa. Ang akin naman ay ibinalik ko na lang ulit sa taas ng lamesa.
Napatingin kaming tatlo nang may biglang naghawi ng kurtina at kaagad pumasok doon sa Mam C. Bigla tuloy nanlaki ang mata ko.
"Teka nga Eco, kala ko ba nagpapahinga ka? Anong ginagawa mo dito?"
"Ahmm, ano mam, nag-CR lang ako tas naisipan ko na silipin si Cae kung ayos lang ba siya." Pagdadahilan ko na naman. "Actually, pabalik na po ako ngayon sa kama ko bye!"
Mabilis akong lumabas ng kurtina at pumunta sa kama ko. Pero napatigil ako ng makita ko ang mama ko na nandito.
"Eco!" Tawag niya sa akin.
Kaagad siyang lumapit sa akin at mahigpit ako niyakap. "Eco, anong nangyari sayo?"
"Ma, wag ka nang mag-alala, ayos lang po ako. Buhay pa ako oh?"
Nakita ko na may mga butil ng luha sa kaniyang mata. "Ano ba? Wag ka nga magsalita ng ganiyan."
"Shhh! Wag ka na umiyak, Ma." Pagpapatahan ko sa kaniya habang hinihimas ko ang kaniyang likod.
"Eh kasi naman ikaw eh, pinag-alala mo kami. Kung hindi pa tumawag ang teacher mo sa bahay, hindi ko pa malalaman!"
"O-k na ako, Ma! Don't worry, malakas ito noh?" Tas pagpapakita ko kunwari ng muscle ko. "Sino kasama mo po ngayon?"
"Ako lang, wala ang papa mo ngayon dahil nasa trabaho siya, kaya kahit na gabi na ay pumunta talaga ako dito sa ospital."
"Eh ang mga kapatid ko?"
"Iniwan ko muna sila sa kuya mo. Tulog na din naman sila"
Pagkatapos nun ay pinuntahan ni mama ang teacher ko para kausapin siya tungkol sa nangyari na aksidente sa school.
"Anak, nakausap ko na ang teacher mo,"
"Anong sabi niya?"
"Kausapin ko na lang ang nurse mo kung pwede ka na umuwi."
Sinamahan ko na si mama papuntang nursing station at doon ay tinanong niya kung pwede na ba ako maka-uwi. Buti naman ay pinayagan na ako ng nurse na umuwi kaya pagkatapos pa ng iba pang mga tanong ay lumabas na kami ng emergency room.
Ngayon ko lang napansin na ang pinagdalan pala sa amin na ospital ay dito din dinala si mama. Kaya pala hindi na nakakapag taka kung bakit nakapunta siya dito. Akala ko naman kasi ay bumayahe pa siya ng malayo para makarating lang dito.
Medyo nag-aalala din ako kay Mama, dahil hindi pa siya masyadong magaling. Baka mamaya ay bigla siyang atakihin sa puso. Mahirap na.
Paglabas namin ay sumakay na kami ng jeep para umuwi. Dahil masyado na ding gabi ay iilan na lang ang mga tao sa jeep. Habang nandito kami sa jeep ay nagkwento ako sa kaniya about sa contest.
"Ma, alam mo ba na nanalo ako?"
Nakita ko ang tuwa sa kaniyang mukha. "Hala! Talaga ba anak? Grabe nakakaproud!!"
"Opo Ma, 3rd place po ako out of 50 students na nakalaban ko."
"Wow! Ang galing galing mo talaga, anak."
"Ma, meron pa."
"Ano yun anak?"
"Next po ay magcocompete po ako sa RSPC."
"Teka? Ano naman yun anak? Ibang contest ba yun?"
Pinaliwanag ko sa kaniya. "Hindi Ma, tungkol pa din ito sa journalism pero mas malaking event na po.Tapos alam mo po ba Ma, nakakatuwa kasi yung judge namin kanina nag-offer siya sa akin na maging coach ko para sa contest?" Pagpatuloy ko ng kwento.
"Eh ano anak? Tinanggap mo ba?"
Medyo nalungkot ako nang maalala ko yung nangyari. "Yun na nga eh, nasa coach namin ngayon yung desisyon. Pag iisipan niya pa."
"O-k lang yan anak, tiwala lang!"
Pagkatapos nun ay nagkwento pa ako nang nagkwento sa kaniya about sa mga nangyari, kung paano ako nag hanap ng mga subject ko, yung mga nakaaaway ko, yung mga pambabash ng judge sa mga photos ko, as in lahat, wala akong kinalimutan kahit ang mga pinakamaliit na detalye.
Kaso ang hindi ko lang nasabi sa kaniya ay yung about sa aksidente. Yung muntik kong ikamatay. Alam ko na stress ngayon si Mama kaya hindi ko na muna sinabi iyon, dadagdagan pa.
Napuno ng tawanan ang buong biyahe namin. Hindi na nga namin namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin, sa sobrang enjoy namin.
Pagpasok ko ay kaagad akong dumiretso sa kwarto at kumuha ng damit para maligo. Masyadong mahaba ang araw na ito, kaya kailangan ko muna mag-relax kahit papaano.
Pagkatapos ko kumuha ng gamit ay dumiretso ako sa CR at doon ay mabilis kong binuksan ang faucet ng shower namin. Hinayaan ko balutin ng malamig na tubig ang aking katawan. Nanatili ako dito ng mga ilang minuto bago ko napagdesisyunan na magsabon na.
Pagkatapos ko magbanlaw ay pinunasan ko ang sarili ko at nagbihis, tsaka lumabas ng CR at dumiretso na sa aking kwarto.
Pagdating ko dito ay umupo ako sa malambot ko na kama. Pinunasan ko ang aking buhok para patuyuin. Nang matuyo na ang aking buhok ay kaagad akong humiga sa kama.
Hinayaan kong damhin ng malambot na kama na ito ang aking pagod na katawan hanggang sa balutin na ako ng antok at tuluyan nang makatulog.
"Goodnight!"
Linggo ngayon, kaya ibig sabihin ay wala akong gagawin. Dahil mahimbing ang tulog ko kagabi ay hindi ko namalayan ang oras. Paglabas ko ng kwarto ay may mga nakahandang agahan.
Kaagad akong lumapit dito para tignan kung sino ang naghanda. Pagtingin ko, nakita ko si Mama na naghuhugas ng plato. Mukhang tapos na silang kumain.
"Good morning! Gising ka na pala. Kumain ka na diyan, pinagluto kita ng agahan."
"Good morning, Ma! Nag-abala pa po kayo. Dapat ginising niyo na lang ako. Sana ako na lang po ang nagluto. Pinapagod mo na naman sarili mo eh."
"Ano ka ba! Alam ko naman na pagod ka kahapon, tsaka wag kang masyadong O.A. anak, nagluto lang naman ako eh. Nako! Tama na yang dada at kumain ka na diyan." Tsaka pinagpatuloy na niya ang paghuhugas niya.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mama ay kumain na ako. Medyo napadami ako ng kain dahil hindi na ako nakapag hapunan kagabi. Dulot na din ng pagod ay nakalimutan ko na din.
Pagkatapos ko kumain ay niligpit ko na ang aking pinagkainan at hinugasan ito sa lababo. Pagkatapos ay pumunta ako ng sala para manood ng T.V.. Dahil wala naman akong gagawin ngayon ay ibig sabihin, free-time ko ito.
Habang nanonood ako ay naalala ko yung mga gamit ko.
"Ma, may tanong ako,"
"Ano yun?"
"Alam niyo po ba kung nasaan yung gamit ko na dala kahapon?"
"Ahh, oo nga pala!Nakalimutan ko sabihin sayo. Nasa school, doon iniwan ng mga kaibigan mo, sabi sa akin ng teacher mo."
"Ganun po ba? Sige, kukunin ko po ngayon."
Pinatay ko na ang tv tsaka dumiretso ako sa kwarto para kumuha ng maayos na damit. Nag-toothbrush na muna ako bago umalis.
Nagpaalam na ako kay Mama na aalis na ako. Ngayon ay on the way na ako sa school. Medyo hindi ako sanay ngayon dahil wala yung cellphone at earphone ko.
Alam niyo naman na nasanay ako na laging may tugtog sa tenga kapag umaalis ako ng bahay. Dahil hindi ako sanay ng ganito ay binilisan ko na lang ang lakad ko papuntang school.
Pagdating ko dito ay sarado dahil nga Linggo. For sure ay walang mga teacher sa loob. Kailangan ko makuha yung gamit ko ngayon dahil bukas pag pumasok ako ay wala akong bag at yung ibang gamit ko ay nandoon pa sa bag ko na iyon. Hindi naman pwedeng hindi ako pumasok bukas.
Lumapit ako sa pintuan para tignan kung may guard ba dito na nakabantay. Baka sakaling alam niya kung saan iniwan ang gamit ko. Buti naman ay may guard dito kasi kung wala ay kailangan ko pa maghintay-- which is ayaw ko dahil mainit dito sa labas at mausok dulot ng mga sasakyan na dumadaan.
"Hi! Good morning po, kuya guard." Bigla siyang lumingon sa pwesto ko.
"Ano iyon, hijo?" Nakangiti niyang bati.
Mukha namang mabait si kuya. Hindi tulad ng ibang guard, 'pag may pasok, mga akala mo may-ari ng school kung manaway eh.
"Magpapaalam lang po sana ako, kung pwede po bang pumasok sa school. May kukunin lang po kasi ako sa office."
"Ay naku hijo, hindi pwede eh. Weekends ngayon kaya walang mga teacher ngayon dito"
"Ano po kasi, kukunin ko lang po yung bag ko na naiwan po kahapon."
Tumalikod sa akin si kuya guard at mukhang may kukunin ata. Pagharap niya ay may hawak hawak na siya na bag.
"Ahh, ito ba yung hinahanap mo?" Sabay pakita niya sa akin ng brown na backpack.
"Opo, kuya. Dito po pala nila iniwan. Akala ko po kasi sa office."
"Iniwan lang sa akin ng teacher yan kahapon eh. Mukhang kakagaling lang nilang contest."
"Ahh, ganun po ba? Sige po, maraming salamat po." Tsaka umalis na ako doon.
Bago ako umalis ay huminto muna ako dito sa may waiting shed para kunin ang payong ko sa bag, dahil mainit na din naman. Sa bahay ko na lang I-checheck ang gamit ko kung sakali mang may nawala, pero sana lang ay wala kasi kung meron, lagot ako kay Mama.
Galit na galit pa naman yun lalo na pag may nawawala kang bagay at galing ka sa labas. Naalalala ko one time umuulan tapos hindi ko mahanap yung payong ko kaya hiniram ko muna yung payong niya.
Pumunta ako ng store para bumili ng pagkain. Tapos pagkatapos ko magbayad ay lumabas na ako. Hindi ko na napansin yung payong na iniwan ko sa labas dahil tumila na din kasi ang ulan.
Pag-uwi ko, doon ko lang narealize kung ano yung naiwan ko kaya agad akong bumalik sa store para tignan kung nandoon pa ba yung payong na hiniram ko. Pero sad to say, wala na kahit anino ng payong ang natira.
Pag uwi ko, sinabi ko sa kaniya yung nangyari. Alam niyo ba kung anong ginawa niya? Ayun, pinagalitan niya ako ng sobra-sobra. Dahil isa pa naman yun sa pinakamamahal niyang payong. And take note, hindi niya pa yun nagagamit until ngayon. Ako pa lang ang unang gumamit nun, tapos nawala ko pa.
Pagdating ko ng bahay ay nakita ko si mama na nakaupo sa sala habang nanonood ng T.V.. Sinara ko na ang payong ko tsaka hinubad ang aking sandals at pumasok sa bahay.
"Oh Eco, nandito ka na pala." Pagbibigay-atensyon sa akin ni Mama. "Ano, nakuha mo ba yung bag mo? May nawala ba?"
'Di ba? Sabi sa inyo eh. Yan yung una niyang itatanong kung may nawawala ba sa gamit. Sana lang talaga walang nawala. Lalo na yung baunan ko na tupperware.
Umupo ako sa tabi niya at doon ay isa isa ko nilabas ang mga gamit ko. Binuksan ko ang aking bag. Syempre bumungad kaagad sa akin yung medal at certificate ko. Iningatan ko talaga na hindi magusot yung certificate dahil sayang naman kung masisira.
Kaagad ko itong ipinakita kay Mama at tuwang-tuwa naman siyang makita na may bago na naman akong maidadagdag sa collection.
"Ma, ito yung medal na napanalunan ko." Tsaka ko inabot sa kaniya para makita niya.
"Wow! Anak, ang laki namang gintong medalya ito?"
"Syempre naman, noh! Para sa akin kasi talaga yan eh."
"Pwede ba natin ito isangla?" Biro niya sa akin.
"Parang ewan naman nito ni Mama eh."
"Ito, hindi mabiro eh. Ang ganda kasi anak, nakinang-kinang pa. Mukhang bagong gawa lang."
Binalik na niya sa akin ang medal. Ako naman ay tumayo muna para isabit ito sa aking kwarto kung saan nandoon pa ang ilang mga medal ko. Memorable sa akin ito dahil ito ang unang medal ko na nakuha sa contest ngayong high school.
Pero ang pinaka kauna-unahan ko na contest medal ay nung grade 6 ako. This contest is very very unexpected. It was called Chamber Theater, about sa acting, tsaka ko na siya ikukwento sa inyo.
Pumunta naman ako sa aking drawer para kunin ang file case ko at doon ilagay ang aking certificate. Pagkatapos ay binalik ko na ulit ito sa loob at sinarado.
Lumabas na ulit ako ng kwarto para bumalik sa sala para ligpitin na ang aking mga gamit. Kumpleto naman lahat ng gamit ko, buti na lang ay wala akong nawala kahit isa. Nakahinga tuloy ako ng maluwag.
"Ano anak, may nawala ba?"
"Wala po, Ma. Kung ano yung dinala ko kahapon, yun pa din yung nasa loob ng bag ko ngayon."
"Buti naman. Kasi kung may nawala ka na naman, nako malilintikan ka na ulit sa akin."
Kinuha ko na yung tupperware at tumbler ko tsaka dinala ko na ito sa lababo para hugasan. Next naman ay kinuha ko na ang mga gamit kong damit tulad ng uniform at dinala ito sa labahan. Kailangan ko ito labhan ngayon dahil wala na kong extra uniform. Wala akong gagamitin bukas pagpasok.
Next ay kinuha ko ang cellphone ko para i-charge sa kwarto, dahil lowbatt na pala ito. Dala ang aking bag ay dire-diretso ko nilapag ito sa kama.
Kinuha ko yung mga gamit ko na nasa study table ko at isa-isa ko inayos ito sa aking bag.
Mabilis lumipas ang oras at hindi ko namalayan na gabi na pala, kaya pagkatapos ko maghugas ng plato ay nagpahinga na ako. Maaga pa ako magigising bukas.
Nandito na ako ngayon sa school, paakyat ng hagdanan. Syempre maaga na naman ako pumasok dahil ayaw ko ma-late. Lalo na ngayon, kailangan ko maghabol dahil mahigit isang buwan din akong hindi pumasok sa afternoon class ko.
Pagdating ko ng room, nadatnan ko ang mga kaibigan ko na nandito na. Mukhang yung iba sa kanila ay kakarating lang dahil nagbababa pa sila ng bag, kaya kaagad akong lumapit sa kanila.
"Eco!!!!" Tawag sa akin ni Jeybingot.
"Napakaingay naman nito ni bansot." Reklamo ko.
"Goshii, nandito ka na Eco! O-k ka lang ba? Anong nangyari sayo nung Sabado?" alalang-alalang tanong ni Richi.
"Nako, wag niyo na akong alalahanin, buhay pa naman ako oh. Nandito pa nga ako?"
Napansin ko ang ibang mga kaklase ko na nasa labas pa sila ng room. Tumunog na kasi yung bell pero hindi pa sila pumapasok, ang nakakapagtaka ay wala pa yung first subject teacher namin. Eh hindi pa naman nalalate si Mam C pag-umaga, lalo na sa amin.
"Gueneth!" Tawag ko sa kaniya. Busy siya ngayon sa pagdradrawing nang hindi ko alam kung anong ginagawa niya.
"Bakit? Kailangan mo?"
"Bakit wala pa si Mam C?"
"Aba, malay ko sa kaniya. Wag ka nga magulo, busy ako eh." Init ng ulo niya, aga-aga eh?
"Clauds!" Tawag ko naman kay Claudette.
Bumangon siya galing sa pagkakahiga niya sa armchair. Tulog na naman itong president namin.
"Bakit?"
"Wala ba tayong klase?"
"Ahmm, ang alam ko kasi hindi, wala tayong klase ngayong umaga eh."
Napalingon tuloy yung iba kong mga kaibigan sa sinabi ni Clauds. Eh 'di kung ganun, wala pala kaming gagawing ngayon araw! Nice! Nagdala pa ako ng gamit.
"Teka! Bakit naman?" Tanong ni Milanie habang hawak-hawak ang cellphone niya.
"Ang alam ko kasi magpre-prepare yung mga teacher mamayang hapon para sa party eh."
"Party? Para saan naman yung party?" Tanong ni Sarah na halata sa mukha niya ang malaking question mark.
"Ewan ko, yun lang naman ang alam ko eh. Oh sige na, tutulog na ulit ako." Tsaka yumuko na ulit siya.
"Eh 'di, wala pala tayong gagawin buong araw kundi tumunganga?" Tanong ni Jeybi na nakakusot ang mukha.
"Pwede naman atang lumabas diba ng room?" Tanong ko.
"Oo naman, bakit naman?" Sagot ni Richi.
"Tara! Labas tayo, may naisip akong gagawin natin. Pero syempre sasama kayong lahat."
Tumayo na ako ngayon sa upuan at hinila na sila. Wala na silang palag kasi damay-damay na ito.
"Ayy,y napaka-epal talaga Eco!" Namali tuloy yung drawing ng mata ni Guenenth.
"Teka! Saan naman tayo pupunta?" Tanong ni Clauds.
"Basta, sumunod na lang kayo."
Hinila ko sila para dalhin sa playground, ang aming tambayan.
"Oh, ano naman gagawin natin dito?" Bagot na tanong ni Milanie.
"Magkukwentuhan." Simpleng sagot ko.
"Eh 'di sana sa room na lang tayo nag usap, hindi yung hinila mo pa kami dito." Reklamo ni Sarah.
Wala na silang choice kundi ang umupo na lang dito sa grass sa sahig, dahil for sure ay tinatamad na sila bumalik sa room. Pinili ko din dito para walang masyadong distraction. Unlike 'pag nasa room ka, napaka-gulo ng mga nilalang doon, kaya mas mabuti nang nandito at least, payapa and mahangin pa.
"So, ano naman pagkwekwentohan natin?" Tanong ni Jeybi.
"Yung journalism experience niyo nung Sabado."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro